CHAPTER 12
William
Busy ako sa mga pini-permahan kong papelis sa office ko nang bigla nalang may kumatok kaya tumayo ako at binuksan ang pinto ng office ko.
"Dr. Dutch! Emergency po! May pasyente po sa OR, maraming tama ng baril" Hindi ko alam pero bigla nalang akong tumakbo papuntang OR at hinanap ang pasyenting sinasabi ng nurse.
Naabotan ko silang nire-revive ang isang pasyente. Agad akong pumagitna doon para tignan ang kalagayan.
"Hindi nag re-response ang pasyente Doc!" Hinawi ko ang isang nurse at ako na mismo ang nag pump sa lalaking pasyente na naliligo na sa sariling dugo.
"Doc! may isang pasyente pa raw po!" Nag mamadaling sabi ng isang nurse pero hindi ko siya pinakinggan at nag patuloy sa pag-pump ng pasyente ko.
"Come on! come on!" Ilang pump pa ang ginawa ko nang nag response na ang pasyente kaya medyo lumayo ako. Natatalsikan na din ng dugo ang lab gown ko pero wala akong pakialam, maka-ligtas lang ang pasyente ko.
"Ipasok niyo na ang isang pasyente!" Sigaw ko at sa isang higaan dito sa OR.
"Tanggalin niyo ang bala ng pasyente, linisin niyo ng maayos" Utos ko sa mga nurse na nag asikaso sa unang pasyente.
"Yes Doc" Sabay na sagot nila, nakita kong may papasok sa OR at ito na siguro ang isang pasyente. Nang makita ko ang pasyente ay bigla akong kinabahan ng sobra.
Naka pulang dress ang pasyente, habang papalapit ang stretcher ay pahina ng pahina ang pag hinga ko. Sa sobrang kaba ko ay hindi ko namalayan na nasa harap ko na pala ang sinasabi nilang psyente.
"Angel?" Nanlalabo ang mata ko sa mga luhang lumalabas sa mga mata ko. Ang babaeng mahal ko, naliligo sa sariling dugo niya.
"Angel! Fuck! Fuck! Who did this to you?!" Nag madali akong hinawi ang mga nurse na naka-palibot kay Shaina at hinawakan ko siya sa pisnge. Ang lamig niya, namumutla siya. Naiiyak akong sinimulan ang pag pump sa puso niya, nabibingi ako sa tunog ng makina na pinag-lalagay sa kanya, patuloy lang ako sa pag pump nang may pumigil sa kamay ko.
"Enough Dr. Dutch, she's not responding" Binawi ko ang kamay ko kay Dr. Zhi at pinag-patuloy ang pag pump sa puso ni Shaina.
"No! no Angel! You can't leave me! No!" Habang ginagawa ko iyon ay nakarinig kami ng mahabang pag tunog ng isang makina na naka-konekta sa lalaking pasyente.
"Nag aagaw buhay ang isang pasyente! Tumawag kayo ng ibang doctor!" Hinila ako ni Dr. Zhi palabas ng OR, hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko.
"She's not dead, right?" Naka-tulalang tanong ko kay Dr. Zhi at tinapik niya naman ang balikat ko.
"May ibang Doctor na titingin sa kanya. Dahil kung ikaw ang titingin ay walang magandang mangyayari" Bigla akong nainis sa sinabi ni Dr. Zhi kaya kinu-welyohan ko siya.
"Sinasabi mo ba na hindi ko kayang iligtas ang girlfriend ko?!" Lumayo si Dr. Zhi sa akin at naiinis na din ang mukha niya,
"Sa tingin mo? Maliligtas mo ang pinsan ko kung ganyan ka?! Hindi ka kumakalma!" Hindi ko na siya pinakinggan at pumasok ulit sa OR.Naabotan ko ang isang doctor na ino-operahan ang lalaking pasyente, pero nag taka ako na sa mata siya inoperahan. Pati din si Shaina ay may takip na puting tela sa bandang mata niya.
