Ika-Dalawampu't Limang Kabanata
[Kabanata 25]
MABILIS na naglalakad si Manang Dominga patungo sa selda kung saan nakalagi si Martin. Itinuro lang sa kaniya ni Heneral Samuel ang direksyon papunta sa kinaroroonang bilangguan ng binata. Madilim ang buong paligid habang patuloy niyang tinatahak ang makipot na daan na gawa sa matitibay na bato.
Ilang sandali pa, napatigil si Manang Dominga nang marinig niya sunod-sunod na yapak. Natanaw niya ang liwanag ng sulo ng apoy mula sa kaniyang likuran. Maraming anino ang namataan niya mula sa liwanag kung kaya't agad siyang nagtago sa isang sulok.
Abot dibdib ang kaba ni Manang Dominga dahil sa hindi inaasahang pagdating ng mga guardia. Mahigpit na bilin sa kaniya ni Heneral Samuel na ilihim lang ang patungo niya roon bago siya payagan nito na puntahan si Martin sa selda. Dahan-dahang sinilip ni Manang Dominga ang pagdating ng mga guardia hanggang sa tumigil ang mga ito sa tapat ng isang pinto.
Ang pintong iyon ay ang daanan papunta sa anim na makikipot na selda, walang ibang nakakulong doon maliban kay Celestina. Nanlaki ang mga mata ni Manang Dominga nang mamukhaan niya ang dating gobernador-heneral Federico Dela Rosa na nangunguna sa mga guardia. Nasa tabi nito si Heneral Samuel at tila papunta sila sa selda ni Martin ngunit napatigil sila nang mapansin ang liwanag mula sa isang pinto.
"abrir la puerta" (Open the door) utos ni Federico sa isang guardia, wala namang nagawa si Heneral Samuel sapagkat mas nakatataas sa kaniya ang visitador-heneral.
"¿Hay alguien adentro? Nadie puede visitar durante esta hora" (Is there someone inside? No one can visit during this late hours) paalala ni Federcio kay Heneral Samuel na napalunok na lang sa kaba sa takot na baka si Manang Dominga ang naroroon at naligaw ito dahil hindi iyon ang selda ni Martin.
Sinubukang magpaliwanag ni Heneral Samuel ngunit nabuksan na ang pinto. Agad humakbang si Federico papasok doon at namataan niya agad ang isang sulo ng apoy na isinabit sa dingding. Nagpatuloy siya sa paglalakad, agad namang sumabay sa kaniya si Heneral Samuel habang nagdarasal sa kaniyang isipan na sana hindi si Manag Dominga iyon.
"¿Quién eres? ¿Qué haces aquí?" (Who are you? What are you doing here?) sigaw ni Federico. Agad namang napaluhod sa lupa si Loisa at ang apat na kasama nitong mga nakabihis pang-guardia. Dahan-dahang naglakad papalapit sa kanila ang visitador-heneral saka tumigil sa tapat ni Loisa na ngayon ay nanginginig na sa takot.
Napalingon si Federico kay Celestina na nasa loob ng selda at sa mga oras na iyon ay muntikan nang mawalan ng malay ang dalaga dahil sa pagtatangka ni Loisa sa kaniyang buhay. Napabagsak na lang si Celestina sa sahig dahil sa matinding nerbyos at laking pasasalamat niya dahil dumating ang visitador-heneral.
Nanginginig na sa takot si Loisa at paulit-ulit siyang dumapa sa lupa upan humingi ng tawad "Por favor, perdónenos, no queremos romper aquí sin ningún consentimiento, sólo estamos aquí para---" (P-please forgive us, we don't mean to break here without any consent, we're just here to---) hindi na natapos ni Loisa ang kaniyang sasabihin dahil biglang napigtal ang suot niyang kuwintas sa kaniyang leeg dahil sa paulit-ulit niyang pagdapa sa sahig.
Gulat na napatingin si Federico sa pamilyar na kuwintas na ilang dekada na niyang hinahanap. Dahan-dahan niyang pinulot ang kuwintas na iyon saka tiningnan ng diretso si Loisa na ngayon ay hindi rin makapaniwala sa mga nangyari dahil hindi pa ngayon ang tamang panahon upang isiwalat niya sa madla na siya ang orihinal na nagmamay-ari ng kuwintas na de susi.
Samantala, halos walang kurap na nakatingin si Celestina sa kuwintas na iyon na pinulot ng visitador-heneral. Kitang-kita niya sa mga mata ng visitador-heneral ang halo-halong emosyon nang makita nito ang kuwintas na ang katotohanan ay pagmamay-ari niya.
Hindi maintindihan ni Celestina kung bakit ganoon ang reaksyon ng visitador-heneral nang makita nito ang kuwintas. At ang mas lalong nagpagulo pa sa kaniyang isipan ay nang marinig niya ang salitang binitiwan nito "C-catalina" sambit nito habang maluha-luhang nakatingin ng diretso kay Loisa at niyakap niya ito ng mahigpit, kasabay ng pagpatak ng luha sa kaniyang mga mata.
Samantala, ilang metro lang ang layo mula sa selda ni Celestina ay naroroon si Manang Dominga na nagtatago sa isang sulok. Napatakip na lang siya sa bibig nang dahil sa matinding gulat, alam niya ang buong detalye, alam niya ang katotohanan. Ang pangalang Catalina at ang pamilya Dela Rosa ay muling naghatid sa kaniya ng matinding takot kahit pa halos dalawang dekada na ang nakararaan.
Napapikit na lang si Manang Dominga at pilit niyang pinakalma ang sarili. Buo na ang kaniyang isip, kailangan na niyang isiwalat ang mga nalalaman niya kahit pa ang kapalit nito ay ang sarili niyang buhay at ang buhay ng dati niyang alaga na si Celestina.
Nang lalabas na siya mula sa kaniyang pinagtataguan ay laking gulat niya nang biglang may matalim na kutsilyong nakatutok sa leeg niya. "Subukan mong magsalita o humakbang, titiyakin kong tatagos mula sa iyong leeg ang patalim na ito" banta ng isang lalaki na nakasuot pang-guardia. May isa pang lalaki ang lumapit sa likuran saka bumulong sa lalaking may hawak ng patalim.
"Siya nga si Manang Dominga. Naghihintay na sa atin ang pinuno" bulong nito at mabilis nitong hinampas sa batok ang matanda dahilan upang mawalan ito ng malay.
MAKALIPAS ang isang oras, naalimpungatan si Manang Dominga nang maramdaman niya ang paggapang ng malalaking itim na langgam sa kaniyang paa, braso at leeg. Agad siyang napabangon at pinagpagan niya ang kaniyang sarili dahil sa dami ng langgam sa kaniyang katawan ngunit napatigil din siya sa gulat nang makita ang halos sampung lalaking naka-itim na may hawak na mga patalim ang nakapalibot sa kaniya.
Nasa gitna sila ng kagubatan at may apat na sulo ng apoy sa palibot upang magbigay ng liwanag. "S-sino kayo? A-anong kailangan niyo sa akin?" nanginginig sa takot na wika ni Manang Dominga at muli siyang napabagsak sa lupa dahil sa matinding takot.
Ilang sandali pa, namataan niya ang pagdating ng isang malaking tao na nakasuot ng itim na talukbong. Hindi niya maaninag ang mukha nito dahil malabo na rin ang kaniyang mga mata. Bukod doon ay nakatago ang mukha nito sa suot nitong itim na talukbong.
"Ipinag-utos ko pa naman sa aking mga tauhan na sundan ka sa Norte. Hindi ko akalain na ikaw na mismo ang magtutungo sa lungga ng mga buwaya" ngisi ng lalaking nakasuot ng talukbong. Nanlaki ang mga mat ani Manag Dominga sa gulat nang makilala niya kung kaninong boses iyon. Hindi siya maaaring magkamali, ang lalaking kaharap niya ngayon ay si Don Amadeo Espinoza.
