Ika-Tatlumpu't Dalawang Kabanata
[Kabanata 32]
TAHIMIK na pinagmamasdan ni Martin ang mag-lolo habang nakatayo siya sa likod ng isang malaking puno, ilang metro ang layo mula sa kinaroroonan nina Don Federico at Celestina. Sa pagkakataong iyon, ang tanging hangad niya lang ay ang malaman ni Celestina ang buong katotohanan sa kaniyang pagkatao at ang muling makapiling ang totoong pamilya nito.
Dahan-dahang tumalikod si Martin at nagsimulang humakbang papalayo. Kasabay niyon ay muli niyang inalala ang buong pangyayari bago niya pagpasiyahan na piliin ang kapakanan ni Celestina.
Naalimpungatan si Martin sa sinag ng araw na tumatama sa kaniyang mga mata. Napangiti na lamang siya sa sarili nang makita si Celestina na mahimbing na natutulog sa kaniyang tabi. Sandali niyang pinagmasdan ang dalaga, ang mala-anghel nitong mukha habang natutulog. Ang mahahaba nitong pilik-mata, mapulang pisngi at labi, at ang makinis nitong balat.
Dahan-dahang itinaas ni Martin ang kaniyang kamay upang hawiin ang buhok ni Celestina na tumatama sa mata nito ngunit napatigil siya nang maalala na may mga dapat pa siyang gawin. Batid niyang hindi tama ang ginawa nila ni Celestina ngunit anumang mali ay nagiging tama para sa dalawang taong umiibig.
Ibinaba na lang ni Martin ang kaniyang kamay saka maingat na bumangon sa kama. Maingat niyang ipinatong ang kumot kay Celestina saka nagtungo sa palikuran. Matapos ang ilang minutong paghahanda, inilapag na niya ang isang liham na isinulat niya para kay Celestina.
Mahal kong Tinang,
Paumanhin sapagkat hindi na ako makakapagpaalam sa iyo. Aking nababatid na hindi ko magagawang lumisan sa oras na ako'y hagkan mo muli. Kung kaya't minabuti ko na mag-iwan na lamang ng liham sa iyo. Ibig kong malaman mo na labis ang aking kaligayahan dahil sa wakas ay nakakapasaglita ka na at muli kitang nakita.
Nais ko ring malaman mo na ako'y pansamantalang lilisan muna upang ayusin ang mga naiwan kong gawain sa hukuman. Bukod doon ay hindi ko ibig na mapahamak kang muli sa oras na matagal ako rito. Ngunit huwag ka malumbay sapagkat ako'y babalik pagkatapos ng pagpaparangal sa hukuman para sa susunod na magiging punonghukom. Anuman ang maging kalabasan niyon ay ibig kong kasama pa rin kita sa hirap at ginhawa.
Nagmamahal,
Tinong
Maingat na ipinatong ni Martin ang liham na iyon sa ilalim ng lampara na wala nang sindi. Muli niyang pinagmasdan si Celestina na mahimbing pa ring natutulog sa kama. Matapos ang ilang sandali ay naglakad na si Martin papalabas sa silid na iyon.
Ngunit napatigil siya sa ikalawang palapag nang madaanan niya ang lumang aparador kung saan niya nakita ang pamilyar na talaarawan na minsan na niyang nakitang gamit ni Celestina noon. Binuksan niya ang aparador saka kinuha ang talaarawan. Sinuri niya itong mabuti at napansin niya na hindi iyon nabubuksan.
Napatigil siya nang makita ang maliit na butas sa gilid kung saan ipinapasok ang susi nito. Sandali siyang napaisip at unti-unti niyang napagtagpi-tagpi ang kalahagahan ng kuwintas na de susi na parehong mayroon sina Celestina at Loisa. At ang kuwintas na de susi na iyon ay isa sa naging batayan ni Don Federico upang hanapin ang kaniyang nawawalang anak at ang ipinagbubuntis nito.
Mabilis na isinilid ni Martin ang lumang talaarawang iyon sa kaniyang bagahe at tuluyan na siyang naglakad papalabas sa hacienda Cervantes. Nais niyang alamin muna ang buong katotohanan at ang tanging makakapagbigay ng kasagutan sa kaniya ay si Don Federico mismo.
Sumapit na ang araw kung saan iaanunsyo na sa lahat ang magiging bagong punonghukom ng kataas-taasang hukuman. Naabutan ni Martin na abala ang lahat ng tao sa daungan at sa buong bayan. Isang linggo na lang bago ipagdiwang ang prusisyon ng Santacruzan.
Sumakay siya sa isang kalesa "Saan ho tayo señor?" tanong ng binatilyong kutsero, napatingin naman si Martin sa bintana kung saan abalang-abala ang mga tao sa buong paligid. "Sa Escuela de las Niñas" tugon ni Martin, tumango naman ang kutsero saka pinatakbo ang kalesa.
Makalipas ang ilang minuto, narating na nila ang tahanan at eskwelahan ni madam Villareal. Nang makababa si Martin sa kalesa ay sandali niyang pinagmasdan ang malaking tahanan na iyon kung saan muli niyang nasumpungan at tuluyang nakilala si Celestina na siyang ipapakasal sana sa kaniya noon.
Tatlong ulit ang pinakawalan ni Martin sa pinto bago ito bumukas. Tumambad sa kaniyang harapan si Marisol na dating nabibilang sa alta sociedad ngunit nang madamay ang ama nito na si Don Gonzalo sa kasong rebelyon ni Don Lorenzo ay tuluyang nagwakas ang marangyang buhay ng dalaga.
Mabilis na napaiwas ng tingin si Marisol dahil hindi niya inaasahang makikita siya ng lalaking minsan din niyang hinangaan sa ganoong kalagayan. "Ano ang iyong sadya rito?" panimula ni Marisol habang gulat na nakatingin sa kaniya "Maaari mo ba akog dalhin kay Manang Dominga?" tugon ni Martin na ikinagulat ni Marisol, agad siyang napalingon sa paligid sa takot na may ibang nakarinig sa sinabi nito.
"Ipinagtapat na sa akin ni Tonyo ang lahat. Batid kong alam mo rin na ibig ng inyong samahan na mapabilang ako sa inyo. Ipagtatapat ko na hindi ba ganoon kabuo ang aking pasiya, sa ngayon, ibig kong malaman ang buong katotohanan. At mula sa katotohanang iyon, ibig kong makilala kung sino ba talaga ang totoong kalaban at kung iisa nga ba tayo ng hangarin" patuloy ni Martin, napalunok na lang sa kaba si Marisol.
Matinding paglilihim ang ginagawa nila upang maitago ang kanilang samahan kung kaya't halos atakihin siya sa puso nang malaman na may ibang nakakaalam nito. Hindi naman lingid sa kaniyang kaalaman na ibig ng kanilang pinuno na umanib si Martin sa kanilang samahan ngunit hindi niya lang inaasahan na ang unang lalapitan nito ay siya mismo.
