CHAPTER 078 - Someone from The Past
PAGPASOK NIYA SA KANILANG SILID ay kinunutan siya ng noo nang makita ang dalawang shopping bags na nakapatong sa ibabaw ng kama.
Those bags were from an expensive men's boutique.
Cayson's home. And she would guess he did some shopping for himself. At naisip niya na baka namili ito ng mga damit habang doon ito sa opisina naglalagi.
O sa opisina nga ba?
Hindi kaya dahilan lang nito iyon at ang totoo'y dating-gawi na naman ito?
Ah... Ayaw niyang mag-overthink.
Pumasok siya at sinulyapan ang pinto ng banyo. May naririnig siyang kaluskos mula sa loob. Sigurado siyang si Cayson iyon—kauuwi lang siguro.
Umangat ang isa niyang kamay sa dibdib. Bakit pumintig nang malakas ang puso niya? Was she just... excited to see him?
Doon bumukas ang pinto ng banyo at iniluwa si Cayson, he was fully clothed-basa ang buhok; nakaligo at mukhang bagong bihis lang.
"Hey," anito. He was carrying a small towel, wiping his hands with it. "Kauuwi mo lang?"
"Yes." Ngumiti siya at lumapit. She couldn't stop herself, she missed him. At gusto niya itong yakapin.
Ilang dipa na lang ang layo niya rito at akma na sanang yayakap nang umiwas ito at nilampasan siya. Naglakad ito patungo sa closet at binuksan iyon.
Nagtatakang sinundan niya ito ng tingin.
"Nagpaalam na ako kay Gran, babalik ako sa Laguna. Nakahanap na kami ng bagong lote na pagtatayuan ng bagong terminal. Isang linggo ako roon. And then, next week ay sa Cebu naman ako pupunta. Magtatayo kami roon ng branch. Montemayor Travellers will operate in Cebu soon."
Napayuko siya at niyakap ang sarili. Bakit ba niya inasahang sasalubungin din siya nito ng yakap? Asa siya.
"Hindi mo ba... tatanungin kung saan ako nanggaling?" aniya.
"No. Naaalala ko pa kung ano ang nakasaad sa terms, kaya h'wag kang mag-alala. Hindi ko pakekealaman ang mga lakad mo. Pwede kang pumunta sa kung saan mo gusto at makipagkita sa kung sino mo gusto. Just make sure you won't be in trouble, or you don't put yourself in danger." May kinuha itong ilang mga damit at pantalon mula sa closet saka dinala ang mga iyon ibabaw ng kama.
Nakasunod lang ang tingin niya hanggang sa bumalik ito sa closet at kumuha pa ng ilang mga damit. May kinuha rin itong maliit na traveling bag sa ibaba ng closet, at doon nito ini-siksik ang mga damit na kinuha. Humakbang ito pabalik sa kama saka ini-siksik din doon sa traveling bag ang dalawang paperbags.
"Although alam kong hindi rin naman dapat ako nagsasabi sa'yo kung saan ako pupunta ay naisip kong magsabi na rin para hindi ka maghanap."
Inisara ni Cayson ang bag saka siya muling hinarap. "Oh, and one more thing." Humarap ito sa kaniya. "I will be busy, so I don't think I will be able to give you a call for a while. Kung may emergency ay saka mo ako tawagan, otherwise, Ill see and talk to you next week."
Hindi na niya nagawang makapagsalita pa hanggang sa isukbit nito ang bag sa balikat at tinalikuran siya.
Nawalan siya ng sasabihin. She was floored with his words, with his coldness. She didn't understand what's happening.
Nang marating ni Cayson ang pinto ay muli siya nitong nilingon. At sa tinig na walang kaemo-emosyon ay nagsalita ito,
"Take care of yourself."
Then, he left the room, leaving her speechless.
AYAW NIYANG MAGMUKMOK sa mansion kaya minabuti ni Rome na lumabas at maghanap ng gagawin na ikalilibang niya. Hindi siya magmumukmok dahil lang wala roon si Cayson—** dahil lang naging malamig ito sa kaniya noong gabing umalis ito.**
Excited pa man din siya noong gabing iyon nang makitang bumalik ito, pagkatapos ay bigla na lang itong aalis at pakitaan siya ng ganoon?
Why was he that cold, anyway?
Noon ay hindi naman ito ganoon kahit pa pagod sa trabaho.
Noon, kapag sasalubungin niya ito ay maayos ang pakikitungo nito sa kaniya. Wala mang pagmamahalan na pumapaligid sa kanila noong mga panahong iyon, Cayson was kind and gentle towards her.
