CHAPTER 083 - Still Hoping







PINILIT ni Rome na maging normal sa sumunod na mga araw. Kahit na sa tuwing aalis si Cayson para pumasok sa opisina ay pinag-iisipan niya ng masama. Alam niyang magta-trabaho ito pero hindi niya mapigilang isipin na makikipagkita lang ito kay Precilla.

Oh, that woman!

Ilang beses siyang niyaya ni Connie na lumabas kasama ang babaeng iyon pero mas pinili niyang magkulong sa mansion at gawin ang araw-araw niyang gawain doon. She would rather die with boredom than meet with that sneaky snake!

And Cayson? Oh, nagagalit din siya pero kailangan niyang umaktong hindi dahil alam niyang wala siyang karapatang magalit. May pinirmahan silang terms. May usapan sila.

Pero ang galit na iyon ay natutunaw sa tuwing nagiging malambing sa kaniya ang lalaki. He was a lot sweeter and gentler in the past couple of days. Lagi itong nakahawak sa kaniya, laging tumatawag, nagti-text kapag hindi siya nakasasagot, at laging may dalang kung anu-anong pagkain sa tuwing uuwi. He even bought her a cookbook dahil ilang beses siya nitong inabutang nasa kitchen at nanonood sa pagluluto ni Aling Tessa.

Pinili niyang patawarin ito at si Precilla. Martir na kung martir, pero alam niya kung saan ilulugar ang sarili, lalo sa sirkumstansya ng pagpapakasal nila ni Cayson.

It wasn't like they married because they love each other? They got married because he got her pregnant. They were forced to be together, and she was the stupid one because she had allowed herself to fall in love with him. Habang ito'y walang pakealam sa pag-ibig at patuloy pa rin sa normal na buhay.

How convenient Cayson's life was. She was there to provide for his needs, and there were also other women at bay if he wanted to try something new.

Kung bakit kasi hindi niya nagawang supilin ang damdamin tulad ng ginawa nito... Disin sana'y hindi siya parang tanga na nasasaktan ngayon.

Ilang araw makalipas bumalik ni Cayson mula Laguna ay umalis naman ito patungong Cebu. Nakapagpaalam na ito kaya alam na niya ang tungkol doon. Nakahinga siya nang maluwag dahil hindi na magkikita sina Cayson at Precilla. Unless susunod si Precilla sa Cebu na hindi praktikal dahil malayo iyon. Besides, she's bound to go back to Singapore in three days.

Priscilla only had three days left, at nagpapasalamat siya dahil pagbalik ni Cayson sa Maynila ay wala na roon si Precilla.

Hiling lang niya'y hindi na ito bumalik pa sa bansa para sa panibagong bakasyon...

*
*

LINGGO at iyon ang schedule ng binyag ni Baby Polo. Kasama si Connie ay dumalo siya sa party. At namangha pa ang kapatid niya nang makilala si Baron. Hindi ito makapaniwalang ang performer noong kasal nito, at ang dati niyang kasintahan na pa-sekreto niyang kinatatagpo noon ay iisa lang.

Pero mas lalong namangha si Connie nang malaman nitong naging magkaibigan sila ng asawa ni Baron. Nalaman din nito ang tungkol sa pagtuturo ni Selena ng yoga kaya nag-register din si Connie. Kalaunan ay nakuha rin ni Selena ang loob ni Connie, at ang mga ito'y naging malapit din sa loob lamang ng isang araw.

It was a fun day. Kaunti lang ang bisita sa binyag. Sa yoga studio ni Selena ini-daos ang party. Naging inaanak niya si Baby Polo, at gustuhin man ni Connie na maging ninang din ay hindi maaari. Ayon sa matatanda'y hindi raw maaaring maging ninang sa iisang inaanak ang magkapatid.

Si Connie ay nakausap na rin si Baron, at kahit ito ay na-impress sa pagbabago ng dati niyang kasintahan.

"And to think na pinantasya mo pang si Baron ang kasama mo sa kwarto nang mabuo iyang pamangkin ko," bulong sa kaniya ni Connie nang sandaling umalis si Selena upang ihatid ang huling bisita nito. Si Baron ay nasa silid ng anak na nakatulog, at sila ay naiwan doon sa sala.

Napangiwi siya at inilapit ang mukha sa kapatid upang pabulong na sumagot. "I know, right? I was disgusted with myself."

