CHAPTER 11

  Shaina 

 Nasa office kaming lahat at nakikinig sa sinasabi ni Inspector Smith, focus silang lahat maliban nalang sa akin. Lutang pa rin kasi ang utak ko tungkol sa karamdaman ko at sa kung ano pa. 

"Officer Saguid, nakikinig ka ba?" Mabilis akong nag angat ng tingin kay Inspector Smith, 

 "Po?" Tanong ko at nag tinginan naman sa akin ang mga kasamahan ko, bullshit na yan oh. Kung saan kasi lumilipad ang utak ko. 

 "Ang sabi ko, kuhanin mo iyang paper bag. Nandiyan ang susuotin mo mamaya" Tumango ako at inabot ang paper bag na hawak ng kasamahan ko. 

 Ganito kasi ang plano, mag papanggap akong bayarang babae sa bar kung saan magaganap ang palitan ng baril at pera ng mga sindikato. Tsk, ako pa napag-utosan nito. Bullshit talaga. 

"Pag tapos na mag palitan ang magkabilang panig, doon tayo eeksena. Maliwanag ba?" Pag klaro ni Inspector Smith sa amin at tumayo naman kaming lahat at sabay na nag bigay ng salute kay Inspector. 

"Yes Inspector" Sabay naming sabi at nag dismiss na kami para mag handa. Dala ang paper bag ay pumasok ako sa CR para mag bihis. Ang ibang kasamahan ko naman na mag papanggap na waiter ay nag bihis na din. 

Habang nasa CR ako ay tinignan ko muna ang sarili ko sa salamin. Nang makuntento na ako ay inilabas ko ang contact lense na matagal ng nasa akin. Maingat ko iyong nilagay sa mga mata ko, pero bullshit para akong nasa panaginip kasi medyo black and white ang paningin ko. 

Pero okay na din to, kesa naman wala talaga akong makita. Kinuha ko sa paper bag ang damit na susuotin ko, kulay pulang dress na hapit na hapit sa katawan ko. Bullshit. Bakit naman red? Wala bang black? 

 Sinuot ko ang dress at kinuha ang box na nag lalaman ng killer hills na sandal. Hindi kaya ako matapilok nito? Hindi pa naman ako sanay sa ganito. Pero bahala na, sinuot ko pa rin ang sandals at dahan dahan na nag lakad palabas ng CR. 

"Woah, Officer Saguid ikaw ba yan? Latinang-latina ka sa suot mo" Dahil sa sinabi ng kasamahan kong babae ay napangiti ako, 

 "Gracias" Sabi ko at umikot ng bahagya at kinindatan pa siya na kinatawa niya. Kinuha ko ang bag pack na dala ko at hinalungkat iyon. Alam kong may make up dito eh, para sa emergency na katulad nito.

Kailangan kong mag panggap na malandi. Bullshit. Nang mahanap ko ang Make up kit ay bumalik ulit ako sa CR para mag make up. 

Pulang pula ang labi ko na bagay na bagay sa suot kong dress, nag lagay ako ng kaunting foundation sa mukha ko at maskara sa para pilik-mata ko. Tinaggal ko ang tali sa buhok ko at medyo ginulo ng kaonti ang kulot kong buhok, nang matapos ako ay kumindat ako sa salamin. 

Natawa nalang ako sa ginawa ko at lumabas na sa CR. 

 "Wow naman Officer Saguid. Parang mangangaliwa yata ako sa asawa ko nito" Biro ng isang kasamahan kong maiiwan dito. Tinawanan ko lang siya at nag lakad na palabas. Dahil sigurado akong kanina pa ako hinihintay ng mga kasama ko. 

 Pag labas ko ay naka-ready na silang lahat at mukhang ako nalang ang hinihintay. 

 "Let's go, Officer Saguid. Kay Officer Hermano ka nalang sumakay" Tumango ako kay Inspector Smith at pinag-buksan naman ako ni Officer Hermano ng upoan. 

 "Thanks" Sabi ko pa sa kanya, bago kami umalis ay sumilip sa bintana ng kotse si Inspector at hinawakan ako sa ulo ko, 

"Mag iingat ka Shaina. You're like a daughter to me. Sa labas kami tatambay okay? Take care" Ngumiti ako kay Inspector at tumango tsaka pinaandar na ni Officer Hermano ang kotse niya. Kinakabahan ako, kahit hindi ko naman first time na mag panggap na ganito. 

 ——— 

 Nang makarating kami sa labas ng bar ay saktong ten PM na, maya maya ay mag sisimula na ang palitan kaya inayos ko na ang sarili ko. 

"Good luck sa atin Officer Saguid. Sa counter lang ako" Tumango ako kay Officer Hermano. Bartender kasi ang ganap niya ngayon. Huminga ako ng malalim at nag lakad na papasok ng bar. 