Tapos... dalawang araw lang itong nawala at nanlamig na?
Unless may ibang nagpapainit dito? Kaya ito nanlamig sa kaniya dahil bumalik na naman ito sa pambababae.
Of course, bakit hindi? He wasn't getting any sex these past few weeks. Natural na sa iba na naman ito maghanap!
Ipinilig niya ang ulo saka inalis iyon sa isipan. Ayaw niyang isipin ito nang isipin. Mayroon siyang anak sa kaniyang sinapupunan na kailangang alagaan nang sagayon ay lumabas na malusog at malakas.
Ang sabi ni Selena ay maging positibo siya, sikaping laging maging masaya at mag-isip ng magagandang mga bagay para maging payapa rin ang bata sa kaniyang sinapupunan.
Mabigat man ang loob niya sa naging pagtrato sa kaniya ni Cayson noong gabing iyon, at nasasaktan siya sa kaisipang bumalik na naman ito sa pambababae, ay ibinaling niya ang isip sa positibong bagay.
And she wanted to be happy and divert her mind into something else. Kaya inabala niya ang sarili—sa pagsa-shopping.
Hindi pa alam ng lahat ang kasarian ng kaniyang magiging anak, at mukhang mag-isa niyang sasabihin ang tungkol sa bagay na iyon sa Biyernes, kung kailan siya nag-set ng schedule sa buong pamilya at kay Althea Montemayor na magkita-kita sa isang simpleng dinner. Pinaasa siya ni Cayson na sa araw na iyon nila sasabihin sa buong pamilya ang tungkol sa gender ng magiging anak nila, tapos ay sasabihin lang nitong isang linggo na mawawala!
Oh, bakit si Cayson na naman ang naiisip niya?
Inis niyang ini-tulak ang pushcart na punung-puno ng magagandang bestida para sa bata. May mga kinuha na rin siyang feeding bottles, socks and shoes, and baby hats. Masaya siyang ginawa niya iyon. Naging abala siya at sandaling nawala sa isip ang magaling na asawa.
Oh, enough of him! suway niya sa sarili. Itinuloy niya ang pagtulak ng push cart sa aisle kung saan naman siya may nakitang ibang brand ng baby clothes. At habang patungo siya sa direksyong iyon ay napalingon siya kabilang bahagi ng department store kung saan naroon ang magagandang damit pambabae.
Kapag nanganak na siya ay mamimili siya ng mga bagong damit. She wanted to pamper herself for carrying Althea Montemayor's first grandchild!
"Hey! Watch out!"
Bigla siyang nagpreno nang makarinig ng sigaw sa harapan. Ibinaling niya ang pansin doon at nakita ang isang maganda at sexy na babaeng nakatayo sa harap—ang mga kamay nito'y nakahawak sa push cart, ang magandang korte ng kilay nito'y magkasalubong, at ang mukha'y nakasimangot.
"Watch your direction, Miss." Then, the woman's eyes landed on her bulky tummy. "Mrs. Watch your direction, Mrs."
"I'm sorry, natamaan ba kita?" aniya sa tinig na puno ng pagpaumanhin. "Wala pang limang segundo kong inaalis ang tingin sa daan—" Nahinto siya nang may mapansin. Napatitig siya nang husto sa mukha ng babae.
The woman was not just pretty, she was stunningly gorgeous with her brown eyes, thick lashes, and luscious mouth. Kung hindi ito artista ay siguradong model. The woman had that vibe—yaong tipong nakikita sa mga magazine. Not to mention, she was also tall and incredibly sexy.
The woman was wearing a black off-shoulder top na ang haba ay umabot lang hanggang pusod, ang pantalon nitong mukhang mamahalin ay hapit na hapit sa magandang hubog ng legs nito. Oh, the woman's curves were making her feel insecure about herself.
Sinulyapan niya ang bitbit nitong tatlong paperbags mula sa tatlong magkakaibigang international clothing brands; hindi tulad niya'y damit nito ang mga pinamili.
Oh, this woman looked so classy... So poise... and so... familiar?
"Wait a minute..." Nagsalubong ang mga kilay niya nang may mapagtanto. Muli niyang tinititigan ang magandang mukha ng babae. Hindi pa siya nakuntento at nilapitan niya ito. Balewala niyang itinulak ang pushcart palayo sa kanila, at hinarap ang babaeng napayuko sa kaniya. Muli niya itong tinitigan nang mariin—mula ulo hanggang paa, pabalik sa ulo nito.
At tulad niya'y sinuri rin siya nito ng tingin.
