CHAPTER 10

Shaina

"Uy ano na Fyonna? Idadamay mo ang anak mo sa gutom? Hindi ka kakain? Diba sinabi ko na sayo na masilan ang pag bubuntis mo. Kumain ka na, kahit ilang subo lang" Umiling si Fyonna sakin na kina-bullshit ko naman.

Galing pa akong duty at meeting tapos ganito mabubungaran ko? Hindi daw kumakain si Fyonna, sabi ng mga nurse. Eh buntis pa naman.

Natigil ako sa pag kausap kay Fyonna nang may pumasok na nurse.

"Excuse me Ms.Saguid. Pinapatawag po kayo ni Dr.Zhi sa office niya" Sabi ng nurse at agad naman akong tumango tsaka ako humarap kay Fyonna.

"Fyonna, aalis lang ako sandali okay?" Hindi sumagot si Fyonna kaya lumabas na ako ng kwarto at nag lakad papuntang office ni Dr.Zhi.

Nadaanan ko ang office ni Montes kaya tumigil muna ako. Himala yata na hindi ko siya nakikita nitong nag-daang araw?

"Ma'am, si Dra. Montes po ba? Wala na po siya dito sa Hospital. Balita ko ay umalis na" Biglang salita ng nurse na nakakita sa akin kaya tumango nalang ako at nag patuloy sa paf lalakad.

Tumigil ako sa harap ng office ni Dr. Zhi at huminga ako ng malalim, kaibigan ko si Dr. Zhi noong nag aaral pa lang kami sa High School kaya siya agad ang nilpitan ko tungkol sa problema ko sa mata.

Pag pasok ko sa loob ay nakita ko siyang may binabasa na kung ano kaya lumapit ako sa table niya at doon kumatok na agad naman niyang kinatingin sa akin.

"Oh, Shaina. Have a seat"  Ngumiti ako at tumango sa kanya, tsaka ako umupo sa harap na upoan ng mesa niya.

"So, ano na ang resulta ng test?" Tanong ko sa kanya at nag taka naman ako nang umiling diya.

"Totoong inborn na ang night blindness mo Shaina, pero mukhang napa-pabayaan mo na ang sarili mo" Agad akong napailing at natawa ng mahina sa sinabi niya.

"Teka lang Zhi, I'm healthy. I always do exercise and healthy diet. Paanong napabayaan ko ang sarili ko?" Natatawang paliwanag at tanong ko, umiling si Zhi at hinubad ang eye glasses niya.

"Hindi ibig sabihin na healthy ka sa katawan ay healthy ka na sa mata mo. Expose masyado sa kung anong gadgets ang mata mo. Especially laptop," Huminto siya at sumandal sa upoan niya. Nanghina ako sa mga narinig ko at nang may maalala ko.

"Ang mata ko, kahit umaga ay malabo minsan. Parang nag zo-zoom in siya at zoom out" Sabi ko at tumingin ulit kay Zhi,

"That's it! lumalala ang sakit sa mata mo, at wala pa akong mahanap na paraan para magamot iyan. Kaya kung sayo ay tumigil ka na sa pag po-pulis. Hindi mo masisiguro ang kalagayan ng mga mata mo" Pa-ulit ulit akong umiling sa kanya at napahawak sa noo ko,

"Hindi pwede" Mahinang sabi ko,

"Hindi pwede? Bakit hindi mo nalang ituloy ang pagiging Psychologist mo? Bakit pag po-pulis pa?" Pinunasan ko ang luhang lumabas sa mata ko at sumadal sa kinau-upoan ko.

"Alam mo ang sagot diyan Zhi" Nakita kong napailing si Zhi at huminga ng malalim.

"May dapat ka pang malaman" Nilingon ko agad siya at suminyas akong mag patuloy siya.

"Pweding manahin ng magiging anak mo ang sakit mo. Kaya ingatan mo ang sarili mo Shaina" Doon ako mas lalong nanghina. Hindi pwede. Bullshit!

"Aalis na ako" Biglang sabi ko at nag madaling lumabas sa office niya tsaka ako pumunta sa rooftop ng Hospital.

Pag dating ko sa rooftop ay lumakas na ang iyak ko at napaupo ako sa semento.

"Bullshit!" Sigaw ko at hinawakan ang dibdib ko na kanina pa naninikip.

Bakit sa akin pa 'to nangyayari? Bakit ba?

Tuloy ako sa pag iyak at pinag-susuntok ang sementong pinag-luluhoran ko, ramdam kong dumudugo na ang kamao ko. Hanggang sa may yumakap sa akin mula sa likoran ko at pinigilan ako sa pag suntok sa semento.

"Ssshh, Es ist in Ordnung Angel. It's okay" Tuloy ang pag iyak ko habang nakayakap si William sa akin.

Maya maya lang ay inalalayan niya akong tumayo at iniharap sa kanya, pinunasan niya ang mga luha ko at hinawakan ang kamay ko tsaka iyon hinalikan kung nasaan ang sugat ko.

"It's okay Angel. No need to cry, I'm here okay? We'll get through this. Trust me" Pa-ulit ulit akong tumango at hinalikan niya ako sa noo,

"Let's go inside, dadating ang mga kaibigan ko"

Wiiliam

Matapos kong pigilan sa pag laslas si Fyonna ay lumabas ako ng kwarto para hanapin si Shaina, kanina pa kasi siya wala.

"Nurse, may nakita ka bang pulis kanina? Babae siya" Sandaling nag isip ang nurse at tumango siya tsaka tinuro ang daan papuntang Optologist Section,

"Doon po siya pumunta Doc, kay Dr. Zhi po" Tumango ako at nag pasalamat sa nurse.
Kumatok ako ng tatlong beses at may nag bukas namang nurse.

