CHAPTER 89 - The 10-Year Contract
"IPINALIWANAG KO NA sa buong pamilya ang tungkol kay Precilla, at nakahanda akong muling magpaliwanag sa harap mo ngayon. So, I need you to listen, okay?"
Para siyang batang tumango. Handa siyang pakinggan ang lahat ng paliwanag nito at patawarin ito kahit hindi pa man ito humihingi ng patawad.
Dahil bakit hindi? Hindi pa ba sapat ang pag-alalang nakita niya sa anyo nito? Ang pangingitim ng paligid ng mga mata nito, ang maputla nitong mukha? Hindi pa ba sapat na pinabayaan nito ang sarili para sa kaniya?
At hindi pa ba sapat ang pangongompisal nito?
Cayson just told her that he loved her, too. At hinigitan pa nito ang pagmamahal na mayroon siya para rito. And he had proved it.
Dahil...
Mahal nga niya ito, pero nakahanda siyang isuko ito sa ibang babae.
Whereas Cayson didn't want to give her up. He wouldn't—in his own words.
"Precilla and I have no romantic relationship as opposed to what she made you believe, Rome," umpisa ni Cayson sa seryosong anyo. Ang mga kamay nito'y mahigpit na nakahawak sa kaniyang kamay na tila ba siya'y kakawala. "Nalaman ko mula kay Jen na pumunta sa mansion si Precilla isang araw bago ako umuwi at nagkausap kayo. I thank Jen for eavesdropping, dahil narinig niya ang lahat ng mga sinabi ni Precilla sa'yo." Lalo pang humigpit ang pagkakahawak ni Cayson sa kaniyang kamay. "Everything she said was all lies, Rome. Hindi kami nagkabalikan, hindi ko siya inisama sa Cebu. At lalong hinding-hindi ako nagpakita ng kahit na anong interes sa kaniya."
Napasimangot siya. Binibigyan na nga niya ito ng pagkakataong magsabi ng totoo ay tagilid pa.
"Nakita ko kayo ni Precilla sa Greenbelt noong araw na nakatakda kang umuwi mula Laguna. You went to the jewelry store and bought something for her."
Cayson's eyes went wide open. He was about to defend himself when she beat him off.
"Sinundan ko kayo kaya h'wag ka nang magkaila pa. Pumunta pa nga kayo sa isang Japanese restaurant para kumain, hindi ba? I stormed back to the mall, hindi mo alam kung paano akong umiyak nang umiyak habang naglalakad sa gitna ng maraming tao—"
"If you stayed a little longer, nakita mo sana ang pagdating ni Dudz at ng isa pa naming kaibigan na dati pang may gusto kay Precilla. His name is Terrence."
Siya naman ang nanahimik. Kung kasama nito si Dudz ay... maniniwala siyang walang kababalaghang nangyari. Dahil naniniwala siyang hindi ito pagtatakpan ni Dudz. Blood was still thicker than water.
Nagpatuloy si Cayson sa pagpapaliwanag. "Ten years ago, Precilla and I had a short releationship. Alam na alam mo ito, hindi ba?" Nagpakawala ito ng tipid na ngiti nang ipaalala sa kaniya ang nakaraan.
Hindi siya sumagot at lumabi lang.
"I admit, niligawan ko noon si Precy at naging kami. But I only pursued her simply because it was my way to prove to my friends that I could get whoever I wanted. Kahit sa America ay iyon ang gawain ko noon. Ipinakita ko iyon kay Terrence, na noon ay labis na nasaktan dahil sinulot ko sa kaniya si Precilla. He stopped talking to me, he avoided me. Noong nakahanda na ang pagbabalik ko sa America ay nakipagbreak ako kay Precy, because, why not? I didn't really like her. I mean, she was pretty and all, but she was just a collection to me. I wasn't really attracted to her. You know, I was young, wild, and stupid. I like doing crazy stuff.
When I came back here and managed the Montemayor Travellers, I recruited Dudz and all my other friends. Isa si Terrence sa mga naging staff ko. From time to time ay napag-uusapan pa namin si Precilla, and I learned that he was still into her. Noong makita ko si Precilla, naalala kong panahon na para bumawi ako sa kaibigan kong iyon. So, I played as the match maker between them. Terrence was ecstatic. He likes her very much, but Precy seemed to be uninterested. Terrence wouldn't stop, though."
"In short, hindi lang kayong dalawa ang kumain noon sa Japanese restaurant?"
"No, apat kami. Kausapin mo si Dudz, siguradong hindi magsisinungaling 'yon."
"Eh ano ang binili mo sa jewelry store? Kung hindi para kay Precilla 'yon—"
"It wasn't just simple jewelry, Rome. And it wasn't for Precilla. It was for you."
"For me?"
Tumango si Cayson. "Noong mga sandaling iyon ay hindi ko pa alam na plano si Precy na makipaglapit sa akin. I had no idea what she was planning, so I had no inhibition to spend time with her. Please believe it, Rome... Walang ibig sabihin ang pagkikita naming iyon."