Muling napalingon si Marisol sa buong paligid at nang masiguro niya na walang ibang taong nakikinig o nagmamasid sa kanila ay tiningnan niya ng derecho si Martin sa mata. "Sa loob ng sampung minuto, hintayin mo ako sa tapat ng panaderia ni Mang Jose. Dadaan ako roon kasama ang isang binatilyong nakabihis kutsero, sundan mo kami ng palihim hanggang sa marating namin ang isang maliit na bahay sa gitna ng palayan. Hinatayin mong lumingon ako sa iyo bago ka lumapit at pumasok sa tahanang iyon" bilin ni Marisol gamit ang mahina nitong boses.
Napatango naman si Martin at akmang tatalikod ngunit napatigil sila nang marinig ang boses ni madam Villareal mula sa hagdanan. "Ano ang iyong sadya rito, señor Martin?" wika ni madam Villareal habang nakaalalay sa kaniya ang isang kasambahay. Napatigil si Martin at sandaling pinagmasdan ang matapobreng doña. Maputla ang buong mukha at balat nito, lumamin din ang kaniyang mga mata at kitang-kita ang mga biyak at namuong dugo sa labi ng señora.
Dahan-dahang bumaba ng hagdan si madam Villareal habang akay-akay ng isang dalagitang kasambahay. Hinubad ni Martin ang kaniyang sumbrero at itinapat iyon sa kaniyang dibdib upang mag-bigay galang sa matapobreng babaeng minsang naging sagabal sa kanila ni Celestina.
"Malayo na nga ang iyong narating..." patuloy ni madam Villareal sabay hawak sa kaniyang dibdib at napaubo siya ng malalim. Agad naman siyang inalalayan ng dalagita na maupo sa upuan at nagmadali itong kumuha ng tubig sa kusina. Samantala, nanatili namang nakatayo si Martin sa bukana ng pintuan.
"Paumanhin ngunit hindi na ako magtatagal pa---" hindi niya natapos ang kaniyang sasabihin dahil tumigil na sa pag-ubo si madam Villareal saka derechong tumingin sa kaniya. Hindi alam ni Martin kung dapat ba siyang maawa o matuwa sa sinasapit ng señora na ngayon ay halos buto't balat na.
"Iyo na bang nakilala ng lubos ang iyong ama?" wika nito, hindi naman nakapagsalita si Martin. Sa mundong kanilang ginagalawan, batid niyang wala siyang dapat pagkatiwalaan at pakinggan kundi ang kaniyang sarili.
"Tila malubha na ang iyong karamdaman, maaari kong pakiusapan si Julian na tingnan ang iyong kalaga---" muling hindi natapos ni Martin ang kaniyang sasabihin dahil biglang tumawa si madam Villareal, mahinang tawa na animo'y tinatawanan nito ang sariling kondisyon.
"Iyong mapagtatanto na hindi si Don Amadeo ang pinakamasamang tao rito. Walang ibang mas nakakasuklam sa isang tahimik na ahas laban sa buwayang gahaman" tawa ni madam Villareal at muli itong umubo ng malubha hanggang sa matunghayan ni Martin ang dugong kasama sa plema ng señora. Gustuhin man niyang pumasok doon at lumapit kay madam Villareal ngunit mabilis na inalalayan ni Marisol at ng isa pang kasamabahay si madam Villareal pabalik sa silid nito. Samantala, naiwan naman si Martin sa tapat ng pinto habang pilit na pinagtatagpi-tagpi ang mga salitang naririnig niya laban sa kaniyang ama.
Alas-nuwebe na ng umaga, ilang minuto nang naghihintay si Martin sa tapat ng panaderia ni Mang Jose. Nagtataka siyang nakatitig doon sapagkat sarado na ito at may nakapaskil na papel sa tindahan kung saan nakasaad na isang tulisan si Mang Jose at ang buong pamilya nito.
Napayuko na lang si Martin at napahinga ng malalim. Unti-unti niyang napagtanto na isang tunay na rebelde nga si Mang Jose, ang koneksyon at pagbanggit ni Mirasol sa panaderia ay mauugnay na bahagi sila sa samahan nina Tonyo. Ngunit ang gumugulo sa kaniyang isipan ay kung sino ang kanilang pinuno.
Ilang sandali pa, napalingon si Martin sa likod kung saan natanaw niyang naglalakad si Marisol suot ang isang itim na balabal. Kasama niya ang isang binatilyong kutsero na siyang nagsakay sa kaniya sa kalesa kanina sa daungan. Ngunit ang binatilyong iyon ay isang kargador ng bigas naman ngayon.
Nauunang maglakad si Marisol habang nakasunod ang binatilyo bitbit ang isang sakong bigas. Mula sa malayo ay tumingin sa kaniya si Marisol at tumango, senyales na sumunod na dapat sa kanila si Martin. Tahimik na sumunod sa kanila si Martin na halos ilang metro ang layo sa kanila hanggang sa makalabas sila sa pamilihan.
Nang marating nila ang gitna ng palayan ay mabilis nilang tinahak ang daan patungo sa maliit na bahay kubo. Muling pinagmasdan ni Marisol ang paligid at nang masiguro niyang walang ibang tao roon ay mabilis niyang binuksan ang pinto. Naunang pumasok ang binatilyo saka inilapag ang sako ng bigas sa loob ng bahay kubo.
"Pumasok ka na" wika ni Marisol, tumango naman si Martin bago isarado ni Marisol ang pinto. Sandaling pinagmasdan ni Martin ang loob ng kubo, halos walang kagamit-gamit sa loob at nagkalat ang mga sako na walang laman.
Binuksan ng binatilyo ang sako at laking gulat ni Martin nang mapagtanto na hindi bigas ang laman niyon kundi pulbura. "Ano ang lugar na ito?" gulat na tanong ni Martin kay Marisol na seryosong nakatingin na sa kaniya ngayon.
"Bakit ibig mong makita si Manang Dominga?" derechong tanong ni Marisol, hindi naman agad nakapagsalita si Martin. Hindi niya dapat ipaalam sa iba na ang pakay niya kay Manang Dominga ay tungkol sa buhay ni Celestina.
"Hindi ko nababatid kung ano ang dahilan ni Tonyo kung bakit niya isinawalat sa iyo na nasa aming pangangalaga si Manang Dominga. Ngunit wala akong tiwala sa iyo, isa ka pa ring Buenavista" saad ni Marisol, napakunot naman ang noo ni Martin.
"Nang maakusahan ang aking ama, wala man lang ginawa si Don Facundo! Wala akong tiwala sa mga Buenavista" sigaw ni Marisol, hindi naman nakaimik si Martin at napalingon siya sa binatilyo na nakatingin na rin ng masama sa kaniya.
"Paano niyo matatawag na isang samahan ang inyong grupo kung kayo mismong mga miyembro ay walang tiwala sa mga taong pinagkakatiwalaan ng inyong mga kasamahan?" seryosong wika ni Martin, napakunot naman ang noo ni Marisol.
"Hindi ba sinabi sa iyo ni Tonyo kung bakit niyo kailangang itago si Manang Dominga?" patuloy ni Martin, napaiwas na lang ng tingin si Marisol maging ang binatilyo. "Kung gayon, malinaw na hindi rin kayo pinagkakatiwalaan ni Tonyo. Anumang mahalagang bagay na nalalaman ni Manang Dominga ay hindi niya ipinagkatiwalang inyong malaman" dagdag ni Martin dahilan upang mapatingin sa kaniya muli si Marisol.
