CHAPTER 7

Maev Nariahree

"Sigurado ka talaga na si Sword iyon?" Nandito ako sa loob ng isang tent kung saan kausap ko si Mr. Daniel Naga. Kinakausap niya ako tungkol sa nangyari.

"Sigurado ako dahil nakita ko mismo ang mukha niya" Tinignan niya muna ako ng ilang sandali bago kinuha cellphone na nasa mesa at may kinalikot doon.

"Yes hello Faith, can you please send me the file about the reaper with the code name 'Sword'?" Hindi natuon ang atensyon ko kay Mr. Naga dahil bigla nalang pumasok si Nyle habang may dalang tasa ng kape. Umaga pa kasi ngayon at talaga ginising lang ako para maka-usap si Mr. Naga.

Masakit pa nga ang pagkababae ko eh! Inang yan! Naiyak pa ako kanina nung na-ihi ako, ang sarap lang talaga barilin ng matandang to eh.

"Yeah I know baby, I'll call you later. I love you" Ang sweet naman ni Mr. Naga sa kapatid niya, kilala ko ang kapatid niyang si Faith dahil minsan na rin siya nagawi dito sa kampo kasama ang asawa nito.

"I need to go, thank you for answering my question Anchor and Nyle please take care of everything here. I'll call Isaac to visit you baka mahimas-masan na ang gago sa kaka-inom ng alak" Tumahimik ako para makapag-usap ang dalawa, wala naman kasi akong alam sa pinag-sasabi nila.

"Nag iinom pa rin siya? Sino nag aalaga sa anak niya?"

"Sila Clea at Baxter muna ang nag aalaga sa bata, hayaan muna natin si Isaac. Alam kong masakit para sa kanya ang nangyari, basta sabihin ko nalang na bisitahin ka. Umalis kasi si Lelantos ng Pinas, na-bored yata sa pagiging single" Nagtawanan ang dalawa at tuloyan ng umalis si Mr. Naga kaya kami nalang dalawa ni Nyle ang naiwan.

"Nag file ako ng leave para sa ating dalawa. Aalis muna tayo dito" Bigla akong napatingin sa kanya, aalis kami?

"Saan naman ang punta? Bakit tayo aalis?" Umupo siya sa tabi ko at nilapag ang tasa ng kape sa mesang nasa harapan namin.

"Sa private house ko, I want to spend time with you alone. Ayoko ng maraming sagabal" Tinaasan ko siya ng kilay at mahinang sinampal sa pisnge.

"Kakasabi lang ni Mr. Naga na papupuntahin niya dito ang kaibigan mo. Isa pa, kailangan ako sa misyon bukas" Biglang nag-iba ang timpla ng mukha ni Nyle kaya natigilan ako. May nasabi ba akong mali?

"Sinabi ko naman na sayo na itigil mo na ito Maev, paano kung mapahamak ka na naman tapos wala ako para iligtas ka. Ayaw ko lang naman na may mangyaring masama sayo. Iyong kaibigan kong si Isaac, namatayan ng asawa, gagaya pa ba ako?" Nainis agad ako kaya tumayo ako.

"Dami mo agad sinabi eh sinagot ko lang naman tanong mo kanina. Ewan ko sayo tanda" Iniwan ko siya loob ng tent para pumunta sa sarili kong tent at inayos ang mga gamit na kakailanganin ko bukas.

Ang sabi sa akin ay babalik kami ng Beijing para hanapin ang organosasyon kung saan sumali si Sword. Ang sabi kanina ni Mr. Naga ay isesend niya sa amin ang impormasyon pag nakarating na kami sa Beijing.

"Maev honey, listen to me.. " Nilingon ko si Nyle, talagang sinundan pa ako ni tanda hanggang dito.

"Ano ba kailangan mo tanda? Nakikita mo naman siguro na busy ako kakaayos diba?" Wala, ewan. Sumasakit ulo ko sa matandang to.

"Bumabalik ka sa pagka-dragon mo. Sinundan lang naman kita para sabihing sasama ako sa misyon" Nilingon ko agad siya dahil sa sinabi niya.

"Sasama ka? Akala ko ba may ibang misyon kayo ni Red sa Italy?" Kinamot niya agad ang ulo niya at bahagyang ngumiti sa akin kaya tinaasan ko siya ng kilay.

"Hirap pala pag may dragon kang girlfriend" Namula ako bigla sa sinabi niya kaya binalik ko agad ang atensyon ko sa pag-aayos ng gamit.