"W-Wait, ano ang tungkol sa jewelry?"
"I was planning to give it to you after you gave birth."
Gusto niyang itanong kung ano iyon, pero hindi na niya nagawa nang ilabas ni Cayson ang isang maliit na box mula sa bulsa nito. Sa velvet box ay naroon ang tatak ng kaparehong jewelry store kung saan niya ito nakita at si Precilla. At bago pa man pumasok sa isip niya kung ano ang laman niyon ay binuksan na iyon ni Cayson.
Sa loob ay isang engagement ring, kasama ang dalawa pang wedding rings.
Napasinghap siya. Ang dibdib ay sunud-sunod na kumabog nang malakas.
"Ang suot nating wedding rings ay binili ng sekretarya kong si Mitch. But these ones I bought were personally selected by me. Ilang beses akong nagpaikut-ikot doon sa mall, at pabalik-balik dahil hindi ako sigurado kung alin ang bibilhin ko. Nakasalubong ko si Precilla sa huling beses na bumalik ako sa building na iyon. She knew I was buying you a ring. She knew I wanted to renew our wedding vows. And these rings, Rome. Ive put so much effort choosing them, kaya espesyal ito."
"Cayson..." Muling gumaralgal ang kaniyang boses.
"Habang nasa jewelry shop kami ay naisip kong padalhan ng mensahe si Terrence. Nang malaman niyang kasama ko si Precilla ay sinabihan niya akong yayain kong mag-dinner si Precy at susunod siya. At noong nasa restaurant kami ay tinawagan ko rin si Dudz. Kailangan ko siya para makaalis ako roon at maiwan namin ang dalawa."
Nag-umpisang manlabo ang kaniyang paningin sa nagbabadyang mga luha. "Kung ganoon, bakit hindi mo man lang sinabi sa akin na nagkita kayo ni Precilla nang gabing umuwi ka? At bakit ginabi ka ng uwi no'n, ha?"
Hindi napigilan ni Cayson na matawa sa huling tanong niya. "Oh God. Hindi kami kaagad nakaalis ni Dudz dahil kay Terrence. Hindi marunong dumiskarte. At nang tuluyan naman kaming nakaalis ni Dudz ay dumaan muna kami sa main office, I needed to drop some documents. At naisip kong wala ring silbi kung sasabihin ko pa sa'yo. I mean, it wasn't a big deal for me. Besides, baka magtaka ka pa kung ano ang ginawa ko sa mall. Eh 'di mabubuking mo ang tungkol sa mga singsing?"
Lumabi siya at hindi na sumagot pa.
"Rome," Ginagap nito ang isang kamay niya, muling sumeryoso. "Let's renew our wedding vows—and this time, let's make them real. Would you marry me again?"
Doon bumagsak ang kaniyang mga luha. Nais na niyang tanggapin itong muli, pero may mga natira pang katanungan sa kaniyang isip. At hindi siya matatahimik kung hindi masasagot ang mga iyon.
"Tatanggapin ko lang iyan kung matutuwa ako sa paliwanag mo kung bakit kasama mo si Precilla sa Cebu."
"Oh," he chuckled. "Terrence was with me, Rome. Si Terrence ang nag-imbita kay Precilla na pumunta roon. During that time, ramdam ko na ang pagnanais niyang mapalapit sa akin. At alam naming hindi si Terrence ang dahilan kaya sumama siya roon. Pero magsusumikap si Terrence na makuha ang loob ni Precilla. He says he wouldn't stop, and I wish him the best.
The truth was, Precilla and Terrence were almost together in Cebu, I seldom join them. Marami akong inaasikaso roon, lalo at malapit ka nang manganak at naghahanda na ako para sa indefinite leave ko."
Tuluy-tuloy siyang napaluha. Naniniwala siya sa mga sinabi nito.
Cayson wouldn't try this hard nang walang dahilan.
"Precilla was so jealous of you," Cayson added. "Kaya niya marahil nagawa ang ginawa niya. Hindi siya makapaniwalang—"
"Sa akin ka babagsak?"
"No. Hindi siya makapaniwalang nakuha mo ang puso ko."
Napasinghot siyang muli. "How, though?"
Napangiti ito. Sa kabila ng pagod at antok ay kuminang ang mga mata ni Cayson habang binabalikan ang mga panahon kung kailan nito naramdaman ang pag-ibig para kay Rome.
"I think... it started when we were in Bali. Pero hindi ko pa alam iyon noon."
"Paano mong nasabi na sa Bali nag-umpisa?" Oh, bakit ba ang dami pa niyang tanong?
"Well... Dahil noong bumalik tayo sa Pinas ay tinigilan ko na ang pakikipagkita ko sa ibang babae. I started to care about your feelings. Ayaw kong bigyan ka ng sama ng loob. Ayaw kong malungkot ka. Ayaw kong magalit ka. I was weary, your feelings became my priority. Doon ko napagtanto na nagiging mahalaga ka na, at ang damdamin mo."