Dahan-dahang inalis ni Don Amadeo ang suot niyang talukbong sabay ngisi kay Manang Dominga. "Batid kong may nalalaman ka sa lihim ng pamilya Cervantes. Ngayon, nais kong sabihin mo sa akin ang lahat ng iyong nalalaman. Aking uumpisahan sa tanong na... Si Celestina ba ay isang tunay na Cervantes?" patuloy ni Don Amadeo ngunit sa pagkakataong iyon ay may halong diin sa tono ng boses nito habang nakatingin ng matalim kay Manang Dominga.
Agad namang napayuko si Manang Dominga at nagsimula itong umiling ng umiling. Nanginginig niyang kinuha ang rosary na suot niya sa kaniyang leeg at nagsimula siyang magdasal. Napapikit naman sa inis si Don Amadeo saka mabilis na hinablot ang rosary sa kamay ni Manang Dominga, "Ipinapangako ko na ililigtas ko ang iyong buhay, sabihin mo lang sa aking ang lahat ng iyong nalalaman. Anong kinalaman ng kuwintas ni Celestina sa dating gobernador-heneral Federico Dela Rosa?!" sigaw nito na mas nagpatulala kay Manang Dominga.
Nagulat si Don Amadeo nang dahan-dahang tumingala si Manang Dominga at tumingin ng derecho sa kaniya. "Hindi sila maaaring magkita... Hindi dapat masumpungan ni Federico ang totoong may ari ng kuwintas" tugon nito, napaatras naman si Don Amadeo dahil tila nawawala sa sarili si Manang Dominga.
"Anong ibig mong sabihin? Anong kaugnayan ni Federico sa kuwintas?" nagtatakang saad ni Don Amadeo, agad namang pumwesto ng maayos ang mga tauhan niya dahil sa takot na baka sinasaniban ang matanda.
Dahan-dahang napatitig si Manang Dominga sa lumiliyab na apoy mula sa sulo na nasa likuran ni Don Amadeo. Sa pagkakataong iyon ay tila bumalik ang sariwang alaalang iyon, isang madilim na gabi habang umuulan ng napakalakas...
Laguna, 1867
MALALIM na ang gabi, umuulan ng napakalakas na may kasamang sunod-sunod na pagkulog at pagkidlat. Kasabay ng masamang panahon ay ang malakas na sigaw ni Doña Amalia na siyang asawa ni Don Mateo Cervantes. Sa mga oras na iyon ay sumisigaw ang Doña habang isinisilang nito ang kanilang anak.
"Malapit na pong lumabas ang bata, Señora" wika ni Manang Dominga, nakatayo naman sa gilid ang lima pang kasambahay habang hawak-hawak nila ang kamay ng señora. Napasigaw muli ng napakalakas si Doña Amalia hanggang sa tuluyan nang lumabas ang sanggol. "Señora! Babae po ang inyong anak!" masayang wika ni Manang Dominga, maging ng mga kasamabahay ngunit sabay-sabay na napawi ang ngiti nilang lahat nang mapansin nilang hindi umiiyak ang bata.
"B-bakit hindi siya umiiyak? A-anong nangyari?" wika ni Doña Amalia, sinubukan niyang bumangon ngunit napahawak siya sa kaniyang puso nang maramdaman niya ang biglaang pagkirot nito. "Señora!" ng mga kasambahay at agad nilang inalalayan ang amo. Napatitig si Doña Amalia sa kaniyang anak na maputlang-maputla na at malamig.
"C-celestina? Anak... N-naririnig mo ba ako?" ulit ni Doña Amalia at agad niyang kinuha kay Manang Dominga ang sanggol at niyakap niya ito ng mahigpit. Kasabay niyon ay ang pagbagsak ng kaniyang luha dahil sa katotohanang patay na ang kaniyang anak. Matagal nilang hinintay ni Don Mateo na magkaroon ng anak, ilang beses na rin siyang sumayaw sa Pista ng Obando upang manalangin na pagkalooban sila ng anak. Nagkasundo silang mag-asawa na Celesto ang ipapangalan sa bata kung ito ay lalaki, Celestina naman kung babae.
Kasabay ng malakas na buhos ng ulan ay ang malakas na paghihinagpis ni Doña Amalia sa pagkawala ng kanilang pinakahihintay na anghel. Nang gabing iyon, kasalukuyang nakasakay si Don Mateo sa barko pauwi mula sa Europa. Batid niyang sa susunod na dalawan buwan ay kabuwanan na ng asawa kung kaya't nagmadali na siyang umuwi upang maabutan iyon. Sa gitna ng malalakas na alon sa dagat ay naroroon siya't nananalangin ng taimtim na maging maayos ang pagsilang ng kaniyang asawa sa kanilang unang anak sa susunod na dalawang buwan.
Madaling araw na, nailigpit at nalinis na ng mga kasambahay ang lahat ng ginamit sa pangangak ni Doña Amalia. Naghanda si Manang Dominga ng mainit na sabaw upang kahit papaano ay mahimasmasan si Doña Amalia na noong mga oras na iyon ay hindi pa rin matigil sa paghikbi habang yakap-yakap ang walang buhay na anak.
"Señora, mabuti pang kumain muna kay----" hindi na natapos ni Manang Dominga ang kaniyang sasabihin dahil dahan-dahang bumangon si Doña Amalia saka tulalang tumingin sa kaniya "Bigyan na natin ng payapang libing ang aking anak. Nilalamig na siya sa mundong ito, ni hindi ko man lang narinig ang kaniyang boses, ang kaniyang pag-iyak, at nasilayan ang pagdilat ng kaniyang mga mata" wika ng Doña sabay kuha sa kaniyang balabal at isinuot iyon.
"Ngunit, malakas pa po ang ulan sa labas. Mapanganib po kung----" hindi muli natapos ni Manang Dominga ang kaniyang sasabihin dahil buo na ang desisyon ni Doña Amalia na paika-ikang naglakad papalabas ng mansyon. Agad siyang sinalubong ng lima pang kasambahay na agad sumunod sa kanila. Nang gabing iyon, limang kasambahay lang ang kasama ni Doña Amalia sa hacienda Cervantes dahil kakatapos lang ng pista noong umaga. Walang ideya ang lahat na ngayon isisilang ni Doña Amalia ang bata sa kaniyang sinapupunan dahil ika-pitong buwan pa lang siyang buntis.
Tila wala sa sarili si Doña Amalia na naglalakad sa labas ng hardin ng kanilang hacienda. Walang pang tanim na bulaklak ang kanilang hardin at puno pa iyon ng mga tanim na gulay. Agad naghukay ang limang kasambahay habang hawak-hawak naman ni Manang Dominga ang isa pang balabal upang hindi mabasa ng ulan ang Doña.
Nang matapos maghukay ang mga kasambahay ay dahan-dahang inilapag ni Doña Amalia ang walang buhay na sanggol sa isang maliit na baul. Sa huling pagkakataon ay hinalikan niya ang noo ng anak at muling dumaloy ang kaniyang mga luha na kasing-lakas ng buhos ng ulan.
Napayuko na lang ang mga kasambahay, bagama't may pagka-strikta ang kanilang Doña, hindi pa rin nila mapigilang maawa sa sinapit nito. Ilang sandali pa, binuhat na ng dalawang kasambahay ang baul saka inilagay iyon sa hukay at tinakpan ng lupa ngunit laking-gulat nila nang biglang tumakbo muli si Doña Amalia papunta sa hukay saka pilit na hinila ang baul. "H-hindi! Hindi mo ako maaaring iwan Celestina! S-sa oras na malaman ito ni Mateo, tiyak na ipagpapalit niya ako. Maghahanap siya ng ibang kabiyak na makapagbibigay sa kaniya ng tagapag-mana. H-hindi niya ito maaaring malaman!" sigaw ni Doña Amalia na tila nawawala na sa sarili sa mga oras na iyon.
Ilang taon na silang naghintay magkaroon ng anak kung kaya't hindi niya mapigilang mag-isip ng kung anu-ano lalo pa't madalas niyang marinig mula sa mga kaibigan ni Don Mateo sa tuwing nag-iinuman ang mga ito na maghanap na raw ng bagong asawa si Mateo na makapagbibigay ng anak dahil hinala nila ay baog si Doña Amalia.
