CHAPTER 077 - Baron's Family
TWO DAYS. Ganoon ka-tagal na hindi nakauwi si Cayson matapos ang araw na pumunta sila sa OB clinic para sa ultrasound ni Rome.
Kung hindi lang ito tumatawag para kumustahin ang lagay niya ay baka nag-alala na siya kung ano ang nangyari rito. He would call to check on her—asking if she was eating right and if she needed anything. Those were only short calls; not even letting her converse with him. Gusto niyang itanong kung kailan ito uuwi pero ayaw niyang muli nitong sabihin sa kaniya na i-review ang terms bago siya magtanong.
Si Althea Montemayor ay tinatanong din siya tungkol sa apo nito, and she would end up sending Cayson text messages. Pagkatapos ay malalaman na lang niyang tumawag ito sa lola upang ipaalam ang lagay.
Sa loob ng dalawang araw na iyon na wala ito ay wala siyang ibang ginawa kung hindi ang mag-ikut-ikot sa mansion na parang loka. Magkulong sa silid nila para manood ng kung anu-ano, o magbasa ng libro sa home office ni Cayson. Gusto niyang bisitahin ang mga magulang pero parehong abala ang mga ito dahil malapit na ang closing of school year. Si Connie naman ay may asawa na at alam niyang maliban sa abala ito sa trabaho ay may obligasyon na rin ito bilang maybahay. Gustuhin man niyang makipagkita sa kapatid ay naiintindihan niyang hindi na siya nito mabigyan ng kaunting oras.
How she wished Jiggy was closer; siguradong hindi ito magdadalawang-isip na puntahan at samahan siya. But Jiggy was just newly promoted and her job in Cebu was hectic. Isang beses sa isang linggo na lang silang nag-uusap nito via chat.
Kung naroon sana ang ama ng dinadala niya ay baka kahit papaano, may gawin siya. She could just even sit across him, watch him silently as he did his job and that would already make her happy. Ganoon lang ka-simple ang gusto niya, at alam iyon ni Cayson.
Hindi ba siya nito naisip?
Sa ikatlong araw ay nagpasiya siyang huwag magmukmok. She cleaned up their closet; pinaghiwalay niya ang mga luma at bago niyang mga damit. Ang mga luma ay ipamimigay niya sa mga katulong. Mukhang hindi na rin niya maisusuot ang mga iyon dahil malibang pang-college girls ang iba ay pawang maliliit na sa kaniya.
She also cleaned her shoulder bags and took all the rubbish out. At habang nililinis niya ang isa sa mga bags ay may nakita siyang maliit na business card. That was Baron's. At doon niya naalala ang paanyaya nito noong huli silang nagkita.
Naisip niyang walang masama kung paunlakan niya ang paanyaya nito; they were both behind their pasts, at pareho na silang naka-move on.
She dialed Baron's number and waited for a few seconds before someone answered on the other line.
"How may I help you?"
It was a woman.
Sinulyapan niya ang business card; it was Baron's name that was written on it, and the services he offered were listed on that piece of paper as well.
DJ
MC
Solo Singer
Real Estate Agent
"Oh, wow..." usal niya. Hindi niya akalaing maliban sa pagpe-perform ay isa rin itong real estate agent.
"Hello?" pukaw ng babae sa kabilang linyan.
"Y-Yes. I'm looking for... Baron Marquez?"
"Hi. You are calling his business number. He left his working phone at home, but I can just relay your message. Is there anything you needed help with?"
Left his phone at home?
Muli siyang napasinghap.
"Oh, is this Baron's wife?"
"Yes, I am. How may I help you?"
Sandali siyang natahimik. Tama bang magpakilala siya bilang ex ni Baron?
Pero... tumawag naman talaga siya para makilala ang asawa nitong yoga instructor. And she was talking to the person she needed. Walang dahilan para mag-alinlangan siya.
"I am... Rome Montemayor. And I am calling to inquire about—"
"Oh, is that you, Rome? Nabanggit ni Baron na ibinigay niya ang number niya sa'yo. Would you like to pay a visit?"
Napatitig siya sa cellphone.
Why did Baron's wife sound so excited?
"I'M HAPPY TO FINALLY MEET YOU!" Selena, Baron's wife, said. Naka-antabay ito sa harap ng studio kung saan siya nagpahatid sa taxi. Nagulat pa siya nang hawakan siya nito sa mga kamay.
Selena was a short woman, pretty, with a bright, friendly smile. Nakahahawa ang ngiti nito kaya hindi rin niya napigilang magpakawala ng malapad na ngiti.
"Naikwento ka sa akin ni Baron noong nagkita kayo sa isang wedding event, at sinabi niya na inimbitahan ka raw niyang pumunta sa baby shower party namin. Sayang at hindi ka nakarating."
"Pasensya na, nawala sa isip ko."
Namamangha siya sa pagiging friendly ni Selena. Pero nagpapasalamat din siya dahil wala siyang maramdamang pagka-ilang dito.
Si Selena ay bumaba ang tingin sa bitbit niyang maliit na bag. "Oh, may mga pambihis ka bang dala?"
"Yes, tulad ng sinabi mo ay nagdala ako ng yoga pants and loose shirt."
"Yep, Kasi pagpapawisan ka at baka hindi ka maging komportable kaya nagbilin akong magdala ka ng pambihis." Nalipat ang tingin nito sa kaniyang tiyan. "Oh... Ilang buwan na nga pala 'yan?"
"Five months."
