CHAPTER 079 - Threatened
PAGOD NA PAGOD si Rome nang umuwi sa mansion nang gabing iyon. Matapos mag-krus ang landas nila ni Precilla sa department store nang hapong iyon ay niyaya siya nitong magkape, at upang iwasan na sagutin ang tanong nito tungkol sa tatay ng dinadala niya ay tumanggi siya at sinabing may kailangan pa siyang puntahan.
Precilla asked for her number, as well, and said she would call her for a cup of coffee.
Ibinigay niya ang number rito, pero hindi niya ito kikitain.
Dahil malibang ayaw niyang mapag-usapan nila ang tungkol sa ama ng dinadala niya ay nanliliit siya kapag katabi o kaharap ito. Precilla looked like a real-life princess, habang siya'y mukhang kutong lupa na nakalunok ng pakwan. Hindi kaya ng pride niyang makatabi ang dating crush—at dating kasintahan ng lalaking ngayon ay mahal na niya.
Yes.
She's in love with Cayson Montemayor.
Isang bagay na kinatatakutan ni Connie na mangyari, at matapang niyang hinaharap ngayon.
Bahala na.
May sampung taon siyang kasama ito. Sapat na iyon. Masaya na siya roon.
Dahil gaga siya.
Kapag nalaman ito ni Connie ay sesermonan siya nito. Her sister would surely say words like, 'I knew it!', or 'You deserve more than this!'.
Oh well, kung mananatili silang magkaibigan ni Cayson pagkatapos nilang maghiwalay in ten years, ay okay na sa kaniya iyon. She would keep her feelings secret. Wala siyang problema roon. She had an exciting life with the man who she hated at first but learned to love eventually. Masaya na siya roon.
Sa naisip ay inilabas niya ang cellphone mula sa bag saka tiningnan kung tumawag o nag-text man lang si Cayson. Nagsabi na itong baka hindi magparamdam sa buong linggong wala ito, pero umasa pa rin siya.
Kaya hayon—hopya.
Napabuntong-hininga siya saka ipinatong ang cellphone sa bedside table.
Tatawagan niya mamaya si Connie upang sabihin dito na huwag nang ipaalam kay Precilla kung sino ang ama ng dinadala niya. Ayaw niyang malaman iyon ni Precy; dalawang linggo lang naman itong magbabakasyon doon; there was no need of her to learn the truth.
NANLAKI ANG MGA MATA ni Rome nang sa pagpasok niya sa bagong-gawang bahay nina Connie at Jack ay may pamilyar na mukhang inabutan doon.
It was none other than Precilla, having coffee with Connie in the living room.
Gusto niyang umatras at dumiretso na lang sana sa bahay ng mga magulang, subalit nakita na siya ni Precy at binati.
Napilitan siyang tumuloy.
"Good afternoon," she greeted.
"Afternoon, Mommy Rome," nakangiting sagot ni Precy.
"Sino ang kasama mo?" tanong ni Connie na napatayo para alalayan siyang maupo sa single sofa.
"Ako lang, siyempre. Alam mo namang umalis si—" Nahinto siya at pinanlakihan ng mga mata. Nakalimutan niyang tawagan si Connie at sabihin dito ang tungkol sa bagay na iyon! Nakalimutan niyang ibilin sa kapatid na hwag banggitin kay Precilla ang tungkol sa ama ng pinagbubuntis niya!
"Wala na naman ang magaling mong asawa," tuya ni Connie sabay palatak.
"Kauuwi mo lang galing school?" aniya upang ilihis ang topic.
"No, half day ako ngayon dahil masama ang pakiramdam ko. Wala pa sina Mama at Papa kaya dito ka muna sa akin." Nang makaupo siya ay tumalikod si Connie. "I'll get you something to drink, d'yan muna kayo ni Precy."
Nang pumasok ang kapatid sa kusina ay alanganin niyang hinarap si Precilla. "Kararating mo lang?"
"Yep, ten minutes ago. Pero kagabi pa lang ay nagkausap na kami ni Connie, tinawagan ko na siya kaagad pagbalik ko sa hotel. Oh my, kahit si Connie ay malaki na rin ang ipinagbago!"
Mapait siyang ngumiti saka lihim na sinuri ng tingin ang kaharap habang nagku-kwento ito tungkol sa pagkikita ng mga ito kanina.
Precilla was wearing a miniskirt and an oversized polo shirt na initali nito sa bewang. On her feet were high-heeled boots.
Oh, Precilla's fashion sense was amazing—at heto na naman siya, kinakain ng inggit at panibugho.
"Nabanggit nga ni Connie na hindi ka na rito nakatira dahil nag-asawa ka na. Lagi ka bang bumibisita rito?"
"Y-Yeah. Malapit lang naman dito ang... bahay naming mag-asawa."
Tumango si Precilla, saka tumingkayad at masuyo siyang hinawakan sa kamay. "I love your dress. Sana ay kasing-ganda mo rin ako kapag nagbuntis."
Oh, kay hilaw ng ngiting pinakawalan niya.
"So, kelan ko naman makikilala ang asawa mo, Rome? Ang asawa ni Connie ay nakilala ko na kanina, paalis si Jack nang dumating ako."
Napangiwi siya at akma sanang iibahin ang usapan nang magsalita si Connie mula sa entry ng kusina nito.
"Hindi mo pa ba sinasabi kay Precy, Rosenda Marie?"
Nilingon niya ang kapatid at dinilatan. Sinenyasan niya itong manahimik, subalit nagtaas lang ng kilay si Connie. Nang makalapit ay ibinigay nito sa kaniya ang isang baso ng fresh orange juice, bago hinarap si Precilla.
"She's married to Caligh Carson Montemayor, Precilla."
Diyos Mio! Muntik na niyang ibuhos sa kapatid ang basong puno ng orange juice. Bakit kailangan pang sabihin ni Connie iyon?
Si Precy ay kinunutan ng noo—bago ito nagpakawala ng malakas na singhap. Napa-angat ito sa kinauupuan, at sa nanlalaking mga mata ay hinarap siya.
"You're married to Cayson Montemayor?" bulalas nito. Hindi naitago ang matinding pagkamangha.
She grimaced.
Precilla's eyes went down to her tummy. Tila namamalikmatang napatitig doon. "And... And that baby. O-Of course, that's Cayson's?"
"Of course, ano ka ba," si Connie ang sumagot bago muling naupo. "They married six months ago."
"Oh." May kung anong damdamin ang dumaan sa mukha mukha ni Precilla bago ito nagpakawala ng pilit na ngiti. Muli nitong inisandal ang sarili sa couch, at ibinalik ang tingin sa kaniya. "I'm... happy for both of you, Rome. I trully am. Nagulat lang ako..."
Hindi na siya sumagot pa at patuloy na pinag-aralan ang anyo nito.
"May family dinner kami bukas sa Marriott's Hotel, Precy," ani Connie bago siya nito muling sulyapan. "Rome, bakit hindi mo rin imbitahan si Precilla? Mag-isa lang siya ngayon sa bansa, she could join us."
Gusto niyang kurutin si Connie—pero mamaya na pag-alis ni Precilla.
Muli siyang nagpakawala ng pilit na ngiti. "Of course," she said. Tutal ay hindi naman makararating si Cayson bukas ay hindi siya nag-aalala. "Please join us tomorrow, Precy."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top