CHAPTER 7
Angelic/Mica
Hanggang ngayon ay ilang na ilang pa rin ako habang pinapakain ang anak ko, si Dylan naman ay nakangiti at magana ang kain niya kaya nag tataka ako.
Dahil ba iyon sa halik? Tsk. Asa naman ako na dahil doon.
"So Mica, do you have plan for tomorrow?" Kumunot ang noo ko at tumingin sa kisame bago tumingin kay Dylan.
"Wala naman. Bakit?" Ngumiti si Dylan bago sumagot.
"Great! Mag sisimba tayo" Kaagad na kumunot ang noo ko habang nakatingin sa kanya. Anong nangyari dito?
"Mag sisimba? Tayo?" Tumango siya at tumayo tapos ay nag hugas ng kamay tsaka hinalikan sa noo si Angeline at umalis na sa kusina.
What was that?
--
Hating gabi na pero nandito ako sa Terrace ng bahay ni Dylan dito sa likod. Oo may terrace sa likod ng bahay ni Dylan.
Pero nang tinignan ko ang ibaba niya ay napalunok ako, kasi naman! Kakahoyan ang bagsak ko pag tumalon ako.
Hindi pa siguro ako makakaapak ng lupa ay lasug-lasug na ang katawan ako pag bagsak.
Umiling ako at nag lakad ulit pero muntik na akong matumba dahil nakabangga ako ng pader.
"It's already twelve in midnight" Mabilis akong tumayo dahil hindi pala pader ang nabangga ko, tao kasi. Tao.
"Nag papahangin lang" Mahinang sabi ko habang nakayuko, hindi ko pa kasi nakalimotan na hinalikan niya ako kanina. Nakakahiya. Wala akong mukhang maihaharap sa kanya.
"You should rest. Mag sisimba pa tayo bukas" Ay oo nga pala! Mag sisimba bukas. Tama bukas ako tatakas.
"Sige, papasok na ako" Tumalikod ako at mag lalakad na sana ako ng hawakan ni Dylan ang braso ko ng mahigpit kaya hindi ko mapigilan na umaray.
"I know what you are thinking woman" Bigla akong kinabahan sa sinabi ni Dylan, alam niyang tatakas ako at dadalhin ko ang anak ko?
"Hindi kita maintindihan Dylan. Bitawan mo ako" Mahina kong sabi dahilan para mas humigpit pa ang hawak niya kaya hindi ako nakatiis at humarap na talaga ako sa kanya.
"Ano ba Dylan! Masakit ang pag kakahawak mo!" Hindi natinag sa sigaw ko si Dylan, hinila niya ako palapit sa kanya at bigla akong niyakap ng magigpit kaya natulala ko.
What is this? What's the meaning of this?
"Don't leave" Bigla akong natigilan sa sinabi ni Dylan, iyong boses niya kasi nakakaawa. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kaya niyakap ko nalang din siya pabalik dahil wala akong magawa at blanko ang isip ko.
Dylan
She hugged me back, and that made me smile.
Mas hinigpitan ko pa ang yakap ko sa kanya na para bang ayaw ko na siya pakawalan pa.
Well, ayaw ko naman talaga siyang pakawalan pa.
"Dylan? Papasok na ako sa kwarto, naiwan si Angeline doon eh" Dahan dahan ko siyang binitawan sa pag yakap at hinawakan ang kamay niya para sabay kaming pumunta sa kwarto.
"Uhh, Dylan?" Tumigil ako at hinarap si Mica, tinignan ko siya para hintayin ang sasabihin niya sakin.
"Wala ng ibang kwarto dito?" Binitawan ko ang kamay niya dahil biglang uminit ang ulo ko sa tanong niya.
Ano? Ayaw niyang makasama ako sa iisang kwarto? pwes sa sala siya matutulog dahil walang ibang kwarto dito.
Nag lakad ako papunta sa taas at pumasok na sa kwarto ko sabay lock ng pinto, tignan ko lang kung sino ang mananakit ang likod sa pag higa sa sofa.
Angelic/Mica
Nakatulala ako sa labas habang nakatitig sa pintong pinasukan ni Dylan, anong nangyari sa kanya?
May character disorder ba iyong lalaking yun? Kanina Mutism ang naiisip ko, ngayon naman character disorder! tsk. Mag tatawag na ba ako ng mental hospital?
Huminga ako ng malalim at pumasok na din, sinarado ko muna lahat ng bintana bago pumunta sa second floor. Pag pihit ko ng pinto ay nagulat ako kasi nakalock.
Seryoso?
"Baliw yata talaga iyong lalaking yun eh, nilock ba naman?" ibig sabihin, matutulog ako sa sofa?
"Aba loko to ah" mahinang sabi ko habang masama ang tingin sa pinto ng kwarto.
"Ano to? matutulog ako na walang unan at kumot? hindi ba niya naisip na malamig kasi kakaulan lang?" Huminga ako ng malalim at pinakalma ang sarili ko bago nag martsa pababa habang nakapamewang.
"Holy mother of– tsk. May lagnat pa naman ako, walang hiya siya" Nagpabalik balik ako ng lakad sa harap ng sofa hanggang sa sumuko na ako at pabagsak na umupo sa sofa.
"Kung akala niya sasamahan ko siya sa simbahan bukas, pwes mangarap siya! Aalis ako dito kasama ang anak ko" Inis na sabi ko at humiga na sa sofa, hindi ako makahiga ng maayos dahil hindi ako sanay na matulog sa sofa.
Bakit ba kasi pinanganak akong mayaman? Edi sana kung mahirap lang ako hindi ako mahihirapan na matulog sa sofa, kung sana mahirap ako para sanay ako kahit sa gilid lang ng daan matulog.
"Ayy! Hindi ako makakatulog nito" Babangon na sana ako ng makarinig ako ng yapak pababa ng hagdan kaya umayos ako ng higa at pumikit para mag panggap na tulog ako
"Mica!" Ano bang sinisigaw sigaw ng lalaking to?
"Tss, hoy Micaella bumangon ka diyan" Hindi ako nakinig at nag patuloy lang sa pagpanggap na tulog ako. Bahala siya.
"Pag hindi ka tumayo diyan, huhubaran kita ng sapilitan"
"Sige hubaran mo na– I mean! Walang hiya ka!" Bigla akong napatakip sa bibig ko, walang hiya tong bibig na ito! Kung ano ano sinasabi.
"What?" Mahinang tanong ni Dylan kaya napilitan akong buksan ang mga mata ko at tinignan si Dylan, pero nagulat ako na sobrang lapit na pala ng mukha niya sa mukha ko.
Konti nalang pwede na kaming mag halikan.
"What did you say?" Tanong niya sa harap ng mukha ko. Ang bango ng hininga niya, ang husky ng boses, nakakaakit na mga mata at nakakawalang hiya na titig!
"Wala akong sinabi, lumayo ka nga" Teka? nakapag toothbrush ba ako kanina? Baka naman mabaho na hininga ako? Nakakahiya.
"You're blushing" Nanlaki ang mata ko at tinulak ko siya pero hindi siya natinag at hinawakan ang dalawang pulsohan ko.
"Anong ginagawa mo?" Salamat naman at hindi gumaralgal ang boses ko!
"Alam mo bang nangangagat ako sa leeg?" Parang alam ko na sinasabi nito ah. Biglang nag init ang pisngi ko nang maalala ko ang unang gabi namin ni Dylan sa Alegria isang taon na ang nakalipas.
"Naalala mo?" Kumurap ako ng dalawang beses dahil kay narealize ako ngayon ngayon lang.
"Dylan, ang daldal mo yata ngayon?"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top