CHAPTER 4
Fiennes
Nagising ako kinaumagahan dahil sa door bell. Fuck, nag eenjoy pa akong kayakap si Liezel tapos may storbo?
Inis akong tumayo at inayos muna ang kumot ni Liezel bago ako lumabas ng kwarto at bumaba sa sala para buksan ang pinto,
Si Isaac ang napag buksan ko ng pinto kaya agad na kumunot ang noo ko sa kanya.
"Hindi naka-lock ang pinto ko Isaac. Ang aga mo mambulabog" Sabi ko at umalis na doon at sumunod naman siya sa akin papasok sa bahay,
"Gusto lang kita bwesetin weirdo, and oh bra" Nilingon ko siya at nilahad niya sa akin ang itim na bra.
Fuck, ang bra ni Liezel! Agad ko namang kinuha kay Isaac ang bra at tumalikod na,
"I see, nadali mo kaagad. I thowt you hayte doctors?" Inis akong humarap kay Isaac at kinuha ang plastic na bulaklak sa vase tsaka ko binato sa kanya,
"Huwag ka mag English, para kang tanga" Natawa lang siya kaya iniwan ko na sa sala, alam kong nambulabog lang yan ng maaga kasi mag luluto na naman ng breakfast yan dito sa bahay.
May sarili naman siyang bahay pero dito sa bahay ko nag kakalat.
Pag pasok ko sa kwarto ay sakto namang nagising si Liezel at pinilit tumayo kaya mabilis akong lumapit sa kanya,
"Aww punyeta ang sakit" Ngumiwi ako sa pag mumura niya, kababaeng tao palamura. Nawawalang kamag-anak yata to ni Shaina.
"Stop cussing" Tumalim lang ang tingin niya sa akin kaya tumahimik agad ako.
"Punyeta, punyeta, punyeta punyeta!" Huminga nalang ako ng malalim dahil sa katigasan ng ulo niya. Pasalamat siya pinainom ko ng pangontra sa Z beer.
"Huwag sabi mag mumura, let's go. You want to take a shower?" Hinawakan ko siya sa mag kabilang bewang niya at ang kamay naman niya ay nasa braso ko para kumuha ng suporta sa pag tayo.
"Kasalanan mo 'to eh, kasalanan ng p*nis mo!" Natawa nalang ako sa kanya kata nakatanggap ako ng sabunot sa ulo at may naisip naman akong tukso sa kanya
"Ohhh Fiennes ohh more" Malakas akong natawa kasi sobrang pula ng mukha niya at mas lumakas ang sabunot niya sa akin.
"Gusto mo talagang nasa-sabunotan punyeta ka" Inalalayan ko nalang siyang mag lakad papunta sa banyo pero bigla siyang tumigil ng nasa pinto na kami,
"What is it?" Tumingin siya sa akin na may malambing na ngiti kaya tumaas ang kilay ko sa ginawa niya,
"Hindi ko kasi kayang linisan ang sarili ko, total ikaw naman ang may gawa nito paligoan mo ako" I can't believe this girl. Bossy and sweet? I guess? the fuck Fiennes. Shut it up!
"Tsk, let's go"
Liezel
Nakangiti ako habang nakaupo sa kama ni Fiennes, sinusuklayan niya ang buhok ko tapos naka kunot pa ang noo niya. Nakakatawa tuloy ang itsura niya.
"Are you making fun of me?" Ngumuso ako at ngumiti lang din tsaka ko siya hinarap at ginamit ang malambing kong tingin at ngiti.
"I'm hungry" Mas lalong kumunot ang noo niya kaya pinanlakihan ko siya ng mata,
"Hoy alalahanin mong punyeta ka na ikaw ang may gawa nito. Hirap akong mag lakad dahil sa punyeta mo–" Natigil nalang ako sa pag talak sa kanya dahil bigla niya akong hinalikan sa labi ko
"There, silence. Come on mine" Kumurap ako ng ilang beses at nag kunwaring umubo tsaka niya ako binuhat.
Suot ko ang T-shirt niya at boxer dahil wala naman akong damit, kasalanan niya din kaya wala akong damit so mag tiis siya
Dinala niya ako sa kusina at medyo malayo pa lang kami ay amoy ko na ang fried rice, hotdog, egg and bacon. Yum! bigla akong natakam.
Nang malapit na kami ay may nakita akong lalaki na nakaupo sa mesa habang nakatulala kaya kumunot ang noo ko,
"Isaac, you're acting weird" Pinaupo ako ni Fiennes sa kaharap na upoan ng lalaking tulala kanina at nataohan naman agad siya,
"Nathyn. Come on lot's eat breaykfayst. And oh, Aym weird since birthday" Umismid ako sa English niya. Seriously? Nakapag aral ba 'to? Saang kweba to nanggaling?
