CHAPTER 085 - The Audacity!



HINDI NAWALA ang sama ng pakiramdam niya sa buong araw. Umabot ang gabi na patuloy ang pananakit ng lower back niya at ng kaniyang ulo. Sa tulong ni Jen ay nakaligo siya, at inalalayan siya nito hanggang sa pagbihis. Naka-ilang balik na rin ito sa silid niya upang dalhan siya ng pagkain at maiinom.

Sa buong araw din na iyon ay hindi na tumawag si Cayson, which was normal dahil sa gabi ito madalas na tumawag sa kaniya.

Nakabukas lang ang TV sa buong maghapon, katutulugan niya ang palabas, at sa muli niyang pagmulat ay iba na naman ang nasa screen. Her consciousness was in and out, at ang kaniyang lagnat ay bumalik nang gabing iyon.

"Dadalhin na kita sa ospital, Rome," ani Granny Althea nang puntahan siya nito nang gabing iyon. Kararating lang daw nito nang sabihin ng mga katulong ang tungkol sa kondisyon niya.

Umiling siya at pinilit na bumangon sa kabila ng pananakit ng ulo at likod. "Kaya ko naman po, Gran. Baka hindi rin ako maging komportable sa ospital."

"Pero baka mapaano kayo ng dinadala mo, Rome. I need to call Cayson and tell him to come back—"

"H'wag na po natin siyang abalahin, Granny. Uuwi na rin naman po siuya sa makalawa." Pilit siyang ngumiti upang ipakita sa matanda na ayos lang siya. "Kung nag-aalala po kayo sa akin ay sasabihin ko po kay Jen na dito muna siya sa kwarto manatili sa buong gabi para may kasama ako."

Ginagap ni Althea ang kaniyang kamay. Nasa tinig pa rin ang pag-aalala nang muling nagsalita. "H'wag kang mag-alala at ito na ang huling out of town trip ni Cayson. Nakausap ko siya at sinabi niya tinatapos lang niya ang ilang mga mahahalagang appointments niya at mag-uumpisa na muli siyang magtrabaho rito sa mansion. He was also planning on getting an indefinite leave before and after your childbirth, kaya abala siya ngayon. Kaunting panahon na lang, hija..."

Pinigilan niya ang pag-ismid.

Of course, Cayson needed to attend those 'important appointments'.

Oh, sa tuwing naiisip niya ang asawa ay sumasakit lalo ang likod niya, at ngayon ay pati puson.

Nag-usap pa sila sandali ni Althea hanggang sa dumating si Jen dala-dala ang dinner niya. Hindi umalis ang dalawa hanggang sa hindi niya naubos ang dalang pagkain sa kaniya; at least ay may gana siyang kumain sa kabila ng sama ng kaniyang pakiramdam.

Sinabihan na rin niya si Jen na doon matulog sa silid upang masamahan siya. Nagpaunlak ito, at nang bandang alas nueve ay umakyat dala-dala ang makapal na comforter. Doon ito sa couch matutulog.

The night was bad for her. Ilang beses siyang nagigising dahil sa nananakit niyang likod, ilang beses niyang ginising si Jen upang alalayan siyang pumunta sa banyo para maka-ihi siya, at humingi na rin siya rito ng basang bimpo para sa lagnat niyang tumaas nang gabing iyon.

She was restless, and that night, she started to get worried about her condition.

Hindi na iyon simpleng sakit lang.

Mukhang tama nga si Granny Althea; mukhang kailangan nga niyang pumunta sa ospital.

Alas-sinco nang madaling araw nang magising siyang muli, and this time, her condition had gotten a little better. Salamat sa basang bimpo na inilagay niya sa kaniyang noo. Her fever broke, somehow, but her back pain was still there. Nahihilo pa rin siya, kaya muli niyang pinilit na matulog.

Alas nueve ng umaga nang muli siyang magising. This time, she was feeling a lot better. May basang bimpo pa rin sa kaniyang noo, na siguradong nilagay ni Jen doon. Sa bedside table ay mayrong tray na natatakpan ng aluminum food cover.