"Girlfriend? Sino nag sabi na girlfriend mo ako?" Kasi ba may nangyari sa amin? Ganito naman talaga ang kapanahonan ngayon, minsan nga kahit mag sex kayo tapos wala na agad pakialamanan, one night stand nga kung tawagin ng iba doon sa resort.

"What are you talking about? You're my girlfriend. Baka naman gusto mo fiancé agad? Pwede rin. Medyo tumatanda na ako eh, kakatrenta ko lang noong nakaraang dalawang buwan" Pinulot ko ang suklay sa gilid at binato sa kanya pero nakailag naman agad siya.

"Alam mo dragon ka talaga eh, sinasabi ko lang naman. Sige mamili ka, girlfriend o fiancé?" Hinarap ko siya at namewang.

"Hoy tanda, hindi dahil may nangyari sa atin kagabi ay ganyan ka na kung umasta. Dederetsohin na kita ah, wala akong panahon mag jowa o mag asawa kaya tigilan mo na ako" Kahit ang totoo ay mahal ko talaga ang matandang to pero kailangan kong pigilan ang sarili ko.

Sa mundong ginagalawan namin ay hindi nabubuhay ang taong nag mamahal. Kung nag mamahal ka, palaging may pumipigil sayo katulad nalang ni Nyle na pinipilit akong umalis sa groupo. Ayaw ko ng ganito kaya iiwasan ko siya, sasali ako sa misyon na malayp sa kanya.

"Hindi naman ako nag mamadali, ang gusto ko lang naman ay umalis ka sa groupo. Maev, I'm just prospecting you okay? This is for you and for our future" Sinarado ko ang bag at inayos iyon sa gilid ng higaan ko.

"Future? Tulog ka pa? Gumising ka nga tanda. Wala tayong future dahil hindi tayo magsasama. Umalis ka nga dito sa tent ko baka matadyakan pa kita" Sige lang Maev, ipagtaboyan mo pa lalo para malayo ang loob niya sayo.

Lalaki lang si Nyle, mag hahanap at mag hahanap iyan ng bagong putahe pag nagsawa na siya sa kakalapit sayo. Tama lang ang ginagawa mo dahil mamasaktan ka lang sa huli. Mas mabuti na ang napag-hahandaan at naiiwasan ng maaga bago pa lumalim at tumatak. Parang bakal lang yan na nasa tubig dagat, kinakalawang habang tumatagal. Kakalawangin din yang pagmamahal mo sa kanya kapag tumagal.

"Sige, aalis ako ngayon at sasama sa Italy pero hindi ibig sabihin ay titigilan na kita. I am giving you a chance to think about this matter Maev. Pag nagmatigas ka pa rin, wala na akong magagawa pa kundi ang pwersahin ka" Iyan lang ang sinabi niya at lumabas na sa tent ko.

Umupo naman ako sa gilid ng higaan ko at sinapo ang buong mukha ko. Mababaliw na yata ako sa kakaisip nito, madali akong mamamatay pag hindi ako nag focus sa misyon.

Mabilis akong tumayo at nagbihis para maaga kaming makaalis sa Placer. Kailangan daw ay mapadali ang pag punta namin sa Beijing sabi ni Mr. Naga dahil alam niyang hindi pa nakaka-alis ang groupong kinabibilangan ni Sword.

Isa pa si Sword sa problema ko. Akala ko talaga kakampe ko ang babaeng iyon, akala ko mabait ang hinayupak eh kontrabida naman pala. Muntik pa akong mapatay nung nahuli niya ako sa Beijing.

"Anchor, nag hihintay na ang helicopter tara na" Tawag sa akin ng isang kasamahan ko kaya lumabas agad ako ng tent dala ang bag ko.

Pagsakay ko ng helicopter ay nakita ko agad si Nyle na nakatayo kasama si Red malapit sa isang puno ng niyog, kumaway si Nyle sa akin at ngumiti kaya iniwas ko agad ang tingin ko.

Kahit hindi ka na ngumiti tanda, gwapo ka pa rin.

#Beijing
#Tanda
#MaevHoney

Malalaman na kaya kung ano ang nangyari kay Sword? Kung ano ang tungkol sa kanya? Kung ano ant mangyayari sa misyon? Kung magiging single kaya forever si Nyle? Haha!

Hmm, by the way. Nabanggit si Isaac sa Chapter na 'to. Kamusta naman ang puso niyo sa story niya? Okay lang ba? Hehe.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top