CHAPTER 055 - No Rights
HAPON na nang magising si Rome, at sa paglingon niya ay wala na sa tabi si Cayson. Wala ito sa buong silid, at mukhang tinotoo nito ang sinabing lalabas.
Oh well, hindi siya magre-reklamo. At least nagpaalam ito at at least ay pinagbigyan siya nito sa hiling niyang tabihan siya.
Matapos siya nitong tabihan ay tila siya idinuyan sa langit at kaagad na nakatulog. Ang init na nagmula sa katawan nito ay tila nagbibigay kalma sa nag-aalburoto niyang sistema.
Bumangon siyang magaan ang pakiramdam, nagpasalamat na wala na ang hilo at sakit sa sikmura. Nasayang ang isang araw niya nang dahil sa sama ng pakiramdam, now she only got two days left to stroll around Bali. Hiling niya'y hindi na siya makaramdam ng pagkahilo at pagsusuka bukas ng umaga para naman wala nang araw na masayang. Cayson wanted to teach her how to surf, and she was looking forward to it.
Pumasok siya sa banyo at naligo. She wore an ankle-length summer dress that Connie gifted her last Christmas. Its skin tone color made her skin brighter than normal, at humapit iyon sa katawan niya.
She knew she didn't have the perfect, curvy body, but at least she's fit and she had thick thighs. Wala man siyang malaking hinaharap, at least ay maganda ang hubog ng balakang at legs niya. Hindi man Cocacola-shaped ang bewang niya, at least flat naman ang tiyan niya.
At least for now.
Ngayong dalawang buwan pa lang ang dinadala niya.
Papalabas na siya bitbit ang cellphone at wallet niya nang biglang bumukas ang pinto ng silid at iniluwa si Cayson na may bitbit na dalawang malalaking shoping bags. Pareho pa silang nagkagulatan, pero ito ang unang nakabawi.
He grinned at her, walked in, and closed the door.
"Going somewhere?"
"Tatawagan sana kita pagkalabas ko ng kwarto," aniya. Ang kaniyang tingin ay bumaba sa bitbit nitong shopping bags. "What are those?"
"These are for you." Iniabot nito sa kaniya ang mga bitbit na kaagad niyang tinanggap. "How are you feeling now?"
"Better," aniya sabay ngiti. Hindi niya maipaliwanag ang sayang naramdaman nang kunin mula rito ang mga shopping bags. She was happy that Cayson remembered to buy her something. Pero... "Ano itong mga binili mo?"
"Open it."
Bumalik siya sa kama at binuksan ang isang bag. Ibinuhos niya ang laman niyon sa ibabaw, at pinanlakihan siya ng mga mata nang makita ang tatlong two-piece bikini na magkakaiba ang mga kulay. Binalingan niya si Cayson na dumiretso sa mini-fridge at kumuha ng canned beer.
"Binilhan mo ako nito kahit walang kasiguraduhan kung masasamahan pa kita sa beach dahil sa nararamdaman ko—"
"Kung hindi mo sila magagamit dito sa Bali, you could use them somewhere else in the future." Binuksan nito ang beer saka ininom. "Do you want to fit them?"
"Nah, baka bukas na." Ang isang bag naman ang binuksan niya, at nang makita ang lamang dalawang summer dresses doon ay napangiti siya. They were looking nice with floral prints on the fabric.
"Palagi kang nakasuot ng T-shirt at sweat pants kapag pupunta tayo sa beach, I think you would look better in them."
Muli niya itong nilingon saka ningitian. "Thank you for buying these, Cayson. Hindi ko inasahan na maaalala mo akong bilhan ng mga ito."
Balewala itong nagkibit-balikat. "Usapan naman talaga nating bumili ng mga ito ngayon, 'di ba? I went to the mall to look for them." Inubos nito ang laman ng canned beer bago initsa ang lata sa trashcan katabi ng pinto ng banyo. "Are you hungry? I found a nice seafood restaurant in Ubud, we could go there for lunch."
"Lunch?"
"Yeah, it's only two o'clock."
"At hindi ka pa kumakain?"
"Wala pang dalawang oras akong wala."
"What do you mean?"
Napangisi ito at humakbang na patungo sa pinto. "Nakatulog din ako. Let's go, I'm starved."
Sinundan niya ito ng tingin hanggang sa marating nito ang pinto.
Kung natulog din ito, at tanghali na rin nagising, ibig sabihin ay natulog silang magkayakap?
Bakit biglang tumibok nang malakas ang kaniyang puso sa kaisipang iyon?
Why did she feel so excited?
"Are you coming or what?" si Cayson na nilingon siya matapos lumabas ng silid.
