CHAPTER 11
Angel Faith
Naalimpongatan ako kasi pakiramdam ko may humahalik sa pisnge ko, pinunasan ko iyon at dumapa ng pag kakahiga. Naramdaman kong may dumagan sa likod ko kaya minulat ko na ang mata ko.
"Nagising rin ang baby ko" Kumunot ang noo ko dahil si Noe pala iyon pero amoy alak siya.
"Nag inoman kayo kagabi? Umalis ka nga sa pagkakadagan sakin" Umalis siya sa likod ko at humiga sa kama.
"Maligo ka na, aalis na tayo" Tinignan ko ang orasan sa table ko at 3am pa lang ng umaga, umiling ako at bumangon na para maligo.
"Umidlip ka muna diyan. Maliligo na ako" Kinuha ko ang tuwalya ko tsaka ako pumasok sa CR.
Pagkahubad ko ng damit ay nagulat ako ng may yumakap sa akin.
"Sabay na tayo maligo" Hinarap ko si Noe at tinaasan ng kilay. Bahala na kung hubo't hubad ako sa harap niya.
"Lasing ka, hindi ka pwede maligo. Mag punas ka nalang" Kinamot ni Noe ang batok niya at lumabas ng CR kaya nag simula na akong maligo.
----
"Noe tapos na ako mag bihis" Napataas ang kilay ko dahil dali dali siyang bumangon.
"Tapos ka na? Bakit hindi mo ako ginising nung nag bibihis ka pa?" Pinaningkitan ko siya ng mata kaya tumawa siya ng mahina.
"Joke lang baby, tara na malapit na mag 5am" Kinuha ni Noe ang bag ko kaya humawak nalang ako sa braso niya.
"Oh, Mag iingat kayo sa byahe ah. Tumawag kayo pag nakarating na kayo doon" Tinignan ko si Daniel na katabi lang ni Mommy.
"Daniel? hindi ka babalik sa manila?" Umiling si Daniel at humiga sa sofa.
"Mamaya na ako mga 6am, gagamitin ko naman si Dangel" Tumango ako at nag lakad na palabas ng bahay.
Dangel is a Helicopter, sabi ni Daniel kaya Dangel ang pangalan si Daniel and Angel.
He's a sweet guy, sabi pa niya pag mag aasawa na daw siya bibili siya ng bagong Helicopter tapos papangalanan niya ng combination name nila ng future wife niya.
Hope that day will come.
Pinagbuksan ako ni Noe ng kotse kaya agad akong pumasok, siya naman ay umikot pa sa driver's seat.
"Kailangan maaga tayong makarating sa Manila, may aasikasohin ako sa Restaurant" Hindi ako sumagot at sumandal nalang sa upoan.
Tahimik ang naging byahe namin papuntang airport hanggang sa makasakay kami ng airplane at makalapag.
"Wait, my phone is ringing. I need to answer this" Tumango ako at tinignan siyang may kinausap aa phone. Nag taka ako kasi kumunot ang noo ni Noe kaya lumapit ako para makinig.
"Where is that fucker?"
"Okay, mag hintay ka nalang sa Restaurant. Papunta na kami ni Faith" Nag mamadali si Noe ng lapitan niya ako at agad na hinapit ako sa bewang.
"Kanina pa yang mga lalaki sa kakatingin sayo, kung pwede lang sila patayin ngayon na" Yumuko ako para hindi niya makita ang namumula kong mukha.
God! kinikilig ba ako?
"Tara na Noe" Hinila ko siya palabas ng Airport at pumara ng taxi.
"Sino ba katawag mo kanina?" Tanong ko kay Noe nang makasakay kami.
"Esposa ni Baxter"
"Kailan pa nagka-asawa si Baxter? Akala ko ba si Joseph lang may asawa?" Natawa si Noe at ninakawan ako ng halik sa labi kaya tumikhim ako at ngumoso.
"Cute baby. By the way, Esposa ang tawag ni Baxter kay Clea. Excited yata maasawa" Umiling nalang ako at sumandal sa upoan.
Bigla akong nakaramdam na nahihilo ako pero pinagsawalang bahala ko nalang, namamawis na ang noo ko dahil sa pagkahilo at parang gusto ko masuka.
Ilang minuto pa ang hinintay ko bago kami makarating sa Restaurant ni Noe.
Pag hinto pa lang ng taxi ay nauna akong lumabas at tumakbo sa loob ng Restaurant, maaga pa kaya wala pang tao.