Thanks to my contact lense, may na-aaninag ako kahit papaano. 

"Ikaw ba iyong isa sa mga babae ni Don? Naku! Bilisan mo na at malapit na mag simula ang palitan!" Nagulat ako sa baklang sumalubong sa akin at agad akong hinila kaya nag pahila nalang din ako sa kanya. 

Dinala niya ako sa rooftop nitong bar at nakita kong may mga babaeng nag kukompolan doon at dinala niya ako sa kumpolan. 

"Okay girls! Kumpleto na tayo. Malapit na mag simula kaya huwag na kayong aalis pa" Naramdaman kong maiihi na talaga ako dahil sa kaba. Ewan ko ba kung bakit ako kinakabahan! 

"Pwede ba mag CR muna?" Tanong ko sa bakla at napasama naman agad ang mukha niya sa akin. Bullshit yan. Bangasan ko 'to eh. 

"Sige, pero bilisan mo lang" Hindi na ako sumagot at nag madali akong bumaba at hinanap ang CR. Pag pasok ko pa lang sa isang cubicle at pag upo ko pa lang ay nakarinig ako ng babaeng nag sisigaw sa kabilang cubicle. 

"Are you cheating on me with those Putas!?" Bigla akong napangiwi, kilalang kilala ko ang ganyang ugali. Hula ko may lahing taga Venezuela ang babaeng to. 

Latinang mukhang tigre kung magalit. 

"I wasn't!" Sagot naman nang lalaki. Pero hindi na ako nakinig pa at lumabas na ng cubicle dahil baka nag sisimula na sila sa taas. 

Pag balik ko sa taas ay sakto namang nag si-upo na ang mga leader ng kabilang panig kaya umupo na din ako sa pang-isahang sofa, pero nakita ako ng tinatawag nilang Don. 

 "Hey beautiful woman, sit beside me" Kahit na-bubullshit ako ay napilitan akong umupo sa tabi nitong matandang Don at ngumiti ng malandi. Inakbayan niya ako at hinawakan ko naman siya sa dibdib niya. 

 'I'm sorry Demon, acting lang naman to'  Sabi ko sa isip ko, 

 "Nasaan na ang pera" Sabi nitong matandang Don, nag labas ng pera ang kabila at ngumisi pa iyong leader nila. 

 "May dagdag na pera para sa babaeng nasa tabi mo" Halos mabilaokan ako sa sinabi nitong leader ng kabila. Teka lang, bullshit. Ano to? 

 "Hindi iyan pwede bata. Akin ang babaeng ito, mamili ka nalang ng iba dito sa likoran ko" Ngumiwi ako at nag iwas ng tingin. Ano to? Bentahan ng babae? akala ko ba palitan ng pera at mga illegal na baril to? 

 "Sige, kung iyan ang gusto mo. Nasaan na ang mga baril" Pagka-sabi nun ay naging alerto ako, nilabas ng taohan nitong Don ang kahon ng baril at doon natotok ang attention ko. 

 Sakto namang dumating ang kasamahan kong nag panggap na waiter at bahagyang kumindat sa akin. 

 "Buksan niyo ang kahon" Utos ng leader sa kabila.

 Saktong pag bukas ay nag madali akong tumayo at sinipa ang lalaking nag bukas ng kahon. Nag simulang magka-gulo dito sa taas at nag sigawan naman ang mga babae, hinagis sa akin ng kasamahan ko ang isang hand gun at nag simula na akong pa-putokan ang mga taohan sa mga kamay at paa nila para hindi makatakas. 

 Babarilin na sana ako ng matandang Don pero naunahan kp siya sa paa, hindi kami pweding pumatay hanggat wala na talaga kaming magagawa. Iyan ang pangako namin kay Inspector bago sumabak sa operasyon na to. Natumba ang Don at pinosasan naman siya ng kasamhan ko,  

"Saguid! Sa likod mo!" Sigaw ng kasamahan ko, pero huli na dahil naramdaman ko na ang metal na tumama sa likod ko,

 Bullshit. Masakit. Nalasahan ko agad ang dugo ko sa bibig dahil sa pagka-tama ng bala.

 Pinilit kong humarap sa taong bumaril sa akin, kahit malabo na ang mata ko ay pinapu-tokan ko ang taong naa-aninag ko. Pero bumawi din siya. 

 Isa. Dalawa. Tatlo. Apat. Lima. Anim. Anim na bala ang naramdaman kong bumaon sa katawan ko, nang hindi ko na kinaya ay napaluhod nalang ako at naa-ninag ko rin ang taong iyon na bumagsak din. 

 "Officer Saguid! Officer Saguid!" Paulit ulit iyong naririnig ko habang naisuka ko ang dugo sa bibig ko at tuloyan na akong bumagsak at nawalan ng malay. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top