CHAPTER 13


Liezel



"Ilang araw ka ng delayed?" Tanong ng kasamahan kong OB-Gyne dito sa Dutch Hospital, nag pacheck na kasi ako dahil may hinala na ako kung among nangyayari sa akin

Maraming beses na merong nangyari sa amin ni Fiennes, and it's unprotected sex kaya pwede akong mabuntis.

"Mag iisang buwan na" Tumango tango naman siya at binigyan ako ng pregnancy test at tinanggap ko naman agad,

"Mag test ka, hintayin kita" Ngumiti ako at pumasok na sa CR ng clinic niya at huminga ako ng malalim.

Ilang beses pa akong huminga ng malalim dahil sa kinakabahan talaga ako ng husto, ginawa ko ang instructions at ngayon naman nakapikit ako habang nag hihintay ng result.

"Positive, positive, sana positive" Huminga muna ako ng malalim bago sinilip ang result, dahan dahan na nanlaki ang mata ko dahil sa resulta!

"Punyeta! Positive! yes! shooter ka talagang punyeta ka Fiennes!" Halos pang gigilan ko ang pregnancy test dahil sa sobranf saya ko hanggang sa may kumatok na sa CR

"Dra. are you okay?" Nakangiti kong lumabas sa CR at sinalubong ang kasamahan kong doctor,

"Oo okay lang ako. Sige uuwi na ako ah?" Tumango lang ang kasamahan ko at nag madali naman akong lumabas.

Papara na sana ako ng taxi pero bigla nalang may huminto na BMW sa harapan ko at bumaba ang salamin ng pinto

"Uuwi ka kay Fiennes? Hatid na kita" Si Lelantos? ngumiti nalang ako at pumasok na sa kotse niya,

"Saan ka galing Lan?" Tanong ko sa kanya, napatingin pa ako sa dashboard ng sasakyan kasi maraming Barbie doon. Ang creepy lang.

"Dumaan lang ako sa office, wala ako sa mood mag trabaho eh kaya umuwi na agad ako" May napansin akong magazine sa dashboard kaya kinuha ko at napa-wow nalang ako sa cover girl doon.

"Nice name, Ligaya huh? Ang ganda niya at ang sexy. Bakit meron ka nito?" Tanong ko at tinignan siya,

"Gusto kasi ni Barbie kaya binili ko" Biglang nag tayoan ang mga balahibo ko sa katawan.

Punyeta nakikipag usap ba talaga to sa manika? nakakatkot naman yata yun. Napatingin tuloy ako sa Barbie doll na nasa kandungan niya,

"Huwag ka mag alala, mabait naman si Barbie" Tumango nalang ako, mamaya sabunotan pa ako ng Barbie niya eh, mahirap na. Mukhang kailangan na nito ng Psychiatrist.

Mga ilang minuto pa ay nakarating na kami sa tapat ng bahay kaya lumabas na ako ng kotse ni Lelantos.

Nakita ko na may inaayos si Fiennes sa mga bulaklak niya malapit sa gate kaya napangiti ako, naramdaman niya siguro na may nakatingin sa kanya kaya nag angat agad siya sa akin at bigla siyang ngumiti. Punyeta ang gwapo talaga nito. Marape nga mamaya.

"Hey mine, how's your day?" Lumapit siya sa akin at hinalikan niya ako sa noo kaya napangiti naman ako.

"Okay lang naman, na-aprobahan na ang leave ko. Focus muna ako sa inyo ni Finel" Hinalikan naman niya ako sa labi kaya hindi ko mapigilan ang tawa ako,

"Thank you so much mine, thanks for everything. Thanks for choosing me and Finel for a while" Hahalikan na dapat niya ulit ako pero bigla nalang may sumulpot na lalaking top less at kita ang tattoo na tigre sa dibdib nito patungong balikat.

Siya iyong lalaking nag punas ng luha ko sa hospital dati,

"Respeto naman sa mga single oh" Natawa si Fiennes at hinalikan ako sa labi bago inakbayan

"Himala at napadpad ka dito Nyle? Anong meron?" Tanong ni Fiennes habang kinukuha niya ang dala kong shoulder bag

"Sa pag kakaalala ko, akin naman ang Tigers Village kaya expected na nandito ako" Sabi nito at humarap sa bahay ni Fiennes,

"Bahala ka sa buhay mo, tara mine" Ngumiti ako sa lalaking Nyle ang pangalan. Bagay sa kanya ang kulay ng buhok niya, kulay puti.

"Hello baby Finel, mommy's here" Nang makapasok kami ay binaba ni Fiennes ang bag ko sa sofa at nilapitan agad si Finel sa kuna nito tulog na tulog.

Napangiti tuloy ulit ako, mag kakaroon na ng kapatid si Finel. Sigurado akong magiging masaya si Fiennes.

"What do you want for lunch mine?" Umiling ako kay Fiennes at umupo kami sa sofa na malapit lang sa kuna ni Finel,

"Busog naman ako eh, ikaw ba? gusto mo mag luto ako?" Nag lalambing nag yumakap sa akin si Fiennes kaya natawa ako, this past few days, Fiennes is being clingy.

"Busog din ako, dinalhan ako ni Victor ng pagkain dito kanina" Hinaplos ko naman ang buhok niya at tumango.

Ang sweet nilang mag kakaibigan, daig pa jowa o asawa. Nag hahatiran ng pagkain.