"K-kailangan kita Celestina! Huwag mo akong iwan!" patuloy pa ni Doña Amalia, sinubukan siyang pigilan ng mga kasambahay ngunit hindi ito nagpaawat hanggang sa mapatigil silang lahat nang marinig nila ang pagtangis ng isang sanggol.
Gulat na napatingin si Doña Amalia sa baul na nasa hukay, kulang na lang ay tuluyan siyang lumundag doon upang buksan iyon sa pag-asang ang sanggol na tumatangis na kanilang naririnig ay ang anak niyang nasa loob ng baul. Ngunit nagkamali siya dahil biglang sumigaw ang isang kasambahay. "S-señora may duguang babae po sa likod ng hardin!"
Nagulantang sina Manang Dominga at ang mga kasambahay dahil sa isang babae na nababalot ng dugo, nakadapa ito sa isang sulok at pilit na gumagapang papalapit sa kanila. Nanlaki ang mga mata nila ng makita ang sanggol na yakap-yakap nito. Umiiyak ang sanggol na mas lalong nagpagulat sa kanila.
Mabilis na tumayo si Doña Amalia at tumakbo papalapit sa duguang babae. "A-anong nangyari sa iyo?" tanong niya ngunit hinang-hina na ang babae at bigla itong nawalan ng malay sa bisig niya. Agad ipinag-utos ng Doña na dalhin ang babae sa loob ng mansion.
Pagdating sa loob, agad nilang inasikaso ang kalagayan ng duguang babae na may tama ng bala sa binti. At tiningnan din nila ng mabuti ang kalagayan ng sanggol. "Señora, tila kakapanganak lang din po ng babaeng ito. Hindi pa po napuputol ang pusod ng sanggol" wika ni Manang Dominga, agad namang hinagkan ni Doña Amalia ang sanggol na sa mga oras na iyon ay biglang tumigil sa pag-iyak at tumitig sa kaniya.
Sa pagkakataong iyon ay namalayan na lang ni Doña Amalia na maluha-luha siyang nakangiti sa bata. Nasilayan niya ang maaamong mata nito, ang ngiti at naramdaman din niya ang tibok ng puso nito. "Señora, babae rin po ang anak niya" patuloy ni Manang Dominga, magsasalita na sana si Doña Amalia ngunit biglang nagsalita ang babaeng duguan na noong mga oras na iyon ay nagkaroon na ng malay.
"P-por favor, ayúdeme, por favor ayúdenos" (P-please help me, please help us) wika ng babae agad naglakad si Doña Amalia papalapit sa kaniya. Napansin ng Doña na isang Kastila ang babae, hindi niya iyon masyado napansin kanina dahil sa lakas ng ulan at nababalot ito ng putik at dugo.
"¿Qué quieren decir?" (What do you mean?) tanong ni Doña Amalia sa babae, napaiyak muli ito saka kinuha sa kamay niya ang bata at niyakap iyon ng mahigpit. "Mi esposo fue asesinado hace unos minutos mientras intentaba detener a los soldados después de nosotros. Ya no puedo correr así que salté aquí y me escondo pero sé que todavía me están buscando" (M-my husband got killed a few minutes ago as he tried to stop the soldiers after us. I can no longer run so I jumped over here and hide but I know that they're still looking for me) gulat na napatingin si Doña Amalia sa babae at sa sanggol.
Nagkatinginan naman ang mga kasambahay dahil hindi nila maintindihan kung anong sinabi ng babaeng kastila. "Isara niyo ang lahat ng bintana at pinto!" utos ni Doña Amalia na agad naman nilang sinunod. Dali-dali niyang inalalayan ang babae papunta sa pinaka-tuktok na silid kung saan iyon ang nagsisilbing tagong silid ng kanilang mansion.
"Quédate aquí dentro y Cállate. Te ayudaré a" (Stay here inside and be quiet. I will help you) seryosong saad ni Doña Amalia saka isinarado ang pinto. Mabilis siyang bumalik sa ibaba at inutusan niya ang kaniyang limang kasambahay na linisin lahat ng kalat. Walang bahid ng dugo ang dapat na matira.
Ilang sandali pa, napatigil sila nang biglang may kumatok sa mansion. Tiningnan ni Doña Amalia isa-isa ang kaniyang mga kasambahay na para bang sinasabi niya na huwag magpapakita ng anumang nerbyos ang mga ito.
"¿Hay alguien adentro? Este es el ejército oficial del Imperio Español" (Is there someone inside? This is the official army of the Spanish Empire) sigaw ng isang guardia mula sa labas. Nagkatinginan naman sa gulat ang mga kasambahay dahil hindi nila akalain na nasa labas ngayon ang mga hukbo ng Kaharian.
Paika-ikang naglakad si Doña Amalia papunta sa pinto habang akay-akay ng dalawang kasambahay at binuksan iyon. Napatulala sila nang makita ang halos dalawampung sundalo ng Kaharian na nakatayo sa labas ng hacienda Cervantes.
"Buenas tardes, sé que esta casa pertenece a don Mateo Cervantes. ¿Es usted su esposa?" (Good evening, I know that this house belongs to Don Mateo Cervantes. Are you his wife?) tanong ng pinuno ng mga sundalo. Matangkad ito, maputi, matangos ang ilong at makapal ang bigote at balbas. Komleto rin sa suot na uniporme ang mga sundalo.
"Sí, soy su esposa, Amalia Cervantes. ¿Qué te trae por aquí?" (Y-yes, I am his wife, Amalia Cervantes. What brings you here?) taas noong sagot ng Doña, pilit niyang ikinukubli sa kaniyang puso ang matinding takot sa ideyang ang mga sundalo ng Kaharian ang humahabol sa babaeng kastila na tinulungan at itinago nila.
"Estábamos buscando a una mujer embarazada. ¿La has visto?" (We were looking for a pregnant woman. Have you seen her?) seryosong tanong ng pinuno, magsasalita na sana si Doña Amalia ngunit nagpatuloy sa pagsasalita ang pinuno.
"Como puedes ver, hemos encontrado mantas y túnicas cubiertas de sangre en tu patio trasero. La mujer embarazada que buscamos tiene una lesión en su pierna izquierda" (As you can see, we have found blankets and robes covered with blood in your backyard. The pregnant woman that we're looking for has an injury on her left leg) patuloy ng pinuno na tila hinuhuli si Doña Amalia.
"¿Qué intentas decir? ¿Soy alguien que arriesgaría mi vida por un extraño? Las mantas y túnicas con sangre que viste son mías. Como puedes ver, acabo de entregar a mi bebé hace un tiempo" (So, what are you trying to say? Am I someone who would risk my life for a stranger? The blankets and robes with blood that you saw are mine. As you can see, I just delivered my baby awhile ago) matapang na sagot ni Amalia, napasingkit naman ang mata ng pinuno.
"¿Dónde está tu bebé?" (Where's your baby?) habol nito, napaiwas naman ng tingin si Amalia sa katotohanang wala na ang kaniyang anak.
"No pretendo deshonrar tu casa como te estoy pidiendo a tu bebé. Sólo investigábamos aquí desde el orden de los funcionarios de la corte superior" (I don't intend to disgrace your household as I am asking for your baby. We were just investigating here from the order of the higher court officials) patuloy ng pinuno, napahinga na lang ng malalim si Amalia sabay lingon kay Manang Dominga.
"Manang Dominga, dalhin mo rito ang aking anak na mahimbing na natutulog sa pinakamataas na silid" utos ni Amalia habang nakatingin ng derecho kay Manang Dominga na para bang sinasabi nito na kunin niya ang sanggol na anak ng babaeng kastila upang mapaniwala ang mga sundalo na ang mga dugong natagpuan ng mga ito sa kanilang hacienda ay kaniya.
Mabilis na tumango si Manang Dominga saka dali-daling tumakbo papunta sa silid na kinaroroonan ng babaeng kastila. Nagulat ito nang biglang bumukas ang pinto, "Paumanhin ngunit kailangan namin ang iyong anak" saad ni Manang Dominga at mabilis niyang inagaw ang sanggol sa kamay nito.
