CHAPTER 063 - The Closer They Get...
"GUSTO ko ng mango ice cream. 'Yong tunaw at may real mango tidbits."
Nagmulat ng mga mata si Cayson ay salubong ang mga kilay na tinitigan siya. Nakadapa ito sa kama at naka-unan ang ulo sa mga braso. He was dozing off when she spoke. "What?"
"You heard me."
Ini-angat nito ang katawan at sinulyapan ang oras sa suot na Swiss watch. Nagpakawala ito ng malalim na paghinga bago nahigang muli at ipinikit ang mga mata. "It's 1AM, Rome."
"I know. Pero gutom ako kaya hindi ako makatulog. And I crave mango ice cream."
"I don't think may bukas pang grocery store sa area na ito sa ganitong oras. Just order something from the hotel restaurant, they are open 24 hours. Bukas ng umaga ay ibibili kita ng isang galon." Muli nitong ipinikit ang mga mata.
Napanguso siya. Tila may kung anong bumara sa lalamunan niya at ang kaniyang mga mata'y tila napuwing kaya siya pinamunuan ng luha. Hinigpitan niya ang pagkakatali ng robang inisuot niya, sumandal sa headboard ng kama saka nakabusangot na itinuon ang pansin sa bintana.
Earlier that evening, she and Cayson had sex.
Yeah, she would call it sex because it was purely initiated by lust. There were no feelings involved.
Yeah, no feelings involved...
May kung anong ligayang nihatid sa kaniya ang nangyaring iyon, at ang buong akala niya'y mako-kntento na siya sa isa. But minutes after their first intercourse, her body started to burn again. So hard she couldn't help but speak to Cayson about it.
Ang lapad naman ng ngisi nito matapos niyang sabihin kung ano ang nararamdaman, at tila uhaw na uhaw na inumpisahan na naman siyang paligayahin. They had sex again, for the second time that night. And the foreplay was longer than the first one. Sa ikalawang pagkakataon ding iyon ay binigyan siya ni Cayson ng pagkakataong pumaibabaw upang ma-kontrol niya ang tempo na gusto niya. She rode him like a crazy cowgirl—and the fact that it was her first time riding a man surprised him. He commended her, saying she was unbelievably good.
Hindi rin niya alam kung saan niya nakuha ang tamang paraan upang gawin iyon. Hindi naman siya nanonood ng mga porn videos, lalong-lalo na wala naman siyang karanasan sa mga ganoon. Pero kahit siya ay nagulat sa galing niya.
At pakiramdam niya ay expert na siya.
And she rode Cayson until they both reached climax—the very same time. Ramdam pa rin niya sa balakang niya ang higpit ng pagkakahapit nito roon nang marating nilang pareho ang sukdulan. Halos bumaon ang mga daliri nito sa katawan niya—at kung kailan tapos na ay saka lang niya naramdaman ang pagkirot niyon.
She laid down on his body, and he hugged her so tight. Makalipas ang ilang sandali ay naramdaman na lang niya ang payapa nitong paghinga, kaya bumangon siya upang hayaan itong makatulog. Pumasok siya sa banyo, naligo at nagpatuyo ng buhok. At habang nasa harap siya ng salamin ay pumasok sa isip niya ang tungkol sa mango ice cream, iyong tunaw at may halo pang kinayod na mangga. Tila niya nalasahan ang linamnam niyon sa kaniyang dila, kaya naglaway siya. At noong lumabas siya sa banyo ay nahiga siyang muli sa tabi ni Cayson at sinabi ang nasa isip.
But then—Cayson wasn't willing to get up and buy her what she craved for. Ganoon ito ka-pagod? Aba'y siya itong pumaibabaw sa ikalawang pagkakataon, ah?
Muli niyang nilingon si Cayson at in-ismiran. At habang pinagmamasdan niya ang mukha nito'y... unti-unti siyang kumakalma.
Isang buntonghininga na lang ang pinakawalan niya bago nagbawi ng tingin.
Hindi mawala-wala sa isip niya ang mango ice cream, at mukhang hindi siya makatutulog nang hindi nakakain iyon.
Muling nanakit ang lalamunan niya sa pinipigil na pag-iyak. Naiinis siyang isipin na hindi makain ang gusto. Tila kay bigat ng dibdib niya. Tila nais niyang magwala.
"Fine," ani Cayson na ikinalingon niyang muli rito. Nakita niyang tumihaya ito, nagmulat ng mga mata saka sinulyapan siya. "Take that frown off your face, lalabas ako para maghanap ng gusto mong pagkain."
Napangiti siya at sinundan ito ng tingin hanggang sa makabangon ito at humakbang patungong banyo. Subalit ang ngiting iyon ay napawi nang bumaba ang kaniyang mga mata sa hubad nitong katawan.
