CHAPTER 90 - Finale
(H'WAG MADAYA. H'WAG PASILIP-SILIP SA ENDING KUNG HINDI PA NABABASA NANG BUO ANG ISTORYA-- MINUS POINTS 'YAN SA HEAVEN) lol
*
*
*
*
*
DALAWANG BUWAN MAKALIPAS ay muling nagpakasal sina Rome at Cayson, but this time, it was held in the church. Natupad ang pangarap ni Rome na makasal sa simbahan at makapaglakad sa aisle. She was a happy bride, dahil naroon lahat sa simbahan ang mga mahal niya sa buhay, kabilang na ang lahat ng kaniyang mga kaibigan.
Including Jiggy—na noo'y tanggap na tanggap na ng buong pamilya niya. Her parents realized that Jiggy was more than just a friend to her. She was like a family. Kaya naman simula nang magkita ang mga ito noong mga panahong nasa ospital siya ay hindi na naging iba ang pagturing ng kaniyang mga magulang rito. Lalo at maliban kay Cayson ay isa ito sa mga nagpuyat noon sa ospital upang bantayan siya.
She had learned that she was unconscious for three days after undergoing C-section. She had lost a lot of blood at masuwerteng nakaligtas pa. Ini-kwento ng mga magulang sa kaniya noong makalabas siya sa ospital na nagsabi raw ang mga doktor na sa dami ng dugong nawala sa kaniya ay kailangan na raw ng mga itong maghanda sa maaaring mangyari sa kaniya. And during that time, too, Cayson was holding on. Her parents told her how Cayson wouldn't leave the ICU wall. He was there, standing the whole night, waiting for an update.
Inamin din naman niyang may naging kapabayaan siya sa nangyari sa kaniya. She knew she wasn't feeling good, pero nagmatigas pa rin siyang magtungo sa ospital.
But things went well in the end, anyway.
Nauwi ang lahat sa pag-amin ni Cayson, sa paghingi nito ng patawad sa lahat ng sama ng loob na inidulot nito sa kaniya sa nakalipas na mga buwan, at sa pangako nitong siya lang ang tanging babaeng mamahalin nito hanggang sa huli.
Wasn't he the most romantic?
At nauwi rin sila sa church wedding.
Baron, Selena, and baby Polo were all invited.
Caroline Marie, their two month baby girl, was also at the church during the ceremony. Kasama ito sa lahat ng mga pictures. Labis na natuwa ang lahat dito dahil tahimik lang at hindi umiyak. She didn't want to get the attention, probably. Marahil ay naisip nitong dapat ay sa mga magulang ang pansin ng lahat.
At gustuhin man nilang lumipad patungong Bali para sa 'second' honeymoon ay hindi maiwan-iwan ni Rome ang anak. She was breastfeeding baby Carol, so she couldn't just leave her. And it was okay for Cayson—dahil kahit ito ay ayaw ring mahiwalay nang matagal sa anak.
Besides, it was always a honeymoon for them at home, anyway...
THREE YEARS LATER....
SANDALING LUMABAS si Connie sa nursery ng bagong silang na anak nang maramdaman ang pag-vibrate ng cellphone sa bulsa. Dahan-dahan nitong inisara ang pinto saka humakbang pababa ng hagdan. Doon na nito sa sala sasagutin ang tawag para masigurong hindi magigising ang anak. Her six-month baby was a light sleeper; nagigising sa kaunting ingay.
Nang marating ang sala ay saka nito dinukot ang cellohone, at nang makita ang pangalan ng brother in law ay kinunutan ito ng noo.
It was only eight in the morning. Ano ang kailangan nito sa kaniya?
Sinagot niya ang tawag.
"Hey, morning."
"Hey, Cons," ani Cayson mula sa kabilang linya.
"What's up?"
"Uh... well..." Cayson paused to take a long, deep breath. "I don't know. Rome is acting weird this morning. Actually, no. She started acting weird last night. Did I do anything wrong?"
"What?"
"I mean, did I do something to piss her off? Or, did I forget something? Anniversaries, birthdays, anything? Parang wala namang mahalagang okasyon akong nakaligtaan nitong nakalipas na mga araw. So I am so confused. Hindi ko alam kung ano ang kasalanan ko. Nakausap mo ba siya at nasabi niya sa'yo kung may problema?"
Hindi napigilan ni Connie na bahaw na matawa. "So, tinawagan mo ako para itanong kung bakit mainit ang ulo sa'yo ng asawa mo?"
"Well, yes. Dahil hindi ko alam kung ano ang kasalanan ko para matulog sa sahig kagabi. And just this morning, she was yelling at me. H'wag ko raw siyang lalapitan kung ayaw kong masaktan. Like, what the fuck did I do now?"
Ang tawa ni Connie at nauwi sa halakhak, habang si Cayson naman sa kabilang linya ay hindi mapakali. Panay ang paghagod nito ng buhok at batok.
"So, nasaan ka na ngayon?" tanong ni Connie matapos ang malakas na pagtawa.