"Pasalamat ka talaga at may bisita tayo. Iyang bibig mo, pigilan mo mag english. Nakakahiya ka talaga" Natawa lang ang lalaking nag ngangalang Isaac kaya nag simula na kaming kumain, maya maya pa ay may naalala ako kaya humarap ako kay Fiennes
"Can I borrow your phone for a while please?" Binaba niya ang tinidor at kutsara niya tsaka kinuha ang phone sa bulsa at binigay sa akin.
Tinanggap ko naman at nag dial ng number bago ako humarap sa kanila,
"Excuse me, may kakausapin lang" Ngumiti lang si Isaac at hindi naman nakinig si Fiennes,
"Yes hello? I'm Dra. Liezel Pereira's secretary, how may I help you?" So formal of her,
"Ako ito, gusto ko ang sabihin na mag papahinga ako ngayong araw. Pag may emergency ay tawagan mo agad ako okay? pero kung hindi naman masyadong emergency ay i'text mo nalang sa akin para makapag schedule ako ng check up" Sabi ko habang nakatingin kay Fiennes na walang pakialam at kumakain pa rin,
"Opo Dra. Have a good day po" Pinatay ko na ang tawag at kumain na ulit ako.
----
Nakasakay ako ngayon sa kotse ni Fiennes dahil ihahatid niya ako sa bahay, wala pa ri'ng salita na lumalabas sa bibig niya maliban nalang kung mag tatanong ako ay puro maiikli lang ang isasagot niya at paranf ayaw akong kausapin.
Parang nasaktan tuloy ako, parang may masakit sa puso ko na nakakalungkot na ewan. Sa ginagawa niyang hindi pagka-usap sakin, feeling ko nag sisi siya sa nangyari kaya ayaw na niyang pag usapan pa.
Hanggang sa nakarating na kami sa labas ng gate ko ay wala pa ri'ng salita kaya nainis na talaga ako at hindi ko na mapigilang mag salita,
"Kung nag sisi ka sa nangyari kagabi. Pwede mo namang sabihin. Hindi iyong tatahimik ka nalang na parang walang nangyari, huwag ka nalang mag pakita sa akin" Binuksan ko ang pinto ng kotse niya at pinilit na tumayo kahit masakit ang pagkababae ko, nag lakad ako papasok sa gate at pabagsak na sinarado iyon tsaka ako pumasok sa bahay.
Punyeta, bakit niya pa ginawa kung ayaw naman pala? Pare-pareho talaga ang mga lalaki. Pag nakuha na ang gusto ay mang-iiwan nalang basta basta. Mga walang puso ang punyeta.
Mas lalong nadagdagan ang pagkapunyeta ng utak ko dahil sa narinig kong door bell. Mabilis akong nag lakad palabas ng bahay at inis na binuksan ang gate
"Ano?!" Ngayon ko lang narealize na si Casil pala ang nasa labas kaya kinalma ako sarili ko.
"Pwede ba mag usap tayo?" Tinaas ko ang isang kamay ko para bigyan siya ng signal na mag salita na pero umiling lang siya,
"Gusto kong makipag usap sayo ng pormal. Punta tayong restaurant" Tumawa ako ng peke sa harap niya at umiling,
"Sosyalan ang dating, kunwari pormal?. Okay sige pag bibigyan kita. Let's go" Walang sabi kong binuksan ang passenger's seat at umupo doon, siya naman ay pumasok na din para mag maneho.
Tahimik kami hanggang sa dumating kami sa Menoitios Restaurant. Pag pasok namin ay pinili ko ang seat na medyo malayo sa maraming costumer.
"Talk" Sabi ko ng maiserve ang kape na inorder namin.
"I want you back" Natawa ako sa sinabi niya,
"Eh punyeta ka pala eh. Matapos mo akong ewan para lang doon sa bakla mo ay babalikan mo ako ng ganito? what a joke Casil" Bigla siyang nag lean sa mesa at hinawakan ang kamay kong nakatong sa mesa kaya nabaling doon ang tingin ko,
"I'm wrong, what I did is wrong. I admit it. Please come back to Liezel. I love you, hindi nawala ang pag mamahal ko sayo" Mapakla akong ngumiti habang nakatingin sa kamay kong hawak niya at dahan dahan ko iyong binawi pero hinigpitan niya ang hawak doon.
"Casil. You choose him, I don't love you anymore. No one can change that much. Just move on okay?" Mag sasalita pa sana siya pero bigla nalang dumating si Fiennes sa harapan namin at biglang sinuntok si Casil kaya napatayo ako sa gulat at agad na nilapitan si Casil
"Fien! stop!" Tinulongan kong tumayo si Casil at tinignan si Fiennes na may galit sa mukha niya,
"Are you protecting him? kinakampihan mo siya kesa sakin? For fuck's sake Liezel! You're mine!" Isang malakas na sampal ang tumama sa pisnge ni Fiennes dahil hindi ko na talaga siya maintindihan.
"I can't understand you Fien. Ano ba ang pinuputok ng butsi mo?" Iniwan ko na sila doon dahil naiinis ako sa kanila. Mga punyeta.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top