"¿Qué? No puedo entender que" (What? I can't understand you) habol ng babaeng kastila ngunit mabilis na naisara ni Manang Dominga ang pinto. Sinubukang sumigaw ng babae ngunit makapal ang pintong iyon at masyadong kulob ang tuktok na silid dahilan upang hindi na umabot ang ingay nito sa ibaba.
Nang makarating si Manang Dominga sa salas ay agad niyang hinatid kay Doña Amalia ang sanggol. " ¿Me creerás ahora?" (Will you believe me now?) seryoso niyang tanong sa pinuno, napatikhim na lang ito saka hinubad ang sumbrero at nagbigay galang.
"Vamos a irnos ahora. Gracias por responder a nuestras preguntas" (We're going to leave now. Thank you for answering our questions) paalam ng pinuno at naglakad na silang lahat papalayo.
Nang maisara ang pinto, napasandal na lang si Amalia sa pinto dahil sa matinding kaba. "Hindi man namin maintindihan ang pinag-usapan niyo Señora ngunit sadyang nakakakilabot talaga ang pagdating ng hukbo" wika ng isang kasambahay na napabagsak pa sa sahig dahil sa matinding kaba.
"Bakit kaya sila naririto? Narito ba ang hari?" gulat na tanong ng isa pang kasambahay. "Marahil ay may hinahanap silang kapamilya ng hari, hindi kaya ang babaeng iyon na tinulungan natin?" saad naman ng isa ngunit napatigil lang sila nang magsalita si Amalia.
"Magsitigil kayo, itikom niyo ang inyong mga bibig. Mabuti o masama man ang hangarin nila sa paghahanap sa babaeng kastila na tinulungan natin ay hindi pa rin natin dapat ipagkatiwala ang buhay niya sa mga taong iyon sapagkat nagawa nilang habulin sa gitna ng gabi ang isang babaeng buntis. Hindi makatarungan ang kaniyang sinapit" saad ni Amalia sabay tingin sa sanggol na hawak niya ngayon.
"Ano na pong gagawin natin sa babaeng iyon at sa sanggol?" tanong ni Manang Dominga sa amo. Nanatili namang nakangiti si Amalia sa sanggol na yakap niya. "Sa ngayon, ligtas sila dito sa aking pamamahay" wika ng Doña habang nakangiti sa sanggol na anak ng babaeng kastila.
Makalipas ang ilang oras, naghain si Amalia ng tsaa at tinapay na may palamang keso para sa almusal ng babaeng kastila. Papasikat na ang araw, naglakad na siya habang yakap ang sanggol patungo sa pinaka-tuktok na silid kung saan naroroon ang babae. Nang buksan niya ang pinto ay dali-daling tumakbo ang babae at inagaw sa kaniya ang bata. "¿Qué estás haciendo? ¿Por qué conseguiste a mi hija?" (What are you doing? Why did you get my daughter?) sigaw ng babae, ngumiti naman si Amalia saka naglakad papunta sa bintana at binuksan iyon.
Nakasunod sa kaniya si Manang Dominga na nakatayo sa tapat ng pintuan bitbit ang almusal ng mag-ina. "Esas personas que intentan llegar ahora están navegando de regreso a España" (Those people trying to get you are now sailing back to Spain) sagot ni Amalia sabay ngiti sa babae, nagtataka namang napatingin sa kaniya ang babae.
"¿Cómo Sabías que los oficiales del Imperio son los que me buscan?" (H-how did you know that the Empire officials are the ones who's looking for me?) gulat na tanong ng babae, naglakad naman si Amalia papalapit sa kaniya saka hinawakan nito ang balikat niya.
"Están aquí hace unas horas. Y tengo éxito para hacerlos creer que no estás aquí" (They are here a few hours ago. And I succeed to make them believe that you're not here) tugon ni Amalia, sa pagkakataong iyon ay unti-unting napangiti ang babae.
"T-gracias por su amabilidad. Lo siento por pensar que les acabas de entregar a mi hijo. Lo siento mucho" (T-thank you for your kindness. I'm sorry for thinking that you just handed them over my child. I am so sorry) wika ng babaeng Kastila sabay hawak sa kamay ni Amalia.
"A partir de ahora, puedes quedarte aquí. Estás a salvo conmigo" (From now on, you can stay here. You are safe with me) saad ni Amalia sabay ngiti at napatingin siya sa sanggol na yakap ng babae. "Como sea, ¿cómo se llama?" (Anyway, what is her name?) tanong ni Amalia habang nakatingin pa rin sa sanggol.
Inalalayan niyang maupo ang babae sa kama at pinasuso nito ang bata. "Aún no lo sé, tal vez yo la nombraría después de que su padre" (I don't know yet, maybe I would name her after her father) sagot ng babae. Sandaling tinitigan ni Amalia ang babaeng kastila, napakaganda nito lalo na ang mala-tsokolateng mata, matangos na ilong, mapulang labi at higit sa lahat ay ang malalim na biloy nito sa magkabilang pisngi.
"¿Y tú? ¿Cómo te llamas?" (How about you? What's your name?) tanong muli ni Amalia sa babae, napangiti ito nang maalala na hindi pa nga pala nila nasasabi ang pangalan ng isa't isa. "Mi nombre es Catalina, ¿y tú?" (My name is Catalina, and you?)
"Amalia" ngiti ng Doña, ngunit napansin niya na sa paraan ng pakikipag-usap ni Catalina sa kaniya ay parang nabibilang din ito sa alta sociedad dahil hindi ito ilang o magalang sumagot sa isang tulad niyang nabibilang din sa alta sociedad. "Mi nombre es Catalina, ¿y tú? Por cierto, ¿por qué están tratando de conseguite?" (By the way, why are are they trying to get you?) usisa ni Amalia, napayuko naman si Catalina.
"Es una larga historia, y probablemente puedas escribir un libro sobre cuán trágico es mi amor" (It's a long story, and you might probably can write a book about how tragic my love is) biro ni Catalina, napangiti na lang si Amalia. Ilang sandali pa, naaalala niyang nakatayo nga pala sa tapat ng pintuan si Manang Dominga.
"Manang, ihain mo na ang pagkain" utos ni Amalia, nanginginig namang naglakad si Manang Dominga papalapit sa kanila at dahan-dahan niyang inilapag sa maliit na mesa ang sabaw at tsaa na niluto ni Amalia. Tiningnan ni Amalia ng matalim si Manang Dominga nang muntikan nitong mabitawan ang mangkok na sabaw na iaabot kay Catalina.
"¿Estás bien?" (Are you alright?) tanong ni Catalina kay Manang Dominga nang mapansin nitong nanginginig ang matanda. "Sólo está cansada" (She's just tired) sabat ni Amalia saka inutusan si Manang Dominga na lumabas na sa silid. Mabilis na naglakad si Manang Dominga papalabas habang nakayuko at nanginginig pa rin sa takot.
"Usted debe comer ahora, es una sopa rica en vitaminas para que usted produzca una gran cantidad de leche para su bebé" (You should eat now, it's a soup rich in vitamins for you to produce a lot of milk for your baby) ngiti ni Amalia, napangiti naman si Catalina at tinanggap ang mangkok na iyon. Iinumin na niya sana ang sabaw ngunit muling nagsalita si Amalia.
"Creo que su bebé necesita descansar primero. Voy a sostenerla por un segundo mientras disfrutas de tu comida" (I think your baby needs some rest first. I will hold her for a second as you enjoy your food) saad ni Amalia, napangiti muli si Catalina dahil sa kabaitan ng babaeng tumulong sa kaniya.
"No sé cómo pagarte algún día pero te prometo que nunca olvidaré lo que hiciste por mí. Si las cosas funcionan en el futuro, te garantizo que te recompensaré a ti y a tu familia por algo grande" (I don't know how to repay you someday but I promise that I would never forget what you did for me. If things work out in the future, I guarantee to reward you and your family something great) ngiti ni Catalina sabay hawak muli sa kamay ni Amalia bilang pasasalamat.