"Wait! Who are you and what are you doing?!" Hindi ako pinansin ng doctor at nag patuloy lang sa pag opera.
"William Dutch! Pabayaan mo na sila. Lumabas na tayo!" Hinila ulit ako palabas ni Dr. Zhi palabas ng operating room
"You don't understand!" Hinarap niya ako at biglang sinuntok kaya napaupo ako sa sahig, Fuck.
"Ayosin mo ang sarili mo Dr. Dutch" Sabi niya at umalis na, nanatili akong nakaupo sa sahig at napa-tulala nalang.
Five hours na akong nakaupo sa sahig nang biglang bumukas ang pinto ng OR at saktong dumating si Dr. Zhi.
"How's my girlfriend?" Agad na tanong ko, tinanggal ng doctor ang mask niya at nagulat ako sa nakita ko.
"Ryles Jardengier?" Gulat na tanong ko, he's one of the Eagles. Ryles.
"Well, your girl is lucky Dr. Dutch, but I am sad to say that the baby didn't make it. May tama siya sa tiyan niya at nag cause ito ng pagka-laglag ng baby. Late na din siyang nadala dito" Hindi ako nakasagot at natulala ako sa harap niya . Para akong binuhosan ng malamig sa tubig at para akong nasagasaan sa narinig ko.
"My baby?" Mahinang tanong ko, hindi ko alam na buntis si Shaina. I didn't know. Naramdaman kong tinapik ako ni Dr. Zhi sa balikat ko.
Napahilamos ako ng palad sa mukha ko at bumuhos na ang luha ko.
"No. You're joking. It's not true" Sabi ko pa at hinawakan sa magka-bilang balikat si Ryles. Umiiling ako habang umiiyak sa harapan niya.
"I'm so sorry Dr. Dutch, mamaya ay ililipat na siya sa private room ng Hospital mo. Ihanda mo na ang sarili mong sabihin iyan sa kanya. I need to go" Naiwan akong nakatayo sa labas ng OR habang si Dr Zhi naman ay pumasok sa loob.
Napa-atras ako nang lumabas ang stretcher kung saan nakahiga si Shaina, umatras pa ulit ako at umupo sa waiting area. Ginulo ko ang buhok ko at lumabas na naman ulit ang mga luha sa mata ko.
Hindi ko kayang harapin si Shaina, hindi ko kayang sabihin sa kanya ang nangyari. I don't have the courage to tell her.
"Weirdo" Umangat ang tingin ko kay Joseph, naka-shorts at T-shirt lang siya.
"Nakatanggap ako ng tawag, nag madali akong pumunta dito sa nalaman ko. It's okay weirdo, I'm here" Tumango ako kay Joseph at yumuko ulit. Kahit anong pag iisip ang gawin ko ay walang pumapasok sa utak ko.
"Weirdos" Umangat ulit ang tingin ko at nakita kong nag datingan ang mga kaibigan ko maliban kay Jin at Dylan.
"Ang bilis niyo naman makaamoy ng balita" Sabi ko sa kanila, I'm trying to lighten up the atmosphere. But it doesn't sound like that. Medyo pumiyok pa ang boses ko.
"William, alam mo naman na nandito kaming mga kaibigan para suportahan ka. We are like family" Tinapik ako ni Baxter sa balikat at hindi ko na napigilan pa. Umiyak na talaga ako sa harapan nilang lahat. Sa harapan ng mga kaibigan ko.
"Tama na weirdo, puntahan mo na ang girlfriend mo. Babalikan ka namin bukas" Sabi ni Noe at hinila ako patayo, nag tangoan naman ang iba kaya nag lakad na din ako para puntahan ang room ni Shaina.
Nang mahanap ko na ang pinagdalhan kay Shaina ay marahan kong binuksan ang pinto at pumasok ako, nang makita ko si Shaina ay may lumabas na naman na luha sa mga mata ko.
Dahan dahan akong lumapit sa kanya at hinawakan ang kamay niya. May bandage siya sa dalawang mata niya. Yumuko ako at lumuhod sa tabi ng Hospital bed.