"Si Dr. Zhi?" Agad na tanong ko,

"Nasa loob po Dr. Dutch" Niluwagan niya ang pinto at pumasok naman ako.

Naabotan ko si Dr. Zhi sa table niya at mukhang may iniisip siya. Kaya ako na ang nag simulang mag salita,

"Excuse me Dr. Zhi" Nagulat siya at agad na umangat ang mukha niya sa akin,

"Oh, Dr. Dutch napadaan ka yata sa office ko?" Tanong niya at itinuro ang visitor's seat kaya umupo din ako.

"May nag sabi kasing nurse na nag punta dito si Shaina Saguid. Kahapon din ay narinig kong pinatawag mo siya dito sa office mo" Deretsahang sabi ko, tumango tango si Dr. Zhi at pinag-siklop ang palad niya.

"Ka-ano ano mo si Shaina?" Nag taka ako sa tanong niya pero sumagot pa rn ako,

"She's my girlfriend" Ngumiti siya sa akin kaya kumunot naman ang noo ko,

"Is that so? Dr. Dutch, mukhang kailangan ka ng pinsan ko ngayon" Nagulat ako sa sinabi niya,

"Pinsan?" Tanong ko at ngumiti lang siya ulit,

"Yes. She's my cousin. By the way. Wala ka bang alam sa sakit niya?" Nagugulohan akong umiling sa kanya at huminga naman siya ng malalim.

"May alam ka bang doctor na humahawak ng eye surgery?" Kinabahan ako bigla sa tanong niya. Nanghina bigla ang tuhod ko,

"What do you mean by eye surgery?" Mahinang tanong ko sa kanya.

"Wala ka talagang alam? Tsk. May sakit sa mata si Shaina, at isa lang ang alam kong dapat gawin, iyon ay ang eye surgery. Pero hindi ko sinabi kay Shaina ang tungkol diyan" Napahilamos ako ng palad sa mukha ko at sumandal sa kinau-upoan ko.

"Since when?" Mahinang tanong ko sa kanya,

"Inborn ang sakit niyang night blindness Dr. Dutch, pero napabayaan niya kaya lumala. Ngayon, tatanongin ulit kita.? May kilala ka bang humahawak ng Eye surgery" Umiling ako sa kanya at napahilot sa sintido ko.

"Okay, don't worry. May kilala ako, pwede ka ng umalis. Hanapin mo ang pinsan ko, siguro nasa rooftop siya. Bilisan mo baka tumalon na siya" Hindi ako sumagot at nag madali nang lumabas ng office niya at tinakbo ang rooftop,

Pag dating ko doon ay nakita ko si Shaina na sinusuntok ang semento at umiyak kaya nag madali akong tumakbo sa kanya at niyakap siya mula sa likod para mapigilan ko siya.

"Ssshh, Es ist in Ordnung Angel. It's okay" Pag papakalma ko sa kanya at tumigil naman siya sa pag suntok pero umiiyak pa rin siya.

Inalalayan ko siyang tumayo at iniharap sa akin, pinunasan ko ang mga luha niya at hinawakan ang kamay niyang may sugat tsaka ko iyon hinalikan.

"It's okay Angel. No need to cry, I'm here okay? We'll get through this. Trust me"  Tumango siya at hinalikan ko siya noo,

"Let's go inside, dadating ang mga kaibigan ko" Pag aya ko sa kanya at agad naman siyang nag paakay sa akin papasok.

Shaina

Pumasok kami sa kwartong kinalalagyan ni Fyonna, nagulat pa ako sa nakita kong pulsohan ni Fyonna na nakabenda.

"Demon, anong nangyari kay Fyonna?" Tanong ko tsaka ko hinawakan ang kamay ni Fyonna.

"Nag tangkang mag laslas ang kaibigan mo. Pero hindi naman masyadong malalim kaya okay na siya" Sagot ni William, tinignan ko ang mukha ni Fyonna pero wala siyang expression sa mukha at tulala lang.

Mag sasalita na sana ako nang bigla nalang bumukas ang pinto at tumambad ang mga kaibigan ni William, pero kay Jin Lee napako ang paningin ko kaya nag madali akong tumayo at hinugot ang baril ko tsaka ko iyon tinutok sa kanya.

"Shaina! Stop it!" Hindi ako natinag sa sigaw ni William, nanatiling nakatutok ang baril ko sa ulo ni Jin Lee at matapang naman siyang tumingin sa akin. Bullshit ka, mag pata-pangan tayo ng tingin.

"Kasing kapal rin pala ng Harry Potter books ang mukha mo. Matapos mong gawin to sa kaibigan ko? pupunta ka dito? Tangina ka pala eh!" Hinawakan ni William ang kamay ko at dahan dahan niyang ibinaba, kaya wala na akong magawa dahil hindi ko kayang sumuway kay William.

"Go Jin, check her" Mabilis na nag lakad si Jin Lee palapit kay Fyonna at nag vibrate naman ang phone ko. Kaya kinuha ko ito at tinignan kung sino ang nag text.

From: Inspector Smith

Officer Saguid. Tuloy ang operasyon ngayon. Pumunta ka na dito para sa last meeting.

Tinignan ko si William na busy sa mga kaibigan niya, kaya hindi na ako nag paalam at lumabas nalang ng kwartong iyon at nag madaling lumakad papuntang Police station.

Tataposin ko muna ang trabaho ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top