Mariin siya napalunok—bumalik sa isip ang tungkol sa nangyari sa kanila wala pang isang oras ang nagdaan. May kung anong init na naman ang bumangon sa kaniyang katawan, kasunod ng pagtayuan ng kaniyang mga balahibo. May kung anong init ang dumaloy mula sa kaniyang puson pababa sa kaniyang pagkababae.
Geez... What's happening with my body? Tama pa ba ito?
Hind siya maaaring magpalamon sa init na nararamdaman ng kaniyang katawan. Tama na 'yong pangalawang beses na siya ang nagyaya at pumaibabaw. Kapag nalaman ni Cayson na may kung anong nararamdaman na naman siya ay bago katiyawan na siya nito.
Ibinaling niya sa iba ang isip. Kinuha niya ang remote control sa ibabaw ng side table at binuksan ang TV. May bagong Western film na naman sa kaparehong channel kung saan niya pinanood ang pelikulang inabutan kanina ni Cayson. This time, it was an action film.
She had no interest in action films, but she had to distract herself from thinking about sex. More sex. Unlimited sex.
Makalipas pa ang ilang minuto ay lumabas na ng banyo si Cayson—sa gilid ng kaniyang tingin ay nakita niyang nakahubad itong naglakad patungo sa closet at naghanap ng maisusuot. Pinanatili niya ang tingin sa TV, at habang nagkukunwari siyang nanood ay biglang tumunog ang hotel landline. Lumapit siya roon saka sinagot.
Sa kabilang linya ay ang hotel staff—hinahanap nito si Cayson. Doon na siya napilitang sulyapan ang asawa na ngayon ay nagsusuot na ng panibagong Khaki shorts. He was looking for a shirt when she called him.
"Ikaw ang hinahanap."
"For a sec." May nahugot itong puting T-shirt saka naglakad patungo sa kama. Ini-abot niya rito ang telepono habang disimuladong iniiwas ang tingin sa hubad nitong dibdib.
Ilang sandali pa'y nakikipag-usap na ito sa hotel staff, at makalipas ang ilang segundo'y ibinaba na nito ang telepono pabalik sa craddle. Mabilis nitong inisuot ang T-shirt, saka hinablot ang keycard na nasa side table.
"The police station called, nasa possession na raw nila ang nakuhang wallet at cellphone ko. Pupunta muna ako roon, saka ako maghahanap ng pagkaing gusto mo. I won't be long." Akma na itong tatalikod nang mahinto at muli siyang sinulyapan. Akala niya ay may kung anong nakalimutan itong sabihin, pero anong pagkamangha niya nang ngumisi ito, lumapit, yumuko at dinampian siya ng halik sa mga labi.
Oh, pakiramdam niya'y nag-awitan ang mga anghel sa langit nang gawin iyon ni Cayson. Mukhang naligayahan ang anak nila...
"See you soon," he said before turning his back on her. Hanggang sa tuluyang makalabas si Cayson ay nanatiling nakapako ang kaniyang tingin sa pinto.
Ilang sandali pa'y napangiti siya saka dinama ang mga labi.
*
*
*
"AYAW nila Mama at Papa na tawagan kita para kumustahin dahil pribadong sandali raw ito para sa inyo ni Cayson. Ugh, I know the real score between you two, kaya heto ako ngayon. How are you doing?"
It was Connie, giving her a call to one of her social media accounts. Nasa tinig ng kapatid ang pag-aalala, at nako-konsensiya siya dahil hindi man lang niya nagawang tawagan ito para i-update tungkol sa kasalukuyan niyang sitwasyon.
It was the last day of their Bali trip, she and Cayson went to the beach for the final day of surfing. Nanatili sila roon hanggang alas cuatro ng hapon at bumiyahe na pabalik sa hotel para maghanda sa ini-reserve nitong dinner sa isang kilalang beach club.
"Rome, narinig mo ba ang sinabi ko?" pukaw ni Connie sa pananahimik niya. Nasa harap siya ng bintana ng kwarto nila; she was ready to leave, habang si Cayson naman ay naliligo pa sa banyo.
"I'm all good, Cons. H'wag kang mag-alala."
Sandaling natahimik ang kapatid, at kung hindi pa niya naririnig ang sa kabilang linya ay iisipin niyang naputol na ang tawag.
"Hello? Cons?"
"Something's different about your voice."
Bahaw siyang natawa sa sinabi nito. "Parang timang 'to."
""Di nga? Bakit parang may nag-iba sa'yo?"
"I don't know what you mean."
"Maliban sa boses mo ay may nag-iba rin sa pakikipag-usap mo sa akin. Nasaan na 'yong reklamo, panggagalaiti, at inis na kwento mo tungkol sa araw-araw na kasama mo 'yang si Cayson Montemayor? I was expecting to hear frustrated stories from you. Bakit ngayon ay parang wala kang masabi?"
"Well..." She cleared her throat. "Well..."
"Well, what?"
"Cayson and I are..." She trailed off. Pinag-isipang mabuti kung sasabihin sa kapatid ang nangyari.