"Batid naming mas makabubuting hindi namin malaman ang pakay ng aming pinuno kay Manang Dominga dahil naaayon din iyon sa aming kaligtasan" buwelta ni Marisol, akmang bubunutin na ng binatilyo ang balisong na nakatago sa kaniyang tagiliran ngunit mabilis siyang pinigilan ni Marisol.
"Kung gayon, wala pa ring tiwala sa inyo si Tonyo. Bakit handa niyong ibuwis ang inyong buhay para sa pinunong walang tiwala sa kaniyang mga kasamahan?" wika ni Martin, bagama't alam niyang mapanganib ang kaniyang mga sinasabi ay iyon lamang ang tanging paraan upang mapaamin ang dalawa kung sino ang pinuno ng mga ito.
"Hindi si Tonyo ang aming pinuno! At wala kang karapatang----" hindi natapos ng binatilyo ang kaniyang sasabihin dahil biglang bumukas ang pinto. Kasabay niyon ay pumasok ang limang kalalakihan na nakabihis pangmagsasaka.
Nakatingin silang lahat ng matalim kay Martin, tila nakaplano na ang lahat na doon nila tatapusin si Martin Buenavista. "Ibig niyo akong umanib sa inyong samahan ngunit hindi niyo ibig malaman ko kung sino ang pinuno?" seryosong wika ni Martin, ngunit ni isa sa kanila ay walang nagsalita. Hanggang sa bumukas muli ang pinto at pumasok ang dalawang pamilyar na lalaki.
"Ako ang kanilang pinuno. Nagkita tayong muli Ginoong Martin Buenavista" wika ni Adolfo habang nakasuot ng malaking salakot. Halos walang kurap na nakatingin si Martin sa binatang tumulong din sa kanila na sagipin noon si Celestina. Ang binatang inakala niyang oridinaryong tao na matalik na kaibigan ni Diego.
"Ang katauhan ng pinuno at ang samahan ay hindi mahalaga ngayon dahil may mas mahalagang bagay na dapat kang malaman" patuloy ni Adolfo saka sinenyasan ang mga tauhan na buksan ang lihim na lagusan sa ilalim ng sahig ng kubong kanilang kinatatayuan.
Nabalot ng makapal na alikabok ang paligid, naglakad si Adolfo at Tonyo papalapit sa lagusan saka tumingin kay Martin. "Minsan nang nabanggit sa akin ni Manang Dominga matagal na sana niyang ipinatapat sa iyo ang lahat" dagdag ni Adolfo saka pumasok sa loob ng maliit na lagusan. Sumunod naman sa kaniya si Tonyo ngunit tumingin muli ito kay Martin na hanggang sa mga oras na iyon ay gulat na nakatingin sa kanila.
"Sumunod ka na Tinong" wika ni Tonyo, muling tiningnan ni Martin ang mga kalalakihan sa loob ng kubo at si Marisol na seryoso ring nakatingin sa kaniya. Wala nang nagawa si Martin kundi ang pumasok sa lagusan.
Mababaw lang ang lagusan ngunit madilim at maalikabok sa loob. Ilang sandali pa, napatigil si Martin nang makita si Manang Dominga habang matamlay na nakahiga sa isang maliit na papag. "G-ginoong Martin?" wika ni Manang Dominga, bagama't nanghihina na ay pinilit niya pa ring bumangon upang salubungin si Martin.
Mabilis na naupo si Martin sa papag upang alalayan ang matanda. Habang nakatayo naman sa gilid sina Adolfo at Tonyo. "A-ano pong nangyari sa inyo? Bakit bigla na lang po kayong nawala? Sinong---" hindi na natapos ni Martin ang kaniyang sasabihin dahil maluha-luhang hinawakan ng matanda ang kaniyang mukha sabay sabing, "P-patawarin mo ako hijo sapagkat ako'y natakot na ipagtapat sa lahat ang buong katotohanan sa tunay na pagkatao ni Celestina"
ALAS-ONSE na ng umaga. Ilang oras na lang bago magsimula ang pagdiriwang sa hukuman. Tulalang nakatayo si Martin sa pasilyo kung saan alam niyang dadaan si Don Federico bago ito dumerecho sa pagdiriwang.
Ilang sandali pa, narinig na niya ang mahihinang tawanan at usapan kasabay ng mga yapak ng pang naglalakad sa pasilyo. Napatigil ang mga matataas na opisyal nang makita si Martin sa gitna ng pasilyo. Agad nagbigay galang si Martin sa kanila lalo na kay Don Federico na naglakad papalapit sa kaniya. Tinapik nito ang balikat ni Martin sabay ngiti "Me alegro de verte de nuevo mi nieto" (I'm glad to see you again my grandson)
"Don Federico, ¿me permite hablar con usted?" (Don Federico, may I have a word with you?) nagkatinginan ang mga opisyal nang marinig nilang sabihin iyon ni Martin. Napatikhim si Don Federico "Por supuesto, mi hijo" (Of course, my son) tugon niya sabay hawak sa balikat ni Martin at sabay silang naglakad papasok sa opisinang tanggapan ni Don Federico.
Nagsimula namang magbulungan ang mga opisyal lalo na't sa araw na rin iyon mismo iaanunsyo ang susunod na magiging punonghukom. Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na si Martin Buenavista ang pinakamatunog sa lahat at nagsimula na silang maghinala dahil isa si Don Federico sa may malaking impluwensiya sa pagpapasiya bukod sa gobernador-heneral.
"¿Cómo estás? Aún no he conocido a mi nieta. Probablemente esté en camino ahora" (How are you? I haven't met my granddaughter yet. She's probably on her way now here) nakangiting wika ni Don Federico habang naglalakad papunta sa kaniyang upuan. May malaking mesa sa gitna nila kung saan nakapatong ang iilang makapal na libro.
Nagtatakang napatingin si Don Federico kay Martin dahil hindi man lang ito nagsalita. Bukod doon ay walang imik lang itong nakatayo sa tapat ng pintuan. "¿Estás bien? ¿Estás nerviosa? No te preocupes, no quiero arruinarte, pero serás la próxima juez principal" (Are you alright? Are you nervous? You don't have to worry, I don't mean to spoil you but you'll be the next chief justice----) hindi na natapos ni Don Federico ang sasabihin niya dahil biglang nagsalita si Martin.
"Lo siento pero por favor rescindir la decision" (I-im sorry but please rescind the decision) napatigil si Don Federico nang sabihin iyon ni Martin. Pinagmasdan niya ng mabuti ang lalaki na tila may mahalagang bagay na gustong sabihin ngunit hindi nito magawa.
"Sé que has estado anhelando este puesto por tanto tiempo? ¿Cómo pudiste bajar esta oportunidad?" (I know you've been longing for this position for so long? How could you turn down this opportunity?) mahinahong wika ni Don Federico. Sa pagkakataong iyon ay huminga ng malalim si Martin saka naglakad ng dahan-dahan papalapit sa kaniya. Inilapag nito ang isang maleta sa mesa saka binuksan iyon.