Nag madali ako sa CR at nilabas ang kanina ko pang pinipigilan, pero tubig lang naman at laway ang lumabas kaya nag taka ako.
"Faith! what the fuck happened?" Sinamaan ko ng tingin si Noe kaya umatras siya.
"wag mo akong ma-what the fuck-what the fuck Noe" Huminga ng malalim si Noe at hinagod ang likod ko.
Humarap ako sa kanya at yumakap dahil nanginginig ang mga paa ko.
"Noe! where's Clea?" Bumaling kami sa pinto ng dumating si Noe kasama si Jin na hinihingal pa.
"Sa office, ano ba kasing nangyari?" Hindi ako umalis sa yakap pero nakikinig ako sa pinag uusapan nila.
"Mahabang kwento, basta Noe mauna ka sa loob. Ikaw Jin, tawagan mo ang Tiger kailangan mahanda ang Garden okay? tumawag na rin kayo ng pari" Hindi pa nag process sa utak ko ang sinabi ni Baxter pero hinila na ako ni Noe papunta sa office niya.
"Baby?" Namula ako kasi first time kong tawagin si Noe ng ganito.
"Hmm?"
"Anong nangyayari? I can't process all in my mind" Inakbayan ako ni Noe at hinalikan si gilid ng noo ko.
Noe is being sweet to me this morning, sana may susunod pa.
"Pakakasalan na ni Baxter si Cleassie" I felt insecure, insecure about Baxter and Clea's wedding.
Someday Noe will propose to me, someday.
"Baby, ako muna ang unang papasok okay? susunod ka after 2 minutes" tumango ako at nagpaiwan sa labas ng pinto nang pumasok na si Noe sa office niya.
Menoetius
Pag pasok ko sa office ay sakto namang nagising si Clea.
"Oh, Clea you're awake" Lumakad ako at tumayo malapit sa table ko.
Tsk, mapapasabak yata ang acting skills ko dito. Fuck you Vinagre.
"Nga pala, tumawag si Vinagre" Nakita kong umayos ng upo si Clea.
"Anong sabi?" Hindi ako sumagot at nag kibit balikat lang, umupo ako sa office table ko ng bumukas ang pinto at pumasok si Faith.
"Hello there beautiful! Naaalala mo ako?" Natawa ako ng mahina dahil umopo si Faith sa tabi ni Clea at inilapit pa talaga ang mukha niya. Umatras si Clea pero lumapit naman ulit si Faith.
"Baby, stop that" Napatingin dilang dalawa sa akin kaya tumayo na ako at tinignan ang relo ko, tapos naman na siguro silang mag ayos.
"Awww, looks like she can't remember me Baby" Malungkot na sabi Faith, kailan pa naging emotional si Faith?
Hindi ko nalang pinansin at humarap kay Clea.
"Clea aalis kami ni Faith ikaw na bahala kay Vinagre pag dumating siya" Speaking of, biglang bumukas ang pinto at unang pumasok si Jin.
"Nice timing weirdos, aalis kami ni Faith. Let's go baby" Hinalikan muna ni Faith si Clea bago kami lumabas sa office ko.
"Oh? completo tayo ah" Nag angat ako ng tingin dahil sa sinabi ni Faith. Completo nga kaming Tigers, may ilan akong nakikita na Cheer dancers pa namin dati noong high school.
"Ayos na ang Garden, grabe din tong si Baxter. Akala ko ba hindi naniniwala sa pag ibig yan?" Asik ni Joseph na agad naman siniko ni Victor.
"Nakapag-asawa ka lang yumayabang ka na ah!" Nag tawanan kami dahil mabilis na nainis si Joseph sa sinabi Victor.
"Ni Hindi ko nga nakita pagmumukha niya eh"
"Ano na kayang ginagawa nila sa loob" Biglang tanong ni Lelantos na hawak hawak na naman ang girlfriend niyang si Barbie.
"Malay ba namin, subukan mong pumasok nang mapatay ka ni Vinagre" Ngumuso si Lelantos sa sinabi ko. Nagulat ako kasi bigla siyang nilapitan ni Faith at kinurot sa pisnge.
"Aww ang cute cute mo Lelantos! Nguso ka pa dali! picturan kita awiie" Kumulo ang dugo ko at hinila si Faith pabalik sakin.
"Behave Faith"
"Wew! nag seselos ang dog lover! este Faith lover!" Napuno ng kantyawan at tawanan dahil sa inakto ko, hindi ko sila pinansin at tinignan si Faith.
"There's something wrong with you"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top