Bumungisngis si Connie saka muling dinala ang tasa ng kape sa bibig. Siya nama'y hinayon ng tingin ang mga nakahilerang picture frames sa shelf na nasa ibabaw ng TV, doon ay makikita ang masayang mukha ng mag-asawa at ng cute na cute na si Baby Polo.

"Magsabi ka nga sa akin ng totoo, Rosenda Marie."

Ibinalik niya ang tingin kay Connie na ngayon ay sumeryoso na.

"Are you really falling in love with your husband?"

Ang ngiting nasa mga labi niya'y unti-unting napalis, hanggang sa pantayan niya ang anyo ng kapatid at sinagot ang tanong nito.

"I think I am, Connie. Dahil nasasaktan akong isipin na pagkatapos ng sampung taon ay kailangan naming maghiwalay. At nagseselos ako sa mga babaeng parte pa rin ng buhay niya ngayon. At first, I thought... that I only need him because of pregnancy hormones. But it wasn't the case, Cons. I need him because I love him. There was something in him that made me realize he is the only man I wanted to be with my whole life. He is actually kind and gentle, kung makikilala mo pa siya nang husto ay makikita mo rin ang mga katangian niyang iyon. Kapag nasa paligid siya ay masaya ako—if this isn't love, what is?"

Sumandal si Connie sa backrest ng sofa, muling humigop ng kape at sandaling nag-isip.

"Alam kong hindi ako dapat nahulog sa kaniya, Connie. May hangganan ang pagsasama namin. But can you stop love? It moves in mysterious ways; hindi natin mapigilang umibig, lalong-lalo na ang piliin ang taong iibigin natin. Our hearts decide, at pinili ng akin si Cayson."

"But does he feel the same?"

She let out a sigh. "No."

"So, sa loob ng sampung taong magsasama kayo ay mananatili kang tahimik na nasasaktan sa patuloy niyang pakikiapid sa iba, mananatili kang walang pakealam sa ginagawa niya sa buhay niya, at mananatiling nagpapakababa dahil hinahayaan mo siyang tratuhin ka ng ganiyan? And then what? After ten years, you will end up crying kasi maghihiwalay kayo."

"We can still be friends, though."

"Oh, what a relief!" Connie uttered sarcastically.

"I'm... still hoping Cayson would learn to love me—"

"I hope so, too. Rosenda Marie. Dahil gusto kong makita kang totoong masaya sa taong mahal mo." Ibinaba ni Connie ang hawak na mug sa coffee table at hinarap siya. Tinitigan siya nito nang diretso sa mga mata, saka banayad na ngingitian. "Mas masaya kung mahal ka rin ng taong mahal mo. Mas masarap gumising sa umaga na katabi mo ang taong mahal ka rin, at mas magaan sa dibdib na salubungin ang bawat araw kasama ang taong mahal ka. Mas magandang gumawa ng plano para sa kinabukasan kasama ang taong gusto ring kasama ka hanggang sa huli. This is how I feel with Jack. And this is what I want you to feel with Cayson, Rome. Love is a two-way traffic, not just one."

Mapait siyang ngumiti. Gusto niyang umiyak sa mga salitang binitiwan ng kapatid, pero ayaw niyang abutan siya nina Baron at Selena na luhaan ang mga mata kaya nagpigil siya. "Unrequited love really sucks, huh?" she said, her voice shivering from trying not to cry.

Pait na ngiti rin ang inisagot ni Connie sa kaniya. "Yeah. And you deserve more than that, my little sister."

She sniffed and looked down.

"I'm sorry kung hindi ako nagpakita ng suporta sa'yo nitong mga nakaraan. I just hated the fact na nahuhulog ka na rin sa kamandag ni Cayson Montemayor. Pero ngayon ay nakahanda akong tanggapin siya—kung talagang mahal mo siya at masaya ka sa kaniya. Make him love you, okay?"

"Thank you, Connie..."

Niyakap siya nang mahigpit ng kapatid, hanggang sa narinig nila ang tinig ni Selena sa may pinto.

"Oh... What a beautiful sight..."

Naghiwalay sila ni Connie at ningitian ito.

Si Baron na lumabas mula sa kwarto ng anak ay humingi ng pasensya,

"Sorry, natagalan ako. Nagising kasi ulit kaya pinatulog ko na naman. Are you two ready to go home now? Ihahatid ko na kayo.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top