CHAPTER 069 - Small World



MASIGABONG palakpakan ang namayani sa buong events hall ng Diamond Hotel kung saan ginanap ang wedding reception nang pumasok doon ang bagong kasal; magkahawak ang mga kamay at malapad na nakangiti. Masaya ang lahat na bumati habang naglalakad ang mga ito patungo sa 'sweetheart table' ng mga ito.

Ang bawat parte ng entourage ay may kani-kanilang entrance song; ang iba'y sumayaw pa, habang ang iba'y nahihiyang naglakad patungo sa table ng mga ito.

Dinner was served to everyone, at habang kumakain ay may pumapainlanlang na musika sa ere. At habang kumakain ang mga bisita ay pinili ng mga newly-weds na lapitan isa-isa ang mga table upang kumustahin at kausapin ang mga bisita.

Matapos ang dinner ay nag-umpisang magsayaw sa saliw ng isang romantic song ang bagong kasal. Makalipas ang first dance ay lumapit ang papa nila at sandaling kinuha si Connie kay Jack. It was the father and daughter dance of the night.

She watched in teary-eyes. Labis siyang natutuwa sa nakikita at hindi niya mapigilan na maiyak. Nang mapatingin siya sa mesa ng kaniyang ina ay napangiti siya nang makitang tulad niya ay iyak din ito nang iyak.

Ibinalik niya ang tingin sa papa niya at kay Connie, at habang pinapanood ang mga itong nag-uusap habang nagsasayaw sa gitna ay may napansin siya.

The song was actually sung live. It wasn't played via disc. Hindi niya naalalang nag-organisa sila ng live singer? Maybe Jack hired the man?

Hinanap niya ng tingin ang singer na lalaki dahil may kung anong familiarity siyang nakapa sa dibdib habang pinakikinggan ito sa pagkanta. Nang dumapo ang kaniyang tingin sa makeshift stage katabi ng DJ booth hindi kalayuan sa table ng mga newly weds ay nagulantang siya sa nakita.

The singer was none other than Baron.

***

"WHAT did I miss?" ani Cayson nang bumalik sa table nila. Ipinatong nito ang cellphone sa ibabaw ng table at naupo sa tabi niya.

Hindi niya magawang lingunin ang asawa. Ang kaniyang tingin ay tutok na tutok pa rin kay Baron na sa mga sandaling iyon ay nakangiting kinakanta ang awiting Daddy's Little Girl ni Michael Bublé . She stared at the man with fascination. Hindi niya inakalang muli itong makikita matapos ang gabing iyon sa party ni Cayson—ang nakagugulat pa ay sa kasal ng kapatid niya!

Who booked this guy? she thought.

Kahit hindi kilala ni Connie sa itsura si Baron ay alam nito ang kompletong pangalan ng lalaki. Her sister would surely not book this guy had she known it.

Baka si Jack? O baka ang pangalan ng banda ang dala ng mga ito kaya hindi napansin ni Connie?

Either way, hindi niya gustong magkaharap sila nito. Oh, not now. Not in this place.

Wala siyang pakealam kung makita nitong buntis siya, ang inaalala niya ay ang mga magulang. Nakita silang minsan ng papa niya sa isang mall sa Pasay, noong tumakas siya upang makipagkita sa nobyo. Paano kung makilala nito si Baron? Matalas pa naman ang memorya ng papa niya.

Pero hiling niya'y hindi pa nito maalala. Although she knew her father wouldn't make a scene, ayaw niyang masira ang masayang araw na iyon dahil lang sa muling pag-krus ng landas nila ng dating nobyo.

"Why are you so pale?"

Napaigtad siya nang muling marinig ang tinig ni Cayson. Tila roon lang niya napagtantong naroon ito. Mangha niyang nilingon ang asawa; hindi alam kung papaano aayusin ang ekspresyon sa mukha.

Si Cayson ay lalong kinunutan ng noo.

