CHAPTER 081 - Hating Her First Love







NASA hotel's restaurant na ang lahat nang dumating sila roon. They were twenty minutes late; na nangyari lang dahil parang ayaw na nilang pakawalan ang isa't isa matapos ang nag-aalab na mga sandaling iyon.

She wanted to stay in bed, and Cayson thought it was a great idea until Connie called and told them that the whole family was on their way to the hotel.

Huli na para i-kansela ang dinner sa kagustuhan nilang magkulong sa silid.

Naka-alalay sa kaniya si Cayson hanggang sa makarating sila sa hotel restaurant. Ang mga kamay nito'y hindi humihiwalay sa kaniya. At labis-labis ang tuwa niya dahil pakiramdam niya'y ang ganda-ganda niya sa paningin nito.

Si Cayson ang pinapili niya ng damit na isusuot niya para sa dinner, at pagkatapos niyang mag-ayos ay wala siyang ibang narinig mula rito kung hindi papuri.

Oh, she was just so happy that he's back. Na bagaman sinabi nitong babalik din ito kaagad kinabukasan sa Laguna ay laking tuwa pa rin niyang nagbigay ito ng oras para sa gabing iyon. Para sa kaniya.

Hindi pa siya mahal nito sa lagay na 'yon, ha? Papaano pa kaya kung magkaroon na ito ng damdamin para sa kaniya?

Pagdating nila sa restaurant ay kaagad nilang nakita ang buong pamilya na nakaupo sa harap ng long table malapit sa glasswall. Kumaway ang mga ito at nasiyahan sa pagdating nila. They all had drinks on their table, at ang papa niya ay tumayo upang alalayang maka-upo si Granny Althea na naunang nakalapit sa mesa.

Ang mga tiyahin niya ay naroon, pati ang asawa ng Tita Marites niya, sina Connie at ang asawa nitong si Jack, ang mama at papa niya, at si Precilla na nanlaki ang mga mata nang mapatunayang totoong si Cayson Montemayor nga ang napangasawa niya.

Bigla siyang nahinto at mahigpit na napakapit sa braso ni Cayson.

Sa labis na tuwang naramdaman niya sa pag-uwi ng asawa ay nawala sa kaniyang isipan ang tungkol kay Precilla.

Hindi rin niya inasahang makararating ito.

Pero mukhang naglaan ng oras ang dalaga para sa gabing iyon.

And, oh! How gorgeous she looked in her sexy yet professional-looking attire!

Kainis talaga!

"What's wrong?" ani Cayson na niyuko siya. "May masakit ba sa'yo?"

Pilit siyang ngumiti at tiningala rin ito. "I'm... I'm okay."

"You don't look okay, Rome." Bumakas sa anyo nito ang pag-aalala.

"Sumipa na naman siya, mas malakas ngayon," pagsisinungaling niya.

Doon lumambot ang anyo ni Cayson saka banayad na hinaplos ang kaniyang tiyan. Ang mga mata nito'y natuon din doon.

"Sweetheart, don't be too hard on your mother..."

Oh, parang hinaplos ang puso niya sa ginawang iyon ni Cayson. Iyon ang unang pagkakataon na ginawa iyon ng asawa. She had seen videos about the father speaking to his baby while it was still in their mothers' tummy. Ang iba'y kinakantahan, o binabasahan ng libro.

At lalo siyang natuwa nang makita sa gilid ng kaniyang tingin si Precilla na nakamata pa rin sa kanila. Sigurado siyang nakita nito ang ginawa ni Cayson, at para siyang bata na gusto itong lalong inggitin.

Oh dear... Dati ay crush na crush niya si Precilla at galit na galit siya kay Cayson dahil sinaktan nito ang crush niya.

Pero ngayon...

Lihim siyang napa-bungisngis. Sabi nga ni Cayson... Life is full of wonders and surprises...

