CHAPTER 056 - Tantrums
"WHAT the hell is going on? Bakit ayaw mo akong kausapin?" kalmado lang ang tinig ni Cayson subalit may diin. Nakasunod ito sa likuran niya; hinahabaan ang pasensya.
Simula nang umalis sila sa beach ay hindi na siya muling nagsalita pa. Noong nasa taxi sila ay may sinasabi ito pero hindi siya nakikinig. Her mind was on another dimension—hinahanap niya ang kasagutan kung bakit ganoon ang naramdaman kanina sa beach. Kung bakit kay bigat ng loob niyang makita itong may kasama at kausap na ibang babae. Kung bakit pikon na pikon siya sa pakikipagharutan niya sa mga ito.
Dati naman ay hindi siya ganoon—kaya parte pa rin kaya iyon ng paglilihi niya?
Hindi siya sigurado. At hindi na niya nagugustuhan ito.
"Well I guess umandar na naman ang topak mo. Let me guess, parte pa rin ng paglilihi?"
Hindi siya sumagot at dumiretso na sa banyo. Pero bago niya maisara ang pinto niyon ay muli niya itong narinig na nagsalita.
"Change your clothes and make it fast, we have a dinner reservation at 8:00."
Kaagad silang umuwi para makapagpalit na siya. Wala siyang dalang kahit anong pambihis hindi katulad noong nakaraang mga araw kaya kinailangan nilang bumalik kaagad sa hotel para mapalitan niya ang nabasang damit. Cayson said he didn't want her to catch a cold—not now that she's carrying his baby. Lagi itong may dalang pamalit kaya ibinigay nito sa kaniya ang tuyong tshirt upang matakpan niya ang naaaninag niyang dibdib, while he wore that same, wet shirt again.
"Hindi na ako kakain, wala akong gana—"
"We are eating dinner, Rome. You can't skip a meal."
"Sabing ayaw ko! Don't force me!" Inis niyang ibinagsak ang pinto ng banyo saka umupo sa nakatakip na toilet bowl.
Oh, kay bilis magbago ng mood niya.
Kanina'y kalmado pa siya, tapos ngayon ay sumisigaw-sigaw na.
"Stop your tantrums and tell me what's wrong. Hindi ako manghuhula kaya hindi ko alam kung ano na naman ang ikinagagalit mo," ani Cayson sa labas ng pinto. "We have to communicate, Rome, kung gusto mong may pagkakaibigang mabuo sa ating dalawa. At dahil ako lang ang kasama mo ngayon sa bansang ito at ama ng batang nasa sinapupunan mo, ay responsibilidad kong siguraduhing may kinakain ka at na inaalagaan mo ang iyong sarili."
Inis siyang tumayo at bumalik sa pinto. Cayson was standing a few feet away from her.
"Dalawang beses akong natumba dahil sa paghampas ng alon kanina sa beach—iyon ang dahilan kaya para akong basang sisiw ngayon. I was looking for you and was not able to balance myself, nang matumba ako'y wala man lang umalalay sa akin dahil ang taong sinasabing responsibilidad daw niya ako ay abala sa pakikipag-harutan sa mga 'Merikana kanina! There!"
At bago pa man makasagot si Cayson sa sinabi niya'y maagap na niyang ini-sara ang pinto ng banyo, slamming it right in his face! Ni-lock niya iyon bago at inis na hinarap ang sarili sa salamin.
Oh, hindi lang pala siya mukhang basang sisiw ngayon; para siyang basang sisiw na kapiranggot lang ang balahibo sa katawan dahil malapit nang mamatay!
Oh, kay pangit ng itsura niya sa mga sandaling iyon! Why did Cayson say nothing?
Ang putla-putla ng kaniyang mukha, ang kaniyang mga mata'y nanlalalim, ang kaniyang mga labi'y nanginginig sa lamig—dagdagan pa ng kaniyang damit na humulma sa hindi kalakihan niyang dibdib.
And oh, damn those small, taut nipples na hindi na lumambot dahil sa lamig!
Mukha siyang gaga at naiinis siya sa sariling pagmumukha!
Padabog niyang hinubad ang lahat ng saplot saka umuusok ang ilong at tengang tinungo ang shower. She adjusted the water temperature, and when she thought it was warm enough to calm her down, she went in.