Napaupo ng tuwid si Don Federico nang makita kung ano ang laman ng maletang iyon. Maingat na iniabot ni Martin ang talaarawan kay Don Federico na halos hindi makapaniwala sa nakita. " (W-where did you get this? Don Amadeo told me that this diary has been gone for so long when a storm hit your land) gulat na wika ni Don Federico habang pinagmamasdan ng mabuti ang talaarawang iyon na ginawa niya para kay Catalina.
"Pertenece a una jovencita de la familia Cervantes. No sé si la conoció antes, pero estoy seguro de que es la dueña de ese diario. Incluso tiene un collar clave especial para ese" (It belongs to a young lady in Cervantes family. I don't know if you have met her before, but I am certain that she owns that diary. She even has a special key necklace for that) saad ni Martin na mas lalong nagpagulo sa utak ni Don Federico. Inihampas ni Don Federico ang kamay niya sa mesa sabay tayo.
"¿Qué dices? Tu esposa es mi nieta. Tiene ese collar" (What are you talking about? Your wife is my granddaughter. She has that necklace---) hindi natapos ni Don Federico ang sasabihin niya dahil nagsalita agad si Martin.
"Es una imitación. Incluso ella tiene el collar original ahora, la verdad todavía yace dentro de ese diario, la identidad de tu verdadera nieta" (It's an imitation. Even she has the original necklace now, the truth still lies inside that diary, your true granddaughter's identity) wika ni Martin, biglang napabagsak sa upuan si Don Federico. Sinubukan siyang lapitan ni Martin ngunit sinenyasan niya ito na huwag lumapit.
"Por favor déjame en paz" (P-please leave me alone) wika ng Don, mahinahon na ang boses nito. Sinubukan namang magsalita ni Martin ngunit pinili na lang niyang huwag ituloy. Nagbigay-galang siya bago tumalikod at lumabas sa opisinang iyon.
Nagpatuloy na si Martin sa paglalakad sa pasilyo hanggang sa mapatigil siya nang makasalubong ang kaniyang tiyo "Ano kaya ang iyong sadya upang makausap ang visitador-heneral bago ang pagpapasiya sa hukuman?" ngisi ni Hukom Desiderio. Minabuti niya ring magtungo sa opisina ni Don Federico nang marinig niyang magkausap ngayon sina Martin at ang Don.
Napalingon si Martin sa paligid at nang masiguro niyang walang ibang tao roon ay nagsimula siyang humakbang papalapit sa tiyo. "Sa iyo na ang posisyon, tiyo. Sa isang kondisyon..." halos pabulong na wika ni Martin habang nakatingin ng derecho sa mga mata ni hukom Desiderio na ngayon ay napaatras sa gulat.
"A-ano iyon? Inaakala mo bang maniniwala ako---"
"Anong ginawa ng aking ama sa inyong pamilya upang labis niyo siyang kamuhian? Hindi ba't ang iyong ama at ang aking ina ang siyang sumira sa buhay ni ama? Pinatay niyo ang nag-iisang babaeng pinakamamahal niya!" seryosong wika ni Martin, ngunit nagulat siya nang biglang tumawa si hukom Desiderio.
"Hanggang ngayon ay pinipilit mo pa rin ang iyong sarili na maniwalang isang mabuting tao si Facundo? Bakit hindi mo siya tanungin kung paano namatay ang iyong ina?" saad ni hukom Desidero at biglang nagising seryoso ang mukha nito.
Nanlaki ang mga mata ni Martin sa gulat, hindi niya inaasahang mababanggit ang kaniyang ina "N-namatay sa sakit at sama ng loob si ina" tugon ni Martin, napailing-iling lang si hukom Desiderio.
"Nilason siya ni Facundo. Isang lason na unti-unting magpapahina sa katawan ng tao ang ginamit ng iyong ama sa aming kapatid" buwelta ni hukom Desiderio, tila naistatwa naman si Martin sa kaniyang narinig. Kasabay niyon ay naalala niya ang hitsura at kalagayan ni madam Villareal na biglang bumagsak at nanghina ang katawan sa hindi malamang dahilan.
"H-hindi iyon magagawa ni ama" giit ni Martin at akmang lalagpasan na lang sana si hukom Desiderio ngunit napatigil siya nang magalita itong muli. "Hindi mo pa rin ba nahahanap ang sagot kung bakit nagawa niyang bigyan ng anak ang aming kapatid kahit pa kinamumuhian niya ito at ang aming pamilya?" wika ni Don Desiderio ngunit hindi lumingon si Martin. Sinubukan niyang ihakbang muli ang kaniyang paa ngunit hindi niya magawa.
"Dahil balangaraw gagamitin niya kayo sa kaniyang sariling hangarin. Ikaw, si Joaquin at Javier ay kaniyang magiging alas upang makamtan ang lahat ng ibig niya. Nasaan na si Joaquin at Javier ngayon? bakit hindi niya isinama dito sa Maynila ang dalawang binatilyo? Ang huli kong balita ay ibig niyang ipasok sa hukbo ang dalawa mong kapatid. Sa dinami-rami ng larangan bakit doon niya pa ibig ilagay ang dalawa? Ibig ng iyong ama makuha ang lakas ng hukbong sandatahan. Hindi mo ba nakita ang hangarin niyang iyon?" patuloy ni hukom Desiderio, napapikit na lang si Martin at pilit niyang pinipigilan ang panginginig ng kaniyang kamao.
"Kailanman ay hindi mo rin ba ipinagtaka kung bakit ang ahensya ng salapi ang piniling posisyon ng iyong ama? Dahil ang salapi ang siyang nagpapatakbo at nagpapa-ikot sa kalakaran ng mundo. Salapi ang bubuhay at magpapasunod sa mga tao. At dahi hawak niya ngayon ang posisyong iyon, asahan mong mas madali niyang mapapabagsak ang iba pang matataas na opisyal lalo na si Don Amadeo. Ngunit hindi niya maisasakatuparan ang lahat ng iyon hangga't walang hatol mula sa hukuman. At iyon ang gagampanan mo, Martin. Ikaw ang magiging tulay ni Facundo sa hukuman upang makuha niya ang lahat ng ibig niya---" hindi na natapos ni Hukom Desiderio ang sasabihin niya dahil mabilis siyang sinunggaban ni Martin sa kwelyo.
"Huwag mo akong gamitan ng iyong mga salita, tiyo. Hindi ako naniniwala sa lahat ng mga sinabi mo at kailanman ay hindi ako makikinig sa iyo!" galit na wika ni Martin ngunit nanatili namang mahinahon si hukom Desiderio.
"Hindi ba't ibig mo at ng iyong ama na ikaw ang maging bagong punonghukom nang sa gayon ay maisawalat niyo sa lahat ang kasamaan ng pamilya Espinoza at mapabagsak niyo ang kaniyang pamilya? Ngunit kailanman ay hindi ba sumagi sa iyong isipan kung anong mangyayari sa iyo sa oras na mahatulan ng kamatayan sina Don Amadeo at Loisa?" wika ni hukom Desiderio, sa pagkakataong iyon ay unti-unting nanghina ang buong katawan ni Martin. Dahan-dahan niyang binitiwan ang kwelyo ng hukom.
