Chapter 1


A/N If you don't like stories with swear words please discontinue. Mas mabuti nang wag niyo nalang basahin kesa di kayo mag enjoy. Anyways, let's continue with the storyyy(≧∇≦)/

~6 Years later~

Xabrina's POV

I was just 12 years old when my mom passed away. And today I'm celebrating my 18th birthday in...the training room! The fvcking training room! Instead of a beautiful long lucious gown, I'm wearing a fitted leather training suit and instead of a party, I'll be punching and kicking lifeless training dummies.

Hindi ko nga alam kung naalala pa ng magaling kong tatay na birthday ko ngayon eh -__-# I just shrugged off the fact na hindi nako babalik sa normal kong buhay 6 years ago.

Sa loob ng anim na taon andami nang nagbago. Sinimulan akong I-train ng tatay ko na makipag laban. Humawak ng baril,kutsilyo o kung ano mang bagay na nakakapatay. If I could define those years I would say it was HORRIBLE! Dahil doon nasira ang childhood ko.

Kinalimutan ko lahat ng gawi ko noong bata ako. Yung Xabrina na mahilig sa shopping, dress-up at pagkukunwaring tinkerbell ay wala na. Simula noong namatay si mama ay binitawan ko na lahat ng bagay na nagpapaalala sakin tungkol sa kanya dahil tuwing naiisip ko ang mga bagay na yun ay bumabalik yung mahinang ako.

Now, I controll death with my hands. My knives, stained with red and my heart seeking revenge.

I was punching the punching bag alangan kick diba? Kaya nga punching bag Tawag eh. I did my last punch and then the speakers turned on at narinig kong nagsalita si Madame Jerphyll. Ang Secretary ni Dad. "Agent 01, The master wants you to report to the office now" Sabi niya. See? They don't even call me by my name psshh.. I just fixed myself and sprinted to 'the master's' office.

I saw my dad sitting on his swivel chair. With his hands together. I get chills when I see him. Sino ba naman kasing hindi matatakot kung mata palang ng kausap mo pamatay na. Jusq help me Lord

umangat ang tingin niya sakin at nagsalita "Good to see you here. X-xabrina" He stuttered when he said my name. Kumbaga hindi siya sanay na tawagin ako gamit ang tunay kong pangalan. I bowed my head slightly

"Why did you call me here sir?" I don't even mind calling him dad anymore. Nakasanayan ko na kasi na ganyan ang tawag sa kanya. Kahit magkapamilya kami ay formality pa. Ang sad diba? Parang lovelife mo rin. Sad awww

"Hindi man halata pero alam ko na 18th birthday ngayon. And I think it's the right time to tell you this." Sabi niya sakin. Ano na naman kayng sasabihin niya?

"Since you're in the right age already. It's time for you to get ready in being the ruler of this agency you are my heiress"

Heiress..

Heiress..

Heiress..

Those words kept echoing in my head. Fvck! I'm not ready yet! I don't want any weight on my shoulder kaya kumontra nako agad.

"But dad, I don't remember signing up for this. I let you train me but to make me rule all of X ROUGE?! Baka nakakali--" I was cut of when the door suddenly swung open at lumabas doon si ang ate kong si Xairyll but I call her Xai.

"So dad, you forgot about me AGAIN?" she said putting emphasis on the word 'again'
Yun nga sana ang sasabihin ko kay dad na may ate pako at siya dapat ang heiress.

"Oo nga dad. Shouldn't it be Xairyll? She's the eldest" I said

"I know she's the eldest but isn't it obvious na mas lamang ka sa kanya Xab? I wouldn't accept an heiress that's second best" straight to the point na pagkakasabi ni dad. And I saw ate's hand forming into a fist. Sh*t mamaya suntukin ako neto. Eh kung ikukumpara mo ang pagka amazona niya sakin ay malamang lamang siya.

"B-but I'm doing my best! Bak--"

"And it seems that your best isn't good enough" pagputol ni dad sa sasabihin ni ate. Sa tingin ko ay hindi na kinaya ni ate kaya tinignan niya ako at si dad ng nanlilisik na mata at tuluyang lumabas ng silid.

Even if me and my sister are not on good terms at the moment. Nag-aalala parin ako sa kanya. Sadya kasing harsh tong si dad. Straight to the point lagi. He says what's on his mind and he doesn't have any regrets afterwards. That adds to his fear factor. Nakatingin lang ako sa pader nang biglang umubo si dad para makuha ang atensyon ko. I looked at him straight in the eye.

