CHAPTER 051 - Needing Him


"ANO 'YAN?" Nahinto siya sa paghakbang palabas ng banyo nang makita kung ano ang inaayos ni Cayson sa loob ng silid nila.

"An extra bed. The hotel has one so I asked for it."

Ibinalik niya ang tingin sa makapal na spring bed na inilatag nito sa carpet malapit sa pader, dalawang metro ang layo sa kama. May kung anong tinig siyang naririnig sa likod ng kaniyang tenga na tila bumubulong at nag-uutos na sabihin kay Cayson na kalimutan na ang tungkol sa extra bed at malaki naman ang kama para sa kanilang dalawa.

"Naisip kong i-book na lang ang katabing silid pero fully booked na ang lahat ng kwarto sa floor na ito. Surely, hindi mo gustong matulog ako sa ibang floor?"

"No. You... stay here," aniya, subalit ang tingin ay nakapako pa rin sa spring bed.

"I hope you can sleep peacefully tonight." Tumayo ito matapos sapinan ang extra bed na iyon, kumuha ng dalawang unan sa kama saka ini-itsa ang mga iyon sa hihigaan nito. "I'm tired. Mauuna na akong matulog sa'yo. Catch you tomorrow."

Nang humiga si Cayson at tumalikod sa kaniya ay saka lang siya naglakad palapit sa kama. Hindi pa rin siya mapalagay sa extra bed na naroon. Hindi niya gustong naroon iyon at mukhang iyon pa ang dahilan kaya hindi siya makatutulog sa gabing iyon.

"Malaki naman ang... kama, bakit kinailangan mo pang..." Nahinto siya at tinakpan ang bibig. Ano ba ang pinagsasasabi niya?

Si Cayson ay napalingon, kaya mabilis niyang ibinaba ang kamay.

"Okay lang sa'yo na magtabi pa rin tayo sa kama kahit wala si Lola para i-monitor tayo?" nananantiya nitong tanong na sinagot niya ng kibig-balikat. Bumangon si Cayson, naupo paharap sa kaniya, at bahaw na ngumisi. "You're used to sleeping beside me, aren't you? At ngayon ay hindi ka na sanay na hindi tayo magkatabi. Iyon din ba ang dahilan kaya hindi ka nakatulog noong wala ako sa mansion sa loob ng tatlong araw, ha, Rosenda Marie?"

"W-Well..."

"Papaano pala ako nito magkakaroon ng pagkakataong makipagkita sa mga babae ko kung ganiyan ka?"

"It'll wear off, Cayson." Sumampa na rin siya sa kama at pumailalim sa kumot. "Kapag natapos na ang first trimester ay matatapos na rin ang paglilihi ko. Baka sa second trimester ay wala na akong ibang gustuhin kung hindi ang mawala ka sa paningin ko."

Lumapad ang pagkakangisi nito. "I hope so."

Inabot niya ang lamp at pinatay. Nang sakupin ng dilim ang buong silid ay ibinalik niya ang tingin kay Cayson na muli nang nahiga. "Good night."

"That's a first," he said, teasing. "You, too. Rosenda Marie."

Sa loob ng mahabang sandali ay pinilit niyang makatulog, pero sumakit na lang ang kaniyang mga mata ay hindi pa rin siya dinalaw ng antok. At ramdam niyang ganoon din si Cayson dahil hanggang sa mga sandaling iyon ay malalalim pa rin ang paghugot nito ng paghinga.

"How does it feel to have a growing life inside of you, Rosenda Marie?"

Napamulat siya at ibinaling ang ulo sa direksyon ni Cayson. Patay ang mga ilaw subalit may sapat na liwanag mula sa labas ang nagbibigay tanglaw sa kaniya sa loob ng silid, kaya nakita niya itong nakatalikod pa rin sa kaniya.

Matagal bago siya nakasagot sa tanong nito.

"Weird."

"You feel weird?"

"Yes."

"Why?"

"I don't know. Hanggang ngayon kasi, parang hindi pa rin nagsi-sink in sa akin na magkakaanak na ako."

Muling naghari ang katahimikan sa pagitan nila matapos nitong marinig ang naging sagot niya.

Inakala niyang nakatulog na ito, at akma na rin sana siyang pipikit nang muli itong nagsalita.

"You're carrying the child of the man whom you didn't like—does that make it even harder for you to bear?"

"What do you mean?"

"Nabuo ang bata sa isang pagkakamali. How did you handle it?"

She scoffed. "I'm a strong woman, Cayson Montemayor."

Narinig niya ang pigik nitong tawa. "Yeah. I should remember that."