"No tienes que pagarme. Ver lo adorable que es tu hija es más que suficiente para mí" (You don't have to repay me. Seeing how lovely your daughter is more than enough for me) tugon ni Amalia sabay hawak sa kamay ni Catalina, pareho silang napangiti sabay tingin sa sanggol. Ilang sandali pa, hinubad ni Catalina ang suot niyang kuwintas na de susi at isinuot iyon sa kaniyang anak. Kinuha rin niya ang isang talaarawan mula sa maliit na bayong na nakasabit sa kaniyang likuran nang tumakas siya at ang lalaking iniibig niya.
"¿Qué es esto?" (What's this?) tanong ni Amalia, "Heredé este collar de mi padre, y ahora se lo daré a mi hija. Este collar fue hecho por él junto con este diario. Tiene un candado, y la única manera de abrir este diario es usando este collar como una clave" (I inherited this necklace from my father, and now I will give it to my daughter. This necklace was made by him together with this diary. It has a lock on it, and the only way to open this diary is by using this necklace as a key) paliwanag ni Catalina, sabay ngiti at napatitig siya sa kaniyang anak.
"Esta es la cosa más especial y única que tomé al intentar escapar de casa. El hombre que amaba luchó hasta el final, y no quiero que su muerte quede en vano. Me aseguraré de lograr la venganza por él" (This is the most special and only thing I took as we tried to escape from home. The man I loved fought until the very end, and I don't want his death to be left in vain. I will make sure to achieve the vengeance for him) saad ni Catalina na sa pagkakataong iyon ay tila naging seryoso ang tono nito habang nakatitig sa kaniyang anak.
"P-pero antes de eso, debes comer primero y asegurarte de recuperar tu fuerza" (B-but before that, you should eat first and make sure to regain your strength) pag-iiba ni Amalia ng usapan, napahinga na lang ng malalim si Catalina saka nilagok ang sabaw na inihain sa kaniya ni Amalia. Inilapag na niya ang mangkok sa mesa at akmang kukunin sa kamay ni Amalia ang sanggol ngunit bigla siyang napahawak sa kaniyang lalamunan.
Agad tumayo si Amalia habang yakap-yakap ang bata, dahan-dahan siyang humakbang paatras habang pinapanood si Catalina na pilit nilalabanan ang matinding lason na dumadaloy na sa kaniyang lalamunan papunta sa kaniyang puso at buong katawan.
Nanginginig na napaatras si Amalia hanggang sa bintana ng silid. Pilit na humihingi ng tulong sa kaniya si Catalina na tuluyan nang bumagsak sa sahig habang hirap na hirap itong huminga at gumagapang papalapit sa kaniya. Nasagi ni Catalina ang mesa dahilan upang mabasag sa sahig ang babasaging mangkok.
Nagsimulang umiyak ang sanggol na tila ba nararamdaman nito ang paghingi ng tulong ng ina. Mahigpit na niyakap ni Amalia ang bata habang pikit-matang hinihintay na bawian ng buhay si Catalina. Desperada man kung tawagin ngunit gagawin ni Amalia ang lahat upang magkaroon ng anak at tagapagmana ang pamilya Cervantes. Malayo na ang narating niya upang maging asawa ni Don Mateo kung kaya't hinding-hindi siya makakapayag na basta-basta na lang iyon mawala sa kaniya.
Kasabay ng hindi maawat na pagbagsak ng malakas na ulan ay ang unti-unting panghihina ni Catalina na noong mga oras na iyon ay ang tanging hiling lang ay mayakap ang anak sa huling pagkakataon bago siya tuluyang mawalan ng hininga.
Makalipas ang ilang minuto, tulalang nakatitig si Amalia sa walang buhay na si Catalina. "M-manang Dominga!" sigaw niya, nanginginig namang pumasok si Manang Dominga sa loob ng silid, "I-ihulog mo na ang babaeng iyan sa malalim na hukay sa hardin" utos nito, nanginginig namang lumapit si Manang Dominga sa bangkay ni Catalina.
Agad naglakad si Amalia papalapit kay Manang Dominga at hinawakan ang buhok nito "Huwag mong kalilimutan na ikaw mismo ang naglagay ng lason sa kaniyang pagkain. Ikaw ang ipapahuli ko sa mga guardia sa oras na may ibang makaalam nito!" seryosong saad ni Amalia, hindi na maawat sa pagluha si Manang Dominga.
Batid niya ang plano ng sariling amo, inutusan siya nitong magluto ng sabaw at lagyan iyon ng lason. Tinakot siya nitong ipapapatay sa oras na hindi ito sumunod sa kaniya. Batid din ni Manang Dominga na sa mga oras na ito ay sumisisigaw na ng saklolo ang apat pang kasambahay na kasama nila kagabi. Ngunit wala siyang magawa, upang maligtas ang sarili niyang buhay kailangan niyang pagtakpan ang lahat.
Napapikit na lang si Amalia saka pilit na pinakalma ang sarili, naglakad na siya papalabas ng silid at nang marating niya ang kusina ay tila hindi man lang siya nagulat nang makita ang apat na kasambahay na nakahandusay na rin sa sahig at wala ng buhay. Nagkagulo ang mga gamit sa kusina, senyales na pilit humagilap ng tubig o gamot ang mga kasambahay upang labanan ang lason na nakahalo sa sabaw.
Makalipas ang ilang araw, pinalabas ni Amalia na may mga magnanakaw na nagtangkang pumasok sa kanilang tahanan dahilan upang masawi ang apat niyang kasambahay. Naging malaking usap-usapan iyon sa buong bayan lalo na ang pagsilang ni Amalia sa anak nito na sinabayan ng pagdating ng mga magnanakaw sa kanilang tahanan. Hindi rin nahirapan si Amalia sa pagpapalaki sa sanggol dahil mayroon din siyang gatas sa kaniyang dibdib. Si Manang Dominga na rin ang ginawa niyang mayor doma ng kanilang hacienda at siyang tanging nakakaalam ng sikretong ibig niyang itago hanggang sa kaniyang pagkamatay.
Makalipas ang isang buwan, dumating na si Don Mateo Cervantes sa bansa. Sinalubong ni Amalia ang asawa na halos ilang buwan ding nawalay dahil sa mga inasikaso nitong negosyo sa Europa. Maluha-luhang niyakap ni Don Mateo ang asawa at ang anak na sa unang pagkakataon ay nasilayan na niya. Nang dumating siya sa Maynila ay nabalitaan na niya na nanganak na nga si Amalia sa ika-pitong buwang pagbubuntis nito bagay na ipinag-alala niya kung kaya't agad siyang sumakay ng barko papuntang Laguna.
Laking tuwa ni Don Mateo na malusog ang kanilang anak. "Napakaganda ng ating munting anghel, ano ang ipinangalan mo sa kaniya?" ngiti ni Don Mateo habang nakatitig sa malusog na sanggol. "Celestina, gaya ng ating napagkasunduan noon bago ka magtungo sa Europa" ngiti ni Amalia at muli siyang niyakap ng asawa. Lingid sa kaniyang kaalaman, nagawang kumitil ni Amalia ng buhay kapalit ang batang kapiling nila ngayon.
Makalipas ang tatlong taon, lumaking magiliw at masiyahin si Celestina. Madalas niyang kapiling ang kaniyang ina na palagi siyang binabasahan ng mga aklat bago sila matulog. Isang gabi, habang mahimbing silang natutulog sa silid ni Celestina. Naalimpungatan ang bata ng maramdaman ang pag-ihip ng hangin mula sa bukas na bintana.
Nagtatakang napatingin si Celestina sa bukas na bintana dahil sigurado siyang naisara iyon ng kaniyang ina bago sila matulog. Akmang gigising na sana niya ang ina na mahimbing na natutulog sa kaniyang tabi nang biglang may anino ng babae ang mabilis na sumugod papalapit sa kaniyang ina sabay baon ng hawak nitong patalim sa dibdib ni Amalia.
