CHAPTER 087 - In Danger
"SA TINGIN ko ay kailangan na natin siyang dalhin sa ospital, Connie," suhestiyon ni Selena nang lumabas ito sa guest room na okupado ni Rome sa bahay ng mga ito. Inisara muna ni Selena ang pinto at hinarap si Connie na nag-aalala na rin. "Nilalagnat na naman siya, at wala tayong gamot na pwedeng ipainom sa kaniya."
Sinulyapan ni Connie ang oras sa relos. It was only 7PM. Napabuntonghininga ito. "Kanina ko pa sinasabi 'yan sa kaniya nang makipagkita siya sa amin ni Jiggy matapos lumayas sa bahay ng asawa. Ilang araw nang masama ang pakiramdam niya at kaninang umaga pa lang ay nilalagnat na siya. Pero ayaw niyang magpahatid sa ospital."
"We can't take risks, Connie. Buntis siya at maselan ang kondisyon niya." Napahalukipkip si Selena at bumuntonghininga rin. "Pregnant women are vulnerable; emotionally and physically. Kung pababayaan nating magpatuloy ito ay baka lalong sumama ang pakiramdam niya. Iuwi na natin siya sa asawa niya kung ayaw niyang pumunta sa ospital—"
"Just give us one night, Selena. Inaayos na ni Jiggy ang tutuluyan niyang condo unit sa Alabang. At umalis si Rome sa mansion dahil lalo siyang naghihirap doon. At the moment, susundin ko ang lahat ng gusto niya—para sa kapakanan niya. The more na kokontrahin natin siya ay baka lalong sumama ang loob niya. Sabi mo nga, pregnant women are emotionally fragile."
Muling napabuntonghininga si Selena. "I have nothing against Rome staying here, kahit hanggang sa manganak siya ay dito siya, walang problema. Nag-aalala lang ako dahil sa kalagayan niya. How far is she now?"
"Seven months." Napahilamos ng mukha si Connie; tila roon lang din pumasok sa isip na delikado ang lagay ng kapatid lalo't nasa last trimester na ito. "You know what, Selena? Sa tingin ko ay tama ka. Mapanganib kung hahayaan pa natin siyang hindi magamot—we don't know what's happening. Baka hindi na simpleng lagnat 'to. Tatawagan ko sina Mama at Papa para ipaalam sa kanila na dadalhin natin si Rome sa ospital."
Saktong nailabas ni Connie ang cellphone at akma nang ida-dial ang numero ng ina nang bigla iyong tumunog. The number was unfamiliar and unregistered. Thinking it was one of her student's parents, she answered the call.
"Good evening—"
"Connie."
Bumangon ang inis sa dibdib ni Connie. Hindi na nito kailangang itanong kung sino ang nasa kabilang linya. "What do you need, Mr. Montemayor—"
"Alam kong magkasama kayo ngayon ni Rome. Please tell me the address, susunduin ko ang asawa ko."
"Hindi niya gustong makausap ka sa ngayon. Maybe give her a couple of days, hayaan mo muna siyang magpalamig—"
"I have already spoken to your parents. Narito ako ngayon sa bahay ninyo, and they have given me permission to speak with Rome. Please put her on the phone."
"No, Cayson. Mariing ibinilin sa akin ni Rome na h'wag ipagsabi kahit kanino, lalo na sa iyo, ang kinaroroonan niya."
"Connie, please. I know what you're thinking and I understand if you hate me. But please let me talk to my wife."
The gentleness in Cayson's voice stunned her. Pero bumalik sa isip ni Connie ang mga ginawa nito sa kapatid, lalo ang pakiki-apid nito kay Precilla, dahilan upang muli itong umalma.
"Pinal na ang desisyon ni Rome. Kung anuman ang pagmamanipulang ginawa mo sa mga magulang namin kaya sila bumigay sa'yo ay hindi mo magagawa sa akin, Cayson. I've seen how Rome suffered because of you—"
"Connie, listen." Humugot nang malalim na paghinga si Cayson bago nagpatuloy. "I know I've done things that hurt Rome in the first few months of our marriage. Pero maniwala ka sa hindi, I have stopped womanizing since Rome and I came back from Bali. It was the time I started to develop feelings for your sister—"
"Oh come on, Cayson. Pati ba naman sa akin ay magsisinungaling ka? Ganitong istorya ba ang sinabi mo sa mga magulang namin kaya—"
"I don't care whether or not you believe me, Connie. I have nothing to prove to you, but I am willing to do everything I can within my power for Rome to come home. She belongs with me. We are having a child, Connie. We are building a family—"
"Kung ganoon ay bakit ka nakipaglandian kay Precilla, ha, Cayson? Hindi ka na kamo nakipagkita sa ibang mga babae matapos niyong bumalik galing Bali? Okay, so how do you explain your secret rendevouz with Precilla in Cebu?"
"What? How did you..."
"See? Enough, Cayson. H'wag mo nang dagdagan ang sama ng loob ni Rome." Tinapos na niya ang tawag at pinatay ang cellphone. Ayaw niyang makausap si Cayson Montemayor.