"Let's go, kaya ko nang maglakad nang diretso," aniya na muling kumapit sa asawa. Mas mahigpit na kapit, mas mapang-angkin. Gusto niyang ipakita kay Precy na masaya sila. Kahit na... walang kasiguraduhan ang relasyong mayroon sila ni Cayson sa mga sandaling iyon.

"Okay ka lang?" ani Connie nang makalapit sila. Nagsalubong ang mga kilay nito, at mukhang nairita sa halatadong pag-i-inarte niya.

Why of course, her sister knew her from the strand of her hair to the tip of her toe.

"Yeah, medyo kumirot lang ang tiyan ko dahil malakas nang sumipa ang pamangkin mo," aniya kasunod na pagkindat.

Umikot ang mga mata ni Connie sa pagkaumay, na ikina-ngisi lang niya.

Si Precilla na nasa bandang dulo ng mesa katabi ang Tita Maya niya ay nakasunod ang tingin sa kanila, at dahil abala si Casyon sa pagbati sa lahat ng miyembro ng pamilya ay hindi nito iyon napansin.

Naupo sila sa dalawang bakanteng upuan katabi ni Granny Althea, at kaharap ang mga magulang niya. Sandali siyang kinumusta ng mga ito, hanggang sa ang papa niya ay nagtanong kay Cayson.

"Akala ko ay hindi ka makararating, Cayson."

"I made it possible, Pa. Magtatampo 'tong bunso ninyo kapag hindi ako umuwi."

Lalo siyang napangisi. Sigurado siyang inggit na inggit na si Precilla sa mga sandaling iyon.

Tinawag na ni Granny Althea ang waiter para mag-umpisa nang um-order. At habang naghihintay ng mga in-order nila ay nagkamustahan ang lahat. Hanggang sa napatingin si Cayson sa kabilang dulo ng mesa, at nakita si Precilla.

Sandali itong kinunutan ng noo, at nang rumeshistro sa isip nito kung sino ang bisita ay napangiti ito nang malapad.

"Goodness! Is that you, Precy?"

The excitement in Cayson's voice almost made her fall from her seat.

Ahhh, sh*t.

*
*
*

"ANG HABA ng nguso natin, ah?" puna ni Connie nang lapitan siya nito at tabihan. May dala itong dalawang tasa ng tsaa.

Naroon siya sa isang couch sa lounge area ng hotel at nakatanaw sa labas ng glass wall. Doon sa labas ay naroon ang Koi pond.

Bumaba sila sa lounge area matapos ang hapunan, at doo'y nagpasiya pa ang matatanda na magpalipas ng oras. Mayroon doong bar sa gitna na paikot ang disenyo at doon naupo ang matatanda. They were having tea. Si Jack na kausap kani-kanina lang ni Cayson sa isa pang bar area na nasa dulo ng lounge area ay sandaling umalis dahil nakatanggap ng tawag mula sa mga magulang na nakatira sa Canada, at habang mag-isa si Cayson ay lumapit si Precilla.

At mula noon ay hindi na ito umalis doon, kahit hanggang sa makabalik si Jack na hindi na lumapit pa at nakisali na rin lang sa mga matatanda.

Siya naman na kasama ang matatanda kanina ay lumipat ng mauupuan, at doon lang siya tinabihan ni Connie.

Nalaman na ng lahat ang gender ng magiging anak nila ni Cayson, at labis-labis ang tuwa ng lahat. Doon pa lang ay nakapag-pasiya na ang lahat kung ano ang ipapangalan sa magiging 'unang' anak nila ni Cayson. The oldies suggested Cayla Marie, pero ipinahayag ni Cayson ang nais nitong ipangalan sa bata ang pangalan ng namayapang ina. Everyone respected Cayson's decision.

Noong makita ni Cayson si Precilla ay nagkapalitan ang mga ito ng sibil na pagbati. They introduced themselves as old friends, dahil marahil alam ng mga ito pareho na baka magkaroon ng issue kapag sinabi ng mga itong dati silang magkasintahan.

