CHAPTER 048 - Vacay in Bali
TULAD ng madalas na nangyayari ay nagising si Rome nang umagang iyon na wala na sa silid si Cayson. And she knew he was already doing his workout.
Kagabi ay ang tahimik ng gabi nila nang lumabas ito sa banyo. He went to bed and slept without another word. Habang siya nama'y tahimik na itinuloy ang pagbabasa habang inuubos ang isang basong gatas na ipinadala sa kaniya ni Althea. Nang makaramdam siya ng antok ay bumangon siya upang magsipilyo, saka bumalik sa kama at tahimik na nahiga.
Hindi siya nahirapang makatulog kagabi—hindi katulad ng mga nagdaang gabi. Cayson's presence brought her peace and comfort. Na kahit nakakainis ang mga pinagsasabi nito'y hindi siya nagalit. Hiling niya'y sana, manatili si Cayson nang matagal sa mansion at hindi muna magpalipas ng gabi kasama ang ibang babae sa ibang lugar hanggang sa matapos ang paglilihi niya. Wala siyang pakealam kung ano ang gusto nitong gawin o kung ilang babae ang i-date nito pagkatapos ng paglilihi niya. Ang nais lang niya ay ang ngayon.
Bumangon siya at nag-inat. Nilingon niya ang nakabukas na bintana at pinagmasdan ang maaliwalas na langit sa labas. It was a great day, pwede siyang lumabas at mamasyal.
Matapos niyang mag-ayos ay lumabas na siya ng silid at bumaba. It was time for breakfast, at ayaw niyang paghintayin si Althea Montemayor. Nasa hagdan na siya at malapit nang marating ang ibaba nang makita niya si Cayson na papasok sa front door. He was wearing his running pants and a hooded jacket. Obviously, he went for a run. Nahinto rin ito nang makita siya.
Hind niya alam kung bakit tila pareho silang natigilan. Wala siyang maisip na dahilan para magkatitigan sila, o magkailangan. Nor a spark like what two people felt during the first meeting. But she couldn't take her eyes off him, at mukhang ganoon din ito.
Why, though?
"Oh, good morning, you two!"
Tila pareho silang natauhan ni Cayson ay napatingin sa kitchen entry kung saan nakatayo si Althea. Maaliwalas ang mukha nito at malapad ang ngiti.
"I have great news!"
"Great news?" she asked as she continued to walk down the stairs.
"What is it, Gran?" Cayson asked as he continued to walk in.
"I have booked you two tickets to Bali!"
Pareho silang natigilan ni Cayson, muling nagkatinginan. At nang rumehistro sa isip nila ang sinabi ni Althea at sabay na nanlaki ang kanilang mga mata.
"Bali?!"
*
*
*
MANGHANG pinanood ni Rome ang paghampas ng malalaki at malalakas na alon sa dalampasigan habang ang mga taong naroon sa tubig ay walang pagsidlan ng tuwa habang nakasampa sa ibabaw ng surfboard at sumasabay sa agos ng alon. There were loners, there were couples holding hands as they lay on their stomach and let the waves bring them to the shore. Sa kabilang dako ng karagatan ay naroon ang mga bihasa sa surfing, kung saan sa parteng iyon ay malalaki ang mga alon.
Pero hindi lahat ng turista na nakikita niya ay nasa dagat. Ang karamihan ay nakahiga sa mga beach blankets ng mga ito at nagsa-sunbathing, ang iba nama'y nasa mga wooden bench na nililiman ng malalaking mga beach umbrellas, just enjoying the view.
At naroon siya ngayon sa maliit na veranda ng hotel room na okupado nila ni Cayson at nakatanaw lang sa karagatan.
She and Cayson were in Bali, thanks to Althea Montemayor who purchased their tickets and booked the seaside accommodation. Nagulat silang pareho ni Cayson nang sabihin nito nang umagang iyon na nakahanda na ang lahat sa pag-alis nila. Wala pang isang linggo simula nang dumating sa kaniya ang passport niya, at mukhang hindi nagsayang ng panahon si Althea.
They'd stay in Bali for a week, at sinalo nitong lahat ang mga appointments ni Cayson para hindi nito isipin ang negosyo sa loob ng mga araw na wala sila.