Of course, not the erotic part, but the friendship she and Cayson were building.
"Come on, Rome! Bakit ba ako kinakabahan sa pa-ganiyan-ganiyan mo?" Nahimigan niya ang inis sa tinig ni Connie, kaya napakagat-labi siya.
"Kasi... Cayson and I are..."
Hindi niya natuloy ang sasabihin nang mapaigtad siya matapos maramdaman ang mga kamay ni Cayson sa bewang niya. Gumapang iyon mula roon patungo sa puson niya, kasunod ng pagyuko nito at paghalik sa balikat niya.
"Who is that?" tanong nito habang ang mga labi ay umaakyat sa kaniyang leeg.
Bigla siyang nataranta at tinapos ang tawag. Hinarap niya si Cayson, at ang akmang pagyaya niya rito na umalis ay naudlot nang makitang hindi pa rin ito bihis. What's worse was he wasn't wearing anything!
He was naked from the top of his head down to his toes! Ang kaniyang mga mata ay nanlaki pa nang makita ang matayog na bagay sa pagitan ng mga binti nito. The son of a gun was aroused!
Biglang tumahip nang malakas ang kaniyang dibdib—excitement ran through her nerves.
Diyos mio, bakit parang nagiging manyak na ako?
Niyuko ni Cayson ang sarili—sinulyapan ang bagay na hindi na ma-kalma, saka na-maywang.
"It wants you," he said, grinning.
Hindi niya alam kung papaano tugunan ang sinabi nito. She was lost for words.
Hanggang sa tumunog ang kaniyang cellphone—and again, it was Connie. At dahil ayaw niyang magmukhang loka na nakatulala lang sa nagagalit na parte ng katawan ni Cayson, ay sinagot niya ang tawag.
"Yes, Con—"
"Oh my God, Rosenda Marie! Please don't tell me you are not falling for that man's seductions!"
Nailayo niya ang cellphone mula sa tenga sa lakas ng boses ng kapatid. Nagsisisigaw ito na tila wala sa school.
"What's wrong?" si Cayson na kinunutan ng noo.
"It's Connie—sine-sermunan ako."
"Why?"
Kunwari ay nagkibit-balikat siya, bago ibinalik ang cellphone sa tenga.
"Naiintindihan mo ba ang sinabi ko, Rome? Nakikinig ka ba?"
"Hindi ko narinig, Connie, sorry. Pwedeng—"
"Diyos ko naman, Rosenda! Ano'ng ginawa sa 'yo ni Cayson, ha? Kaya ba parang may kakaiba sa 'yo ngayon? Sa loob ng pitong araw ay nakalimutan mo na kaagad ang inis mo sa kaniya?"
"What do you want me to do, Connie?" she said frustratingly.
"Do not fall in love with him! Alam mo kung ako ang reputasyon niya sa mga babae, Rome! Kapag nahulog ka riyan, at naghiwalay kayo, ano ang gagawin mo?"
Napabuntonghininga siya, at dahil kaharap niya si Cayson ay malinaw niyang nakikita ang reaksyon nito habang pinagmamasdan siya.
"Don't worry about me, Connie. I'll be fine—"
"Yeah, sabihin mo 'yan sa akin kapag dumating na ang araw na iiyak-iyak ka kasi nahulog ka na sa kaniya at nahuli mo siyang may nakapilang mga babae sa tabi!"
The call ended there.
Napabuntonghininga siya saka ini-itsa ang cellphone sa side table hindi kalayuan sa kaniya.
She understood why her sister was reacting that way. Nag-aalala lang ito sa kaniya. Pero alam din naman niya kung ano ang reputasyon ni Cayson.
She wouldn't fall in love with him. As much as possible, she didn't want to fall for him. For her own good.
Pag-uwi niya ay ipaliliwanag niya kay Connie ang lahat. Na nagkaayos sila ni Cayson at nagpasiyang maging magkaibigan para sa bata, at na kung may nangyayari mang kababalaghan sa kanila ng lalaki, iyon ay dahil sa pinaglilihian niya ito. That she wanted him and his attention so badly that she wouldn't eat and sleep without him by her side.
Sana lang ay maintindihan siya ng kapatid.
"May pinagtalunan ba kayo ni Connie?"
Napakurap siya at ibinalik ang pansin kay Cayson na hindi na naalis ang tingin sa kaniya.
"Wala 'yon," aniya, saka nilampasan ito. Suddenly... just suddenly... ay nawalan siya ng ganang makipaglandian dito.
Humakbang siya patungo sa couch kung saan nakapatong ang handbag niya, kinuha iyon saka inisukbit sa balikat. "Magbihis ka na, nagugutom na ako." She then exited the room. Doon na siya maghihintay sa lobby.
Si Cayson na naiwan sa silid ay niyuko ang nagagalit na miyembro. Ilang sandali pa'y mangha itong natawa.
Natawa ito sa sarili dahil nagmukha itong gago sa harap ni Rome.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top