"Oh, maliit siya for five months." Nakangiti nitong ibinalik ang tingin sa kaniya. "At kapag maliit, ay hindi ka mahihirapan sa mga stances na ituturo ko sa'yo. Oh, come on in. May gusto ka bang inumin?"
*
*
*
TATLONG ORAS na nanatili si Rome sa studio-slash-bahay nina Baron at Selena.
Isang oras silang nag-yoga, at kahit kapapanganak pa lang nito'y malakas na. Selena taught her some yoga poses for pregnant women to relieve back pain. And at first, she found them difficult to achieve, pero kalaunan ay nakuha rin niya.
Yoga indeed made her more conscious of what's happening with her body. It brought calmness to her system and relaxing her nerves. Maganda ang naging una niyang karanasan sa yoga, kaya siguradong magiging madalas siya roon.
She liked Selena's company, as well. She was bubbly and gregarious. She lighten up the room, at kahit alam nitong dati siyang kasintahan ni Baron ay hindi ito nagpakita ng kahit anong negatibong damdamin sa kaniya. She was optimistic; tila ba walang masamang tinapay rito.
And she liked her. Mukhang magkakaroon siya ng panibagong kaibigan.
Pagkatapos ng session ay niyaya siya nitong umakyat sa second floor upang doon siya maghugas ng katawan at magbihis. Doon sa second floor ang bahay ng mga ito. It was huge place with two separate bedrooms, huge living room and a small kitchen. Homey ang dating ng bahay dahil maraming indoor plants at malaki ang mga bintana. Kita at ramdam niya ang karakter ni Selena sa itsura ng bahay ng mga ito.
Paglabas niya sa banyo matapos maghugas ng katawan at magbihis ay nakahanda na ang meryendang custard cake at apple juice. They spoke about many things while they eat their snack; katulad ng kung papaanong nakilala ni Selena si Baron matapos lumabas sa kulungan ng huli, kung gaano ka-tagal na nanligaw ang lalaki rito, at kung anu-ano pa. Selena also spoke about her experience giving birth. Tawa ito nang tawa habang inike-kwento kung paano itong pagalitan ng doktora dahil hindi ito marunong umire.
Hindi niya namalayan ang oras habang kausap niya ito. It was almost five in the afternoon when Baron arrived from work. Nagulat pa ito nang makita siya roon, at natuwa nang malaman kung ano ang ginawa nila ni Selena sa maghapon.
In-imbitahan siya ng mag-asawa na doon na maghapunan pero tumanggi siya. Ayaw niyang abutin ng gabi roon lalo at hindi alam ni Althea kung saan siya pumunta. Siguradong sa mga oras na iyon ay nakauwi na sa mansion ang matanda. Kaya nagpaalam na siya sa mga ito na uuwi.
Baron offered to send her home, at hindi siya pinahintulutan ni Selena na tumanggi.
Habang nasa daan ay nagpasalamat siya kay Baron sa pag-imbita nitong pumunta sa bahay ng mga ito. Sinabi niyang natutuwa siyang may nakilalang bagong kaibigan sa katauhan ni Selena. Baron was thrilled knowing that she liked his wife.
"How about you and Mr. Montemayor?" tanong ni Baron makaraan ang ilang sandali. Kapapasok lang ng sasakyan nito sa entry ng subdivision. "Paano kayo nagkakilala?"
"We met a few years back," she answered. Her eyes were blankly staring outside the window. "When I was fourteen."
"Really?" nakangiti siyang sinulypan ni Baron. "Childhood sweethearts, huh?"
"No, we were enemies."
"More interesting!"
Natawa siya sa naging reaksyon nito.
"And you were invited to his birthday party? Iyong gabing iyon?"
Iyong gabing nalasing ako at may nangyari sa amin, yes. That was the real start.
She wanted to say that, pero naisip niyang mas mabuting iilan lang ang nakaaalam ng totoo.
"No, I was just a party crasher. Doon kami ulit nagkaharap and from there, you know. Mabilis ang mga nangyari."
"I see..." Ibinalik ni Baron ang pansin sa daan. Sandaling natahimik, hanggang sa muli itong may naisip na itanong. "Masaya ka naman sa kaniya, ano?"
"Ano ang ibig mong sabihin?" aniya, sakay nagpakawala ng pilit na tawa. "Of course, masaya ako. Ano ka ba..."
"I don't know. Parang may kakaiba akong nararamdaman sa tuwing nakikita ko kayong dalawa."
She forced a chuckle. "Maayos ang pagsasama namin, don't worry. Nagkataon lang na kapag nakikita mo kami ay may problema siya sa negosyo."
"I hope so, too. Manghihinayang ako kung hindi kayo masaya. You deserve to be happy, Rome."
Hindi na niya pinalawig pa ang usapan at inituro rito ang tamang direksyon patungo sa mansion. Namangha si Baron nang makita kung saan siya nakatira. Inalalayan siya nitong bumaba at nagpasalamat siya hanggang sa ihatid siya nito sa harap ng gate.
"Salamat ulit, Baron. Dadalawin ko ulit si Selena sa susunod na linggo. Nagustuhan ko ang session namin kanina. I have registered for a 10-yoga sessions, pagkatapos kong manganak ay magre-register pa ulit ako para sa panibagong sessions."
Malapad na ngumiti si Baron. "Selena seems to like you, too. Pumunta ka sa binyag ng anak namin, okay? And please come this time."
She chuckled and nodded her head. "I'll make sure na makapupunta ako. See you, Baron. Mag-ingat ka sa daan."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top