"In my car, I'm driving to the office. And I decided to call you to know what's going on. Baka may alam ka. Because you know what she did before I left? Pinadalhan niya ako ng mga damit pambihis—h'wag daw muna akong magpakita sa kaniya ng ilang araw dahil nasusuka siya sa akin!"
Muling natawa si Connie.
"Damn it, Connie. Hindi ako nambababae; kung nakita niya akong may kasamang ibang babae, either that woman was one of my staff's wife or a client! I have been faithful for so long na malapit na akong tubuan ng pakpak at halo sa ulo!"
Lalong natawa si Connie. "Hindi kaya nagiging defensive ka naman masyado ngayon, Cayson...?"
"Damn it, patayin niyo ako kung mapatunayan ninyong nambabae ako. I am passed that, okay? And I would never do that to your sister, Connie. Kaya kung may alam ka kung bakit nagkakaganyan ang kapatid mo ay sabihin mo na nang makapagpaliwanag ako sa kaniya. She tend to make wrong conclusions, mas maiging magtanong muna siya sa akin."
Napahagikhik si Connie. "Hindi naman kaya hindi mo na naman kinain ang niluto niya? I remember one time, nagreklamo siya sa akin na sinayang mo lang daw ang baked macaroni niya."
"I eat anything she cooks, Connie. Kahit sobrang alat o walang lasa; I eat them, okay? It just so happened that the baked macaroni was burnt. At mahina ang panunaw ko sa mga sunog. Tsk. Come on, I'm sure this isn't about her cooking."
Hindi na matigil-tigil si Connie sa pagtawa. Ramdam na ramdam nito ang panlulumo at pagkalito ni Cayson.
"At hindi pwedeng hindi ako umuwi sa mansion, Connie. Baka hanapin ako ni Carol."
"That's for sure, papa's girl 'yon eh." Lalong napangisi si Connie. May hinala na ito kung ano ang nangyayari. "Okay, tatawagan ko si Rome. Hold on."
Napailing si Connie saka tinapos ang tawag upang i-dial naman ang number ni Rome. Makalipas ang ilang ring ay sumagot ang kapatid. Ang tinig ay paos.
"Hey..."
"Ano'ng problema mo?"
Narinig nitong umungol si Rome sa kabilang linya, kasunod ng pagduwal. Makaraan ang ilang sandali ay narinig ni Connie ang pag-flush ng toilet. And then, Rome spoke again.
"Hello?"
"Are you—"
*"Pregnant?"*Napabuntonghininga ito. "Wala akong available na PT kit dito pero may hinala akong ganoon na nga."
Connie chuckled. "Nakausap ko si Cayson ngayon-ngayon lang. Tinawagan niya ako. Ano raw ang problema mo?"
Muling nagpakawala ng buntonghininga si Rome*. "I was going to call him, kaya lang ay nauna kang tumawag. Gusto ko ring humingi ng pasensya sa kaniya, I had a really bad temper last night. Nang makita ko siyang umuwi kagabi ay uminit kaagad ang ulo ko na kahit ako ay hindi alam ang dahilan. I made him sleep on the floor last night..."*
Muling natawa si Connie. Sa dalawa pa lang ay buong-buo na ang araw nito. "At kaninang umaga'y pinadalhan mo ng mga damit? Loka-loka ka talaga."
"I know... Huli na nang maisip ko ang ginawa ko." Isa pang buntonghininga ang pinakawalan ni Rome. "Give me a sec, tatawagan ko siya. Pauuwiin ko."
"Okay. Pero sigurado ka bang nagdadalangtao ka sa pangalawa ninyong anak?"
"Wala akong maisip na ibang dahilan para masuka ako ngayong umaga at mag-iba ang mood ko. Besides, ilang linggo na rin akong delayed."
"Oh, kung totoo'y masaya ako para sa inyo, Rome. It's been three years since you gave birth to Caroline."
"I know. And we have been trying for a second child in the past two years. Ngayon lang nabuo."
"Siguradong agad na magyu-U-turn 'yang asawa mo 'pag nalaman. He has been wanting to have another child, 'di ba?"
Si Rome sa kabilang linya ay napangiti, saka niyuko ang tiyan na flat na flat pa at masuyong nihaplos. "Nahirapan kaming makabuo ulit dahil sa nangyari noong ipinanganak ko si Carol. I'll go see a doctor today to confirm."
"Okay, keep me posted."
"O sige na, at tatawagan ko na si Cayson."
"Make sure to apologize, loko ka. Stressed na stressed ang asawa mo huy, baka sa mga empleyado niya ibagsak 'yong inis niya sa pinaggagagawa mo sa kaniya, ha?"
Rome chucked and uttered her goodbye. Nang matapos ang tawag ay ni-dial naman ni Rome ang numero ng asawa.
Kaagad na sumagot si Cayson—na sandaling inihinto ang kotse sa tabi ng daan nang makita sa screen ang pangalan ng asawa.