She bit her lower lip to stop herself from smiling. Tumayo na siya at naglakad patungo sa pinto saka lumabas na rin. Nang maisara ni Cayson ang pinto ay sandali siya nitong hinagod ng tingin, and she stood there waiting for him to say something.
How stupid could she get? Bakit ba siya umaakto ng ganoon?
No—bakit ganoon ang klase ng paglilihi mayroon siya? It was so weird.
"You look nice," he complimented, at last. Iyon ang hinihintay niyang sabihin nito. "Keep wearing dresses like that, nagmumukha kang babae."
Napasimangot siya sa huling sinabi nito. She didn't take it as an insult, and she didn't feel insulted at all. Pero nainis siyang malaman na mukhang lalaki pa rin pala ang tingin nito sa kaniya.
Nauna si Cayson na naglakad sa hallway, at para siyang timang na sumunod dito—hoping he'd take back what he said and compliment her more.
Pero hanggang sa marating nila ang elevator at makalabas ng hotel ay wala na itong sinabi.
*
*
MATAPOS nilang maglunch ay pumunta sila sa isa na naman sa mga popular na tourist destination sa Bali, a place called Elephant Cave. And... no. There was no elephant in the area.
It was basically a cultural place made for meditation, at katulad ng sa iba pa nilang napuntahan nang destinasyon ay may mga istruktura na partikular na talaga sa lugar. It was a higher ground place in Ubud overlooking mountains and temples. Tahimik, at hindi gaanong overcrowded kompara sa ibang lugar na napuntahan na nila sa nakalipas na mga araw.
They just strolled around the area for an hour, at nang mapagod ay bumalik na sila sa beach side kung saan naroon at nakipagkita sa kanila ang surfer na nagtuturo kay Cayson. He surfed again, and like usual, she remained on her seat. Alas seis nang unti-unting bumaba ang araw, nagkaroon siya ng pagkakataong lumapit sa beach at magtampisaw sa tubig habang bitbit sa isang kamay ang sandalayas. Ang kaniyang tingin ay nasa papalubog na araw, at habang naglalakad ay hindi niya napigilang alalahanin ang nangyari kahapon.
Ilang beses niyang tinanong sa sarili kung plano nga ba ni Cayson na halikan siya kahapon? He looked at her lips as if he was holding himself from doing something that he would regret. At ang diin ng pagkakahawak nito sa kaniya kahapon—ano 'yon? Para saan 'yon?
Para siyang timang na binibigyan ng kahulugan ang mga bagay na iyon. At bakit ba siya may nararamdamang kakaiba? What's wrong with her?
Nagpakawala siya ng isang buntonghininga at ibinalik ang pansin sa kinaroroonan ni Cayson. Subalit nahinto siya sa paghakbang nang makitang wala na ito roon sa area kung saan niya ito huling nasulyapan.
Bigla siyang nataranta. Oh, that familiar anxiety was driving her nuts—para siyang batang nawala sa mall at hindi makita ang ina. That was the feeling. She felt lost if she didn't see him.
Inikot niya ang tingin, hinanap ang kinaroroonan ni Cayson. Alam niyang hindi ito aalis nang hindi nagsasabi, alam niyang hindi siya nito iiwan. Pero nasaan na ito?
Bumilis nang bumilis ang tibok ng puso niya habang hinahanap ng tingin ang lalaki—marami-rami pa ang tao sa paligid kaya hindi naging madali sa kaniyang hanapin ang kinaroroonan nito.
Hanggang sa inagaw ang pansin niya ng tawanan hindi kalayuan. And there she saw Cayson, talking—no—flirting with two Caucasian women who were obviously drooling over him. Si Cayson ay nakaupo na sa beach chair ng mga ito, ang isa'y nakatayo sa harap nito habang ang isa'y nakaupo sa tabi nito. Ang surfboard nito'y nasa buhanginan. Kaya hindi niya ito agad nakita malibang may kalayuan na iyon sa kinaroroonan nito kanina'y natatakpan din ito ng ibang taong naroon.
Napasimangot siya.
Ano pa nga ba ang inaasahan niya sa Cayson Montemayor na ito?
Pero teka... bakit siya nagagalit?
Bago pa niya masagot ang sariling katanungan ay may biglang tumama sa likuran niya sanhin upang mawalan siya ng balanse at matumba sa abot tuhod na tubig dala ng malaking alon—alon na siya ring humampas sa likuran niya. Hindi niya nakita ang pagdating niyon dahil malibang nasa iba ang pansin niya'y nakatalikod din siya sa dagat.
