CHAPTER 073 - Back To Normal





SA SUMUNOD na mga araw ay naging abala si Cayson sa pag-aasikaso sa nangyari sa Laguna branch. Halos buong araw itong abala sa trabaho, kahit sa gabi ay nasa harap ng laptop nito at kausap ang mga staff. Malaki ang ibinagsak ng income ng Montemayor Travellers, at ang pagiging competitive ni Cayson ay nihamon ng panahon.

Sa loob ng apat na araw ay doon ito natutulog sa home office nito, at walang problema sa kaniya iyon kahit na nagiging clingy na siya sa asawa. Siya ang personal na naghahatid ng pagkain nito roon sa gabi kapag hindi na nito nagagawang sumabay sa kanila ni Althea, at bago siya matulog ay dinadalhan niya ito ng tinimpla niyang kape.

Cayson would pause from his work and would eat his dinner; at nananatili siya roon hanggang sa maubos nito ang pagkain. He said he liked it when he had someone he could talk to while he eats, sandali raw nitong nakakalimutan ang problema sa negosyo.

They became real friends. Kapag nag-uusap sila ay parang hindi sila nag-umpisa sa hindi maganda. She became his sounding board. Marami itong reklamo na sa kaniya lang sinasabi, tulad na lang ng tungkol sa ibang mga staff na kahit hindi na raw maayos ang trabaho ay hindi nito magawang paalisin dahil naaawa sa pamilya. Mayroon din na magku-kwento ito tungkol sa kung paano ang hirap na naranasan noong mag-isa itong namumuhay sa America. He said he didn't want to study business, but it was his late father's obsession so he had to do it.

Their conversation came and went normal. Like best friends. Parang hindi sila mag-asawa—which was totally fine with her dahil gusto niyang ma-develop ang ganoon sa pagitan nila. Para rin iyon sa anak nila balang araw.

Gusto niyang kahit dumating ang araw na kailangan na nilang maghiwalay ay manatili silang magkaibigan ni Cayson. She wanted their child to not feel bad about the separation; maghihiwalay man sila ay mananatili silang magkaibigan na nagtutulongan para palakihin ang anak nila.

And as for the sex? Well, sa nakalipas na mga araw ay wala nang nangyayaring ganoon.

He knew she started to feel uncomfortable, so Cayson wouldn't dare do anything.

Pero inaamin niya, nami-miss na rin niyang gawin ang mga bagay na dati nilang ginagawa. He taught her a lot about sex, and she was becoming a wanton. Pero ayaw niya ring pahirapan ang anak niya kaya ni-kontrol niya ang sariling damdamin.

She shouldn't let lust overpower her. No matter how much she wanted her husband.

***

LINGGO ng umaga, nagising siya ng bandang alas seis at ang kaniyang kamay ay awtomatikong inabot ang katabing unan. It had Cayson's smell, and she hugged it tightly. Alam niyang hindi na naman natulog doon si Cayson, pero naiwan ang amoy ng shampoo at sabon nito sa unan na iyon na kadalasan ay tig-tatlong araw bago pinapalitan, pero sa pagkakataong iyon ay sinabihan niya ang katulong na hayaan na muna. At least, kahit amoy nito ay makatabi niya sa pagtulog.

Bumangon siya at nag-stretching. She needed that to strengten her bones. Dumiretso siya sa banyo upang maghilamos at magsipilyo, saka siya nagbihis at lumabas ng silid. Nagtungo muna siya sa home office upang silipin si Cayson. Wala na ito sa couch, ang mga papeles ay nagkalat sa sahig, at ang laptop ay nasa carpet din. Muli niyang inisara ang pinto saka bumaba na.

Sa kusina ay inabutan niya ang mga katulong na naghahanda ng agahan. Binati siya ng mga ito na sinagot din niya ng pagbati. She was close to them. Hindi siya sanay na may katulong sa bahay, kaya itinuring niya ang mga itong tila tiyahin at pinsan lang din niya.

There were three maid in the mansion; si Aling Tessa, ang kusinera, si Jen na bata lang sa kaniya ng ilang taon; nakatoka sa paglilinis ng first floor, garden, at garahe. At si Sara, labingwalo at ginawang scholar ni Althea Montemayor sa MIC. She was working as a helper in the morning and studying a vocational course at night. Ang tanging trabaho nito ay maglaba at maglinis ng mga silid sa second floor, na natatapos nito ng kalahating araw lang kaya may oras pa itong matulog at mag-aral. Hindi ito required na gumising nang maaga tuwing weekdays, pero kapag weekend ay sadya itong umagang gumigising para tulungan ang mga kasama.

And she could feel that the maids liked her, too. They were so nice and attentive to her.

"May gusto po kayong almusal ngayong araw, Ma'am?" tanong ni Sara. Nagbabati ito ng itlog para sa gagawing omelette ni Aling Tessa.

"Kahit ano lang ang ihanda niyo ay kakainin ko, Sara," she answered smiling. "Hindi na maselan ang panlasa ko ngayon."

"Halata nga namin na kumakalma na kayo ngayon, Maam," komento naman ni Jen na abala sa paghihiwa ng mga prutas na paboritong i-almusal lagi ni Althea. "Hindi tulad noong nakaraan na madalas kayong magtalo ni—" Nahinto ito nang sumabat si Aling Tessa.