Si Selena na tahimik lang na nakinig ay nagtanong. "So... what's the plan now?"
Muling nagpakawala ng buntonghininga si Connie bago pumasok sa silid na kinaroroonan ni Rome. Nakita nito ang kapatid na natutulog, subalit halata sa mukha ang sama ng pakiramdamn. Rome was sweating profusely, her face and lips were pale, and she was wincing even in her sleep. Lalong bumangon ang pag-aalala sa dibdib ni Connie.
Nilingon nito si Selena na nanatiling nakatayo sa harap ng pinto. Nasa anyo rin nito ang pag-aalala.
"Pwede ko bang mahiram ang cellphone mo para tawagan si Jiggy? Magpapahatid kami ni Rome sa ospital."
Tumango si Selena. Dinukot nito ang cellphone mula sa bulsa ng suot na pantalon at iniabot kay Connie. "Parating na rin si Baron galing sa gig, pwede rin na siya na ang maghatid sa inyo sa ospital."
"Yes, pwede rin. Tingnan natin kung sino sa kanila ni Jiggy ang unang makarating."
Ni-dial ni Connie ang cellphone number ni Jiggy. Ilang ring ang lumipas at kaagad na may sumagot sa kabilang linya.
"I found a place for Rome, bukas ay pwede na kayong lumipat doon. I am on my way there, do you need anything?"
"Gaano ka pa ka-layo?"
"Well, galing pa akong Alabang at sa Makati pa kayo. It'll probably take an hour."
"Pwede ka bang dumaan na lang sa express way? I''ll reiumburse the tickets and--"
"Nasa expressway na ako, Cons. And don't worry about the tickets, mayaman ako, 'no. Anyway, kailangan mo bang bilisan ko ang pagpunta riyan?"
"Yes, Jiggy. Kailangan nating dalhin sa ospital si Rome."
*
*
*
MAKALIPAS ANG ISANG ORAS ay may narinig sina Selena at Connie na sasakyang humimpil sa harap. Selena recognized that as Baron's car, kaya madali itong bumaba upang salubungin ang asawa.
Nauna si Baron na dumating kaysa kay Jiggy, kaya ito na ang pinakiusapan ni Connie na maghatid sa ospital.
They could have just called an ambulance or a taxi, pero minabuti ni Connie na may kasama sa paghatid kay Rome dahil pinanghihinaan na rin ito ng loob sa labis na pag-aalala para sa kapatid.
Nagising si Rome nang akma na itong bubuhatin ni Baron. Nagtaka pa ito kung saan ito dadalhin, at doon ipinaliwanag ni Connie ang planong gawin.
Rome insisted to stay. Ayaw nitong pumunta sa ospital dahil kaya pa naman daw nito. She just asked for a bowl of soup dahil kumakalam daw ang sikmura at nais kumain.
Si Selena ang naghanda niyon sa kusina, habang si Connie naman ay nanatili sa tabi ng kapatid.
Si Baron ay bumaba upang ipasok na sana sa garahe ang sasakyan nang makita ang isa pang sasakyan na humimpil sa likuran ng kotse nito. Narinig din iyon ni Connie kaya lumabas muna ito sa silid saka bumaba rin.
Nasa hagdan na ito pababa sa studio nang makita si Baron na nakatingala sa direksyon nito.
"May hinihintay ba kayong darating?"
Tumango si Connie. "Si Jiggy. Tinawagan ko rin siya at pinapupunta rito."
Thinking that it might be Jiggy, Baron went to the gate and opened it.
Gulantang silang pareho nang makitang hindi si Jiggy ang nakatayo sa harap ng gate at akma sanang kakatok.
It wasn't Jiggy.
But Cayson Montemayor.
Napasinghap si Connie. "P-Papaanong—" At nahinto ito nang makita sa likuran ni Cayson ang asawang si Jack.
Alam ni Jack ang address na kinaroroonan ni Connie, at kabilin-bilinan nito sa asawa na itago iyon sa lahat. Pero mukhang nakapili na ng kakampihan ang magaling nitong asawa...
Si Cayson ay na kay Baron ang tingin. Nagdidilim ang mukha; at bago pa man nahulaan ni Connie ang sunod nitong gagawin ay nakapasok na si Cayson sa loob ng gate at dumapo na ang kamao nito sa mukha ni Baron.
Dahil hindi nakapag-handa at hindi inasahan ni Baron na gagawin iyon ni Cayson ay hindi ito nakaiwas at kaagad na bumagsak sa sementadong sahig ng garahe.
Si Selena na nasa likuran lang din pala ni Connie ay napa-hiyaw nang makita ang nangyari. Halos tumalon ito sa hagdan at mabilis na dinaluhan ang asawa.
Si Connie ay bumaba na rin, manghang pinaglipat-lipat ang tingin kay Baron na sapo ang dumugong ilong, at kay Jack na napangiwi sa nakita.
