CHAPTER 061 - The Hate Is Gone
TARANTA niyang hinablot ang remote control at sinubukang patayin ang TV, pero imbes na power button ang pipindutin, ay volume ang na-press niya. Dahilan kaya lalong lumakas ang ungol na pinakakawalan ng babae, na lalo niyang ikina-taranta.
At sa labis na pagkataranta ay humulagpos ang remote control sa kamay niya. Muli niya iyong hinablot at sa pagkakataong iyon ay tuluyan na niyang ni-off ang telebisyon.
Si Cayson na namangha at nagulat sa nadatnan ay saka pa lang pumasok sa loob. Sinara nito ang pinto, ni-lock iyon saka naka-awang ang bibig na naglakad palapit sa kama kung saan siya naroon at hiyang-hiya sa sarili.
Napangiwi siya, nag-isip ng sasabihin. At nang akma na siyang magpapaliwanag upang sabihin dito na nagising lang siyang ganoon na ang palabas ay bigla namang pumasok sa isip niya ang late na nitong pagbalik.
Her embarrassment disappeared, and resentment took over.
Itinaas niya ang mukha at matapang na sinalubong ang mga tingin nito. "So, magdi-dinner pa ba tayo?"
Si Cayson na hindi pa rin nakababawi sa pagkamangha ay sumagot. "I don't know. Hindi ka ba nabusog sa napanood mo?"
"Oh, come on. Marahil ay wala akong maraming alam tungkol sa bagay na iyon, pero hindi ako santa."
Pero ano nga ba ang alam niya? Kanina, habang nanonood siya, ay may kakaiba siyang naramdaman sa katawan. Na bagaman nagiging pamilyar na sa kaniya ang ganoong damdamin ay hirap pa rin siyang bigyan ng pangalan.
That was because everything about sex and making love was new to her. And the fact na ang unang sex na naranasan niya ay hindi niya maalala ay hindi counted sa 'kaalamang' mayroon siya.
But she got curious, though...
Ano kaya ang pakiramdam kung ang lalaki ay bumaba sa ibabang bahagi ng katawan ng isang babae? The actress in that film, although she knew the sex scene wasn't real, was moaning and growling like crazy. Napaisip tuloy siya.
Ano nga ba ang mararamdaman kapag ganoon?
Sa naisip ay biglang nag-init ang magkabila niyang mga pisngi.
Not only that, but her whole body—especially in the lower region, felt so tingly it made her feel uncomfortable.
"Don't get me wrong," pukaw ni Cayson makaraan ang ilang sandali. "Watching porn is normal, and it doesn't make you less of a person. I just... didn't expect someone like you would watch it."
Nanlaki ang mga mata niya. But of course! Hindi nito nakita kung ano ang palabas sa TV dahil natigilan ito nang nasa pinto pa lang. Ang inabutan nito ay ang parteng nag-iingay ang bidang babae. At dahil ganoon ang ingay ay marahil, inisip nitong porn ang pinanonood niya!
Oh, good Lord, even worse!
"Hindi porn ang—"
"That's okay, Rome, hindi mo kailangang magpaliwanag." Bahaw itong ngumisi saka humakbang patungo sa banyo. "Hindi rin ako mapanghusga, so calm down."
Hindi niya napigilang hablutin ang isang unan at ibato rito.
Ang paghakbang ni Cayson patungong banyo ay nahinto nang tamaan ito ng unan sa likuran. Nilingon siya nito, ang noo'y naka-kunot. "What was that for?"
Para saan nga ba?
Oh, God. Her mood was making her crazy. At hindi niya napipigilan ang sariling mga kamay!
Pero kaagad siyang nakahanap ng rason.
"Pinaghintay mo ako."
Huminga ito nang malalim, nagbago ang ekspresyon ng mukha, at muli siyang hinarap. "Something happened—"
"Of course. Babae, ano?"
"Pwede bang makinig ka muna?" Muli itong nairita.
"Nalipasan na lang ako ng gutom pero walang dumating na Cayson Montemayor. Where were you? You normally finish your surfing lesson at five in the afternoon, you should be here before six—"
"Stop nagging and listen to me—"
"Me? Nagging? Of course not! Nainis lang ako dahil hindi mo tinupad ang sinabi mo!" Well, hindi naman talaga iyon ang kinainisan niya, kung hindi ang posibilidad na babae ang kasama nito. And she knew she had no right to get jealous and confront him about it but—
Nahinto siya sa biglang naisip.
Jealous? Me?