"Magagawa niyo ngang mapabagsak ang pamilya Espinoza ngunit madadamay ka sa kanilang pamilya Martin dahil asawa mo si Loisa Espinoza" patuloy nito, halos naistatwa si Martin habang dahan-dahang pumatak ang luha niya dahil sa matinding gulat.
"Kung tunay na mabuti ang hangarin ni Facundo at totoong anak ang turing niya sa iyo... Bakit ka niya pipiliting ipakasal kay Loisa kung sa huli ay madadamay ka rin sa hatol ng kanilang pamilya? Hindi mo napansin ang bagay na iyon dahil ginamit ni Facundo ang kahinaan mo, Martin. At kung ano man ang kahinaan mong iyon, patuloy niya itong gagamitin upang mapasunod ka sa lahat ng nais niyang mangyari" wika ni hukom Desiderio. Sa pagkakataong iyon ay naramdaman ni Martin ang biglaang panghihina ng kaniyang tuhod dahilan upang tuluyan siyang mapaluhod sa sahig habang naglalaro sa kaniyang isipan ang lahat ng bagay, pangyayari at mga salitang binitawan ng kaniyang ama sa kaniya.
Maging ang katotohanang alam nito kung nasaan si Celestina. Ang katotohanang ito ang nagtago at nagdala kay Celestina sa Norte, inilihim din ni Don Facundo sa lahat na si Celestina ang tunay na apo ni Don Federico dahil ibig nitong gamitin si Celestina sa huling laban. Ibig niya ring ipakasal si Celestina kay Julian upang maging ganap na Buenavista ang dalaga at magkaroon siya ng ugnayan sa makapangyarihang pamilya Dela Rosa.
At sa kabila ng lahat ng iyon, ang lahat ng sakripisyo, paghihirap at pagtitiis ni Martin ay mauuwi sa wala dahil sa oras na bumagsak ang pamilya Espinoza, madadamay siya bilang asawa ni Loisa at manugang ni Don Amadeo. Ang lahat ng kaniyang pinaghirapan ay pakikinabangan lamang ni Don Facundo hanggang sa huli.
HALOS walang kurap na pinagmamasdan ni Don Federico ang talaarawan. Mag-iisang oras na siyang naroroon sa opisina at ilang beses na ring kumatok ang mga guardia upang ipaalam sa kaniya na malapit na mag-umpisa ang pagdiriwang sa hukuman.
Ilang sandali pa, tatlong katok ang narinig niya sa pinto. Kasunod niyon ay narinig niya ang boses ni Loisa "Abuelo, soy yo, Loisa" (Grandfather, It's me, Loisa) wika nito mula sa kabilang pinto. Agad itinago ni Don Federico ang talaarawan sa ilalim ng mesa bago nagsalita "Adelante" (Come in)
Pagbukas ng pinto, tumambad sa kaniyang harapan si Loisa na magiliw na nakangiti suot ang magarbong baro't saya na kulay berde. Agad nagbigay-galang si Loisa at yumakap sa Don. "Tengo una buena noticia para ti, abuelo" (I have a good news for you, grandfather) ngiti ni Loisa, kasunod niyon ay dumating ang tatlong matataas na opisyal upang sunduin si Don Federico. Nakatayo sila sa tapat ng pintuan.
"Estoy embarazada de nuestro primer hijo" (I'm pregnant with our first child) ngiti ni Loisa, nagulat at napangiti rin ang mga opisyal na nakarinig at binati nila si Loisa. Samantala, hindi naman agad nakapagsalita si Don Federico ngunit pinili niyang ngumiti nang magtaka si Loisa kung bakit wala itong sinabi.
Napatingin si Don Federico sa kuwintas na de susi na suot ni Loisa. "¿Me prestas tu collar por un tiempo? Me gustaría mirarla y recordar mis recuerdos con tu difunta madre" (Can I borrow your necklace for a while? I would like to look at it and reminisce my memories with your deceased mother) wika ng Don, napatango naman si Loisa sabay bigay ng kuwintas. Hindi na rin naman siya nangangamba dahil ang kuwintas na iyon ay ang orihinal na kinuha niya kay Celestina.
"¡ El gobernador general está aquí!" (The governor-general is here!) narinig nilang anunsyo ng guardia mula sa labas. Dali-daling nagtungo ang mga opisyal kung saan gaganapin ang pagdiriwang. "Usted puede ir primero. Estaré allí pronto" (You may go first. I'll be there soon) saad ni Don Federico kay Loisa. Ngumiti at tumango naman ito saka nagbigay-galang bago tuluyang lumabas sa opisina.
Nang muling maiwan mag-isa si Don Federico, hindi niya malaman kung bakit may kung anong lakas ng kabog sa kaniyang puso habang pinagmamasdan ang hawak na kuwintas. Kinuha niya ang talaarawan saka dahan-dahang binuksan iyon gamit ang kuwintas na de susi.
Sa unang pahina pa lang nito ay nabasa niya ang isang tula ngunit hindi niya maunawaan dahil nakasulat iyon sa wikang tagalog. Maingat niyang inililipat ang bawat pahina hanggang sa mapatigil siya nang makita ang iginuhit na larawan ng isang Don (Si Don Mateo Cervantes). Maganda ang pagkakaguhit nito ngunit hindi naman niya kilala kung sino iyon.
Sa kasunod na pahina ay naroon naman ang iginuhit na larawan ng isang matandang babae (Si Manang Dominga). Katulad ng nauna ay hindi rin niya kilala kung sino ang matanda. Nagpatuloy siya sa pagbuklat ng bawat pahina hanggang sa mapatigil siya nang makita ang iginuhit na larawan ni Martin Buenavista.
Bagama't mas bata ang hitsura ni Martin sa larawan ay nakilala ito agad ni Don Federico dahil sa linaw at ganda ng pagkakaguhit. Sa bawat pahina, katabi ng mga iginuhit na larawan ay naroroon ang mga talata na hindi naman niya maunawaan.
Ilang sandali pa, napatigil si Don Federico nang makita niya ang iginuhit na larawan ng isang dalaga. Isang babae na kamukhang-kamukha ng kaniyang anak na si Catalina. Nanginginig niyang hinawakan ang pagkakaguhit at ang mga salitang nakasulat sa ibaba hanggang sa mapatigil ang kaniyang daliri sa dalawang salitang nakasulat doon na tanging naiintindihan niya.
Celestina Cervantes
TAHIMIK na nakaupo si Martin sa gitna ng pagdiriwang habang nagkakasiyahan ang lahat. Kanina pa nila hinihintay si Don Federico ngunit wala pa ito kung kaya't hindi pa nila sinisimulan ang anunsyo. Ilang sandali pa, may isang guardia ang lumapit kay Martin at bumulong.
Nakita ni Loisa kung paano magulat si Martin nang marinig ang binulong ng guardia. Pinagmasdan niya ito habang naglalakad papalabas sa malaking silid na iyon. Gustuhin man niyang sunda ito ngunit tinawag siya ni Don Amadeo upang ipakilala sa iba pang mga opisyal.