Oh, makikilala pa kaya nito ang singer na nagperform noong nakaraang birthday nito? Nasabi na niya rito minsan na ang singer na iyon ang ex-boyfriend niya—siguradong maaalala pa nito iyon!

Pero... may pakealam ba si Cayson?

"Masama ba ang pakiramdam mo?"

Mukhang hindi pa nito nakikita ang performer sa mga sandaling iyon...

"Ano'ng problema, Rome?" nag-aalala ring tanong ni Althea nang makita ang pamumutla niya. Kasama nila ito sa mesa, pati na ang dalawang head teachers ng MIC.

Pilit siyang ngumiti. "I'm—I'm alright."

"You don't look alright," sabi pa ni Cayson na salubong pa rin ang mga kilay. She appreciated the fact that he was worried about her, hiling lang niya ay hindi iyon pagpapanggap dahil kaharap nila ang lola nito.

Oh well, sa nakalipas na mga buwan ay naging maayos ang pakikitungo nito sa kaniya kahit hindi nakaharap ang lola nito. Sa tingin niya'y totoong nag-aalala ang asawa niya.

Muli siyang napangiti saka tumango. "Bigla lang siyang sumipa," dahilan niya saka hinagod ang may kalakihan nang tiyan.

Doon lumambot ang anyo ni Cayson. Ang tingin nito ay bumaba sa tiyan niya. Kahit si Althea ay nakahinga rin nang malalim, at ang pag-aalala ay napalis na rin.

"Masakit ba kapag ginagawa niya iyon?" Cayson asked tenderly. Ang isang kamay nito'y umangat at dinama rin ang kaniyang tiyan.

Saktong noong ginawa iyon ni Cayson ay sumipa nga ang bata sa kaniyang sinapupunan. At saktong doon mismo sa palad ng ama.

Nagkatinginan sila, at sabay na natawa.

"He kicks hard," Cayson said, laughing.

Si Althea na nakangiting nakamasid sa kanila ay nagsalita. "Alam na ba ninyo kung ano ang kasarian ng bata?"

"Hindi pa po, Gran," she answered. "Next week pa po ang schedule namin for an ultrasound."

"Oh, I can't wait!" anito. Ang mga mata'y tila mga diyamante na kuminang sa labis na kaligayahan. "Ano sa tingin mo ang magiging anak ninyo, Rome? Do you feel like it's a boy?"

Tumango siya. "I could feel it, Gran. Besides, marami ang nagsasabi sa akin na sa hulma raw ng tiyan ko ay mukhang lalaki. But we never know—hintayin natin ang ultrasound."

Lalong nagningning ang mga mata ni Althea. "Oh, kahit ano ang gender ay siguradong mabubusog siya sa pagmamahal. This baby would be the luckiest in the world!"

Hindi na siya nakasagot pa nang maramdam ang muling paghagod ni Cayson sa kaniyang tiyan. Nang lingunin niya ang asawa ay nakita niya itong nakatitig sa tiyan niya, ang mga mata'y malamlam, ang mga labi'y bahagyang nakangiti, at ang anyo'y payapa. He looked happy—or so she assumed.

Hindi na bago sa kaniya na hawakan ni Cayson ang kaniyang tiyan. Simula nang lumobo iyon ay madalas nito iyong hawakan, lalo na noong nag-umpisang sumipa ang bata. Sa gabi, kapag nakahanda na silang matulog ay nakahawak ang isang palad nito roon habang nag-uusap sila tungkol sa nangyari sa mga araw nila, hanggang sa tuluyan itong hilahin ng antok. At sa maraming pagkakataon ay nagiging emosyonal siya kapag nakikita iyon.

She's certain that Cayson would be a protective father.

Sana lang ay....

Huminga siya nang malalim at lihim na ipinilig ang ulo upang alisin sa isip ang huling ideya na pumasok. Ayaw niyang umasa. Ayaw niyang saktan ang sarili sa pagdating ng araw na kailangan na nilang maghiwalay.

Ang dalawang headteachers ng MIC na kanina pa nakangiting nakamasid din sa kanila ay hindi na napigilang mag-komento.