"This is why I didn't want a wife!" sigaw ni Cayson na umagaw sa pansin niya. Tumalikod na ito Cayson at itinuloy ang paghakbang patungo sa banyo.
Mabilis siyang bumaba sa kama at sinundan ito upang hindi ito makaiwas sa pag-uusap nila, pero bago pa man siya tuluyang makalapit ay naisara na nito ang pinto. Tumayo siya sa harap niyon at malakas na nagsalita.
"Were you really that needy of women? Of sex?" *Oh God, ano ba itong pinagsasasabi ko? *"Para lang sa ganoon ay hinayaan mo akong magutom dito?"
Sa pagkagulat niya ay bumukas ang pinto; si Cayson ay hindi maipinta ang mukha.
"Three things, Rosenda Marie," he said in a voice filled with annoyance. "There are three things I need you to remember. One, do not nag at me ever—alalahanin mo kung saan ka lulugar. Two, you should have listened to my explanation first, hindi babae ang dahilan ng delay ko sa pagbalik dito. And three, at least I don't watch porn to satisfy myself."
Umatras si Cayson upang muling isara ang pinto, subalit naging maagap siya at napigilan iyon. Ini-harang niya ang isang braso, at napangiwi nang maipit iyon. Si Cayson ay napamura at niluwagan ang pinto—hindi alam kung itutulak siya o aalalayan.
"Ang sakit no'n!" singhal niya rito, hawak-hawak ang naipit na braso.
"Sino ba kasi ang nagsabi sa'yong iharang mo ang braso mo? I fucking did not!"
"Stop shouting, magkaharap lang tayo!" Nangilid ang luha sa kaniyang mga mata; masakit ang kaniyang braso. Sigurado siyang magkakapasa iyon bukas.
Cayson groaned in frustration. He walked out of the restroom and assisted her back to the bed. Doon sa kama ay naupo siya, alalay-alalay ang brasong naipit, habang si Cayson ay tumayo sa harapan niya.
Her eyes were misty when she spoke again.
"I am inconsistent and it's frustrating because I have no control over my feelings. Gusto kong umakto ng tama, tumayo sa tamang lugar tulad ng sinabi mo, but this pregnancy is making it hard for me. Kahit ayaw kong magalit ay nagagalit ako, kahit ayaw kong malungkot ay nalulungkot ako, at kahit ayaw kong magselos ay..." She trailed off and whimpered.
She was being overdramatic and she couldn't help it. Ayaw niyang umiyak pero huli na para pigilan ang pag-alpas ng hikbi sa kaniyang lalamunan at ng mga luha sa kaniyang mga mata.
Si Cayson na sandaling natigilan sa bigla niyang pag-iyak ay napatalungko sa harapan niya. He was confused, nakikita niya sa anyo nito ang pagkalito; hindi alam kung ano ang gagawin.
Hanggang sa napabuntonghininga ito.
"I went to the police station and reported my missing stuff."
Sa pagkakataong iyon ay siya naman ang nahinto at natigilan. Pero hindi siya nagsalita at hinayaan itong magpatuloy sa sinasabi.
And he did.
"Nang bumalik ako sa resort para ituloy ang surf lesson ay inabot kami hanggang alas seis. Sa ganoong mga oras ay malalaki na ang mga alon, at tanging mga licensed surfer lang ang maaaring mag-extend pa ng ilang minuto. I was with my instructor, so I passed. After the lesson, I went to the locker to get my stuff, only to find it open. Na-distrungka ang lock, at wala nang laman. Natangay ang cellphone, wallet, at ang mga dala kong damit."
Malakas na singhap ang kumawala sa bibig niya.
"I don't care about the wallet, though. They can have my money and I can easily deactivate the cards. My concern is the phone—I have all my client's numbers saved on it, at naroon din ang record ko ng mga personal appointments. I have everything I need in my phone, and I want it back."
"Oh, kaya pala naka-patay ang cellphone mo!"
Tumango ito, muling napabuntonghininga. "We tried to call my number, but we got no luck. Walang CCTV camera sa restaurant, pero mayroon sa exit gate kung saan nakuhaan ang lalaking naka-motor bitbit ang sweatshirt ko. We went to the police station to report this, and to run the plate. They now have the location, at nang umalis ako ay papunta na sila sa kinaroroonan ng lalaki. Kailangan kong bumalik doon kapag tumawag sila, I gave them the hotel's number. Anytime soon ay tatawagan nila ako rito." Muli itong napabuntonghininga. "I wasn't supposed to leave the station, kailangan sana nila ako hanggang sa madala roon ang kawatan, but I had to check on you. Besides, I promised you dinner."