"Angel, I'm so sorry. I'm sorry Angel. I'm sorry" Paulit ulit akong humi-hingi ng tawad kay Shaina kahit alam kong hindi niya ako naririnig. Hinalikan ko ang likod ng kamay niya at kinuha ang sing sing sa bulsa ng lab gown ko na ibibigay ko dapat sa kanya pagkatapos ng gagawin nilang operasyon ng mga kasamahan niyang pulis. Isinuot ko iyong sing sing sa daliri niya at hinalikan ko iyon.
"I'm sorry"
———
Nagising ako sa pagkakatulog nang may tumapik sa balikat ko kaya inangat ko ang ulo ko,
"Weirdo, mag pahinga ka muna. Kami na ang bahala dito" Sabi ni Lelantos, nilingon ko ang kasama na niya na sila Joseph at Nyle.
"You look like a zombie William. Ayosin mo muna ang sarili mo. Mahiya ka naman sa girlfriend mo pag nagising iyan. Baka mag hanap ng iba iyan pag nakita kang pangit" Sinamaan ko ng tingin si Nyle bago ako tumayo at tinignan si Shain na wala pa ring malay.
"Maliligo lang ako sa office ko, babalik din ako" Sabi ko at nag paalam na sa kanila. Minadali ko lang ang pag ligo ko at pag bihis saka ako bumalik sa room ni Shaina.
"Tsk, ang bilis mo yata. Nag wisik ka lang eh" Hindi ko pinansin si Joseph at umupo na sa gilid ng kama ni Shaina. Nabaling naman kaagad ang tingin namin sa pinto ng bumukas iyon at pumasok si Daniel kasama ang isang babae.
"Oh my god! Shaina?" Nagulat kaming lahat dahil bigla nalang tumakbo iyong babaeng kasama ni Daniel kay Shiana nang makita niya ang girlfriend ko.
"Méli, magka-kilala kayo?" Takang tanong ni Daniel at nag hintay naman ako sa isasagot ng babae.
"Of course! She's my friend for Pete's sake!" Tumayo ako bigla,
"May contact ka ba sa parents niya?" Biglang nalungkot ang mukha ng babaeng kamasa ni Daniel kaya nag taka ako,
"Wala na siyang mga magulang teka, kaano-ano mo ang kaibigan ko?" Tanong niya naman.
"I'm her boyfriend" Sagot ko naman. Umupo ang babae sa inupoan ko kanina at tumingala sa akin
"What happened to her? Bakit may takip ang mga mata niya?" Umupo ako sa paanan ni Shaina, alam ko kasing hindi sinabi ni Dr. Zhi ang totoong nangyari kay Shaina sa mga kaibigan ko noong tinawagan niya sila kagabi, kaya sasabihin ko na ngayon.
"Nabaril siya sa operasyon nila kagabi" Simula ko at napatingin naman agad ang babae kay Shaina.
"Tigas kasi ng ulo, sabing tumigil na sa pag po-pulis, ayaw namab makinig" Inis na sabi ng babae at nag patuloy naman ako.
"I didn't know–" Tumigil ako saglit dahil ramdam kong pipiyok ang boses ko pag nag patuloy ako. Huminga ako ng malalim at nag salita ulit,
"I didn't know that she's pregnant, late na siyang nadala and my baby didn't make it" Nakita kong nagulat ang babae sa sinabi ko,
"Nakunan si Shaina?" Tumango ako napatingin sa daliri ni Shaina kung nasaan ang sing sing na sinuot ko sa kanya kagabi. Tumango ako sa kanya .
"Inoperahan na din siya sa mata niya" sabi ko at tumingin sa babae.
"I want to marry her" Biglang sabi ko at nag labas naman ng pen at papel kaya nag taka ako.
"Isulat mo ang contact number mo diyan. Ako ang magde-design ng wedding dress ni Shaina. By the way, I'm Aimee Joy Pelembergo. Designer."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top