Nang marating ni Martin ang opisina ni Don Federico ay abot langit ang kaniyang kaba. Nakasisiguro siya ni Celestina ang tunay na may ari ng talaarawan ngunit mas natatakot siya sa magiging reaksyon ng Don, bukod doon ay nangangamba rin siya na baka hindi iyon sapat upang maniwala si Don Federico at siyang magdudulot ng kapahamakan kay Celestina.
Pagpasok niya sa opisina nito ay naabutan niyang nakaupo ang Don habang mahigpit na yakap-yakap ang talaarawan. Hindi malaman ni Martin ang gagawin dahil iyon din ang unang beses na makita niyang umiyak ng ganoon ang matandang Don.
"D-donde esta?" (W-where is she?) panimula nito habang patuloy ang pagbagsak ng kaniyang luha. Isang matanda na ang tanging hangad lamang ay muling mahanap ang kaniyang apo at humingi ng tawad sa lahat ng nangyari at sa pagkamatay ng kaniyang anak na si Catalina.
"Te llevaré a ella, pero por ahora por favor mantenlo en secreto entre nosotros dos. No es seguro si---" (I will bring you to her but for now please keep it a secret between the two of us. It is not safe if---) hindi na natapos ni Martin ang sasabihin niya dahil mas lalong lumakas ang pagtangis ni Don Federico.
"La conocí varias veces antes. Desde ese momento pude sentir que ella es algo especial. La forma en que me mira me recuerda a mi única hija. Pero lo ignoro todo porque estaba ansioso por encontrar el collar y su diario. ¿Todavía vive en la miseria?" (I met her several times before . From that moment I could feel that she's something special. The way she looks at me reminds me of my only daughter. But I ignore all of it because I was eager to find the necklace and its diary. I-is she still living in misery?)
Hindi naman nakapagsalita si Martin. Napayuko na lang siya at napatitig sa sahig, pakiramdam niya ay may kasalanan din siya sapagkat matagal na niyang alam na parehong may kuwintas na de susi sina Celestina at Loisa ngunit hindi niya inalam ang katotohanan sa likod niyon.
Dulot na rin ng matindi niyang hangarin na pabagsakin ang pamilya Espinoza ay nakaligtaan niyang alamin ang bagay sa likod ng kuwintas na de susi na siyang naging alas ni Don Federico upang mahanap ang kaniyang apo.
"G-gracias Martin, te debo mucho. Te haré la justicia principal como lo que los altos funcionarios y yo ya hemos decidido" (T-thank you Martin, I owe you a lot. I will make you the chief justice as what the higher officials and I have already decided) saad ni Don Federico ngunit napailing lamang si Martin.
"En lugar de mí, por favor escoge a alguien que pueda destruir el cerebro detrás de todo esto. Es cierto que don Amadeo y Loisa planearían engañaros. Sin embargo, hay alguien que tiene una mayor voluntad de obtener todo el poder y la gloria mediante el uso de su nieta. Él ya sabía quién es tu verdadera nieta hace mucho tiempo, pero intencionalmente se lo esconde a todos para que la usen al final. Celestina será su manera de obtener su confianza y estar conectado a su poder e influencia" (I-instead of me, please choose someone who could destroy the mastermind behind all of these. It is true that Don Amadeo and Loisa planned to deceive you. But there's someone who has a greater will to get all the power and glory by using your granddaughter. He already knew who's your real granddaughter a long time ago, but he intentionally hides it to everyone to use her in the end. Celestina will be his way to get your trust and be connected to your power and influence) seryosong saad ni Martin dahilan upang mapatigil sa pagtangis si Don Federico. Hindi niya akalaing maraming tao ang nagkaisa upang paglaruan siya at ang kaniyang apo.
"¿Estás diciendo que no eres ese alguien que podría destruirlos a todos y traernos justicia?" (Are you saying that you're not that someone who could destroy all of them and bring justice to us?) kuwestiyon ng Don na isa sa mga matagal nang bilib sa kakayahan ni Martin. Napayuko na lang si Martin at napatitig muli sa sahig.
"Sé que la verdad y la justicia deben prevalecer a toda costa, pero ¿cómo podría castigar a mi padre? ¿Cómo podría un hijo tomar la decisión final ante la corte, deshonrar a su padre y matarlo?" (I know that the truth and justice must prevail at all cost but how could I punish my father? How could a son make the final decision to the court, disgrace his father and put him to death?) wika ni Martin at sa pagkakataong iyon ay sunod-sunod na bumagsak ang kaniyang mga luha.
Masakit para sa kaniya ang talikuran nang ganoon ang ama ngunit mas masakit kung madadamay ang mga inosente tulad ni Celestina. Sa pagkakataong iyon, habang pinagmamasdan ni Don Federico si Martin ay mas lalong naging malinaw sa kaniya na isa itong napakabuting tao.
NANG gabing iyon, halos itapon ni Don Facundo ang lahat ng mga gamit sa kaniyang silid. Nagkagulo ang mga kasambahay dahil iyon ang unang beses nilang narinig at natunghayan kung paano magwala sa galit ang Don. Maging si Julian ay walang nagawa dahil ayaw nitong magpapasok sa kaniyang silid.
Labis na ikinagalit ni Don Facundo nang si Desiderio Ocampo ang tanghaling bagong punonghukom ng kataas-taasang hukuman. Mahigpit niyang kalaban ang pamilya Ocampo at siguradong hindi na siya makakabwelo sa hukuman.
Ilang sandali pa, napatigil si Don Facundo nang bumukas ang pinto ng kaniyang silid at tumambad sa kaniyang harapan si Don Amadeo na seryosong nakatingin sa kaniya. "Ano ang ginagawa mo rito?" panimula ni Don Facundo sabay laklak ng alak.
"Nasaan si Martin? Tiyak na nakarating sa mga opisyal ang lahat ng ginawa niya sa Norte at ang pagtuligsa niya sa mababang hukuman doon! Kailangan niyang makuha ang posisyon na iyon!" sigaw ni Don Amadeo, napatingin naman si Don Facundo ng matalim sa kaniya.
"Ano ang nangyari sa koneksyon mo kay Don Federico? Tiyak na ikaw ang dahilan kung bakit hindi nila pinili si Martin para sa posisyong iyon! Ang pagpaparusa mo sa mga ordinaryong mamamayan ay naghahatid sa kanila na pangamba na baka mag-alsa ang madla!" buwelta ni Don Facundo dahilan upang mas lalong mag-init ang ulo ni Don Amadeo.
Akmang susugurin ni Don Amadeo si Don Facundo ngunit mabilis silang pinigilan ni Julian at ng mga kasambahay na nakaabang sa labas ng pinto. Hindi naman nagpatalo si Don Facundo at mabilis niyang sinunggaban si Don Amadeo upang ibuhos sa kaniya ang lahat ng galit at inis na kaniyang nararamdaman dahil sa nasirang plano.
MALALIM na ang gabi ngunit abala si Martin sa paglalagay ng kaniyang mga damit sa dalawang malaking maleta. Ilang sandali pa, narinig niya ang pagbukas ng pinto sa kaniyang silid "Saan ka matutungo?" tanong ni Loisa ngunit hindi siya inimik ni Martin, nagpatuloy lang ito sa kaniyang ginagawa.