Sa labas ng pinto ay naririnig niya ang pagkatok ni Cayson, at alam niyang may sinasabi ito subalit salamat sa malakas na tunog ng shower at hindi niya ito naririnig. She didn't want to listen to him nor hear his voice, mainit ang dugo niya rito sa mga sandaling iyon.
Nagtagal siya sa shower, at nang sa tingin niya'y payapa na ang kaniyang pakiramdam ay pinatay na niya ang tubig at lumabas mula sa maliit na cubicle. Sinulyapan niya ang pinto, at nakahinga nang maluwag nang hindi na niya narinig ang pagkatok ni Cayson doon.
She covered herself with the towel and went out of the bathroom. Sa silid ay nakita niyang wala na roon ang lalaki.
Muli siyang nakaramdama ng panic—katulad ng kung ano ang naramdaman niya sa nakaraang mga araw—pero sa pagkakataong iyon ay hindi niya pinansin ang damdamin. She didn't want to continue to argue with him, not now when she's all calmed down. Kaya mabuting umalis ito.
Matapos niyang magbihis ng pantulog ay nagpatuyo siya ng buhok sa banyo, at nang sa tingin niya'y handa na siyang matulog ay bumalik siya sa silid upang mahiga na nang bumukas ang pinto.
Tumahip ang dibdib niya nang pumasok si Cayson, and she prepared herself for another round of argument when he just passed her and went to the restroom. Tila siya hangin na hindi nakita nito—o tinapunan ng tingin.
At kung paano niyang ibinagsak ang pinto ng banyo kanina ay ganoon din ang ginawa nito na ikina-pitlag niya.
Napa-ismid siya pagkatapos at nagpasiyang h'wag nang pansinin ito sa buong magdamag. Nahiga na siya sa kama at nag-takip ng kumot hanggang sa leeg. She switched off the light and closed her eyes—sana ay tulog na siya sa paglabas ni Cayson.
Subalit tulad nang mga nakaraan ay kay hirap sa kaniya ang matulog—lalo kung mag-isa siya sa higaan.
Makaraan ang halos kalahating oras ay muli siyang napa-pitlag nang marinig ang pagbukas ng pinto ng banyo. Mariin niyang ipinikit ang mga mata. Pinakiramdaman niya ang mga kilos niyo hanggang sa maramdaman niya ang paghiga nito sa extra bed.
Binuksan niya ang mga mata at nakita si Cayson na nakatalikod sa kaniya. The light in the bathroom remained open, at ang ilaw na iyon ay naging tanglaw niya upang makita ang hubad na likuran nito.
Suddenly, she felt her throat became dry. Napalunok siya nang sunud-sunod—at gusto man niyang bawiin ang tingin sa maskuladong likod ni Cayson ay hindi niya magawa.
Heto na naman siya...
She was being needy of her husband.
Pero ayaw niyang pairalin ang paglilihi sa mga sandaling iyon. Pumihit siya patalikod kay Cayson at pinilit ang sariling matulog na.
Subalit pagkalipas ng isang oras ay wala ring nangyari. Pabaling-baling lang siya sa higaan, hindi mapakali; hindi komportable.
Parang may mali. Parang may kulang.
Oh, she was starting to hate pregnancy!
Pero naisip din niyang... kung sa normal na proseso nangyari ang lahat, her pregnancy wouldn't be this hard. Naging mahirap lang dahil sa sitwasyon nila.
The baby wasn't planned. And the father was a flirty jerk who didn't care about her.
Oh, gusto niyang magwala. Inis na inis na siya sa paglilihi niya.
At naiinis siya lalo dahil hindi na niya napigilan pa ang sariling kausapin si Cayson.
Bumangon siya at nilingon ito.
"Hey."
Hindi ito sumagot.
"Hey," ulit niya.
And again, Cayson remained silent. Alam niyang gising pa ito dahil nakikita niya ang malalalim nitong paghugot ng paghinga, pero halatang ayaw siya nitong pansinin.
"I can't sleep."
He continued to ignore her.
Muli ay isang malalim na paghinga ang kumawala sa kaniya. Mukha nga yatang wala itong balak na pansinin siya.
So... wala munang pansinan?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top