"Hindi ko na inisip pa kung papaano nabuo ito. Hindi na importante 'yon. Ang mahalaga'y maisilang ko siya nang malusog at mapalaki nang maayos. This baby inside of me—he's my baby. Irrespective of how he was conceived, anak ko siya. Tinanggap ko siya. And I love him already."

Muli ay natahimik si Cayson, at sinamantala niya iyon para magpatuloy.

"How about you? Hindi mo pa rin ba matanggap na nang dahil sa batang ito ay natali ka sa akin?"

Isang malalim na buntonghininga ang pinakawalang nito bago sumagot. "Not really. Pero may palagay akong hindi pa ako handang maging ama."

Tumango siya at hindi na nagsalita pa.

Si Cayson naman ang nagpatuloy.

"Ano ang nararamdaman mo habang naglilihi ka?"

"You mean... habang pinaglilihian kita?"

Cayson released a soft chuckle. "Yeah. Hindi ko maintindihan kung papaano nangyayari 'yan kahit ano 'ng isip ang gawin ko. I thought of searching on the internet, pero baka lalo lang akong maguluhan."

"Hmm. Well... for starters, I always feel needy."

"Of me?"

"Yeah."

He chuckled again. "That's nice."

Napabangon siya at hinarap ito. "H'wag kang ma-flatter, hindi naging madali sa akin na pakitunguhan ang biglang pagbabago ng pakiramdam ko. You have no idea how it made me irritable."

Lalo itong natawa. "What else?"

Bumalik siya sa pagkakahiga. "Well... Noong nag-umpisa akong maglihi sa'yo ay parang gusto na lang kitang laging nakikita. O kahit hindi kita nakikita ay kahit marinig na lang. And just as long as you're nearby, I feel relaxed. Kapag malapit ka naman, tulad na lang kapag sa gabi at doon ka sa mansion natutulog. Ang dali sa aking matulog na nakikita kita komparang wala ka. At magana akong kumain kung nasa harapan kita. That's all."

"Geez. Hearing you say this makes me feel so uncomfortable."

"Why?"

"I don't know."

Napatitig siya sa madilim na kisame. "Hayaan mo at tatlong linggo na lang din naman at matatapos na ang first trimester. Kapag natapos na ang paglilihi ko'y pareho na tayong makahihinga nang maluwag."

Muli ay mahabang katahimikan ang namagitan nang hindi na sumagot pa si Cayson. Alam niyang hindi pa rin ito tulog dahil nararamdaman niya ang paghinga nito.

"Do you now have a baby bump?"

Sa naging tanong na iyon ni Cayson ay ibinaba niya ang isang kamay sa tiyan at dinama iyon. "No, not yet. But I could feel there is something alive inside of me. Pumipintig siya. And the doctor says it's his heartbeat."

"Why do you keep addressing the baby a 'he'?" Nasa tinig ni Cayson ang pagka-aliw.

"Ramdam kong lalaki siya," aniya, patuloy na hinahagod ang tiyan.

"Do you want a baby boy?"

"Kahit ano, basta malusog."

Naramdaman niya ang pagbangon ni Cayson kaya nilingon niya ito.

"Can I make a request?" he asked. At dahil madilim ay hindi niya nakita ang anyo nito.

"Sure," she answered quietly.

"Can we name the baby Caroline if it's a girl?"

"Caroline? Why?"

"It's my mother's name."

"Oh..." Bumangon siyang muli at hinarap ito. "Walang problema sa akin, Cayson. Let's name her Caroline."

"Thank you, Rosenda Marie."

Tumikhim siya, sandaling nakaramdam ng hiya. "Pwede rin ba akong... mag-request?"

"Shoot."

"Please stop calling me in my complete name, tinatawag lang ako ng ganiyan ng buong pamilya ko kung naiinis sila sa akin o kung may nagawa na naman akong mali."

"Gusto mong tawagin kitang Rome?"

"Yes, since ganiyan din naman ang tawag sa akin ng lahat ng ka-klase at kaibigan ko."

"You have friends?" gulat pa nitong tanong na ikina-tawa niya.

"Surprising, huh?"

"Not really." Kahit madilim ang silid ay naaaninag niya ang pagngiti nito. "Were they at the wedding?"

"I only have one friend, actually. Her name's Jiggy, at wala siya sa araw ng kasal natin."

"You didn't invite your only friend to your wedding?"

"My family don't approve of her."

Hindi napigilan ni Cayson na matawa na ikina-ngiti niya. She could not believe how they spoke so casually. "I can't believe how strict your family is."

"You have no idea..."

Napailing ito saka muling bumalik sa pagkakahiga.

Iyon din ang ginawa niya.

"Go to sleep now, Rome. It's late."

"Okay." Itinaas niya ang kumot hanggang sa leeg niya, tumalikod at nakangiting ipinikit ang mga mata. "Good night, Cayson..."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top