Nagsimulang humakbang si Loisa papalapit kay Martin ngunit naglakad si Martin papunta sa lagayan ng mga sapatos. "Siya nga pala, maaari mo ba akong samahan sa doktor? upang malaman natin kung ano ang dapat nating paghandaan bago ko isilang ang ating anak" wika ni Loisa gamit ang mahinhin nitong boses. Napatigil naman si Martin sa kaniyang ginagawa saka napalingon kay Loisa.
"Tigilan na natin ito. Tumigil ka na sa iyong kahibangan. Hindi ako naniniwala sa iyong sinasabi at kailanman wala akong paniniwalaan sa iyong mga salita" seryosong wika ni Martin habang nakatingin ng derecho sa mga mata ni Loisa na ngayon ay gulat na gulat.
Isinara na ni Martin ang dalawang maleta saka binitbit iyon at mabilis siyang umalis sa bahay. Samantala, naiwan naman si Loisa sa loob ng silid habang pinipigilan ang kaniyang sariling kamao. Ilang sandali pa, dumating si Alberto "Aking napag-alaman mula sa espiya sa Laguna na kasalukuyang namamalagi sa hacienda Cervantes si Celestina" wika nito na ikinagulat ni Loisa. Mabilis siyang tumakbo pababa ng hagdan upang sundan si Martin ngunit huli na ang lahat dahil nakasakay na ito ng kalesa papalayo.
Agad na sumunod si Alberto kay Loisa na ngayon ay namumula na sa galit habang tinatanaw ang kalesang sinasakyan ni Martin. "Alberto, gawin mo na ang dapat mong gawin" seryosong wika ni Loisa, kasabay niyon ay pumatak ang kaniyang luha na punong-puno nang matinding galit at paninibugho.
MAGBUBUKANG-LIWAYWAY na, magkasamang nakatayo sa dulo ng barko si Martin at Don Federico. Kasalukuyan nilang tinatahak ang daan patungo sa Laguna kung saan naroroon si Celestina. " ¿Has oído noticias de Don Gonzalo?"(Have you heard any news from Don Gonzalo?) tanong ni Don Federico, napailing naman si Martin at nagtatakang napatingin sa Don, hindi niya malaman kung bakit nito nabanggit ang dating mag-aalahas.
"Era un buen amigo para mí. Sin embargo, le fallé. Incluso yo tengo un poder y una autoridad, todavía la ley es la ley. No puedo enmendar la ley por él" (He was a good friend to me. Yet, I failed him. Even I have a power and authority, I can't mend the law for him) patuloy nito, napahinga na lang ng malalim si Martin. Muli niyang naalala ang trahedyang sinapit ng pamilya ni Don Lorenzo at ang mga inosenteng mamamayan na nadamay sa plano nina Don Amadeo at Loisa. Isa na nga roon si Don Gonzalo na idinamay ni Loisa dahil kay Marisol.
Si Don Gonzalo ang lalaking nakasuot ng talukbong na itim na siyang sumalubong sa karwaheng sinasakyan ni Don Federico na halos dalawampu't walong taon na ang nakalilipas. Iniabot ni Don Federico ang isang baul na naglalaman ng mga ginto bilang bayad sa mga espiya. Naroroon din ang isang papel kung saan nakaguhit ang larawan ng kuwintas na de susi na siyang batayan ng mga espiya sa paghahanap kay Catalina.
Ang tagpong iyon ang siyang natunghayan noon nina Don Amadeo at Don Federico na nagtatago sa madilim na sulok ng kalye. Hindi nila namukhaan ang lalaking nakatalukbong na si Don Gonzalo at ngunit nakuha nila ang papel na hindi nito namalayang naiwan na nakuha ng dalawa.
"No es un rebelde. Era leal a la Colonia. Pero no hay evidencia fuerte para atestiguar su innoncencia. Se equivocó como rebelde, pero la verdad es... era un espía. Gonzalo fue el líder de los espías secretamente entrenados por mí. Su misión era encontrar a mi hija" (He's not a rebel. He was loyal to the colony. But there's no strong evidence to attest his innoncence. He was mistaken as a rebel, but the truth is... he was a spy. Gonzalo was leader of the spies secretly trained by me. Their mission was to find my daughter) dagdag nito na ikinagulat ni Martin. Batid niyang may mga espiya sa lahat ng lugar ngunit ang hindi niya inaasahan ay isang pinuno ng mga espiya si Don Gonzalo na kilalang simpleng negosyante at mapagkakatiwalaang mag-aalahas.
"¿D-dónde están los otros espías?" (W-where are the other spies?) gulat na tanong ni Martin. Napahinga naman ng malalim si Don Federico, sa kaniyang pabuntog-hininga ay tila dala nito ang matinding konsensiya sa sinapit ng dating kaibigan.
"No sé dónde están ahora. Después de que Gonzalo fue exiliado, busqué a su espía más confiable, se llama Adolfo. Es el hermanastro de corazon Altamira" (I don't know where they are now. After Gonzalo got exiled, I searched for his most trusted spy, he's name is Adolfo. He's the half brother of Corazon Altamira) tugon ni Don Federico na mas lalong ikinagulat ni Martin.
Narating na ni Martin ang daungan ng Laguna. Hindi na siya nagpaalam kay Don Federico at hindi na rin siya nagpakita kay Celestina nang samahan niya ang matanda sa hacienda Cervantes at matunghayan niya ang pagtatagpo ng mag-lolo.
Ilang sandali pa, malayo pa lang ay natanaw na ni Martin si Tonyo suot ang malaking salakot. May kasama pa itong isang misteryosong lalaki na nasa loob din ng kalesa. Nakatigil ang kalesang sinasakyan nito malapit sa daungan ng Laguna. Nang makalapit si Martin sa kalesa ay doon niya lang napansin ang apat pang lalaki sabay-sabay nagpalitan ng tingin, kunwaring abala ang mga ito sa pagbubuhat ng mga bagahe pasakay sa bapor.
"Ang ibig bang sabihin nito ay umaanib ka na sa aming samahan?" derechong tanong ni Tonyo habang nakatalikod pa rin kay Martin. Maging ang lalaking katabi ni Tonyo ay nakasuot din ng malaking salakot at nakatalikod sa kaniya. Bagama't nakatalikod ito ay batid ni Martin na ang lalaking iyon ay si Adolfo.
"Sino ang inyong pinuno?" wika ni Martin dahilan upang mapalingon si Tonyo sa kaniya. "Nagpakilala na ang aming pinuno sa iyo noong dinala ka namin kay Manang Dominga, hindi ba?" saad ni Tonyo ngunit hindi natinag si Martin.
Nagulat sila nang maglakad si Martin papunta sa harap ng kalesa upang makausap ng harapan si Adolfo. "Hindi ikaw ang pinuno Adolfo. Batid kong may taong mas nakakataas sa iyo, ikaw ba ay kumikilos ayon sa utos ni Don Gonzalo?" sunod-sunod na saad ni Martin na ikinagulat ng lahat na kasama sa samahan. Samantala, nanatili namang kalmado si Adolfo, bumaba siya sa kalesa at tumigil sa harap ni Martin.