Tinanggal niya ang bimpo saka pinilit na bumangon. Masaya siyang kahit papaano ay hindi na siya gaanong nahihilo, hindi katulad kahapon. Nang makaupo ay sumandal siya sa headboard at tinanggal ang takip ng tray. Doon ay nakita niya ang isang mangkok ng sopas, isang mangkok ng sliced fruits, at dalawang baso; isa ay may lamang gatas at ang isa'y tubig.

She ate as much as she could, and surprisingly, she finished the whole bowl of soup.

Matapos kumain ay bumagon siya, at sa pagkakataong iyon ay hindi na niya kailangan ng katulong upang alalayan siya. She was able to walk on her own. Naghilamos siya, nagtoothbrush, inayos ang sarili at nilagyan ng lotion ang tiyan na namumukol na dahil sa paglaki ng kaniyang anak sa loob.

Paglabas niya sa kaniyang silid ay nagulat pa siya nang makita roon si Jen na nililigpit ang pinagkainan niya.

Jen greeted her and asked how she felt.

"Maayos na ang pakiramdam ko, Jen. Salamat sa tulong at pag-alaga mo sa akin kagabi, kung wala ka ay baka lalong sumama ang pakiramdam ko."

"Naku, wala po iyon, Miss Rome. Masaya po akong kahit papaano ay umayos na ang pakiramdam ninyo at hindi na kayo gaanong mahihirapan. Naku, kay selan pala ng pagbubuntis niyo, ano?"

Nakangiti niyang niyuko ang tiyan at hinimas-himas iyon. "I'm sure this baby is all worth the struggles, Jen." Muli siyang nag-angat ng tingin. "Siya nga pala. Pumasok na ba si Granny Althea?"

"Opo, pumasok na po siya pero sumilip dito kanina bago umalis. Ay! Siya nga po pala, umakyat din po ako para ipaalam sa inyo na may bisita po kayo sa ibaba."

"Bisita? Ako?"

"Opo. Kararating lang din at sinabi kong sisilipin ko muna kung gising na po kayo."

"Sino?"

"Precilla daw po?"


*

*

*


"OH, HEY, ROME!"

Ano ang ginagawa ni Precy dito? tanong niya sa sarili nang abutan niya ito sa living area. 

Matapos sabihin sa kaniya ni Jen ang tungkol dito ay tila nawala ang lahat ng sakit na naramdaman niya sa kaniyang katawan. Mabilis siyang bumaba at nang makita itong nakatayo sa malapad na living area at nakatingala sa mga nakasabit na portrait sa high wall ay doon siya huminto at humugot muna nang malalim na paghinga bago nagpatuloy sa paglapit.

This is the woman who used to be special to me...

This is the woman who made me attack Cayson Montemayor ten years ago...

And this is the woman who's causing me stress right now because she thinks it's okay to flirt with a married man. Oh, kung hindi niya ako kilala ay baka hindi ako nasasaktan ng ganito! Pero kilala niya ako, ang buo kong pamilya, at kaibigan niya ang kapatid ko para patulan pa si Cayson!

And the nerve of this woman to visit me here?

"Hi, Precy," bati niya nang makalapit. Sa mga labi ay may naka-plaster na huwad na ngiti.

"Kagigising mo lang?"

"Yeah." Ano ba'ng kailangan ng babaeng 'to?

"Ang sabi ni Connie kahapong magkita kami ay masama ang pakiramdam mo. Na madalas daw mangyari nitong nagbuntis ka. How are you feeling now?"

I'm feeling worse because you're here, traitor!

"Okay na ako. Salamat sa pagbisita—"

"Oh no, I didn't come here to check on you. I came to speak to you."

Nag-iba ang tono ng pananalita nito; tonong hindi niya nagugustuhan. Tonong masakit sa tenga.