"Hey, babe. What did I do?" kaagad na wari nito. "Kanina pa ako isip nang isip kung ano ang kasalanan ko."
Si Rome ay napangiwi sa kabilang linya. Naisip nitong mas makabubuting ma-kompirma na muna ng doktor ang kalagayan bago nito sabihin sa asawa ang hinala, pero wala rin itong maisip na sagot sa tanong ni Cayson. Kung hindi ito magbibigay ng dahilan ay baka pumasok nga ng opisina ang asawa na wala sa mood. At baka sa mga empleyado nito ibuntong ang inis sa mga ginawa ni Rome.
But then, Rome was confident that Cayson wouldn't do such a thing. He was a professional.
"Hindi ako sigurado, pero malakas ang kutob ko," Rome started.
"About what?"
"About the good news."
"Good news?" ulit ni Cayson.
Tumango si Rome na tila nasa harapan lang ang asawa. "I actually have good news and bad news. Would you like to hear them now or later?"
"Can I just choose which one I would like to hear first?"
"Nope, it has to be the good news first. Ang pwede mo lang piliin ay kung ngayon mo gustong marinig, o mamaya na kapag kompirmado na."
Cayson let out a deep sigh. "Okay... I want to hear now."
Rome bit her lip; unsure whether or not it was a good idea to inform her husband without the doctor's confirmation. Sandali itong nag-isip, at nang makapag-pasiya ay humugot ng malalim na paghinga bago sumagot.
"I think I'm pregnant."
Si Cayson ay biglang napatuwid ng upo. "Y-You are?"
"Yes, I think so. Malakas ang kutob ko, pero... kailangan muna nating dalhin sa doktor para ma-kompirma."
"Oh, baby..." ani Cayson; nasa himig ang labis na kasiyahan kahit pa man hindi pa isandaang porsyentong sigurado ang kalagayan ng asawa. "Can I go back to the house now? Gusto kitang yakapin—"
"That's the bad news."
"Bad news? What do you mean?"
"Remember when I was still carrying Carol in my tummy? The pregnancy hormones? Hindi ba noo'y wala akong ibang gusto kung hindi makita ka, makasama ka, makatabi ka, mahawakan ka? I was so crazy about you then."
"Yes, I could never forget..."
"This one's different, honey."
"How come?"
"It wants the opposite."
Muling napatuwid sa pag-upo si Cayson. "No..."
Si Rome ay napangiti. Nakikinita na nito ang anyo ng asawa sa kabilang linya. "You can't be near me or you will trigger the bomb, honey."
"Kung ang paglilihi mo ngayon ay kabaliktaran sa noong paglilihi mo kay Carol, ibig sabihin ay ayaw mo sa akin? You didn't want to see me nor be near me? Is that it?"
"Exactly."
Cayson groaned in frustration. "How long will it last, though? I can't sleep without you next to me."
Lumapad ang pagkakangiti ni Rome. Sa isip ay parang batang nagta-tantrums ang asawa. "I don't know. Gaano ba kita noon katagal na pinaglihian?"
"Ang totoong paglilihi ba o kasama na pati iyong mga pagpapanggap?"
"Oh, hindi ako nagpanggap noon ha!"
It was Cayson's turn to chuckle. "I can't remember, but it was a long time, babe. At ayaw kong matagal na hindi kita nahahawakan." Muling pinatakbo ni Cayson ang sasakyan. Tumingin sa rearview mirror upang i-check kung may mga sasakyan sa likod. "I'm coming back now. I'll be there in five minutes."
"Pero kapag nakita kita ay baka mag-init ang ulo ko at masigawan o masaktan pa kita—"
"I don't care kung sabunutan mo ako, sampalin, o kastiguhin. I will be home in five minutes because I haven't hugged and kissed my wife since yesterday."
Rome's eyes teared up. Natutuwa ito sa pagiging sweet ng asawa. "I'll wait for you to come home then..."
"But before that, please cut your nails for me. Ayaw kong pumasok sa opisinang may kalmot sa mukha."
Rome giggled. And that giggle eventually turned into waves of laughter.
THE END...
*
*
*
A/N:
Thank you all for reading! Sana po ay nagustuhan ninyo ang estoryang ito at nawa'y may napulot kayong aral.
Ang aral?
DRINK RESPONSIVELY!
Unless pananagutan kayo ng isang Cayson MOntemayor na mamahalin kayo bandang huli. HAHA
If you enjoyed the story, please feel free to share it with your friends. (h'wag lang sa under 18 at kabado-mucho tayo sa ganito)
Also, this book will soon be published under GSM BOOKSHOP! YAY! The physical copy has 5 special chapters (a total of over 13k words). May mangyayari. May pagbabago. May darating. May problema.
If you wish to know what's gonna happen on those 5 special chaps, aba'y mag-secure na po kayo ng copy! xD
More details will be posted on my Facebook account / page.
You can also hit me a DM should you have questions/inquiries.
Other than that... I'll see you on my next story!
Xx
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top