"Mama!" sigaw ni Celestina, napalingon sa kaniya ang babaeng nakatakip ang mukha at akmang siya naman ang sasaksakin ngunit mabilis na iniharang ni Amalia ang sarili at niyakap si Celestina dahilan upang bumaon din ang patalim sa kaniyang likuran.
Mabilis na itinulak ni Amalia si Celestina pababa sa higaan "T-tumakbo ka na, t-tawagin mo ang iyong ama!" wika ni Amalia, laking gulat ni Celestina nang ibaon muli ng babaeng nakaitim ang patalim sa leeg ni Amalia dahilan upang bumulwak ang dugo nito at tumalsik ang lahat ng iyon sa mukha ng batang si Celestina.
"M-mama!" hinagpis ni Celestina na nanginginig na sa takot. Nang dahil sa lakas ng kaniyang pag-iyak ay agad naalimpungatan si Don Mateo na agad napabagsak sa sahig nang maabutan ang walang buhay na asawa. Akmang sasaksakin ng babaeng nakaitim ang batang si Celestina ngunit mabilis na inihagis ni Don Mateo sa ulo ng babae ang mamahaling paso na nasa gilid ng pintuan dahilan upang mawalan ito ng malay.
Naalimpungatan din si Manang Dominga at dali-daling umakyat sa silid ni Celestina, halos mahimatay si Manang Dominga sa dami ng dugo na nagkalat sa sahig at tila isang bangungot sa kaniyang isipan ang karumal-dumal na sinapit ni Doña Amalia.
Nang dahil sa pangyayaring iyon, napag-desisyunan ni Don Mateo na itago si Celestina sa pinakatuktok na silid ng kanilang mansion. Pinalibutan din niya ng mga bantay ang buong hacienda upang protektahan ang anak. Napag-alaman na ang babaeng nakaitim na pumatay sa kaniyang asawa ay isa sa mga kasambahay na nilason noon ni Amalia at Manang Dominga ngunit lingid sa kanilang kaalaman na hindi ito tinablan ng lason at muling umahon sa hukay ng ilibing sila ni Manang Dominga sa hardin ng hacienda Cervantes.
Ipinagtapat ng kasambahay sa hukuman ang tangkang pagpatay sa kanila noon ni Amalia ngunit walang naniwala sa kaniya sapagkat kilalang mambabarang at mangkukulam ang ina ng kasambahay na iyon. Wala ring naniwala dahil halos tatlong taon din itong kinulong dahil sa pananakit nito sa mga hayop at ibang tao.
Ang pagkakataong iyon ay ginamit ni Don Amadeo at ng mga kapanalig niya upang unti-unting pabagsakin si Don Mateo na siyang gobenradorcillo ng kanilang bayan. Isang alcade mayor pa lang si Don Amadeo noong mga taong iyon at matagal na niyang pinaplanong pabagsakin ang pamilya Cervantes na siyang ilang siglo nang namumuno sa kanilang nayon.
Ipinagkalat nila na anak ng barakuda si Celestina, ang babang kasambahay nito dati ay isang mangkukulam na tumulong kay Doña Amalia upang magdalang-tao ito. Kinukuha na ng dyablo ang bata ngunit ayaw ibigay ni Amalia kung kaya't pinaslang siya nito. Idinagdag pa nila na kaya umupa ng maraming guardia personal si Don Mateo upang bantayan ang buong hacienda dahil nangangain ng tao ang batang anak ng barakuda tuwing gabi.
May ilang mga mamamayan ang tuluyang naniwala sa mga pinapakalat ng mga kapanalig ni Don Amadeo. Ang ilan sa kanila ay nagtangkang sumugod sa hacienda Cervantes upang kunin ang batang anak ng dyablo at sunugin ito upang matanggal sa kanilang bayan ang salot.
Ngunit nanatiling matibay si Don Mateo, kahit anong mangyari, hinding-hindi niya isusuko ang anak kahit pa ito ang maging dahilan ng pagtalikod sa kaniya ng mga nasasakupang mamamayan. Isang gabi, habang pinagmamasdan ni Don Mateo ang mga gamit ng yumaong asawa. Napansin niya ang isang kakaibang talaarawan at ang kuwintas na nasa ilalim ng mga damit nito.
Inakala niyang ang talaarawan at kuwintas na iyon ay pagmamay-ari ng asawa kung kaya't iniregalo niya ito kay Celestina nang magdiwang ito ng ikalabidalawang taong kaarawan. Labis na iknatuwa ni Celestina ang kuwintas na iyon at ang talaarawan at magmula sa araw na iyon ay hindi na ito nawalay sa kaniyang piling.
NATAUHAN si Manang Dominga nang bigla siyang sampalin ng malakas ni Don Amadeo "Ano? Hindi mo ba sasabihin ang lahat ng iyong nalalaman?!" sigaw nito, napahawak na lang si Manang Dominga sa kaniyang puso. Nagawa niyang ilihim ang lahat kay Celestina habang lumalaki ito, tinuring niyang anak ang dalaga ngunit naroroon pa rin ang konsensiyang pilit na humahabol sa kaniya.
"H-hindi dapat malaman ni Federico... H-hindi niya dapat malaman ang nangyari sa kaniyang anak" saad ni Manang Dominga sabay hagis ng buhangin sa mata ni Don Amadeo at sa mga tauhan nito dahilan upang sila ay mapuwing. Mabilis na tumayo si Manang Dominga at kumaripas ng takbo papalayo ngunit nakaka-ilang hakbang pa lang siya ay bigla siyang bumagsak sa lupa.
Mabilis na nailabas ni Don Amadeo ang kaniyang baril at derechong tumama ang bala sa binti ni Manang Dominga. "Hindi ka makakatakas sa akin, hindi ka maaaring mamatay hangga't hindi mo sinasabi sa akin ang lahat ng nalalaman mo" seryosong wika ni Don Amadeo sabay senyas sa mga tauhan na muling dakpin ang matanda.
TULALANG nakaupo si Celestina sa sulok ng selda. Paulit-ulit na gumugulo sa kaniyang isipan ang reaksyon ng visitador-heneral at ang tinawag nitong pangalan kay Loisa. Hindi man malinaw sa kaniya ang lahat ngunit malakas ang kaniyang pakiramdam na may kaugnayan ang kuwintas na pagmamay-ari ng kaniyang ina kay Federico Dela Rosa.
Ilang sandali pa, natauhan si Celestina nang marinig niya ang boses ng isang lalaki na nakatayo na pala sa tapat ng kaniyang selda. Ni hindi niya naramdaman ang pagdating nito dahil sa lalim ng kaniyang iniisip. "Kumusta Celestina? Paumanhin ngunit ibig ko sanang humiling ng isang napakahalagang bagay sa iyo" panimula ni Don Facundo, hinubad niya ang kaniyang sumbrero saka inilapag iyon sa sahig.
Nang tingnan niya muli ang dalaga, naalala niya ang sinabi ni Don Amadeo patungkol sa kuwintas na hinahanap noon ni Federico. Minsan na rin niyang nakita ang kuwintas na iyon na pagmamay-ari pala ni Celestina. At ngayon, sigurado siya na si Celestina ang hinahanap ni Federico ngunit huli na ang lahat dahil kumalat na ang balita sa buong Maynila na nahanap na ni Federico Dela Rosa ang nawawala niyang apo mula sa bunso nitong anak na si Catalina tumakas sa Espanya at nakipagtanan sa isang binata na nakatakdang ikasal sa prinsesa.
Ang mga humahabol noon kay Catalina at sa iniibig nitong binata na si Jaime ay mga hukbo ng Kaharian sapagkat nagawang talikuran ni Jaime ang nakatakdang kasal sa isang dugong bughaw. Sinubukang iligtas ni Federico ang anak ngunit pinili nitong makipagtanan kay Jaime at magtungo sa Las Islas Filipinas.