"Back to what I was saying, you need to undergo challenges to be the next owner of this agency. I'm sure you're aware of our rival agency, right?" he asked. Well ofcourse I know. It's none other than the Dark Asses-- I mean Aces. Dark Aces. Those bastards were the one's that killed my mother. Everytime I hear their name,my blood boils. They took my mother away and they will pay for it.

"You're talking about the Dark Aces. Right?"

"Yes,them. Your mission is to spy on them. Find their weakness and make sure to destroy it" he threw a folder in front of me and I opened it

Dark Aces
Leader: Athena Cage
Highest rank
Age: 48 yrs. Old

Family members known to be alive: 01
Son: Axel Cage

So she's the Leader of The Aces? I looked at the attatched photo. It was a girl that was silghtly wrinkly. It was hardly noticable. Green eyes with brown shoulder lenght hair. I tried looking for the picture of his son pero walang nakalagay.

"Sir? Don't we have pictures of her son? Maybe I can use him but I need to find out who he is"

"Yun ang problema natin, walang nakuhang litrato ang resources natin. Naisip namin na talagang itinago ni Athena ang anak niya dahil alam niyang magagamit ito ng mga kalabang agency. She's quite smart if I say so myself" sabi ni dad. Mukhang kilala niya talaga itong si Athena Cage. I guess it's up to me to find out who that fvckin Axel is.

~at Dark Aces base~

Axel's POV

"grabe ang pogi mo talaga"
"Wala kang katumbas man"
"Damn you gorgeous human being"
Sambit ko sa sarili ko habang nakatapat sa salamin. Oh? Ibaba niyo na 'yang mga nakataas niyong kilay. Talagang gwapo ako noh ;) Napalingon ako sa pinto nang may narinig akong kumatok. Binuksan ko ito at sinalubong ang best friend kong si Jackson Lei. Pogi siya pero siyempre mas pogi ako

"Bro, tinitignan mo na naman ba sarili mo sa salamin? kung ako sayo titigil-tigilan ko na'yan. Nakakasira ng katinuan yan eh" sabi niya sakin.

"Talagang nakakasira ng katinuan ang kaguwapuhan ko bro lahat nga ng babaeng nakakasalubong ko nababaliw eh" sabi ko sabay kindat sa kanya

"G*go! Sagot ko na pampa rehab mo brad nabubuang ka na" balik niya sakin na mukhang nandiri pa dahil sinabi kong pogi ako. Bakit totoo naman diba?

"Bakit ka ba kasi napadpad dito? miss mo nako?" wag mo sabihing nababakla siya dahil sakin? Masyado naman ata akong gwapo nun

"Pinapatawag ka ng nanay mo ugok!" sabi niya sakin. Sh*t!

"Bakit ngayon mo lang sinabi?!" galit na tanong ko sakanya. At imbis na tulungan ako aba tumawa nalang siya

"psshh ako sisisihin mo eh ikaw nga 'tong inuuna ang kahanginan kesa sa sasabihin ko"

Diko na siya pinansin at tumakbo na papuntang office ni mom. Habang dumadaan ako sa hallway ay nakikita ko yung mga babaeng nakatitig sakin at mukhang mga kinikilig pa. Hays! Iba talaga kapag gwapo ka masyado kang pinagkakaguluhan (҂⌣̀_⌣́)

Pumasok nako sa office ni mom at nakita siyang nakaharap sa bintana. Magsasalita na sana ako nang naunahan niya ako

"You know son? I've been trying to keep this agency running ever since your father died. I gave it my all to train the best of the best. I've shed Blood, sweat and tears (A/N well..;) ) para lang dalhin ang agency na ito sa taas. pero pakiramdam ko ay hindi narin naman ako magtatagal sa pamumuno" sabi ni mama in her usual cold and high authority voice.

"At alam mo ba--"

"hindi pa po ma-" sabi ko kay mama na agad naman niyang pinutol

"Son, be serious. This is an important matter" serious naman ako ah! Tsaka matter? Hala diko naman alam na science ang aaralin ko ngayon

"Ay ma! Alam ko yan! Solid, Liquid at Gas yun! Makaka alis na po bako?" her left eyebrow raised but she remained her serious look

"Sometimes I wonder kung bakit ikaw ang number 1 agent. I even wonder if you're really my son to be honest" Mom said at nag pout nalang ako while she laughed. Ganito talaga kaming dalawa ni mama kapag walang ibang tao.

