CHAPTER 074 - Bear His Son



ANONG panggilalas niya nang marinig ang sinabi ng doctor habang pinaiikot nito sa tiyan niya ang transducer upang malaman ang kasarian ng kanilang anak. Cayson was sitting on a stool beside the bed and watching the screen where they could clearly see the baby's form. It was crouching, and his heartbeat was so loud it made her cry.

Si Cayson naman ay tulala—tila hindi makapaniwala sa nakikita sa screen. Nasa mga mata nito ang galak na lalong ikana-lambot ng puso niya. Cayson was showing emotions toward their baby and she was happy.

At nang sabihin ng doktora kung ano ang gender ng anak nila ay pareho silang natigalgal. It was a girl. And they were only shocked because they all thought she was having a baby boy.

Pero magkaganoon man ay masaya siya. Masaya siya kahit ano pa man ang kasarian nito, ang mahalaga sa kaniya ay lumabas itong malusog at lumaking malakas. That's all that mattered to her.

Matapos nilang makaalis sa clinic ay bumalik na sila sa sasakyan at binaybay ang daan pauwi sa mansion. Dahil Lunes ang araw na iyon ay nasa MIC ang lahat. Nagpasiya siyang sa gabi na lang sila magtungo sa bahay ng kaniyang mga magulang. Yayayain niya rin si Althea para doon na sila maghapunan. Excited siyang sabihin sa mga ito na babae ang magiging anak nila ni Cayson.

Dahil rush hour ay naipit sila sa traffic. At habang nasa biyahe sila ay makailang beses na nakatanggap si Cayson ng tawag mula sa sekretarya nito. At habang kausap ni Cayson si Michelle ay initutuon niya ang tingin sa labas ng bintana upang aliwin ang sarili.

Isang beses na napatingin siya sa labas ng bintana ay may nakita siyang nanay na bitbit sa magkabilang mga kamay ang dalawang anak. The little girls were both carrying backpacks, at nakasuot ng uniporme. At dahil lunch time na ay siguradong pauwi na ang mga ito.

She smiled. Hindi niya mapigilang isipin ang araw na darating din siya sa ganoong punto. Gusto niyang kapag nag-umpisa nang mag-aral ang anak nila ay siya ang personal na mag-aasikaso rito. Magpapaligo, magpapabihis, magtatali ng buhok, at maghahanda ng baon nito. Siya rin ang maghahatid rito papuntang school. She would be in her daughter's life everyday. She wouldn't miss a single moment.

Ilang sandali pa'y umusad na ang sasakyan nila. Nawala na sa tingin niya ang mag-iina. Natapos na ang pakikipag-usap ni Cayson sa cellphone at sa mahabang sandali ay nanatili silang tahimik.

Pagdating nila sa isang crossing sa Ayala ay inabutan sila ng stop light. Muling nahinto ang kotse at muli niyang ini-tuon ang tingin sa labas ng bintana. Sa gilid ng daan ay may nakita siyang mag-asawang foreigner na kasama ang dalawang anak na nasa pagitan marahil ng pito at sampung taon ang edad. Babae at lalaki, and they were eating ice cream as they walk under the heat of the sun.

"How are we going to divide the time we spend with our child after the separation?" Out of the blue ay bigla na lang niya iyong naisip na itanong kay Cayson.

Sa gilid ng kaniyang tingin ay nakita niya ang paglingon ni Cayson. "Bakit bigla mong naisip itanong 'yan?"

"Naisip ko lang habang nakatingin sa kanila." Ini-nguso niya ang mag-anak na lumampas na at pumasok sa isang restaurant. "May napanood akong show sa TV na uso sa mga Western people ang hatiin ang mga anak nila after the divorce. Kung hindi man ay visitation rights lang ang makukuha ng isang magulang na hindi na-aprubahan ang custodial right. They said, the children will have two birthdays and two Christmas—one with their mom, and one with their father. Sometimes, they get 3 to 4. Three days with the Dad and 4 days with the mom. Kung hindi man, one week alternately. Naisip ko... hindi kaya nahihirapan ang bata sa ganoon?"

Si Cayson ay ibinalik ang tingin sa harapan. Tahimik lang ito, walang sagot na ibinigay sa kaniya.

Bahaw siyang napangiti, niyuko ang namumukol na tiyan saka iyon banayad na hinaplos. "Siguradong pagdadaanan ng anak natin ang ganoon sa panahong kailangan na nating maghiwalay. And it's our mission as her parents to give our best in making her happy. Irrespective of how she was conceived, she deserves to be happy and loved."

Muli ay hindi sumagot si Cayson.

Doon na niya ito nilingon, at doon ay nakita niya ang seryoso nitong anyo.

"Please, Cayson. Pagdating ng araw, please love her. Alam kong nang mabuo siya ay hindi ka pa handang maging magulang, but please do your best for my baby. Kapag nasa poder mo siya, please give her all your time and attention. Please make her the happiest and don't allow her to be sad for one second. Gusto kong kahit hiwalay na tayo ay hindi siya makaramdam ng kakulangan."

Nanatiling tahimik si Cayson, ang anyo ay nanatili ring blangko.

Muli niyang niyuko ang tiyan at masuyong dinama. The baby was moving, as if she was changing position. Napangiti siya nang magsalitang muli,

"Kukuha ako ng malapit na apartment para hindi magkalayo ang tinitirhan natin. That way, you can still visit any day, any time you want kapag nasa poder ko siya. Same goes with me, of course. Gusto kong kapag nasa sa'yo siya ay madadalaw ko pa rin siya. I have a feeling na hindi ako makatutulog nang mahimbing kung hindi ko siya makikita—"

"I want a baby boy, Rome."

Napalingon siya rito. "Huh?"

Doon humarap si Cayson, at sa seryoso pa ring mukha ay nagsalita. "You heard me. I want a baby boy."

Bigla siyang nagpanic—biglang may kung anong pag-aalala ang bumangon sa dibdib niya. "Ayaw mo ba sa... ipinagbubuntis ko dahil babae siya?" Oh, this is a storm brewing! "Are you trying to tell me na hindi ka masayang malaman na babae ang magiging anak natin? Are you trying to tell me that you aren't going to love and protect her because she isn't a boy? How can you be so—"

"No, don't get me wrong. Hindi ko siya aabandonahin—she is my child, and I will love and protect her with my own life. What I am trying to say is I want another child. I want a son."

Sandali siyang natulos sa kinauupuan, at nang rumehistro sa isip ang sinasabi nito'y napaatras siya ng upo.

"W-What are you trying to... say?"

"I want you to give me another child. I want you to bear my son."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top