CHAPTER 072 - As Simple As That
NAGISING si Rome nang maramdaman ang pagbukas at pagsara ng pinto ng silid nilang mag-asawa. Pumihit siya paharap doon at nakita si Cayson na naghuhubad ng suot na jacket habang naglalakad patungo sa banyo. Bumangon siya at binuksan ang lamp.
"Hey..." aniya sa inaantok na tinig.
"Hey," sagot nito bago hinagis ang jacket sa sahig. Sunod nitong hinubad ang poloshirt na suot pa nito kanina sa kasal. "Go back to sleep, maliligo lang ako at aalis din kaagad."
"Anong oras na?"
"Almost five in the morning."
"Nakatulog ka ba?"
Sunod nitong binato sa sahig ang hinubad na poloshirt bago humakbang papasok sa banyo. "Hindi pa." He then opened the light and went in.
Mabilis siyang bumaba at sumunod dito bago pa man nito maisara ang pinto ng banyo. Inabutan niya itong ina-adjust ang tubig sa shower.
"Narinig ko mula kay Dudz ang nangyari sa Laguna. I'm so sorry to hear that, Cayson. Siguradong pagod at stressed ka ngayon..." Her gentleness and concern were undoubtedly genuine, at naramdaman iyon ni Cayson.
Napabuntonghininga ito at hinarap siya. Mababakas sa anyo nito ang labis na pagod.
"Gusto kong matulog pero kailangan kong asikasuhin ang lahat ng dapat kong asikasuhin sa opisina ngayong araw mismo."
"I... I understand. Maligo ka na at ipaghahanda kita ng kape."
Akma na siyang tatalikod nang magsalita ito. "Don't bother, I'm alright."
Huminto siya at muli itong hinarap. Pinagmasdan niya itong hubarin ang pantalon, at ihagis iyon sa sahig. Nang akma na nitong huhubarin ang panloob ay muli siya nitong sinulyapan.
Cayson smirked. "What, gusto mong mag-strip tease ako ngayon sa harapan mo?"
Huminga siya nang malalim. "I... saw you took a call from Samantha last night. Ang buong akala ko ay... isa sa mga babae mo."
Cayson's brows raised in amusement.
Nagpatuloy siya. "Nainis ako kasi akala ko, pauuwiin mo lang ako at iiwan lang din sa bahay para makipagkita sa babae mo. Which was okay sometimes, pero hindi kagabi dahil ayaw kong masira ang gabi ko..."
"At bakit masisira ang gabi mo?"
"I... I don't know..."
"Naging mabuti ang pakikitungo natin sa isa't isa sa loob ng ilang buwan, at minsan pa ay tinatrato nating parang tunay na mag-asawa ang isa't isa. But that doesn't mean our terms and conditions have changed, Rome. I can still do whatever I want to do and meet whoever I want to meet. You have no say to that."
Doon siya parang natauhan.
Tama ito. Walang nabago. At walang magbabago sa terms na iyon kahit pa magpanggap silang masaya sa isa't isa. And the sex they shared? It was just sex. At dahil wala namang nakasulat doon sa terms na bawal ang sex sa pagitan nilang dalawa, ay obligasyon niyang ibigay ang pangangailangan nito—at niya rito—bilang legal na mag-asawa.
Sex. Plain and simple. Kaya h'wag siyang gaga.
"You know what, Rome? Let's not talk when I'm tired. Nagiging bastos akong kausap kapag pagod. Now, please get out and close the door. Kailangan kong magmadali at marami pa akong aayusin sa opisina."
Tahimik siyang tumango at sinunod ang sinabi nito. Hinila niya ang pinto pasara saka paatras na humakbang. Matagal siyang naupo sa kama hanggang sa maranig na namatay ang shower.
Tumayo siya at ini-suot ang silk robe saka humakbang palabas ng silid. Dumiretso siya sa baba, doon sa kusina, kung saan niya inabutan ang dalawang katulong na nagkakape. Napatayo ang mga ito nang makita siya. Mukhang kagigising lang din ng mga ito at naghahanda na para sa buong araw na trabaho.
Ngumiti siya at sinenyasan ang mga itong bumalik sa pagkakaupo.
"Igagawa ko lang ng kape si Cayson. H'wag na po kayong tumayo."
"Tulungan ko na po kayo, Miss Rome," anang may edad nang katulong at kusinera rin sa mansion.
"Ay, ako na Ate Tessa. Alam ko na rin naman kung ano'ng timpla ang gusto niya."
Hindi na nagpumilit pa ang matanda at bumalik na sa pagkakaupo. Sa filter ng coffee maker ay naglagay siya ng barakong kape at ini-brew iyon. Sampung minuto ang lumipas at naihanda na niya ang kape. Bitbit ang tasa na nakapatong sa platito ay dinala niya ang kape sa labas ng kusina, at nang makita si Cayson na pababa ng hagdan, bihis na bihis na ulit at bitbit ang laptop bag nito, ay nahinto siya sa puno ng hagdan.
Nakita siya nito, at kinunutan pa ng noo nang mapatingin sa tasang dala niya.
Dalawang baitang bago ito tuluyang makababa ay huminto si Cayson at nagpakawala ng malalim na paghinga.
"I told you to—"
"This is the least I could do to help you. Mamaya ay antukin ka habang nagmamaneho at mapano ka pa. Eh 'di walang kagigisnang ama ang anak ko?"
Napailing ito sa pagkamangha at itinuloy na ang pagbaba. Huminto ito sa harap niya, ibinaba ang laptop bag sa isang baitang ng hagdan at kinuha sa kaniya ang tasa.
"Strong, no cream, and just a pint of sugar, hindi ba?"
Naligayan siya nang bahagyang ngumiti si Cayson. "Naalala mo pa?"
"Of course, 'yan ang madalas mong i-request noong nasa Bali pa tayo. Kung hindi ka pa maaga laging nagigising para mag-work out at gumawa ng kape mo ay ako ang gagawa no'n sa paggising ko."
Hindi na ito nagsalita pa at humigop na ng kapeng tinimpla niya. Muli itong napangiti—na bagaman halata sa anyo nito ang labis na pagod ay nagawa pa rin siyang bigyan. "It tastes like how I wanted it." He sipped one more time, and then more. Hanggang sa mangalahati iyon at ibinalik sa kaniya. "I really need to hurry, naghihintay na sila sa akin sa opisina."
"Pero mag-a-alas seis pa lang?"
"Early meeting with the staff, and then we'll travel back to Laguna. Kasama ko si Dudz." Muli nitong kinuha ang laptop bag at tumalikod na.
Nakasunod lang ang tingin niya hanggang sa huminto ito matapos ang tatlong hakbang. Lumingon ito, sandaling nag-alinlangan, bago pumihit pabalik sa kaniya.
Sa gulat niya ay yumuko ito at dinampian siya ng banayad na halik sa mga labi. It was so brief yet so passionate.
"Thank you for the coffee," he whispered and smiled. "I'll see you tonight."
At parang timang lang... ay naligayahan na siya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top