CHAPTER 075 - Mother of His Children



UNTI-UNTING nanlaki ang mga mata niya. Aba'y ang gago, gagawin pa yata siyang baby factory!

But the thought also gave her chills—in a positive way, though. Like, an excitement. Cayson wanted her to be the mother of his son! He wanted her to bear his second child? Wala na itong ibang gustong magdala sa anak nito kung hindi siya lang!

Oh, kahit wala pa ay nakikinita na niya ang kaniyang mga anak na naglalaro sa hardin ng mansion. A girl and a boy? Oh, she couldn't contain her excitement!

Pero ayaw niyang ipahalata rito ang tuwang naramdaman. Kahit pa tila nais siya nitong gawing baby maker sa loob ng mga taong magsasama sila ay walang problema sa kaniya. They made a bond—she and Cayson. Sa ngayon ay maganda ang relasyon nila bilang magkaibigan—at magulang ng batang nasa sinapupunan niya. Her bearing another child was a privilege. And she was more than willing to do it.

Pero hindi dapat siya pahalatang excited. At upang itago ang excitement ay napa-ismid siya.

"Hindi pa nga nailalabas itong isa ay nag-re-request ka na ng isa? Aba'y balak mo ba akong buntisin pagkapanganak ko?"

Doon na ito napangiti. "Why not?"

Gusto niyang kiligin, pero bawal. Breaching of terms. "Why, though? Bakit gusto mo ng anak na lalaki?"

"I want a baby boy who would carry and pass on the family name."

Well, that's a valid reason... she thought.

"Paano kung sa susunod na magbuntis ako ay babae pa rin?"

"We'll try again, then."

Nanlaki na naman ang mga mata niya; ito nama'y muling natawa.

"Aba'y tama nga ang naisip ko—gagawin mo akong baby maker sa loob ng sampung taon! Maliban pa roon ay papagurin mo ako sa pagbubuntis, aba't napakasarap naman ng buhay, Cayson Montemayor..."

And he laughed all the more. Ang mga mata nito'y tila katulad ng kay Althea Montemayor na kumikinang na tila mga diyamante sa kasiyahan.

Kasiyahan?

Was Cayson happy?

Keep dreaming, Rome, she taunted.

Tumikhim siya at kunwari ay muling niyuko ang tiyan upang hindi nito makita ang biglang pagdaan ng lungkot sa kaniyang mga mata.

"Sana sa susunod na magdalangtao ako ay lalaki na kaagad para hindi mo na ako pahirapan. You know how bad my moodswings were noong naglilihi ako."

"Ibig bang sabihin ay pumapayag ka, Rome? Would you bear my son?"

Doon siya muling nag-angat ng tingin. Sinalubong niya ang mga mata nito, sandali silang nagkatinginan, hanggang sa nagpakawala siya ng banayad na ngiti.

"Why not? We're married, after all..."

May kung anong pag-alinlangan ang dumaan sa mga mata ni Cayson sa naging sagot niya. Ang ngiti nito'y bahagyang nabawasan.

"You are not doing this just because... we are married, are you?"

Kinunutan siya ng noo. "What do you mean?"

"Gusto kong magka-anak ng lalaki not only because I want him to carry the family's name. I realized that I want to have more kids. I was an only child and it was sad not having a brother or a sister to play with, or to share my problems with. Ayaw kong pagdaanan din ng anak ko 'yon." Napatingin ito sa tiyan niya, saka nagpatuloy, "I want her to have a sibling. A brother to protect her. And I also thought... having a son would be fun. I want someone to play basketball with. I want someone to come to me in the future and ask me about—"

"Women?"

Doon ito muling natawa. "Yeah, you can say that."

Kahit siya ay natawa rin. "Balak mo lang palang ipamana sa anak mo ang pagiging palikero, eh."

Sa pagkakataong iyon ay hindi na natawa si Cayson. Muli nitong ibinalik ang pansin sa harapan, at sa seryosng anyo ay, "Naisip ko lang, Rome, na mas magiging masaya ang anak natin kung magkakaroon siya ng kapatid. At sinabi ko sa'yo ang dahilan kung bakit para maintindihan mo kung bakit gusto ko pang magkaanak. Pero... kung pagbibigyan mo lang din ako dahil naisip mong obligasyon mo 'yon bilang asawa ko, please don't do it." Muli siya nitong hinarap. "The first child was accidentally conceived. I don't want the second child to be conceived out of obligation."

Nanatili lang siyang nakatitig dito; naghihintay na ito'y magpatuloy sa sinasabi.

And Cayson did. "I want us to produce our son—our second child—because we both want it. Because we want our first child to have a little brother or a sister. Not because you are obliged to do so."

"Oh..." Doon na niya naintindihan ang ibig nitong sabihin kanina. At hindi niya napigilang mapangiti. "Don't worry, Cayson," she said in a low, sweet voice. "Our relationship may not be the normal one, but I will do my best to give our child the best life she deserves. Your idea of giving her a sibling isn't bad at all. I would be happy to bear your son..."

Nakita niya ang pagdaan ng galak sa mga mata ni Cayson nang marinig ang kaniyang sinabi. Hindi niya pinagdudahang parte lang ng imahinasyon niya ang galak na iyon. She believed that Cayson was indeed happy.

Hanggang sa matigilan siya nang biglang inilapit ni Cayson ang mukha sa kaniya, yumuko, at masuyo siyang dinampian ng halik sa kaniyang mga labi.

Muli na namang hinaplos ng anghel ang kaniyang puso sa ginawang iyon ng asawa. Labis siyang naligayahan.

At nang muli itong umangat ay saktong umilaw ang green light. Kaya umayos ito ng upo, itinaas ang hand break saka unti-unting pinatakbo ang sasakyan. At nang nasa kalsada na sila'y napansin niya ang hindi mapalis na ngiti nito sa mga labi.

The sight of him, smiling from ear to ear, made her so happy.

She was happy... with him.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top