Ahhh, shit! sigaw niya sa isip nang mabasa ang suot niya. Kalahati ng kaniyang katawan ay nabasa dahil sa pagkakaluhod niya. Tumayo siya at akma na sanang aalis sa tubig nang muling may malaking alon na humampas sa kaniya, dahilan upang muli siyang matumba. And this time—she fell on the sand, face down.
Tinulungan niya ang sariling makatayo—ang sandalyas na bitbit niya kanina'y inanod na ng tubig pabalik sa gitna, ang buong katawan niya'y basa na, at dahil basang-basa na rin ang buong damit niya'y humulma iyon sa buo niyang katawan.
Sa wakas ay naka-ahon din siya matapos ang ilang malalaking mga hakbang. Lumayo siya sa tubig at humakbang sa direksyon ni Cayson na sa mga sandaling iyon ay tila nakalimutan nang may kasama. Hindi niya alintana ang ilang mga foreigner na nakasunod ang tingin sa kaniya—not for anything else but because of her wet clothes.
There was nothing unusual about her wearing wet clothes, really. Nasa beach siya at ang suot niya'y beach dress. Ang unusual lang ay ang dating niyon sa mata ng iba. They were intrigued—lalo at skin tone ang kulay ng damit niya na tumingkad ang kulay dahil basa. From a distance, it looked like she wasn't wearing anything. At dahil makapal at may manipis na padding naman ang front ay hindi siya nagsuot ng bra. That dress was designed for a bra-less fashion, why would she ruin it by wearing a lacy bra?
Pero parang gusto niyang magsisi dahil sa pagkakabasa niyon ay humulma ang medium-sized niyang dibdib, making it look like she was naked in the eyes of everybody.
Nahinto siya nang makaramdam ng bahagyang pagkailang. Bagaman hindi naman lahat ay nakatitig sa kaniya, hindi niya mapigilang mahiya. She felt like all eyes were on hers even if they're not.
Gusto niyang maiyak sa pagkapahiya, at akma na sana niyang itutuloy ang paghakbang nang umangat ang kaniyang tingin at nakita si Cayson na saktong napalingon sa direksyon niya.
Their eyes locked for a moment, before his eyes went down to her wet clothes. At nang makita niya ang pagpako ng tingin nito sa nakahulma niyang dibdib ay maagap niyang itinaas ang dalawang mga braso saka pinag-krus ang mga iyon sa tapat ng kaniyang dibdib.
Nagsalubong ang mga kilay ni Cayson kasunod ng pagtayo. Ang mga babaeng kasama nito'y nakasunod lang ang tingin. At nang makita niyang humakbang si Cayson palapit sa kaniya at natilihan siya.
Nang makalapit at hinubad nito ang suot na itim na T-shirt na basa rin saka ini-abot sa kaniya upang ipangtakip niya sa dibdib. Nasa anyo nito ang pag-alala, at bago pa man ito makapagtanong ay nagsalita na siya.
"Natumba ako."
"I could guess," he answered wryly. Yumuko ito at lalong kinunutan ng noo nang makitang wala siyang suot na tsinelas.
Muli siyang nagsalita. "Inanod ng tubig."
Ibinalik nito ang tingin sa kaniya; salubong ang mga kilay. "What have you been doing?"
"Walking by the shore."
"Walang masakit sa'yo?"
Nagpakawala siya ng pigik na tawa. "You sound so concern—"
"Of course I am. Papaano kung sa pagkakatumba mo ay may nangyaring masama sa'yo at mapano ang dinadala mo?"
So you're only worried about the child I'm carrying?
Oh God, malala na siya.
Noong nakaraan ay naiinis siya sa kawalang interes nito sa dinadala niya, ngayong nagpapakita naman ito ng affection ay hindi pa rin siya masaya!
Well, that's because he was flirting with those white chicks just a while ago and I wasn't happy about it! she reasoned in her thoughts.
Ang kabilang bahagi ng isip niya ay sumagot;
So what kung maglandi ito sa ibang babae? Are you forgetting something? You have no right!
Huminga siya nang malalim, bahagyang ipinilig ang ulo upang alisin ang mga demonyong bumubulung-bulong sa kaniyang isip, saka muling tinitigan si Cayson.
"Bumalik na tayo sa hotel, pagod na ako," aniya saka nag-umpisang maglakad patungo sa direksyon ng malaking restaurant katapat ng beach. Sa restaurant na iyon ay may mga lockers para sa mga surfers na nais itago ang mga gamit. At ang mga gamit nila ay naroon.
Habang naglalakad palayo ay narinig pa niya na nagpaalam si Cayson sa dalawang babae.
Oh, she was pissed off. Nainis siya sa pakikipagharutan nito sa mga babaeng iyon.
She was pissed off kahit alam niyang wala siyang karapatan!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top