Ang swerte ko nga hindi siya sobrang strict pagdating sa mga ganito eh. Si mama ang nagsilbing best friend ko simula noong nawala si papa.

Sabi nila pinatay siya pero walang may alam ng tunay na detalye sa nangyari sa kanya. Kumbaga parang bula lang siyang naglaho. Tinignan ko ulit si mama na nag aayos ng ibang files. Humarap siya sakin at nagsalita ulit

"As you know, ikaw ang nag iisa kong anak. At balang araw ikaw ang magmamana ng lahat ng pinaghirapan ko. You're outstanding in the field of hand to hand combat, Karate, close and long range target shooting and many more. You've won countless battles and--"

"Pogi ako, nakalimutan mo ata sabihin ma hehe" tinignan niya ako ng masama at nagpatuloy sa sinasabi niya

"And I think it's time for you to take care of this agency. At ikaw lang naman ang nag-iisa kong anak. Wala nang magmamana nito kung hindi ikaw. From now on you will learn everything about The Dark Aces especially it's enemies. But mostly our number one competitor, X ROUGE." Sabi ni mom.

The ROUGEs bothered me for years now. napaka misteryoso nila but yet their agency is one of the most successful agencies yet.

The money they make each minute is larger than ours by 5%. It's not that big pero malaki ding kawalan ito sa agency namin.

"Your performance these past few months made me proud son. So as a reward I'll let you have a little celebration with your friends. Oh, But don't forget to use your stage name. Never put your agency at risk"

"Ok mom. Thanks! Ganda talaga ng nanay ko" pambobola ko sa kanya she smirked and said

"I know" and turned back to read her files. Lumabas nako para yayain si Jackson at si Blade. Ewan ko nga bakit naging kaibigan ko yung dalawang yun eh mukha lang silang mga hardinero ko

"Ano?! Sa gwapo kong toh naging hardinero ako? Paki explain nga bakit napaka poging hardinero ko naman" sabi ni Jackson. Pano naman nila narinig yon? Ngayon ko lang namalayan na nasa harap nila ako at masyadong napalakas ang pagsabi Ko

"Ok lang na hardinero atleast drop dead gorgeous" sabi ni Blade

"Tss kaya pala mukha kang patay" sabi ko at natawa nalang kami ni Jackson habang si Blade ay nakatingin ng masama saming dalawa.

"Mga gago tara na nga! diba may celebration pa? Dun tayo sa maraming chickababes ah" sabi ni Blade at binatukan naman siya ni Jackson.

"Puro ka chicks Sanchez! Nakakabawas pogi points kaya yun. Gayahin mo nalang ako. Pogi na, stick to one pa" proud kong sabi sa kanila

"Ulol, wala ka naman lovelife" ani Blade. Puta.

~meanwhile at the bar~
Napagisipan namin na sa bar nalang pumunta dahil nga sa suhestyon netong si ugok (Blade) manchi chiks daw kase. Sa totoo lang ayaw ko sa mga lugar na ganito. Marami kasing mga malalanding babae na hindi umaabot sa standards ko. Oh wag kayo, kahit pogi ako di ako chickboy, choosy kaya ako ;)

Pumasok na kami sa bar at dumiretso sa VIP room. Mukhang matinding gabi toh ah. Pumunta na kami sa counter para umorder ng drinks.

"1 bottle of Vodka for me" sabi ni Blade "I'm good with champagne. Anong sayo Axel?" tanong sakin ni Jackson. To be honest wala akong gana uminom ngayon. Gusto ko sana Tom's world kaya lang dito ako dinala nung dalawa ╥﹏╥

"Tubig lang bro, di bagay sa kaguwapuhan ko ang malasing" sabi ko

"Ang weak mo naman Pre! Bahala ka nga diyan. Mag eenjoy nalang kami netong si Jackson" banat ni Blade. Umupo nalang ako sa gilid at tumingin sa paligid. Napahinto ako ng may nakita akong isang babaeng naka itim na hood. Nasa isang sulok lang din siya at nagmamatyag. Binaba niya ang hood niya. Dahil dun nakita ko ang mukha niya. Bumilis ang tibok ng puso ko. Paksyet. Ngayon lang nangyari sakin toh. Bakit parang gusto ko siyang lapitan bigla?

She has beautiful hazel brown eyes, pinkish lips, dirty blonde hair that goes well with her eyes. Damn, she was gorgeous. She looked my way at bigla nalang akong nataranta. napalunok ako at naramdaman ang namumuong pawis sa noo ko. Grabe, ngayon lang nangyari sakin 'to. What's wrong with you Axel Cage?

