CHAPTER 12

Jin

Ilangg araw ang lumipas pero wala pa rin kaming contact ni Fyonna.
Nag pakasal na sila Dylan at Angelic sa America at ako lang ang hindi nakapunta.

Nawalan na ako ng gana sa lahat ng bagay. Hindi ko na alam kung saan ang patutungohan ng buhay ko.

Ang sabi ni Daniel ay ipapacheck niya kung edited ba ang pictures o hindi. Pero hindi pa rin mapanatag ang loob ko.

Lalo na ng mabalitaan kong ikakasal na si Fyonna kay Miguel. Two days from now, tuloyan ng mawawala si Fyonna sa akin.

Fyonna Marie

"Uy ano na Fyonna? Idadamay mo ang anak mo sa gutom? Hindi ka kakain? Diba sinabi ko na sayo na masilan ang pag bubuntis mo. Kumain ka na, kahit ilang subo lang" Umiling ako kay Shaina at nanatiling nakatingin sa kawalan.

Nasa hospital pa rin ako. Walang alam ang mga magulang ko sa nangyari sa akin. Ang alam lang nila ay okay ako at handa akong mag pakasal kay Miguel.

"Excuse me Ms.Saguid. Pinapatawag po kayo ni Dr.Zhi sa office niya" Rinig kong sabi ng isang nurse kay Shaina. Agad naman na nag paalam sa akin si Shaina pero hindi pa rin ako sumagot sa kanya.

Nang makalabas na siya ay binalingan ko ng tingin ang mesang katabi nitong hospital bed. May nakita akong maliit na kutsilyo. Iyong ginagamit na pambalat sa prutas.

Kinuha ko ang kutsilyo at pinaglaroan sa kamay ko, tumingin na naman ako sa kawalan.

Para na akong baliw sa ginagawa ko, isa na akong masamang tao dahil wala akong pakialam sa batang nasa sinapupunan ko.

Masama na akong tao. Wala ng nag mamahal sa akin. Wala ng mag mamagal sa akin. Wala ng mag papahalaga sa aki.

"Jesus Fyonna! Put that fucking knife down!" Wala akong naririnig. Wala akong nakikita. Lahat wala. Ang tanging nakikita ko lang ay ang mga ngiti ni Jin at ang naririnig ko lang ay ang pag tawa ni Jin.

"Fyonna, come on drop that knife okay?" Nag tangkang lumapit si William sa akin pero diniin ko ang ang kutsilyo sa pulsohan ko at nag simula na itong mag dugo.

"Fuck!" Mabilis ang naging pangyayari. Nabawi ni William ang kutsilyo pero wala pa rin ako sa sarili ko.

"Ha-ha-ha-ha! May dugo! Aaaahhhhh!" Tumawa ako, ngumisi at bigla nalang umiyak. Hindi ko maintindihan ang sarili ko,

"Hello?! Yes here in my hospital! Hurry up you weirdos!"

Jin

"Jin let's go! Come on" Yaya sa akin ni Baxter pero nag matigas pa rin ako. Kaya ang nangyari ay nakatanggap ako ng suntok galing sa kanya.

"Diba sinabi ko na sayo na makikialam ako saa relasyon niyo pag nagkandaloko-loko na? Weirdo she's the cousin of my wife! And she's your girlfriend. Be a man Jin Lee!" Lupaypay akong napaupo sa gilid ng kalsada, tatayo na sana ko pero biglang may tumigil na sasakyan sa harapan namin ni Baxter.

"Sorry natagalan ako. Nalaman na namin ang resulta. Peke ang litrato. Edited lang yun" Bigla akong napatayo sa sinabi ni Daniel at hinawakan siya sa kwelyo ng damit niya.

"Is it true! Tell me Daniel!" Inilayo ako ni Baxter kay Daniel, at lumabas naman ng sasakyan ang ibang Tigers.

"Oo, totoo na peke ang litrato Jin. Kaya sumama ka sa amin sa hospital, nandoon si Fyonna at malala ang lagay niya" Nagulat ako sa sinabi ni Nyle, biglang tumulo ang luha ko at humarap ako kay Baxter tsaka ko siya hinawakan sa balikat niya.

"I'm so sorry, I'm sorry. I'm sorry" Tinapik ni Baxter ang balikat ko at niyakap niya ako.

"Hindi ka dapat sa akin nang hihingi ng sorry. Kay Fyonna dapat" Hinila na nila ako papasok sa sasakyan at si Fiennes naman ang nag maneho papuntang hospital.

Pag dating namin ay nag madali akong pumunta sa nurse station para mag tanong.

"Nasaan si Fyonna Marie Casanova?" May kinuha ang nurse na isang listahan at hinanap ang pangalan ng babaeng mahal ko.

"Room 207 sir" Mabalis akong tumakbo at sumakay ng elevator. Ganoon din ang mga kasamahan ko.

Nang makarating kami sa second floor ay hinanap ko kaagad ang room 207,

"Dito!" Nilingon namin si Nyle at nag tungo sa room 207, saktong pag pasok ko ay may nag tutok kaagad sa akin ng isang baril kaya napaatras kaming lahat.

"Shaina! Stop it!" Hindi natinag ang kaibigan ni Fyonna sa sigaw ni William, nanatiling nakatutok ang baril niya sa ulo ko kaya matapang ko siyang hinarap.

"Kasing kapal rin pala ng Harry Potter books ang mukha mo. Matapos mong gawin to sa kaibigan ko? pupunta ka dito? Tangina ka pala eh!" Hinawakan ni William ang kamay ng babae at dahan dahan iyon ibinaba.

"Go Jin, check her" Mabilis akong nag lakad at tinungo si Fyonna na nakatulala at may benda ang kanang pulsohan niya.

Nang mahawakan ko siya ay bigla nalang nag unahan sa pag agos ang luha ko at lumuhod ako sa gilid ng hospital bed habang hawak hawak pa rin ang kamay ni Fyonna.

"I'm sorry my Cheer, I'm so sorry, sorry, sorry, sorry, sorry" Paulit kong sambit at hinahalikan ang kamay niya.

Tumayo ako sa pagkakaluhod at niyakap ng mahigpit ang Cheer ng buhay ko. Nakita ko na may luha sa mata niya kaya agad ko iyong pinunasan at inayos ang buhok niya.

"Sshh, don't cry my Cheer. Your player is here. I love you" Nang hindi sumagot si Fyonna ay tinignan ko si William para mag tanong.

Suminyas siya na sumunod ako sa kanya kaya humarap muna ako kay Fyonna at hinalikan siya sa noo bago sumunod kay William sa labas.

"I have a good news to you Jin Lee, at lahat ng good news ay may kakambal na bad news. Alin sa dalawa ang uunahin kong sabihin?" Natatakot akong marinig ang balita. Natatakot ako na baka hindi ko kayanin ang malalaman ko.

"The good one" Tumango si William at inayos ang stethoscope na nakasabit sa kanya at sumeryoso ng tingin sa akin.

"Okay Mr. Lee, Fyonna is Ten days pregnant" Napatakip ako sa buong mukha ko ay sinabunotan ang sarili kong buhok dahil sa nalaman ko,

"And the bad news is. She's depress, at masilan ang pag bubuntis niya. Nadadamay ang dugo na nabubuhay sa sinapupunan niya Jin Lee. Pag hindi naagapan ay maaring mag lead ito ng mental disorder" Umiling ako kay William, Hindi ako mapakali at naikot-ikot ako ng lakad sa hall way ng hospital.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top