CHAPTER 049 - Cayson's Idea


SA ISANG maganda ay mamahaling Thai restaurant sila pumunta ni Cayson para maghapunan. Sampung minuto ang byahe mula sa kanilang hotel sakay ng taxi, and it was overlooking Bali ocean.

Escalated ang area na kinaroroonan ng restaurant at gawa sa kawayan ang majority niyon. Open space din kaya sariwang hangin mula sa dagat ang nasisinghap niya. The sound of the waves somehow made her feel comfortable. Sa beach ay mayroong mga pabilog na tables na may tig-da-dalawang pabilog at tila bolang couch. Ang bawat mesa ay naiilawan ng outdoor lamps kaya't maliwanag pa rin sa bandang iyon; ang ibang mga customers ay doon pumwesto for privacy purposes, at gusto niya rin sana roon kaya lang ay hindi niya nagawang isatinig kay Cayson ang nais niya.

He ordered their food, and every cuisine tasted great! Umaayon ang anak niya sa taste buds niya, kaya magana siyang kumain. Lalo na ang Thai seafood curry na nilantakan niya mag-isa. At habang kumakain ay kalansing lang ng mga kubyertos ang pumapagitan sa kanila. The time for desserts came, and she ordered mango pudding and a Thai version of classic creme caramel. Whilst Cayson settled for a shot of scotch.

"Do you like desserts that much?" tanong nito; ang tingin ay palipat-lipat sa kaniya at sa kinakain niyang mango pudding. Para siyang bata na gumagawa ng munting ingay sa kada subo niya. She just couldn't help it; gustong-gusto niya ang kinakain niya.

"Depende." She took a spoonful of creme caramel, put it in her mouth, and made a furry sound. Gusto niya ang lasa niyon at iniisip na um-order ng isa pang serve kahit na halos puputok na ang tiyan niya sa dami ng mga nakain. "I eat anything, basta kayang tanggapin ng sikmura ko. Mas malala ang appetite ko ngayon dahil sa pagbubuntis."

Hindi na sumagot pa si Cayson. Muli nitong kinuha ang baso ng alak at sinimsim habang ang tingin ay ibinaling nito sa dagat.

At habang nakatingin sa ibang direksyon si Cayson ay sinamantala niya ang sandaling iyon upang titigan ito nang mabuti.

The guy's really handsome, at kung noon ay hindi niya binibigyang halaga iyon, ngayon ay iba na.

Cayson's eyes were deep and expressive, like black diamonds. His high-bridge nose and his thin lips complemented the shape of his face. His two-day stubbles made him look more manly than those of the guys she'd seen in the magazines.

Hindi kataka-taka kung bakit bumabaha ang mga tsiks nito.

Pero si Cayson Montemayor ay nababagay sa babaeng ka-level nito. Someone tall, statuesque, stunningly beautiful.

Someone 'not' like her.

Ganoon ang tumatakbo sa isip niya nang biglang humarap sa kaniya si Cayson ay nahuli siyang nakatitig dito. Taranta niyang inituloy ang pagsubo ng creme caramel niya kasunod ng pag-iwas ng tingin.

"Nahihirapan ka ba sa pagbubuntis mo?"

Nagulat siya sa naging tanong nito. Hindi niya inasahan iyon. Hindi niya inasahang maririnig iyon mula rito. She thought he didn't care, she thought he had no interest in her condition.

Bigla siyang nakaramdam ng pananakit ng lalamunan at paghapdi ng mga mata. Naiiyak siya; she never thought Cayson Montemayor could be thoughtful sometimes...

Ibinalik niya ang tingin dito, at tinapatan ang seryosong anyo nito.

"There are times na nahihirapan ako lalo na sa umaga, pero nakakaya ko naman. I mean, I have no choice but to deal with it for a few more weeks."

Tumango ito at ibinaba ang baso ng alak. "If that's the case, umuwi tayo nang maaga. Hindi natin kailangang manatili rito ng isang buong linggo. Three days tops would suffice to satisfy granny, don't you think? Sabihin nating hindi ka sanay sa ibang lugar at hinahanap mo ang presensya ng mga magulang mo. Let's tell Gran that you don't like travelling, na lalong sumasama ang pakiramdam mo. There is no point staying here for the whole week kung pareho lang tayong hindi mag-i-enjoy."

Aba'y gago pala talaga ang animal na 'to?

Para siyang binuhusan ng malamig na tubig sa narinig mula rito. Akala pa man din niya ay totoong nag-aalala ito para sa kaniya, na totoong may pakialam ito sa kondisyon niya, at gustong malaman kung ano ang nararamdaman niya. Pero ang gago, tinanong lang pala siya upang gamiting rason para mapaaga ang pag-uwi nila!

As if I would cooperate!

"No, gusto kong tapusin ang isang linggong bakasyong ito," aniya saka ibinaba ang kutsara at kinuha ang isang basong tubig. Kahit masarap ang kinakain niya ay tila na siya nawalan ng ganang ubusin iyon. Ang plano rin niyang pag-order ng isa pang serve ng creme caramel ay naudlot. Nasira nang muli ang mood niya.

Nagpakawala si Cayson ng malalim na paghinga saka ini-sandal ang sarili sa upuan. "Tsk. Ano ang gagawin natin dito sa loob ng isang linggo? Ngayon pa nga lang ay nabo-bore na ako."

"Bakit hindi mo na lang ako dalhin sa iba't ibang lugar dito? Let's check out some places, explore popular areas, and buy stuff. Kailangan nating dalhan ng pasalubong si Granny."

Ayaw kong masira ang gabing 'to. Ayaw kong masira ang gabing 'to. Ayaw kong masira ang gabing 'to!

Oh, kailangan niya ng ganoong dasal para sa sarili.

Hindi sumagot si Cayson sa huling sinabi niya. Sa halip at dinukot nito ang cellphone mula sa bulsa saka inabala ang sarili. "If you could drink, we'd probably be in one of the famous night bars now. Kaya lang ay gatas at tubig lang ang maaari mong inumin, plus, kailangan mong magpahinga nang maaga."

Wala talagang pakealam sa akin ang lalaking ito...

"Hmm, how about you go back to our hotel and I stay here? I'll entertain myself and—"

"No. Kung saan ka pupunta ay sasama ako."

"Kahit sa maingay na party bar?"

"Yes. Kung may green mango shake o lemonade silang nise-serve doon ay game ako. Besides, pwede namang bawiin ko na lang bukas ng umaga ang tulog ko."

"No, you can't do that. Ayaw kong mapuyat ka dahil baka maapektuhan ang bata."

"Kung ganoon ay h'wag ka na lang umalis. Samahan mo akong bumalik sa hotel o sasamahan kita sa mga party bars na pupuntahan mo?"

He leered at her and she smiled because she felt like she had won against him.

Si Cayson ay ibinalik ang pansin sa cellphone, hanggang sa muli nitong itinaas ang tingin sa kaniya at bahagyang ngumisi.

"I'll probably just call someone to come over and join us."

"Someone?"

"One of my women."

"Join us here? No way!"

"And why not?"

"You didn't expect me to share a room with you and your woman?"

"I didn't say we'd share a room with you."

"Kahit na!" Inis siyang tumayo saka umalis. At habang papalayo siya ay narinig pa niya ang pagtawag ni Cayson sa waitress kasunod ng paghingi nito ng bill.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top