"Hindi ako gutom," maagap niyang sagot. Doo'y nawala na ang lahat ng sama ng loob at pagdaramdam niya. "Don't worry, I can live another night without food."
"Ang akala ko ba ay nagalit ka dahil nagutom ka sa paghihintay?"
"I lied." Siya naman ngayon ang nagpakawala ng buntonghininga. "Naiinis akong isipin na babae ang kasama mo kaya anong oras ka na nakabalik."
"And you said you're jealous?"
Nag-init ang magkabila niyang pisngi. Umiwas siya ng tingin at ibinuka ang bibig upang depensahan ang sarili subalit muling nagsalita si Cayson.
"Oh, you said you have no control over your feelings due to pregnancy hormones. At ang pagseselos mo ay parte pa rin ng paglilihi. Okay." Malapad itong ngumisi; halatang pilit na pinipigilan ang pagtawa.
Napanguso siya. "Pinagtatawanan mo ba ako? Hindi mo ba alam na—"
"Ganito ba ang lahat ng babaeng buntis? Do you all crave attention?"
"Maybe," aniya, saka yumuko. Napatingin siya sa kaniyang tiyan. "Pregnant women are sensitive and emotional creatures. In my case, para akong shell na pinasukan ng ibang espirito dahil hindi ko ma-kontrol ang sarili ko. Ang katawan ko. Mapagtatanto ko na lang kung ano ang ginawa at sinabi ko pagkatapos ko nang magawa at masabi. And I already told you—it's frustrating. Lalo sa sitwasyon natin dahil hindi naman tayo nagpakasal sa tamang proseso. We're not the normal man and wife who met, fell in love and married for the sole purpose of building a family together. We are far from that. Ang mas mahirap pa, ay pareho tayong estranghero sa isa't isa. We were not even friends—"
"And you hated me."
Tumango siya sabay ng mahinang paghagikhik. "I despised you. Ilang ulit na kitang pinatay sa isip ko noon."
"How about now?"
Ibinalik niya ang tingin dito, at nang makita ang paglambot ng anyo nito at ang paglamlam ng mga mata'y sandali siyang natilihan.
She had never seen that expression on his face ever before. And she never thought she would ever see it.
Mariin siyang napa-lunok.
"I..." She paused. Ano ba ang sasabihin niya? His expression rendered her speechless. And why the hell was he looking at her as if she was the most beautiful woman on Earth?
"Do you still hate me, Rome?" he repeated.
Tinimbang niya ang tanong nito sa isip. Pinakiramdam niya ang sarili habang nakatitig dito. Ilang beses niyang inulit ang tanong na iyon sa utak, saka inalala ang unang beses na nagkaharap sila. Noong araw na tinapon niya ang kape nito at ipinahiya sa harap ng marami. Inisip niya rin ang panahong pinagalitan siya ng buong pamilya dahil sa ginawa niya, ang panahong ini-sisi niyang lahat dito ang paghihigpit ng pamilya, at ang panahong hindi siya naging malaya sa mata ng mga magulang.
Binalikan niya sa isip ang araw na muli silang nagkita sa pangalawang pagkakataon. Doon sa MIC kung kailan ipakikita niya sana ang report card sa mga magulang. Bumawi ito—at sa harap ng marami ay pinahiya siya nang sabihin nito sa lahat ang bagsak niyang grado.
At kung noon ay umiinit ang ulo niya sa tuwing naaalala mga panahong iyon, ngayon ay hindi na. Sa halip, ay parang gusto niyang matawa.
Those were the days when she was still young, wild, and stupid. Dahil sa pagiging immature niya ay inisisi niya sa iba ang bagay na siya naman ang lumikha.
Cayson was not perfect as opposed to what other women thought him to be. He was physically attractive but he opted to act like an a-hole. But despite that, when she asked him a truce and suggested building a friendship, Cayson conceded without second thoughts. Hindi matigas ang puso nito. Dahil simula noong ini-suhestiyon niya iyon ay nakita niyang sinubukan din nito.
Makaraan ang ilang sandali ay isang mahabang paghinga ang pinakawalan niya.
"Surprisingly... no, Cayson." Then, she smiled. "I don't hate you anymore."
Gumanti ito ng ngiti saka bahagyang ini-angat ang sarili. At bago pa man rumehistro sa isip niya ang sunod nitong gagawin ay dumampi na ang mga labi nito sa kaniya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top