Pagkatapos magkabatian ay dumating ang mga orders nila, at habang kumakain ay ramdam na ramdam niya ang malalagkit na tingin ni Precilla sa kaniyang asawa. And Cayson, who played it cool and nonchalant, would be glancing at Precy from time to time.

Akala lang ng mga ito ay hindi niya pansin, pero ang totoo'y halos nasa mga ito lang ang obserbasyon niya sa mga sandaling iyon.

Tapos ngayon ay magkausap ang dalawa sa bar counter. Oh, wala man lang pagsaalang-alang ang mga ito sa sasabihin ng mga matatanda!

"Gusto ko nang umuwi," nakasimangot niyang sabi saka hinablot ang handbag. Hindi niya pinansin ang tsaa na inabot ni Connie sa kaniya.

"Eh 'di yayain mo na ang asawa mo nang sagayon ay hindi ka nagmumukhang hinog na kamatis riyan."

"Hinog na kamatis?"

"Pulang-pula ka sa pagseselos mo, Rosenda Marie," tuya ni Connie bago nito dinala sa bibig ang tasa ng tsaa. "Sabi ko na, eh. Mag-iingat ka riyan sa damdaming namumuo sa dibdib mo. Ikaw at ikaw lang din ang masasaktan sa huli."

Napabuntong-hininga siya. "Connie—"

"You know the score between you and Cayson from the get-go. Sana lang ay magbago rin ang damdamin niya para sa'yo dahil ayaw kitang makitang umiiyak gaya niyang si Precilla noon. It would be a lot harder because you are my sister." Tumayo na rin ito. "Yayain mo na si Cayson bago pa sila magkapalitan ng number ni Precilla."

Tinapunan niya ng masamang tingin ang kapatid. "Kasalanan mo 'to eh. Bakit pa kasi in-imbitahan mo siya rito?"

"Aba'y anong malay ko na darating si Cayson? Hindi ba't ang sabi mo, hindi siya matutuloy?"

Kumalumbaba siya at ibinaling ang tingin sa labas. Nasa Koi pond ang kaniyang tingin pero wala roon ang pansin.

"Let's go, sabihin mo sa lahat na pagod ka na at gusto mo nang umuwi."

Tumayo na rin siya. Pero bago siya humakbang patungo sa kinaroroonan ng matatanda ay muli niyang tinapunan ng masamang tingin sina Cayson at Precilla na mukhang nagkakapalagayan ng loob.

Napa-ismid siya.

"Ano na, Rosenda?" tawag ni Connie sa kaniya na nauna na sa paghakbang.

Nakasimangot siyang sumunod sa kapatid. "Hey, Connie. I have a question."

Nagsalubong ang mga kilay nito. Nagpatuloy siya.

"Kung ikaw si Cayson. Sino ang pipiliin mo sa amin ni Precilla?"

Walang habas na tumawa nang malakas si Connie sa naging tanong niya; dahilan upang mapalingon dito ang matatanda, pati na rin sina Cayson at Precilla, at ang iba pang guests na nasa lounge area sa mga sandaling iyon.

Napahulukipkip siya sabay simangot. Kahit hindi na sagutin ni Connie ang tanong niya'y sapat na ang pagtawa nito upang malaman niya ang sagot.

Connie, still laughing, answered, "If I were Caligh Carson Montemayor, I would choose both. Alam mo kung bakit?"

"Bakit?"

"Kasi malandi ako at para sa akin ay pag-aari ko ang lahat ng babae sa mundo." Connie grinned.

Hindi niya napigilang matawa sa sinabi ng kapatid. "Alam mo? Loka ka rin."

"Siyempre, kapatid mo ako, eh." Inakbayan siya nito at iginiya na patungo sa bar area. "Ngumiti ka at h'wag mong ipakita sa mga oldies 'yang nagkandahaba mong nguso. Akala mo ba'y kinaganda mo 'yan?"

She pouted all the more. "Connie naman, eh..."

Connie chuckled again. And she smiled because somehow, her relationship with her sister came back to normal.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top