We stared at each other for a good 5 seconds then she put her hood back and ran off. Nakita ko na naiwan niya yung panyo niya kaya hinabol ko siya.

~Xabrina's POV~

I was at the bar to begin my spying. Nandito ako dahil isa ang bar na ito sa mga sikat na meeting place ng mga mafia's and Spy Agencies. It's quite exclusive here but I have the budget.

Umupo ako sa isang sulok upang maghanap ng mga kahinahinalang galaw.

Habang nakatingin sa isang business man ay nakaramdam ako bigla ng pagkailang. Parang may nakatingin sakin. Based on my peripheral vision, I saw a guy with maroonish hair. Dark brown eyes and has a well built body.

My deduction skills say that he's a guy that is probably close to his 20s. Is right handed based on where he held the glass of water and is 6 feet tall.

he was handsome If I were to be ho--aray fvck! May kumagat na langgam sa may batok ko? Peste tss. Ibinaba ko ang hood ko para matanggal ung langgam. Nakita ko namang napatitig lalo si boylet sakin. I looked at him for almost a good 5 seconds nang biglang tumunog ang ear peice ko.

"Dagger, get out of there now" sabi ni Jerphyll

"What for?"

"Inexamine ko ang CCTV footage at mayroon akong nakitang pigura ng dalawang lalaki. Mukhang may drug deal na nangyayari doon"

"Copy that, send me the coordinance."

~(°~°)~

Dumiretso nako at tumakbo sa lugar na tinuro sakin

Napagisipan kong maglakad palayo dahil baka naka alis na ang drug dealer dito.

I took a step back and suddenly,I felt an arm lock my neck. He pulled out a knife and pointed it at my neck. Slowly exerting pressure on the knife.

"Don't move a muscle, or else I'll kill you"

"Then go f*cking do it then" I told him with a smirk. Mas lalo naman niyang diniinan ang kutsilyo sa leeg ko

"At talagang sumasagot ka pa ha?!"

"Oh puhlease, it was just plain mockery. Don't be such a cry baby"

Tutuluyan na sana niya 'ko pero sinipa ko siya 'down there' dahilan para mapa urong siya. Susugurin niya sana ako kaya inunahan ko na siya at sinuntok. Hinubad ko ang isa kong heels at itinutok ito sa kanya.

The great thing about this is I get to wear stylish heels that transform into guns.

"You should have killed me when you had the chance" ikinasa ko ang baril at itinutok muli sa kanya. Pipindutin ko na sana ang trigger nang may naramdaman akong sakit sa tagiliran ko.

(A/N you can find Xabrina's shoes in the media section sa may taas. And yes, it's a pistol)

Napahawak ako sa tagiliran ko at nakitang may itim na kutsilyo na nababalutan ng dugo ko

Hindi siya isang regular the kutsilyo dahil para bang may lason ang kutsilyong ito. Napaluhod ako habang nakahawak pa din sa tagiliran ko. Hanggang sa bumigat ang mga mata ko at onti onting sinalubong ang kadiliman.

~Axel's POV~

Tumatakbo parin ako habang hawak hawak ang panyo nung babae na nakita ko kanina. Nakita ko siya na lumiko sa isang madilim na eskinita kaya dun din ako lumiko.

nagulat ako sa nakita ko. Shet, ampogi naman. Ay ako pala yun

Patuloy akong naglakad nang biglang napahinto ako dahil sa nakita ko. May isang babaeng nakahandusay sa sahig habang nasa tagiliran ang mga kamay. So siyempre super hero ci acoe, linapitan ko siya.

Hindi ko maayadong maaninag ang mukha niya pero alam kong siya yung babaeng nasa bar kanina. Wala siyang malay.

I picked her up bridal style para madala ko siya sa pinakamalapit na ospital. Tinignan ko ang katawan niya kung ano ang problema at nakitang may nakatusok na kutsilyo sa tagiliran niya. Kakaiba...

hinigit ko ng dahan-dahan ang kutsilyo at muntik ko nang mabitawan ito dahil sa pagkagulat

Sa kutsilyong ito, may nakaukit na isang puso na may kutsilyong nakatuhog.

Halos mapatalon ako sa nakita. Bakit naman nila sasaktan ang babaeng 'to? Anong meron sa kanya at pati siya ay binalak nilang patayin?

Sino ka ba talaga?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top