CHAPTER 071 - Samantha







SI BARON ay kinunutan ng noo nang marinig ang sinabi ni Cayson. Pinaglipat-lipat nito ang tingin sa kanilang dalawa, naguguluhan.

Tumikhim siya at hinarap si Cayson. "Mauna na kayo nina Lola. Sasabay na ako kina Mama at Papa mamaya."

Doon naman kinunutan ng noo ang asawa. Halatang hindi nito nagustuhan ang sinabi niya.

"Why are you staying?" he asked.

"Dahil gusto ko." Iuuwi mo lang naman ako sa bahay at iiwan din dahil kunwari, pupunta ka sa opisina pero ang totoo ay kikitain mo si Samantha. H'wag nga ako, Cayson. Gawain ko rin 'yan noong kami pa ni Baron! she wanted to add, but she pressed her lips instead. Ayaw niyang ipakita kay Baron kung gaano siya ka-miserable dahil sa sitwasyon nila ng legal na asawa.

Cayson's jaw flexed. At nagtaka siya dahil matagal-tagal na rin simula nang magpakita ito ng galit sa kaniya.

Galit?

Bakit ito magagalit?

"Kaya ka ba magpapaiwan dahil sa kaniya?" tanong pa ni Cayson na sandaling tinapunan ng tingin si Baron bago ibinalik ang pansin sa kaniya.

Huminga siya nang malalim, napa-iling sa pagkamangha. Pero imbes na sagutin si Cayson ay muli niyang hinarap si Baron.

"I'm sorry you have to see this."

"I'm... confused, Rome—"

"He is my husband," she said. "And he's a jealous one kaya pagpasensyahan mo na. See you around, Baron."

Walang ibang salita na iniwan niya ang dalawa.

At tulad ng inasahan niya ay sumunod sa kaniya si Cayson. Bago pa nila marating ang reception area ay nahuli na nito ang kamay niya. Huminto siya at muli itong hinarap.

"I wasn't jealous, don't flatter yourself."

"OK," ang tanging sagot niya bago binawi ang kamay mula rito. "Pero sana ay hindi ka umakto ng ganoon sa harap ng tao."

"You didn't expect me to be nice to your ex-boyfriend?"

"Kung wala naman siyang ginagawang masama sa'yo—o sa akin—bakit hindi? Unless nagseselos ka? Na sabi mo nga ay hindi, kaya ano ang problema?"

Wala itong naisagot. Subalit nakikita pa rin niya sa mukha nito ang inis. Na hindi niya maintindihan kung bakit ganoong ini-tanggi rin naman nitong hindi ito nagseselos.

Asa pa siya.

Huminga siya nang malalim; ang kaniyang tingin ay nalipat sa likuran ni Cayson kung saan nakita niya si Baron na nakasunod pa rin ang tingin sa kanilang dalawa. Ang mga kilay nito'y magkasalubong sa pagtataka.

"Kilala ba ng mga magulang mo ang lalaking iyon?"

Ibinalik niya ang tingin kay Cayson nang marinig ang sinabi nito. This time, his face went blank.

"No. I kept my relationship with him a secret." Hindi na niya kailangang sabihin pa rito na maaaring makilala ito ng papa niya.

"No one knew that guy?"

Umiling siya. Gusto niyang matapos na ang usapang iyon tungkol kay Baron. Ang lakas ng loob nitong kwestyunin siya tungkol sa ex niya samantalang ito'y malayang nakikipagharutan sa mga babae gamit ang cellphone nito?

"Okay." Binitiwan siya nito. "Magpaiwan ka kung gusto mo, hindi kita pipigilan. Aalis kami ni Lola. Magpahatid ka na lang sa mansion mamaya."

Wala na siyang naisagot nang tumalikod na ito at iniwan siya.

Kay lamig na naman ng turing nito sa kaniya na para siyang may ginawang mali.

Isang mahabang buntonghininga ang pinakawalan niya bago tinapunan ng tingin si Baron, ningitian, saka tumalikod na upang bumalik sa mesa nila.

Habang papalapit ay naghanda siya ng huwad na ngiti. Kailangan niyang mag-isip ng dahilan para magpaiwan. Ayaw niyang sumabay pauwi dahil malibang maaga pa ay kasal ng kapatid niya—she didn't want to miss anything. Plus the fact na iiwan lang din siya ng loko roon sa mansion para pumunta sa 'opisina' nito.

*
*

SHE GOT home at 10PM. Inihatid siya ni Dudz na dala-dala ang sasakyan ng papa nito, at kasama niya sa loob ng kotse ang Tita Marites niya at ang Tito Raul niya. Ang Mama at Papa niya ay nagpaiwan pa kasama ang tatlong mga tiyahin niya. Kung hindi pa nagsabi ang mama niya na umuwi na rin siya at magpahinga dahil makasasama sa kaniya ang pagpupuyat ay hindi pa sana siya aalis doon.

Nagpresenta naman si Dudz na ihatid siya, sa pagtataka niya.

"Maraming salamat sa paghatid, Dudz. Ili-libre kita ng lunch sa buffet sa susunod na magkita tayo," aniya sa pinsan na bumaba pa para alalayan siya.