Hanggang sa...
Napasinghap silang pareho.
"Rome!"
"Precilla!"
"Oh my God!" Binitiwan ni Precilla ang mga paper bags na dala saka walang kung anu-ano na niyakap siya nang mahigpit.
Oh, kahit ang amoy nito ay kay ganda! Sinong lalaki ang hindi magkakagusto rito?
"I can't believe it!" Bahagya itong humiwalay sa kaniya, "I almost didn't recognize you! Kumusta na?"
Malapad siyang ngumiti. "Heto, buhay pa rin, I guess?"
Precilla chuckled.
"Ikaw? Kailan ka pa bumalik ng Pinas? Ang huling dinig ko tungkol sa'yo ay lumipat kayo ng buong pamilya niyo sa Singapore."
"Yes, tumira kami roon ng mahigit sampung taon. I am working as a newscaster in a Singaporian TV station. Nagkaroon ako ng dalawang linggong bakasyon. Oh my, how about Connie? How is she?"
"She has just gotten married last month. Naku, matutuwa iyon kapag nakita ka."
"Oh, you bet! Dadalaw ako sa inyo bukas—" Nahinto ito nang mapatingin muli sa tiyan niya. Muli itong napasinghap. "Oh! You're having a child!"
Natawa siya sa pagkagulat na nakita niya sa mukha nito. "Hindi ka ba makapaniwala? Mukha kasi akong lalaki noon, eh, no?"
Malapad itong ngumiti. "You are the prettiest pregnant woman I have ever seen, Rome. I am happy for you. So..." Banayad siya nito siniko sa braso. "Sino ang napangasawa mo, ha? Who's the lucky guy?"
She was about to say Cayson's name when suddenly, she remembered something.
At nang maalalang si Cayson ang pinaka-unang lalaking nagpaiyak kay Precy noon ay malakas siyang napasinghap.
Oh, muntik na niyang makalimutan!
"Hey, are you alright?" ani Precilla, may bahid ng pag-aalala sa tinig. "Bakit bigla kang namutla?"
"I—I'm alright." Pilit siyang nagpakawala ng ngiti saka bumitiw na kay Precilla. Hindi niya alam kung tamang makaramdam siya ng guilt, dahil para na rin niya itong ni-traydor.
Pero... hindi naman sinasadya ang nangyari kaya siya naroon ngayon sa kinatatayuan niya. Masisisi ba siya ni Precilla?
And besides...
Cayson Montemayor wasn't hard to... love.
Muli siyang pinanlakihan ng mga mata sa naisip.
Love?
Did she just admit that she had already fallen in love with Cayson?
Oh no! Mayday! Mayday!
"Hey. May masakit ba sa'yo?"
"Oh, w-wala." Puli siyang ngumiti. "Uhm... S-Saan ka nakatira ngayon?'
"Naka-stay ako sa isang hotel malapit dito sa mall. Ako lang ang narito ngayon sa bansa, bakasyon lang talaga. I was actually planning to meet with all of my old friends, at plano ko pa lang sana na hanapin sila sa social media. Buti na lang at nagkita tayo, please give me Connie's number. I'd like to give her a call."
"Sure." Kinuha niya ang cellphone sa loob ng shoulder bag. Pag-angat niya ng ulo ay bahagya siyang natigilan nang dumapo ang kaniyang tingin siya sa isang malaking salamin hindi kalayuan sa kinatatayuan nila. Ang salaming iyon ay likod na bahagi ng magkakatabing fitting rooms sa gitna ng department store, at doon ay nakita niya ang sariling repleksyon.
Her yellow summer dress looked cute on her—isa iyon sa mga ini-regalo sa kaniya ng mga tita niya nang nag-uumpisa nang lumaki ang tiyan niya. Her tummy was big because she was already in her sixth month; ang akala ng lahat ay limang buwan pa lang. At dahil sa pagbubuntis ay naglalagas din ang buhok niya. Kaya ang madalas niyang gawin ay i-tali iyon in a french bun. She looked 'very' pregnant, and she thought she was cute. Until she saw Precilla.
Priscilla was extremely gorgeous and incredibly sexy.
Nagmukha siyang nanay na may limang anak sa tabi nito.
At doon ay muling bumangon ang insecurity niya sa dibdib.
Gusto niyang manlumo. Bakit ba niya nararamdaman iyon?
"Rome?" pukaw ni Precilla sa kaniya na ikina-kurap niya. Ibinalik niya ang tingin dito saka niya ito muling ningitian.
"Here; I'll give you Connie's number para makapag-usap kayo."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top