"Have a seat then," aniya saka naupo na rin sa single couch. Sa kabilang single couch naman ito naupo, at sa pagitan nila ay ang pahabang glass coffee table. Nasa dalawang metro rin ang haba niyon, at kahit ganoon sila ka-layo sa isa't isa ay para siyang nasisikipan.

Dalawang babae at isang lalaki sa loob ng isang pagsasama ay masyado ngang masikip...

"Gusto mo ba ng maiinom?" she asked out of courtesy. "Tea, water—"

"Let's go straight to the point, Rome. I have a flight to catch this afternoon."

Oh, salamat naman at matutuloy na ang pag-alis nito pabalik ng Singapore.

"I'm going back to Cebu."

Napa-angat siya sa kinauupuan.

"What?"

Tumango si Precilla. Ang ekspresyon sa mukha nito ay hindi niya kilala. It wasn't the sweet and jolly Precy that she used to know back in high school, and not the friendly and poised Precilla she met last week.

Ngayon ay iba ang ibinabadya ng mukha nito.

Precilla's facial expression was filled with hostility.

"Gusto kong maging totoo sa'yo, because we used to be friends." Huminga ito ng malalim. "Cayson and I were together in Cebu in the past couple of days; sabay kaming pumunta roon."

I already know that—do you think I'm a fool? she wanted to say that but changed her mind. She pretended utterly shock.

"You were?"

Tumango ito. "At habang magkasama kami roon ay sinabi niya sa akin ang totoo sa pagitan ninyong dalawa."

And that... she didn't know. Napasinghap siya nang maring ang sinabi nito. Bakit sasabihin rito ni Cayson ang tungkol sa pagsasama nila?

"He... did?"

"Yes. Lahat-lahat, Rome. And I'm very sorry kung kinailangan ninyong tiisin ang isa't isa para lang ipakita sa lahat na maayos ang pagsasama ninyo kahit hindi."

"Tiisin?" she repeated.

Muli itong tumango. "Sinabi ni Cayson na nagpapanggap lang kayo sa harap ng buong pamilya mo at sa lola ni Cayson, at na wala namang damdaming namamagitan sa inyong dalawa. Oh, I'm sorry—I can't imagine how hard this situation is for both of you."

Lihim niyang ini-kuyom ang mga palad.

Walang damdamin sa isa't isa? At sinabi pa talaga ni Cayson iyon kay Precy, huh?

"Sinabi rin ni Cayson ang tungkol sa kasunduan niyong manatiling kasal sa loob ng sampung taon, pero pagkatapos niyon ay kailangan na rin ninyong maghiwalay. But that is a long time, Rome, don't you think so? Noong nagkita kami at nagkasamang muli ni Cayson ay naisip niyang sobrang haba nga ng panahong iyon para manatili siyang kasal sa taong hindi naman niya totoong gusto at mahal. Cayson is now thinking about how to shorten the years. Since... " Precilla trailed off and pressed her lips in a shy smile. "Since Cayson and I met again. He realized that he regretted letting me go, and he wanted to be with me again if only he wasn't married to you." Dumukwang ito at hinawakan siya sa mga kamay.

"Cayson wants to offer you a big amount of cash after you gave birth, may lawyer na siya na kausap tungkol sa pagpapawalang bisa ng kasal ninyo pagkatapos mong manganak. He says he was going to offer you a huge amount of cash, maybe a house or two, and then promotions to your family. In return, gusto na niyang masawalang bisa ang kasal ninyo sa susunod na taon."

Para siyang nabibingi sa mga narinig. Kay bigat ng kaniyang dibdib. Gusto niyang maghihihiyaw at palayasin na si Precilla sa harapan niya. Maybe yell at her, too, for re-appearing again.

At si Cayson? Bakit kailangan pa niyang ipagsabi sa ibang tao ang tungkol sa kasunduan nila? Ang tungkol sa namagitan sa kanila? Bakit kailangan nitong sabihin ang lahat ng iyon kay Precilla?