Natigil kami sa yakapan ng marinig namin ang door bell ng gate ni Fiennes,

"Fiennes, may bisita ka?" Kumunot ang noo ni Fiennes sa akin,

"Wala, nasa Alegria pa naman sila mommy. Next week pa ang kasal natin kaya wala akong bisita mine" Sabay kaming tumayo at lumabas ng bahay, nakita doon ang babaeng yumakap kay Fiennes noong nakaraang buwan. Naningkit tuloy ang mata ko,

"Excuse me miss, who are you?" Nag taas ako ng kilay kay Fiennes, hindi niya kilala ang babaeng yumakap sa kanya noong nakaraang buwan? imposible.

"Babe? it's me, Kara" Halos lumampas na sa noo ko ang kilay ko dahil sa pag kakataas, Kara? Karadkarin? nice name.

"I don't know you, I'm sorry" Nag cross arms ako kasi bigla nalang binuksan ni Karadkarin ang gate kasi abot naman niya ang lock nito, nakatayo lang ako sa gilid at mukhang hindi ako nakita ng babaeng 'to.

"You know me, we made love Babe. Come on stop joking" Naningkit ang mga mata ko lalo na nang hawakan ni Karadkarin si Fiennes sa braso. Si Fiennes naman ay todo iwas sa babae at tinitignan ako na parang nanghihingi ng tulog.

"Hey go away! don't touch me!" Sigaw ni Fiennes. At nainis na ako, nilapitan ko ang babae at mahigpit na hinila ang buhok niya palayo kay Fiennes,

"Ikaw na babae ka, ayaw na nga sayo ng lalaki, pilit ka pa ng pilit! Punyeta ka hali ka dito at ng makalbo kitang punyeta ka" Kinaladkad ko siya palabas ng gate at panay naman ang aray ng babae, mag tiis siya dahil bunga to ng kalandian niya.

Binitawan ko ang buhok niya at masama naman ang tingin niya sa akin.

"Who are you bitch?!" Natawa ako dahil sa tanong niya, ako? bitch? mapagbigyan nga to,

"Itong bitch na 'to" Sabi sabay turo sa sarili ko, "Itong bitch na 'to lang naman ang mapapangasawa ng nilalandi mo! in short! Fiancé!" Tumayo naman ang babae at akmang susugurin ako ay inunahan ko siya ng pag tutok ng kutsilyo na nadampot ko agad malapit sa gate ni Fiennes at puno pa ng lupa

"Sige lumapit ka, babaon sayo 'tong kutsilyong hawak ko!" Nanginginig sa galit ang babae at bigla nalang nag martsa paalis at bigla nalang may umagaw ng kutsilyo sa kamay ko,

"Dilikado 'to, paano kung nasugatan ka?!" Kunot noo akong bumaling kay Fiennes,

"Ikaw pa galit? Buti nga pinaalis ko ang babae mo eh!" Hinubad ko ang doll shoes ko at binato iyon kay Fiennes bago ako pumasok sa bahay niya. Punyeta siya pa galit.

"Mine, nag alala lang naman ako. Baka masugatan ka" Dinampot ko ang throw pillow sa sofa at binato kay Fiennes dahil sa inis ko,

"Tumahimik ka! Naririndi ako sa boses mo punyeta ka. Gusto ko ng mangga na walang buto!" Nakita ko ang gulat sa mukha niya, pati naman ako nagulat sa sinigaw ko.

"Mine, anong pinagsasabi mo? walang mangga na walang buto" Inis akong tumingin sa kanya

"Edi mag hanap ka punyeta!"









Fiennes

Nakailang supermarket at palingke na kami ni Lelantos pero wala talaga kaming mahanap na mangga na walang buto.

Akala ko nag bibiro lang si Liezel kanina na mag hanap ako pero hindi na niya ako pinansin kaya inaya ko na si Lelantos para samahan ako.

"Sinong baliw na kaluluwa ang pumasok kay Liezel? Saan ba tayo makakahap ng mangga na walang buto? Sa Mars?" Sinamaan ko ng tingin si Lelantos,

"Tsk, okay na iyang binili natin. Balatan ko nalang pag dating tapos tanggalan ko ng buto. Fuck, ano bang nangyayari sa kanya" Sabi ko at niliko ang sasakyan para makapasok na kami sa village.

"Daig pa nag lilihi" Sabi ni Lelantos at lumabas na sa kotse pagkatigil ng sasakyan, lumabas na rin ako at pumasok sa bahay.

Naabotan ko si Liezel na buhat buhat si Finel kaya napangiti ako, bumaling agad siya sa akin ng marinig niya ang pag lagay ko ng susi sa coffee table.

"Nakahanap ka?" Nabaling ang tingin ko sa hawak kong supot ng mangga

"Eh mine, may buto ang mangga eh" Ngumiti si Liezel at binalik si Finel sa kuna bago nag lakad papunta sa akin,

"Okay lang yan. Sorry pala kanina kasi nag maldita ako sayo" Natawa nalang ako bigla dahil sa sinabi ni Liezel kaya hinapit ko siya sa bewang para mahalikan at mayakap.

"Kahit araw araw ka pa mag maldita. Mamahalin pa rin kita mine. I love you" Nakita ko naman agad ang ganda ng ngiti ni Liezel, ang ganda niya kahit saang anggolo.

"I love you too Fiennes Wykeham"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top