CHAPTER 060 - Feeling Lonely







NATAPOS ang lunch nang hindi na sila nag-usap pa. Rome was full she almost didn't want to stand up and leave the restaurant. Tila kay bigat ng katawan niya na gusto na lang niyang matulog doon mismo sa mesa nila.

Pero ayaw rin niyang iwan siya roon ni Cayson, kaya pinilit niya ang sarili na kumilos.

"Gusto mo bang maglakad hanggang sa beach malapit dito?"

Parang batang napanguso si Rome. Kay bigat ng kaniyang pakiramdam, punung-puno ang kaniyang tiyan, she couldn't even flatten her tummy to hide her food bump—at nakasuot lang siya ng manipis na summer dress upang patungan ang puting bikini na suot kanina. Ang mga gamit nila ay naiwan doon sa locker area kung saan sila nanggaling kanina; balak pa ni Cayson na bumalik doon para ituloy ang surfing, pero antok na antok na siya at gusto na lamang niyang matulog.

"Gusto kong dumiretso na sa hotel."

"You don't feel well?" anito na lumapit at hinawakan siya sa braso. Marahil ay napansin nito ang panghihina niya.

"Hindi masama ang pakiramdam ko, nanghihina lang ako at inaantok."

Napangiti si Cayson—something she wasn't prepared for. "That's called food coma. Paano, sinolo mo ang King crab. Namangha pa nga ako na nagawa mong ubusin 'yon. Saan mo pinapasok lahat ng mga kinakain mo? You eat like a man."

Muli siyang napanguso. "Kapag wala akong kinakain ay pinupuna mo ako, kapag naparami naman ay pupunain mo rin. Saan ako lulugar?"

Bahaw na natawa si Cayson sa sinabi niya, at doo'y tila nawala ang pader na namagitan sa kanila kanina.

"Okay, let's just go back to the hotel. Ihahatid kita roon at saka ko na babalikan ang mga gamit natin doon sa resort."

Kaagad silang nakakuha ng taxi, at habang nasa daan ay napasandal siya sa bintana saka ipinikit ang mga mata. Pagmulat niya'y nasa hotel na sila, at nagising siya dahil banayad siyang niyugyog ni Cayson.

Nasa front seat ito at naka-dukwang sa kaniya. Umayos siya ng upo saka nagkusot ng mga mata.

"Hindi na kita ihahatid sa kwarto, deretso na ako sa resort. Kaya mo na ba?"

Tumango siya at binuksan ang pinto. Nasa labas na siya nang bumukas ang bintana ng front seat, si Cayson ay inilabas ang isang braso at ipinatong doon.

"I'll surf for a while and be back before dinner. You go ahead and have some rest. Call me if you need anything."

Gusto niyang paalalahanan itong h'wag magtagal at bumalik kaagad, pero kaagad na nitong inisara ang bintana bago pa man siya makasagot dito. Nakasimangon niyang sinundan ng tingin ang taxi.

Padabog siyang pumasok sa hotel at dumiretso sa silid nila. Pagdating doon ay naligo siya, nagpatuyo ng buhok, nagsuot ng pampatulog at nahiga sa kama. Pero dahil naka-idlip siya sa taxi at dahil wala si Cayson doon ay hindi rin siya nakatulog. Gising na gising ang diwa niya, at ang isip ay nasa asawa.

He is probably entertaining women right now. Since wala ako roon, siguradong iyon ang ginagawa niya.

Pero bago pa man mapunta sa kung saan ang iniisip niya'y sinuway niya ang sarili at ibinaling ang pansin sa telebisyon. She grabbed the remote control situated on the bedside table, turned the flatscreen TV on, and searched for an interesting channel.

She ended up watching a replay of Masterchef US, at habang pinapanood ang pagluluto ng mga contestants ay unti-unti siyang hinila ng antok, hanggang sa tuluyan siyang nakatulog.

Nang magising ay madilim na sa labas. Nakabukas ang kurtina ng bintana kaya nakikita niyang gabi na. Ang nasa telebisiyon ay isang pelikula na pamilyar sa kaniya pero hindi pa niya napapanood. Hindi niya iyon binigyang pansin at madaling hinanap ang cellphone upang alamin ang oras.

She found it under her pillow. It was twenty minutes past eight.

At wala pa rin si Cayson?

Ang sabi nito'y babalik sa hotel bago ang dinner—hindi naman siya gutom pero ang alas otso ay hindi na oras ng dinner. Sa bahay nila at sa mansion ay oras na iyon ng pahinga!

Sinubukan niyang tawagan si Cayson, subalit nakapatay ang cellphone nito.

Nakasimangot niyang inilapag ang cellphone sa ibabaw ng bedside table saka nakasimangot na bumalik sa pagkakahiga. Wala siyang ganang maghapunan, at kahit bumalik ito ng mas maaga ay hindi na rin siya lalabas.

Pero dapat ay hindi ito nagbibitiw ng salita kung hindi nito kayang tuparin iyon!

Where would he go, anyway? Bago dumilim ay pinapaahon na ng lifeguard ang mga surfers, imposibleng nasa beach pa rin ito?

Duh, Rome. It is very obvious. Na-libang na si Cayson kasama ang mga babae.

Lalo siyang sumimangot nang maisip iyon. Ang kaniyang tingin ay nasa screen ng TV subalit ang pansin ay wala naman talaga roon.

Paano pala kung naghintay siya? Paano kung nagutom siya at hinintay itong makabalik para makapaghapunan na sila? Paano kung masama ang pakiramdam niya, may emergency siya at kailangan niya itong tawagan?

Did he turn off his phone so she wouldn't be able to contact him?

Oh, damn him.

Nagngingitngit ang loob na itinuon niya ang pansin sa TV, at kinunutan siya ng noo nang may mapansin.

On the screen were a man and a woman on the bed—the scene was somewhere in a boat—no, it wasn't a boat. It was a yacht. Parehong hubo't hubad ang mga ito, and the hot-looking guy was going down on the woman.

Napa-angat siya sa higaan.

*What is this film? *she thought. Hindi niya alam kung bakit siya napalunok. The film was familiar, na marahil ay nakita na niya somewhere on social media.

She grabbed the remote control and lowered the volume.

It was obviously an erotic film, and it was her first time watching such. Inasahan niyang mai-eskandalo siya lalo nang marinig ang malakas na ungol ng babae nang marating ng lalaki ang pakay nito sa ibaba.

Muli siyang napalunok—bakit pakiramdam niya'y natutuyuan siya ng lalamunan?

Tutok na tutok siya sa pinapanood at tuluyan nang nawala sa isip si Cayson nang biglang bumukas ang pinto ng silid nila—kasabay ng malakas na ungol ng babaeng bida.

Si Cayson na papasok sana ay napahinto.

"What the fuck?"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top