Naging maingay ang buong madla, sunod-sunod na mga balita sa pahayagan ang lumabas sa mga dyaryo dahil sa hindi nila inaasahang pagtatagpo ng visitador-heneral at ang apo nito. Ang pangyayaring iyon ay madali at mabilis na niyakap ng mga tao. Idagdag pa ang katotohanang si Loisa na mula sa angkan ng pamilya Espinoza ang apo ng visitador-heneral at pamangkin ng bagong gobernadora-heneral.
"Hinihiling ko na ikaw na mismo ang lumayo kay Martin. Nasa peligro ngayon ang kaniyang buhay, idinawit siya sa rebelyon na pinamumunan ni Don Lorenzo. Ngunit batid naman ng lahat na walang pag-aalsa, ang lahat ng ito ay kagagawan lang ni Don Amadeo upang pabagsakin ang pamumuno ni Don Lorenzo Damian sa Tayabas at mapasakaniya ang minahan na naroroon" patuloy ni Don Facundo at muli itong napahinga ng malalim.
Marami siyang gustong sabihin kay Celestina, ngunit sa ngayon ay mas mahalaga sa kaniya na mailigtas si Martin. Batid ni Don Facundo na hindi pa ito ang tamang panahon upang sabihin sa lahat na si Celestina ang totoong apo ni Federico Dela Rosa dahil wala silang hawak na ebidensiya. Bukod doon malalagay niya lang sa panganib ang buhay ni Celestina at tiyak na sa oras na malaman ni Martin ang buong katotohanan ay ililigtas nito ang dalaga na siyang magdudulot naman sa kaniya sa kapahamakan.
Kung kaya't buo na ang desisyon ni Don Facundo, sa ngayon ay si Martin muna ang kaniyang ililigtas. Kailangan niyang makumbinse si Celestina na layuan na ang kaniyang anak upang makuha niya at ni Martin ang tiwala ng mga Espinoza. "Gagamitin ko ang lahat ng aking kapangyarihan at gagawin ko ang lahat ng paraan upang ikaw ay mapawalang-sala sa pagkamatay ni Doktor Benjamin. Sa susunod na buwan ay magiging tagapamahala na ako ng salapi ng ating pamahalaan at malapit din ako sa mag-amang Dela Rosa, aking hihilingin na hindi ka mahatulan ng kamatayan. Hihilingin ko rin na dalhin ka sa Norte upang ikaw ay malayo sa pamilya Espinoza" saad ni Don Facundo, dahan-dahan namang napayuko si Celestina. Hindi niya alam kung dapat ba siyang magpasalamat o magalit sa nais mangyari ni Don Facundo.
Ngunit naiintindihan naman niya na ang tanging nais lang ni Don Facundo ay ang kaligtasan ng anak nito. Batid ni Celestina na siya ang nagdadala ng kapahamakan kay Martin, kung kaya't siya rin ang makapaglalayo ng panganib sa binata.
Dahan-dahang naupo si Don Facundo sa tapat ng selda saka iniabot ang isang kumpol ng ginto kay Celestina. "Magsimula ka ng bagong buhay sa Norte, sa oras na maging maayos na ang lahat dito sa Maynila, hahanapin kita hija at tutulungan kitang mabigyan ng hustisya laban sa kamay ng mag-amang Espinoza" pangako ni Don Facundo sabay tango sa dalaga.
DAHAN-DAHAN na naglalakad si Don Facundo patungo sa opisina ni Heneral Samuel kung saan naroroon ngayon si Martin dahil pinalaya na siya ng hukuman. Pagdating niya sa loob ng opisina, naabutan niyang hindi mapakali si Martin na palakad-lakad sa loob at agad itong lumapit sa kaniya. "Ama, totoo ba ang sinabi sa akin ni Heneral Samuel na si Loisa ang nawawalang apo ni Don Federico?" gulat na tanong ni Martin, gusot-gusot at magulo ang kasuotan nito maging ang buhok ngunit nangingibabaw pa rin ang kagwapuhan ng binata.
Napahinga na lang ng malalim si Don Facundo ngunit hindi siya nagsalita "Ayon pa kay Heneral Samuel, ang kuwintas na de susi ang tanging alas ni Don Federico upang mahanap ang anak at apo ngunit mayroon din si Celestina ng kuwintas na iyon. Batid kong nakita niyo na rin iyon ni Julian ama noong pista sa ating bayan, kailangan nating ipagbigay alam kay Don Federico na maaaring si Celestina ang----" hindi na natapos ni Martin ang kaniyang sasabihian dahil biglang nagsalita si Don Facundo.
"Tama na Martin, tumigil ka na" wika ni Don Facundo na parang pagod na pagod na sa mga nangyayari. "Ama, hindi ako titigil hangga't hindi napapawalang-sala si Celestina, nasa panganib ang kaniyang buhay. Hinding-hindi niya magagawang pumatay ng tao, nakasisiguro ako na may kinalaman ang mga Espinoza sa pagkamatay ni doktor Benjamin!" wika pa ni Martin na halos mabaliw na sa mga nangyayari.
"At ngayon, balak pa nilang hatulan ng kamatayan si Don Lorenzo at isangkot ako sa rebelyong wala namang katotohanan. Sumusobra na sila ama! Hindi ko hahayaan na----" muling hindi natapos ni Martin ang kaniyang sasabihin dahil biglang sumigaw si Don Facundo.
"Sinabi kong tama na! tumigil ka na Martin! Matuto kang mag-isip ng mabuti upang mapatumba mo ang mga kalaban!" sigaw ni Don Facundo na umalingangaw sa buong silid. Tulalang napatitig sa kaniya si Martin, sanay naman na siya sa pagtataas ng boses ng ama ngunit tila iba ito ngayon. May kung anong reaksyon sa mukha ni Don Facundo na nagpapahiwatig na pagod na ito.
Hinawakan ni Don Facundo ang magkabilang balikat ng anak saka tiningnan ito ng derecho "Makinig ka ng mabuti sa akin, sa ngayon ay hindi natin mapapatunayan na si Celestina ang tunay na apo ni Don Federico. Wala tayong hawak na ebidensiya at tiyak na ikakapahamak lang natin iyon at ni Celestina kung ipaglalaban natin ang bagay na iyan ngayon. Mas mahalagang unahin natin na makaligtas ka sa hatol ng hukuman sa salang rebelyon at makaligtas din si Celestina sa pagkamatay ni doktor Benjamin. Hindi mo ba napagtagpi-tagpi na ang lahat ng ito ay mabusising pinagplanuhan ng pamilya Espinoza? Habang nagpupumilit kayong kumawala... Mas lalong humihigpit ang tanikalang ikinabit nila sa iyong leeg!" seryosong saad ni Don Facundo habang hawak ng mahigpit ang balikat ni Martin upang making ito sa kaniya.
"Idinawit ka ni Don Amadeo at Loisa sa kaso ni Don Lorenzo upang hindi ako makakilos laban sa kanila ngayong dumating na ang pamilya Dela Rosa na siyang malaking kapanalig natin. Isinangkot naman nila si Celestina sa pagpatay kay Doktor Benjamin upang pumayag ka na magkapasal kay Loisa sa ngalan ng kaligtasan ni Celestina. Sa oras na labanan mo sila ngayon, parehong kayong mawawala. At hindi ako makapapayag na mapahamak ka" patuloy ni Don Facundo, sa pagkakataong iyon ay unti-unting nahimasmasan si Martin lalo na nang marinig niya ang huling sinabi ng ama.
Sa mga oras na iyon ay ramdam niya ang matinding pag-aalala nito na matagal na niyang hinahanap mula pagkabata. "Iyo bang naalala ang itinuro ko sayo noon sa paglalaro ng alhedres? Iyong kilalanin ang kalaban, gamitin mo ang bagay na kanilang pinakamimithi at iyon ang iyong gamiting alas upang pabagsakin sila" wika ng Don sabay tingin ng mabuti sa anak.