Kumuway sa kaniya ang Tito Raul niya na nakaupo sa front seat, habang ang Tita Marites naman niya na katabi niya kanina ay nagsalita. "Ingatan mo ang sarili mo at maselan na ang pagbubuntis sa ika-limang buwan. The baby starts to develop it's body, magalaw na. Delikado kapag nadapa ka o nababangga sa mga mesa. Be careful, Rosenda."

"I will, Tita. Salamat po sa paalala."

Inalalayan siya ni Dudz hanggang sa marating nila ang gate. Dudz pressed the buzzer, and as they wait, he spoke to her.

"Buti at nakadalo si Boss Cayson sa kasal. Ang daming problema ngayon sa opisina, dumarami na ang kompetisyon ng Montemayor Travellers; may mga bagong tayong taxi companies na hahamunin ang kompanya ng asawa mo. Magiging abala 'yon sa susunod na mga linggo."

Natural na i-cover ni Dudz si Cayson, kaibigan niya ito eh. Pero hahayaan ba ni Dudz na lokohin siya ni Cayson at makipag-sabwatan sa kaibigan para ilihim ang pambababae nito? Dudz did not know the truth, siguradong hindi nito papayagang gawin sa kaniya ni Cayson iyon?

Bumukas ang gate at iniluwa ang isang katulong na nakangiti silang binati.

"Nakauwi na ba si Cayson?" tanong niya rito.

"Hindi pa po, Maam. Hindi po ba kayo magkasama?"

Napabuntonghininga siya at umiling. Mukhang doon kay Samantha mananatili si Cayson sa gabing iyon.

"Naku, Rosenda, h'wag mo nang asahang umuwi 'yon ngayong gabi. Baka umagahin na 'yon. Nasunog ang parking lot sa Laguna at kinain ng apoy ang nasa mahigit dalawampung pampasaherong sasakyan ng MT. Iyon ang aasikasuhin ni Cayson ngayon—hindi ba niya nasabi sa'yo?"

Gusto niyang umismid. Pero sinakyan niya ang sinabi ni Dudz.

"Cayson mentioned that there was an emergency, pero hindi na ako nagtanong pa."

"Yeah, nag-send ng alert si Samantha sa group chat namin para ipagbigay-alam sa lahat ang nangyari. Hindi lang si Cayson ang pupunta sa Laguna para asikasuhin 'yon. Marami sa mga staff ng main office ang bi-biyahe ngayong gabi para samahan si Cayson sa Laguna. Sinabihan ko nga na sasama ako, pero—"

"Wait—" Idinikit niya ang hintuturo sa bibig ni Dudz para patigilin ito sa pagsasalita. "Samantha?"

Inalis ni Dudz ang daliri niya sa bibig nito. "Yeah, si Samantha. Siya ang operation's manager ng Laguna Branch."

"Oh."

"Bakit?"

Umiling siya. "This... Samantha. Is she married?"

Sandaling nag-isip si Dudz at sinuri siya ng tingin. Nang mapagtanto nito kung ano ang nangyayari sa kaniya ay natawa ito. Kinunutan siya ng noo sa pagtataka.

"Aaahhh... Pinagseselosan mo si Samantha. Kaya pala ganoon ang tawag sa'yo ni Cayson kanina."

"Tawag? Ano'ng tawag?"

Tumigil si Dudz sa pagtawa at sinagot ang unang tanong niya. "Samantha is gay. His real name is Samuel, at isa siya sa mga kasamahan namin noon sa basketball team. Lumadlad lang noong nagtapos kami sa college. Diyos mio, Rosenda Marie, magseselos ka ron eh mas malaki pa ang katawan no'n sa akin."

Sumimangot siya—upang pagtakpan ang ginhawang naramdaman.

"Bakit kasi Samantha ang naka-save na pangalan niya sa phone ni Cayson..." bubulung-bulong niya.

"Eh kapag kasi Samuel, baka sabunutan kami ng gagong 'yon."

Lalong humaba ang nguso niya. "Anong sinasabi mo kanina na tawag ni Cayson sa akin?"

Muli itong natawa. "Kanina, bago siya umalis, ay nilapitan niya ako. Ihatid ko raw pauwi ang asawa niyang malakas ang toyo."

Parang hinaplos ang puso niya na hindi niya magawang mapikon sa pagtawa ni Dudz sa kaniya. Cayson was thoughtful, at naisip pa rin siya nito kahit nilalamon na ng apoy ang negosyo nito sa Laguna.

At tama ito—ang lakas ng toyo niya.

Pero kung tatanongin naman kasi niya ito tungkol kay Samantha, ay nag-aalala siyang baka hind sila magkaintindihan!

"Pinagselosan mo ba si Samantha? Aba, siguradong matutuwa si Sam 'pag nalaman niya 'to."

"Ewan ko sa inyong magkakaibigan," aniya saka tumalikod na at pumasok sa gate. "Mag-ingat ka sa pagmamaneho, ha. Hindi ka pa nag-aasawa."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top