"You look good together," Mrs. Alcaraz said. She was one of the pioneer teachers of MIC. Nasa si-senta na ang edad nito at malapit na ring mag-retire. She was one of Althea's good friends.

Si Mrs. Ocampo naman, na siyang guidance counselor ng school at malapit ding kaibigan ni Althea ay nagtanong. "Are you two planning to have a church wedding?"

Muli niyang sinulyapan si Cayson na lumingon sa matanda ay bahaw na ngumiti. "Probably not, Ma'am. Rome and I liked our wedding—simple and private."

Akala mo lang 'yon.... aniya sa isip saka lihim na lumabi. Mukha nga talagang hindi niya mararanasan ang church wedding sa buhay niya na iyon.

Better luck next lifetime, Rome... she said in her mind again.

"Sabagay," sagot naman ni Mrs. Alcaraz sa sinabi ni Cayson. "Hindi naman mahalaga kung anong klase ng kasal mayroon sila. Ang importante ay kung papaano nila dalhin ang pagsasama nila bilang mag-asawa. And by looking at them now, I could say they are both happy."

Muli siyang napatingin kay Cayson at pinagmasdan ito habang magiliw na nakikipag-usap sa dalawang matandang guro. Oh, ang galing nitong makisama. Hindi na siya nagtataka kung bakit maliban sa mga babae ay marami rin itong nahahakot na kliyente. He was good with words. A trait only great businessmen had.

Naalis lang ang tingin niya sa asawa nang sakuping muli ng tugtugin ang pansin niya. Doon niya naalala si Baron. Napatingin siya sa stage hindi kalayuan sa mesa ng bagong kasal at nakitang naroon pa rin ito at nagpe-perform. Iba na ang kanta nito, and he was singing for the newlyweds.

Oh, sana lang talaga ay hindi siya nito makita.

Nagbawi siya ng tingin at niyuko ang pagkain na lumamig na dahil sa lakas ng AC. Buti na lang at may dala siyang coat, hindi siya gaanong nilamig. But still, being pregnant made her visit the restroom more often than normal. At naramdaman na naman niya ang pantog niya.

She was about to excuse herself when suddenly, Cayson's phone vibrated. At dahil hindi naman iyon nakataob ay nagawa niyang mahuli ng tingin ang pangalan ng caller bago iyon dinampot ng asawa.

Samantha.

Of course, one of his women.

Inasahan niyang hindi sasagutin ni Cayson ang tawag na iyon. He was having a conversation with his grandmother and two other older ladies, and they seem to enjoy the topic. Hindi naman siguro ito tatayo para magpaumanhin at kausapin ang babae nito, ano?

"Gran, excuse me for a bit. This is an important call I need to take."

Oh.

Pakiramdam niya ay may malaking bloke ng bato na bumagsak sa kaniya at naipit siya. She felt so heavy... Parang may kung anong matulis na bagay ang tumusok sa dibdib niya.

Bakit ganoon?

Normal pa bang maramdaman niya ang ganoon kay Cayson?

"I'll be back," bulong nito sa kaniya bago siya dinampian kunwari ng banayad na halik sa pisngi.

Sinundan niya ito ng tingin hanggang sa makalabas ito sa reception area patungo sa veranda.

Ganoon ka-espesyal ang Samantha na iyon para tumayo si Cayson at alisan ang mga kausap? Hindi kaya ang Samantha rin na iyon ang kausap nito sa ilang beses na pagsagot nito ng tawag, at ang ka-text nito kanina sa simbahan?

Oh, kay bigat ng pakiramdam niya. At mukhang naramdaman iyon ng anak niya dahil sunud-sunod itong sumipa na ikina-ngiwi niya. Lalo tuloy siyang naihi.

"Excuse me po, restroom lang ako," aniya sa mga kasama bago tumayo at payukong naglakad patungong restroom. Ayaw niyang makita ng mga kakilala na namumula ang pisngi niya sa sama ng loob.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top