"Ano ang ibig mong iparating?" derechong tanong ni Adolfo, hindi naman nagpatinag si Martin. "Minsan kang naging bahagi ng mga espiyang binuo ni Don Federico na pinamunuan ni Don Gonzalo. Ngunit ngayong nagkawatak na ang inyong samahan. Ano ang inyong tunay na ipinaglalaban? Kasama ba sa mga nais niyong pabagsakin si Don Federico dahil hindi niya nagawang tulungan ang inyong pinuno at siya ring dahilan nang pagkasira ng inyong grupo?" matapang na wika ni Martin, hindi naman nakapagsalita si Adolfo ngunit nanatili pa rin itong nakatingin ng derecho sa kaniya.
"Hindi ako makapapayag na muling mawalan ng pamilya si Celestina" pagmamatigas ni Martin, tumalikod na siya at akmang aalis na ngunit napatigil siya nang magsalita si Adolfo. "Maging ang sarili mong buhay ay magagawa mong isakripisyo para sa babaeng iyon? Hindi na natin mababago ang katotohanan na ang bayan ay sumisigaw ng hustisya. Tunay na hindi kasalanan ni Celestina na maging kadugo si Don Federico na tumalikod sa aming pinuno ngunit tulad ni Marisol na nadamay sa hatol sa kaniyang ama mula sa mga nakaluklok sa pamahalaan. Kailangang magbayad ang sinumang may sala. Maging ang pananahimik at pagbabalewala ni Don Federico kay Don Gonzalo nang malagay ang buhay nito sa panganib ay dapat niya ring pagbayaran!" sigaw ni Adolfo, napahawak si Martin sa kaniyang kamao at nilingon niya ang rebeldeng grupo.
"Batid niyang ginawa naman ni Don Federico ang lahat upang mapawalang-sala si Don Gonzalo ngunit hindi sapat ang ebidensiya. Naroon ako noong mga panahong iyon kung kaya't mas alam ko kung gaano kasakit ang mahatulan ang totoong mga inosente na tulad ni Don Lorenzo!" buwelta ni Martin, akmang susugod na ang mga kalalakihan ngunit pinigilan sila ni Adolfo.
"Kung totoong kaibigan ang turing ni Don Federico sa aming pinuno. Bakit hindi niya inamin sa lahat na siya ang bumuo at nagsanay sa aming mga espiya? Bakit hindi niya ipinagtapat na isang espiya lamang si Don Gonzalo, hindi siya tulisan. Ngunit hindi iyon ginawa ni Don Federico dahil natatakot siyang madamay. Iniwan niya kaming lahat sa ere!" banat ni Adolfo, sa pagkakataong iyon ay hindi na nakapagsalita si Martin. Kahit baliktarin man ang sitwasyon ay batid niyang may punto ang ipinaglalabang hustsiya ng rebeldeng grupo na pinamumunuan na ngayon ni Adolfo.
MAKALIPAS ang tatlong gabi, nakaupo si Celestina sa tapat ng salamin habang sinusukay ng isang dalaga ang kaniyang buhok. Kasalukuyan pa rin siyang nananatili sa hacienda Cervantes, nagpadala ng kasamabahay si Don Federico upang makasama ni Celestina roon dahil kinailangan na rin niyang bumalik sa Maynila nang ipatawag siya ng gobernador-heneral.
Inilihim pa rin nila ang tungkol kay Celestina habang naghahanap ng paraan kung paano mapapabagsak ang pamilya Espinoza. "Binibini, masama ho ba ang inyong pakiramdam?" tanong ng kasambahay. Napatango lang si Celestina ngunit napahawak siya sa kaniyang ulo.
"Kailangan ko lang ng tulog. Tag-init din ngayon kaya siguro ako nakakaramdam ng hilo" tugon ni Celestina, napatigil naman ang kasambahay sa pagsuklay sa kaniyang buhok at tiningnan siya sa repleksyon ng salamin. "Ngunit ako po ay nababahala sapagkat nagsusuka rin po kayo" dagdag nito. Napahinga na lang malalim si Celestina, alam niya sa kaniyang sarili na hindi siya sakitin kung kaya't malaking paisipan din sa kaniya ang nararamdaman ngayon.
"Hindi ho kaya... ikaw ay nagdadalang-tao binibini?" wika ng kasambahay dahilan upang mapatigil si Celestina at mapatingin sa salamin. "Kailan ho ang iyong huling dalaw binibini?" tanong nito muli, napaisip ng malalim si Celestina at nang bilangin niya ay gulat siyang napatingin sa kasambahay.
"Dapat na akong datnan noong nakaraang linggo ngunit..."
"Ngunit hindi dumating ang inyong dalaw binibini? Marahil ay nagdadalang-tao ho ikaw binibini" ulit nito, sa pagkakataong iyon ay napangiti si Celestina sa kaniyang sariling repleksyon sa salamin. Dahan-dahan siyang napahawak sa kaniyang tiyan habang dinadama ang buhay na nabuo mula sa kanilang pagmamahalan ni Martin.
Malalim na ang gabi, mahimbing na natutulog si Celestina mag-isa sa kaniyang silid. Ilang sandali pa, naalimpungatan siya nang maramdaman ang malamig na hangin na pumapasok mula sa bintana. Dahan-dahang bumangon si Celestina upang isara ang bintana na sa kaniyang pagkakatanda ay nagawa niyang isara iyon bago siya matulog.
Tanging ingay mula sa kuliglig ang kaniyang naririnig na umaalingangaw sa paligid. Nang maisara na niya ang bintana, nagulat siya nang makita ang isang lalaking nakaitim at nakatakip ang mukha na nakatayo sa tapat ng pintuan. "S-sino ka?" gulat na wika ni Celestina at dahan-dahan siyang napahakbang paatras. Sinubukan niyang abutin ang anumang bagay na makuha niya mula sa kaniyang likuran ngunit tila naninigas sa takot at nanlalamig ang kaniyang buong katawan.
Napasigaw si Celestina nang bigla siyang sinunggaban ng lalaki. Nasipa at naitulak niya ito papalayo ngunit mabilis na nahila nito ang kaniyang buhok sabay sunggab sa kaniyang leeg at ibinaon nito ang matalim na kutsilyo sa kaniyang sikmura.
Binitiwan siya ng lalaki dahilan upang bumagsak siya sa sahig. Dumating na ang kasambahay, maging ito ay napasigaw sa gulat dahilan upang mabilis na lumundag ang lalaki sa bintana. "Binibini!" tawag nito kay Celestina sabay hawak sa dalaga na ngayon ay namumutla at pinagpapawisan na.
Dahan-dahang hinawakan ni Celestina ang kaniyang tiyan na ngayon ay hindi na matigil sa pagdanak ng dugo. Kasabay nang walang tigil na pag-agos ng kaniyang dugo ay ang pagbagsak ng kaniyang luha at napasigaw siya hindi dahil sa sakit ng sugat na kaniyang nararamdaman kundi dahil sa katotohanang wala na ang batang kaniyang dinadala sa kaniyang sinapupunan.
************************
#ThyLove
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top