CHAPTER 9

Shaina

Habang nagyo-yosi ako sa labas ng kotse ni Fyonna ay palingon lingon ako sa paligid, nakatanggap kasi ako ng text galing kay Inspector na nandito iyong lalaking matagal na namin tinutugis.

Mabuti nalang talaga at maliwanag dito sa labas ng Menoitios Restaurant, hindi ako mahihirapan na makita siya.

Paubos na ang yosi ko nang lumabas na ang bullshit sa Restaurant kaya itinapon ko na ang yosi ko at nanatili ang tingin ko sa kanya.

Nag lakad siya palayo kaya nag lakad na din ako, pero bigla siyang pumasok sa kakahoyan kaya nag dalawang isip akong sumunod dahil wala akong makikita doon, pero sumunod pa din ako at sa kamalas-malasan pa ay nabunggo ako sa puno.

"Bullshit! Ito na nga ba ang sinasabi ko!" Sapo ko ang noo ko at nag lakad ba pabalik sa kotse, bullshit talaga. Ang sakit!

Maya maya pa ay nakita ko na si Fyonna na lumabas ng Restaurant at lumapit sa akin.

"Bagal mo naman! Walang hiya, nauntog ako sa kahoy. Doon oh!" Tinignan niya ang tinuro ko at kumunot naman ang noo niya

"Ano naman ginawa mo doon? Alam mo namang may night blindness ka. Bobo" Sabi niya at sumakay na sa driver's seat at sumunod naman ako sa front seat, bullshit.

"Finingger ko sarili ko! Boba ka malamang umihi ako. Hindi ko na mapigilan eh, lalabas na. Alangan naman papasok pa ako para lang umihi?" Naiiling siya, hindi ko sinabi ang totoo na may sinundan ako dahil bawal iyon sa amin.

"Kamusta pala ang pag uusap niyo?" Nag kibit balikat siya at nasa daan pa rin ang tingin niya bago sumagot,

"Naging okay naman. Mabait siya at hindi siya nag skandalo ah" Sagot niya at inihinto muna ang kotse dahil naka red light pa.

"Tinawagan ka ba ni Jin? Gago iyong si William eh. Nag madali kanina kesyo may inoman daw sa bahay ng kaibigan nila" Inis na tanong ko sa kanya at tumawa naman siya

"Oo, tumawag siya. Pabayaan mo na muna si William. Mga kaibigan niya iyon at alam mo naman na kaibigan ang pinakamahirap na kalaban" Tumango nalang ako sa kanya at nagpa-tugtug dahil na bo-bored ako.

"Ihinto mo ako sa station namin, may gagawin lang ako" Sabi ko kay Fyonna at tumango naman siya, mga ilang minuto lang din naman ay nakarating na kami sa station at nag paalam na ako sa kanya.

"Oh, officer Saguid. Gabi na ah" Tumango lang ako sa kasamahan ko at nag madaling pumasok sa office ni Inspector Smith.

"Inspector, may sasabihin ako" Tumingin sa akin si Inspector at binaba ang hawak niyang papel.

"May sasabihin din ako Saguid" Sabi ni Inspector at umupo naman ako sa upoan na nasa harap ng table niya,

"Three days from now ay tataposin na natin ang pag sunod sa suspic natin Officer Saguid. I want you to prepare your self for the operation. You'll be sa leader of our team. I'm expecting you Officer Saguid" Dahil alam kong wala akong magagawa ay tumango nalang ako kay Inspector, at nag patuloy naman siya.

"No need to tell me anyway, alam ko kung ano ang sasabihin mo. Excuse me Officer Saguid" Tumayo si Inspector at tumayo na din ako sabay salute sa kanya. Pag labas ni Inspector ay napatingin ako sa papel na binabasa niya kanina. Hindi kasi ako mapakali kaya kinuha ko na at binasa ang nakasulat na nag-pabigla sa akin.

Bullshit, Sulat ito ni Miguel Fonsi para kay Jin Lee! Isa lang ang naisip ko ngayon. Nag madali akong lumabas sa office at kinuha ang susi ng isa sa mga police car namin. Bahala ng mabangga pero alam kong kailangan ako ni Fyonna ngayon.

Mabilis akong nag drive at nani-ningkit na talaga ang mata ko para lang hindi ako mabangga at makakita ako kahit na konti lang.

Nang itinigil ko ang sasakyan sa labas ng bahay ni Fyonna ay nakarinig na ako ng pagkalabog sa loob kaya minadali kong tumakbo, muntik pa akong mabangga sa mga halaman ni Fyonna.

"Tangina! hoy Fyonna!" Tumayo siya sa kama at pinag-hihila ang mga kurtena sa kwarto niya kaya pilit ko siyang pinipigilan.

Pero hindi siya nag papigil pero bigla nalang siyang tumigil ng kusa at hinawakan ang tiyan niya.

"Aaaahhhh! Ang sakit!" Napaupo siya sa sahig at agad akong lumapit, at nakita ko na may dugo diya sa suot niyang pajama kaya hindi ko na alam ang gagawin ko. Bullshit!

"Fyonna! You're bleeding!" Nag hehestirikal na sigaw ko, hindi ko na alam ang gagawin ko kaya binuhat ko nalang siya dahil nawalan na siya ng malay.

Kailangan ko siyang dalhin sa Hospital. As soon as possible.

She's pregnant! Bullshit!

——

Antok na antok akong nakaupo sa gilid ng Hospital bed ni Fyonna, wala akong tulog pero naligo pa rin ako at nag bihis ng uniform ko alangan naman na umabsent ako. Tsk.

Nakita ko si Fyonna na minulat na ang kata. Bullshit na yan. Tatlong araw kaya siyang tulog! at talong araw na din kami ni William na walang pansinan dahil sobra siyang busy sa mga pasyente.

"Mabuti naman at gising ka na" Pag sabi ko niyon ay sakto naman pumasok si William, pero nag taka ako na parang walang naririnig si Fyonna. Bullshit, anyare?

"Teka, William. Bakit parang wala siyang naririnig?" Hindi ako sinagot ni William at tumingin lang sa chart na dala niya.

"Ito na ang resulta. She's pregnant, mabuti nalang at nadala mo siya dito ng maaga. Dahil kung hindi ay tuloyan na siyang nakunan. Sa pagkatulala naman niya, depress siya at masilan ang pag bubuntis niya kaya masyadong malakas ang epekto. Kaya maari siyang mag karoon ng Mental Disorder" Tumagilid ang ulo ko sa sinabi niya, at napatingin kay Fyonna.

Mental Disorder? Haven't heard about that na pwede palang mag cause ang masilan na pag bubuntis na pinaghalong depress, well malakas nga ang epekto niyon.

Huminga ako ng malalim at tumango naman sa kanya.

"Sige, ikaw na muna ang bahala sa kaibigan ko. Kailangan ko ng pumasok sa trabaho" Sabi ko at akmang aalis na ay hinawakan niya ako sa kamay kaya napatigil din ako.

"Pinatawag ka ng Optologist nitong Hospital, umamin ka nga Angel. May sakit ka ba?" Hinawi ko ang kamay ni William at hinawakan ang door knob ng pinto.

"Huwag kang mag-alala William, Hindi naman malala" Sabi ko at binuksan na ang pinto nitong kwartong pinagdalhan ni Fyonna.

Pero bago pa man ako makaalis ay nag salita ulit si William.

"It's Demon"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top