"Pakasalan mo si Loisa, gamitin mo ang lahat ng kapangyarihan ng kanilang pamilya. Sikapin mong maging punong hukom at sa oras na makamit mo ang posisyon na iyon... gamitin mo iyon upang isiwalat sa lahat ang kanilang katiwalian at kasamaan. Sa oras na ikaw na ang maging punong hukom, magagawa mo na silang parusahan at hatulan ng kamatayan!" saad ni Don Facundo na ikinagulat ni Martin. Ngunit unti-unting naging malinaw sa kaniya ang lahat na ang tanging paraan upang makamit nila ni Celestina ang hustisya ay ang pagsasakripisyo ng isa sa kanila.
Pilipinas , 1895
MAINGAY na sinalubong ng mga tindero at tindera ang mga pasahero na kakababa lang ng mga kalesa na bumyahe ng mahaba patungo sa Norte. Naroroon din ang ilan sa mga mamamayan na sasalubong sa kanilang mga mag-anak na mula rin sa Maynila.
Maingat na ibinaba ng kutsero ang tig-dalawang bagahe ni Martin at Timoteo. "Muchas Gracias!" ngiti ni Timoteo sa kutsero sabay abot ng salapi sa lalaki. "Dalawang taon ka lang nanalagi sa Europa, naiwan na sa iyong dila ang kanilang wika" ngisi ni Martin sabay iling sa kaibigang si Timoteo na damang-dama ang pamumuhay at karangyaang Kolonyal.
"Kailangan kong yakapin ang gawi at buhay Europa sapagkat bahagi ito ng aking bagong propesyon ngayon" bawi ni Timoteo sabay hubad ng kaniyang sumbrero sa tuwing nakakasalubong sila ng mga binibini. Ganoon pa rin ang hitsura nila, walang masyadong pinagbago bukod sa pareho na silang nagpatubo ng bigote.
"Huwag sana magmana sa iyo si Sofia, kailangang lumaking may pagmamahal sa ating kultura ang aking pamangkin" banat ni Martin, napataas naman ng kamay si Timoteo. "Magiging maganda at matagumpay na binibini ang aking anak balangaraw, huwag lang sana siya matulad sa kaniyang ina na hindi maawat ang dila" tawa ni Timoteo, napailing naman si Martin dahil sa kalokohan ng kaibigan habang patuloy na sila sa paglalakad sa gitna ng palengke.
"Huwag mo palang kaligtaan ang ating pakay sa lugar na ito. Kailangan kong mahanap si Don Hugo at ikaw naman kailangan mong mahanap si Don Agustin" paalala ni Timoteo, tumango-tango na lang si Martin bilang sagot sa kaibigan na hindi pa rin maawat sa kakasalita.
"Sa oras na malikom ko na ang mahahalagang dokumento at pag-aaral mula sa gamot na aking tinutuklas, tiyak na magiging kilala akong doktor, guro at negosyante" halakhak ni Timoteo dahilan upang mapatingin sa kaniya ang ibang mga tao sa palengke.
"Tiyakin mo lang na may iba pang mabuting lunas ang halamang ginagamit sa pagagawa ng sigarilyo upang mapagtagumpayan mo ang sinasaliksik mong pag-aaral na iyan" pang-asar ni Martin habang abala siyang tumitingin sa paligid. Ngayon na lamang siya nakatapak sa magulo at makulay na pamilihan dahil halos limang taon siyang naging abala sa hukuman na halos sa bahay at trabaho na lang umiikot ang kaniyang mundo.
"Humingi ka na rin ng payo kay Don Agustin upang maging pinakamagaling ng punong hukom. Ilang buwan na lang ay magreretiro na si hukom Emiliano at balita ko na isa ka sa mga natutunugang papalit sa kaniyang pwesto" ngisi ni Timoteo sabay sagi sa kaibigan. "Tiyak na gagawan iyan ng paraan ni Don Amadeo, ipagmamalaki niya sa buong mundo na ang asawa ng kaniyang anak ay siyang magiging bagong punong hukom" pang-asar pa ni Timoteo ngunit biglang napawi ang ngiti ni Martin habang nakatitig ito sa malayo.
Napatikhim na lang si Timoteo saka muling nagsalita "Paumanhin, hindi ko na dapat pinaalala sa iyo ang pagkakatali mo sa pamilya Espinoza. Apat na taon na ang anak kong si Sofia, madalas dumalaw si Loisa sa aming tahanan upang makipaglaro kay Sofia. Minsan na sa aking sinabi ni Linda na nabanggit sa kaniya ni Loisa ang pananabik nito na magkaroon kayo ng anak. Hanggang ngayon ba ay hindi mo pa rin siya pinagbibigayan sa----" hindi na natapos ni Timoteo ang kaniyang sasabihin dahil nagpatuloy sa paglalakad si Martin na tulalang nakatitig sa mga bulaklak ng rosas na binebenta ng isang tindera.
"Tinong!" tawag ni Timoteo sa kaibigan at mabilis niyang hinabol si Martin. Ilang segundong tinitigan ni Martin ang matitingkad na pulang rosas na nakatanim sa mga paso. "Ibig mo bang bumili, Señor?" tanong ng tindera kay Martin dahilan upang matauhan ito.
Napailing na lang si Martin at akmang aalis na ngunit napansin niya ang isang batang babae na nasa edad limang taong gulang na kanina pa nakatitig sa mga pulang rosas. Pinagmasdan niya ang bata, mula sa maruming damit nito at sugat-sugat na kamay ay batid niyang walang pambili ang batang babae.
Kumuha si Martin ng salapi sa kaniyang bulsa saka inabot sa tindera. "Tiyak na masisiyahan ang binibining pagbibigyan niyo ng bulaklak na ito Señor" ngiti ng tindera, ngumiti rin si Martin pabalik sa kaniya saka inabot ang bulaklak sa batang babae na kanina pa naroroon.
Nanlaki ang mga mata ng batang babae dahil sa tuwa nang iabot iyon sa kaniya ng isang mabait at gwapong binata. "Maraming salamat po, Señor!" ngiti ng bata, kinurot naman ni Martin ang pisngi nito. "Walang anuman, munting binibini" ngiti ni Martin sabay hubad ng kaniyang sumbrero at itinapat niya iyon sa kaniyang dibdib. Nagbigay galang naman ang batang babae saka tumakbo papalayo at tumalon-talon pa dahil sa labis na kaligayahan.
"Sa aking nakikita, ikaw din ay nasasabik nang magkaroon ng anak. Bakit hindi mon a pagbigyan ang iyong asawa----" hindi na natapos ni Timoteo ang kaniyang sasabihin dahil tinalukuran lang siya ni Martin at nagpatuloy na ito sa paglalakad.
Samantala, tuwang-tuwa namang tumatakbo ang batang babae na kilala sa pangalang Emilia. Anak siya ng isa sa mga trabahador sa malawak na taniman ng halamang tobacco na pagmamay-ari ni Don Hugo Ibañez. Mataas ang sikat ng araw at abala ang lahat sa pagkuha ng mga halaman na gagamitin sa paggawa ng tobacco at iba pang mga produkto.
Malawak na hektarya ang lupaing iyon na nasasakupan ng hacienda Ibañez. May halos isang daang manggagawa ang lupain ni Don Hugo at kilalang isa sa pinakamayan sa lupain ng Nueva Ecija. Ilang sandali pa, natanaw n ani Emilia ang babaeng hinahanap niya.
Natatamaan ng sinag ng araw ang mala-tsokolate nitong kulot na buhok na nakapusod paitaas dahilan upang mamutawi ang maputi at makinis na batok ng dalaga. "Ate! Ate! May isa pong mabait na ginoo ang nagbigay sa akin nito ngunit ano po bang tawag sa bulaklak na ito?" ngiti ng batang Emilia sabay hawak sa saya ng dalaga.
Dahan-dahan namang napaingon sa kaniya ang babae at ngumiti ito dahilan upang mamutawi ang dalawang biloy nito sa magkabilang pisngi. "Ang tawag sa bulaklak na iyan ay Rosas" tugon ni Celestina sabay ngiti at hinawakan ang bulaklak na iyon na naghahatid din ng kasiyahan sa kaniya sa tuwing nakikita niya ito.
***********************************
#ThyLove
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top