Si Selena ay galit na tiningala si Cayson. "Hindi ka ba naturuan nang maayos ng mga magulang mo? Hindi ka susugod sa bahay ng may bahay saka bubugbugin ang taong nagmamay-ari niyon!"
"Hindi pa ako tapos, Baron Marquez," ani Cayson na tila walang narinig. Akmang nitong dadamputin si Baron nang iniharang ni Selena ang sarili. Niyakap nito ang asawa saka umiyak nang umiyak.
"Ano ba'ng problema mo?!" singhal ni Baron. Tila noon lang rumehistro sa isip nito ang nangyari.
"At may gana ka pang magtanong kung ano ang problema ko matapos mong bilugin ang ulo ng asawa ko at dalhin sa pamamahay mo? You knew she's pregnant! And yet—"
"Mali ka ng iniisip!"
"Mali man o tama, I am taking my wife back! At wala akong pakealam kung ano ang relasyon mayroon kayo! She's married to me so she stays with me!"
"Cayson!" si Connie na hindi na rin nakapagpigil. Nakatayo ito sa puno ng hagdan. "Kumalma ka nga! Mali ang iniisip mo!"
Ito naman ang binalingan ni Cayson. "Kaya ba ayaw mong sabihin kung saan kayo naroon ngayon, ha, Connie? Kung hindi ko pa na-kombinsi si Jack ay hindi ko pa malalaman kung saan kayo hahanapin! And to think na wala ring alam si Jack na sa bahay kayo ng dating kasintahan ni Rome naghanap ng masisilungan. I can't believe na kinukunsinti mo ang relasyong mayroon sila, Connie!"
"Iniisip mong may relasyon kami ni Rome?" manghang tanong ni Baron na ngayon ay inaalalayan na ni Selena na tumayo.
Muli itong binalingan ni Cayson. "Bakit? Itatanggi mo? Sa maraming pagkakataong nagkita kayo, hindi ako naniniwalang nagkataon lang ang lahat ng 'yon. Was she sending you details of her whereabouts? Or you were just simply stalking her? Ilang beses kayong nagkita sa labas at ilang beses mo siyang hinatid sa mansion, ha?"
"What?"
"Don't deny it, I saw you brought her home once! Pero ilang beses nangyari 'yon habang wala ako?"
Manghang umiling si Baron.
Nagpatuloy si Cayson, ang tinig ay puno ng hinagpis. "I said nothing about it dahil sa kasalukuyang sirkumstansya ng pagsasama namin. Hindi ko na initindi 'yon kahit sa maraming pagkakataong ay gusto kitang kausapin at pakiusapan na layuan ang asawa ko. Shit. She's pregnant with my child and you kept on flirting with her? Ganito ka ka-imoral?"
"Magdahan-dahan ka sa pagsasalita—" akmang suway ni Selena subalit muling nagsalita si Cayson.
"Handa akong kalimutan ang muli mong pakikipag-ugnayan kay Rome, Baron Marquez. Provided that you stay away from her."
"Are you crazy?" manghang sambit ni Baron. "Rome and I are simply friends—"
"No need to deny, Baron. It's all good. We're good. Just give me back my wife." Then, Cayson turned to Connie. "Dahil hindi ako aalis dito nang hindi ko kasamang umuwi si Rome."
Muling tuwid na tumayo si Baron upang harapin si Cayson. "Hindi ko hahayaang lumabas dito sa Rome unless siya ang may gusto, Mr. Montemayor. Lalo ngayong nakita ko na ang tunay mong kulay. At alam kong susuportahan ako ni Connie rito."
Muling galit na binalingan ni Cayson si Baron. "You son of a—"
"Cayson, stop!" si Connie na lumapit at pumagitna na sa mga ito. "Walang malisya ang relasyong mayroon sina Rome at Baron ngayon! Umalis si Rome dahil sa inyo ni Precilla! H'wag mong ibato sa iba ang pagkakamali mo!"
"Damn it, Connie. Sinabi ko nang walang namagitan sa amin ni Precilla!"
Pasagot na sana si Connie nang may narinig silang isa pang tinig mula sa tuktok ng hagdan.
"Ano'ng nangyayari?"
Ang lahat ay napatingin doon at nakita si Rome. Ang dalawang kamay nito'y nakahawak sa balustre, ang mga kilay ay magkasalubong. Her pale face was filled with confusion.
"Rome..." Cayson whispered. Kumalma.
Sina Connie at Selena na namamagitan sa dalawa ay hinagod ng tingin si Rome. Ang mga mata ng mga ito ay bumaba sa suot na puting bestida ni Rome at pababa pa sa mga binti nito.
Sabay na nanlaki ang mga mata ng dalawa nang may makita. There was blood running through Rome's legs!
At bago pa man ang mga ito makapagsalita ay nakita na nila ang unti-unting paghulagpos ng mga kamay ni Rome sa balustre, hanggang sa tuluyan itong nakabitiw at bumagsak sa sahig.
Rome lost consciousness, and Cayson saw it all. Sa malalaking mga hakbang ay tinungo nito ang kinaroroonan ng asawa.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top