"Kung ganoon ay bakit may pagkakataong nagiging malamig ang pagtrato mo sa akin?"
"Malamig?"
Sinabi niya rito ang mga pagkakataong iyon, at napangiti si Cayson matapos marinig ang lahat.
Napakamot ito.
"Geeze... I was... jealous of Baron. At that time ay hindi ko pa alam kung ano ang damdamin mo para sa akin. And for me, Baron was my number one competition. But how could I compete with the man who was in your mind while we had sex for the first time?"
Pinamulahan siya ng mukha. Hindi alam ni Baron iyon, at kahit siya ay nahiya rin sa sarili. Pinantasya niya ang ex niya nang gabing iyon, not knowing that during that time, he was already married and had a pregnant wife.
"Hindi mo ba napansin na sa tuwing nanlalamig ako ay si Baron Marquez muna ang huli mong kausap? I saw you once, hinatid ka niya. And you both looked happy. Ano'ng malay ko noon? And I left because at that time, I was still confused of my own feelings. Hindi ko matanggap na nagiging gago ako dahil sa selos." He tsked. "I was an asshole, Rome, inis na inis ako sa tuwing nagkikita kayo ni Baro—sadya man o hindi. He was a strong competition, I must admit. Pero salamat din sa kaniya dahil mas naintindihan ko kung anong damdamin mayroon ako para sayo."
"Bakit ka makikipag-kompetensya sa tao eh kasal na iyon." Hindi niya alam kung patuloy na iiyak o tatawa. She was just happy. Patung-patong na kompisal ang ibinibigay ni Cayson sa kaniya sa mga sandaling iyon.
"I know. Nitong nakaraang araw ko lang nalaman. Baron and Selena came to visit the other day. They were both worried about you, too. And by the way, sinapak din ako ni Baron. Utang ko raw na kailangang bayaran." Hinagod nito ang panga, at doon lang niya napansin ang pangingitim niyon.
Doon na niya hindi napigilang matawa. "You deserved it."
"I know. Pinagtawanan pa ako nina Dudz at Jack nang makita ang ginawa ni Baron."
Muli siyang natawa.
Si Cayson ay nakangiti siyang pinagmasdan. Tulad niya'y para rin itong nabunutan ng tinik sa dibdib.
Nahinto siya sa pagtawa, pinahiran ang mga luhang natuyo na rin, saka nakangiti itong tinitigan.
"Sa tingin ko'y pagbibigyan kita."
Umaliwalas ang mukha nito. "Really?"
Tumango siya. "Ten years. I'm giving you ten years to prove to me that you really love me. Kapag hindi ako naging masaya sa'yo sa loob ng sampung taon ay magkalimutan na tayo." Of course, she was just kidding. Kung maaari lang na talian na niya si Cayson Montemayor para hindi na makawala pa sa kaniya ay gagawin niya.
"Ten years?" ulit ni Cayson.
"May problema ka?"
"Yes, I have! Bakit ten years lang? I'll give you my whole life, Rome."
Muli siyang napangiti. "Nasaan na ang terms and conditions na pinirmahan natin?"
"It's gone. Pinunit ko na."
Pinanlakihan siya ng mga mata. "You did not! Ipapa-frame ko pa iyon at ire-regalo sa anak natin pagdating niya ng disi-otso!"
Bahaw din itong natawa. "I disposed of it. Wala na rin namang halaga iyon. Sorry, Rosenda Marie, but you're stuck with me forever."
Kunwari ay sumimangot siya. "Nakakainis ka. Bakit mo nga pala sinabi kay Precilla ang tungkol sa terms natin? At bakit mo sinabi sa kaniya ang totoong nangyari sa pagitan nating dalawa?"
"Oh no, baby. I never said anything to Precilla. Itanong mo 'yan kay Connie."
"Si Connie?"
"Yes. Inamin niyang nadulas siya sa pagku-kwento kay Precilla. At sinisi niya ang sarili dahil nang malaman daw iyon ni Precy ay lalong nagpursigeng sirain tayo."
"Oh. That witch."
"Sino? Si Precy?"
"Si Connie! Humanda talaga siya sa akin."
Napangiti na lang si Cayson at muli siyang dinampian ng halik sa likod ng kaniyang palad.
Wala na siyang nasabi pa. Binawi niya ang kamay na hawak nito hindi upang ilayo iyon kung hindi masuyo itong haplusin sa mukha.
Just looking at Cayson's eyes made her look forward to tomorrow. She truly loved the man, and she could see in his eyes that he felt the same. Or more...
Ilang sandali pa'y muling sumeryoso ang anyo ni Cayson.
"You haven't answered me, Rome. Would you marry me again?"
She teared up and answered him with a nod.
Ngumiti itong muli, saka inabot ang isa pa niyang kamay at inalis ang singsing na nasa kaniyang palasingsingan. Ipinalit nito roon ang engagement ring na may malaking diyamante. He then stood up and planted a soft and tender kiss on her lips.
"I love you," he whispered before planting another kiss. "I love you so, Rosenda Marie Montemayor..."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top