"Ay naku, hayan ka na naman, Jen. Natural sa mag-asawa ang may hindi pagkakaunawaan minsan, kaya tantanan mo na ang pag-o-obserba mo kina Maam Rome. Ikaw talagang bata ka..."

Natawa siya at itinuloy ang pagkuha ng cup para sa gagawing kape ni Cayson. Sa mga oras na iyon ay alam niya kung nasaan ang asawa.

"Pero napapansin nga namin, Miss Rome," bulong ni Aleng Tessa na tumabi pa sa kaniya saka banayad siyang siniku-siko sa braso. "Pansin naming nagiging mas sweet na kayo sa isa't isa ni Sir Cayson. Aba'y hindi na rin siya lumalabas, at hindi na siya tumatambay sa garden para tawagan ang isa sa mga babae niya."

"Kuuuu, eh mas tsismosa pa nga," buska ni Jen kay Aling Tessa na ikinatawa lang niya.

Hindi lingid sa kaniyang kaalaman ang madalas na pakikipag-usap ni Cayson sa mga babae nito sa cellphone kapag naroon ito sa hardin sa dis oras ng gabi. She knew it because she heard him one time.

But that was a long time ago. Iyong bago tuluyang lumobo ang tiyan niya.

At tama si Aling Tessa. Hindi na rin niya nakikita si Cayson na tumatambay sa garden para tawagan ang mga tsiks nito.

Well I guess, that's because he was busy the past few days, aniya sa isip.

"Tingnan mo nga 'yang si Maam at blooming," komento naman ni Sara. "Feeling ko, babae talaga ang magiging anak ninyo, Maam Rome."

"Lalaki," sabat naman ni Aling Tessa. "Aba'y bilog na bilog at matulis ang tiyan, lalaki 'yan 'pag ganiyan."

"Bakit niyo naman alam, Ate?" ani Jen. "Hindi naman kayo nag-kaanak? Tapos wala rin kayong asawa—nagka-jowa po ba kayo?"

"Ay, ewan ko sa'yo!" Banayad na hinampas ni Aling Tessa ng sandok si Jen na napa-igtad lang.

Natawa siya saka sinabi na sa mga itong ituloy na ang ginagawa. Maagang gigising si Althea Montemayor para magsimba sa second mass, kaya maya-maya ay bababa na iyon sigurado para mag-almusal.

Tulad ng madalas na niyang gawin sa umaga ay nag-brew siya ng kape, naghintay ng ilang minuto at nagtimpla. When the coffee was ready, she went out of the backdoor and walked towards the garage where she knew Cayson would be at the moment. Sa garahe ay may connecting door patungo sa personal gym nito.

Nang marating ang pinto ng gym ay kumatok siya at binuksan iyon. Nakita niya itong nakayuko sa sahig at nagpu-push up. Nang makita siya ay huminto ito saka tumayo. Pinagpagan muna nito ang suot na jogger pants saka nakangiting lumapit.

He wasn't wearing a top, at ang pawis nito mula sa noo pababa sa garter ng suot nitong pants na nababasa na rin ng pawis ay tila mga diyamanteng kumikinang at nagdadala ng maraming mahaharot na kaisipan sa kaniya.

Cayson Montemayor had a body any woman would drool over. Maswerte lahat ng nakatikim—at natikman nito.

Oh, Lord. Ayusin mo utak mo, Rome!

"Morning," aniya. "Kung hindi ka pa tapos ay iiwan ko na lang muna itong kape mo—"

"No, I'm done. I mean, patapos na rin ako nang dumating ka." Nang makalapit ay kinuha nito sa kaniya ang kape at humigop. He smiled, pleased.

"Kuhang-kuha mo na ang timpla ko."

"Araw-araw ko ba namang gawin eh."

"How was your sleep?" he asked, sipping his coffee again.

"Maayos naman. Pagising-gising pa rin dahil sipa nang sipa." Niyuko niya ang tiyan at hinimas-himas.

Si Cayson ay dinala rin ang isang kamay sa tiyan niya at dinama iyon. "He's behaved now."

"Baka inantok kaka-soccer sa tiyan ko kagabi."

He chuckled at her lame joke. Muli itong humigop at ibinalik ang pansin sa kaniya. "Do you have plans today?"

Umiling siya. "Pero meron bukas."

"Ano'ng meron bukas?"

"Schedule ng ultrasound. Don't worry kung hindi ka makasasama, alam kong marami kang kailangang tapusin. Magpapahatid na lang ako doon—"

"Are you crazy? Of course, I'll go with you. Matagal nang nasa calendar ko ang araw na iyon. I have cleared my schedule tomorrow, may sasalo sa trabaho ko."

"Really?" Oh, biglang nag-init ang magkabila niyang mga mata.

"Yeah. Akala ko lang ay may iba kang planong gawin bukas maliban doon kaya naitanong ko."

"Well, pwede siguradong pagkatapos nating manggaling sa clinic ay dumiretso tayo sa bahay para sabihin sa mga magulang ko ang gender ng baby?"

"That sounds good." Lumapit ito at inalalayan siya sa likod niya. "Let's go inside, maalikabok dito sa gym. Doon natin sa loob pag-usapan ang mga plano mong gawin bukas."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top