A huge amount, a house or two?

Promotions for her whole family?

Gago talaga!

"Ayaw kong patuloy niyong pahirapan ang mga sarili ninyo sa pagsasamang pareho naman kayong hindi masaya, Rome, kaya sana ay hindi mo na pahirapan si Cayson sa pagdating ng araw na gusto na niyang makipaghiwalay sa'yo. Oh, sa tuwing naaalala ko ang ekspresyon sa mukha ni Cayson habang ikinukwento niya sa akin ang lahat, hindi ko lubos maisip kung ano ang nangyayari kapag kayo lang. He says he was just forcing himself to be nice and sweet to you, dahil iyon ang gustong makita ng buong pamilya. At dahil iyon ang gusto mo." Precilla paused and stared at her flushed face. "You... aren't falling in love with him, are you?"

Napa-ismid siya saka ibinaling ang tingin sa ibang direksyon. Ayaw niyang ipakita kay Precilla ang sakit na nararamdaman niya sa mga sandaling iyon. She was disappointed with Cayson. Disappointed siya dahil ipinagsabi nito ang lahat ng detalye, pati ang damdamin nito sa pagsasama nila, sa taong bumalik lang mula sa nakaraan.

Forcing himself to be nice and sweet, huh? Pati ba ang initiation nito sa tuwing nagtatalik sila, forced din?

Oh, the audacity!

"Nagpunta lang ako rito para ipaalam sa'yo na babalik ako sa Cebu, at na kapag bumalik dito si Cayson sa susunod na araw ay nakikiusap akong h'wag mo nang sabihin sa kaniya na nakipagkita ako. Ayaw niyang malaman mo na nagkita kami dahil baka magalit ka raw sa kaniya. Hindi ka naman galit sa kaniya, hindi ba?"

"Oh, of course not, Precilla." Thank God hindi siya pumiyok! Kay sakit-sakit na ng lalamunan niya sa pagpipigil na hindi umiyak!

Ngumiti si Precilla. "Tama nga si Cayson, hindi ka nagagalit kahit alam mong nakikipagkita siya sa ibang babae. It was in the terms, anyway." Tumayo na ito. "Sabay kaming babalik ni Cayson dito sa Maynila sa makalawa, pero may connecting flight ako to Singapore right after, so we probably won't see each other again. Stay healthy, Rome."

Gusto niya itong murahin, pero kung tutuusin ay wala namang kasalanan si Precilla. Malibang pumatol pa ito kay Cayson sa kaalamang may asawa na ang tao. But it was all Cayson's fault!

"I gotta go now, di-diretso na ako sa airport pagkagaling ko rito."

Tumango siya.

Tumalikod na si Precilla at naglakad patungo sa main door, at habang naglalakad ito at hindi na naman niya mapigilang manibugho.

Precilla was the perfect woman for Cayson Montemayor. Hindi magtataas ng kilay ang mga tao kapag ito ang pinakilalang Mrs. Cayson Montemayor. Hindi tulad ng sa kaniya...

Oh, mahapding-mahapdi na ang mga mata niya sa pagpipigil na maiyak, pati ang lalamunan ay tila napuno na ng buhangin sa kirot. She felt so heavy. She felt like she lost all her will to see tomorrow...

Sa huling naisip ay napa-igtad siya dahil sa biglang pagsipa ng kaniyang anak. Napayuko siya at napatulala.

Oh my God, what am I thinking? bulalas niya sa isip. I still have my baby with me! She is the will I have left to see tomorrow. Ano ba ang iniisip ko?

Muli siyang nag-angat ng tingin, tumayo at tinawag si Precilla na papalabas na sana ng main door.

Lumingon ito.

Itinaas niya ang mukha at sa tinig na puno ng katatagan ay, "You can have Cayson Montemayor; wala akong pakealam. All I need is my baby."

Ngiting tagumpay si Precilla. Hindi na ito nagsalita pa at tuluyan nang lumabas.


TO BE CONTINUED...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top