Cayson tried to refuse the arrangement, but Althea Montemayor won in the end. Napilitan ito, at sa buong araw hanggang sa pagtulog nito nang gabi'y mainit ang ulo't nakabusangot. Hindi na rin niya ito kinausap, ayaw niyang mauwi na naman sila sa argumento.
At nagtataka siya sa sarili. Ni wala siyang naramdamang pagtutol sa ginawang iyon ni Althea. She had no negative feelings about the idea. Siguro ay dahil iyon din ang gustong mangyari ng kaniyang anak? O siya? Ganoon niya ba ka-gustong magkasama sila?
Napabuntonghininga siya sa naisip.
For the sake of her baby, she would forget all the hate she had for Cayson Montemayor. Maaaring hindi nag-umpisa sa maganda ang pagkakakilala nila, at sa hindi tamang dahilan nabuo ang batang nasa sinapupunan niya, at ang kanilang kasal ay sapilitan lang at hindi bukal sa loob—pero nakahanda siyang ayusin ang relasyon mayroon siya sa magiging ama ng kaniyang anak.
A relationship without romance.
Just platonic.
Siguro naman ay maaari sila nitong maging magkaibigan sa loob ng sampung taong kasal sila? Kung para naman sa magiging anak nila iyon, bakit hindi?
Naisip niyang kung magpapatuloy sila ni Cayson sa pagtatalo, at kung paiiralin niya ang disgusto niya rito, ay baka sa bata bumagsak ang hindi magandang samahan mayroon silang dalawa. Them arguing and having this negative vibe around them would only give their child an uncomfortable and unhappy environment. Kaya kahit sa kakaibang sirkumstansya nabuo ang anak nila, she would make sure her child would have a happy life.
Siguro naman ay maaari silang maging magkaibigan? Wala naman sigurong masasaktan sa ganoon? Wala naman sigurong magdudusa sa ganoon?
Cayson Montemayor was physically attractive and had a magnetic charm, but he also had this nasty attitude that she always hated so much. Kung magiging magkaibigan sila, baka magbago ang tingin niya rito? Baka maging tao na ang tingin niya rito at hindi demonyo.
Muli siyang napa-buntonghininga.
Hindi niya alam kung bakit bigla na lang niyang naisip na kaibiganin ito—maaaring dala na naman ng paglilihi niya. But whatever—she was willing to do anything for the sake of her unborn child.
Siya rin naman ang mai-i-stress lagi kung panay sila argumento ng lalaking iyon.
Sabi nga nila*... If you can't beat them, join them.*
"Let's go outside, Rosenda Marie. I'm starved."
Mabilis siyang napalingon nang marinig si Cayson. Ni hindi man lang niya naramdaman ang pagbukas nito ng pinto. Matapos nilang dumating doon at sandali siya nitong iniwan dahil may titingnan lang daw. Noong una'y nag-alala siya at inakalang baka matagal itong mawawala—wala siyang alam sa lugar na kinaroroonan nila. Pero nang makita nito ang reaksyon ng mukha niya'y nagpaliwanag ito kung saan pupunta.
Titingnan lang daw ang menu ng hotel's restaurant, at kapag hindi raw nito nagustuhan ang mga iyon ay maghahanap ng ibang pagkakainan.
"The villa staff says there is a nice Thai restaurant nearby. I have the address, we'll take a taxi to get there."
"So... hindi mo nagustuhan ang menu ng hotel?"
"I don't like the dinner list. Their breakfast menu looks good, though. So, sa umaga na lang tayo kumain dito. The rest of the day, we could find a new place to eat."
"Okay." Pumasok siya sa silid, inisara ang glass door ng veranda saka naglakad palapit dito. Hindi pa siya nakakapagbihis simula nang dumating sila; suot-suot pa rin niya ang pantalong maong na kabibili lang niya dahil hindi na magkasya ang mga luma niya, at ang white sleeveless blouse niya.
Habang naglalakad palapit kay Cayson ay napansin niya ang pagsalubong ng kilay nito kasunod ng pagbaba ng tingin nito sa tiyan niya.
Bigla siyang nahinto at nakaramdam ng pagkailang.
"W-What?"
"You gained weight."
"Pregnancy weight," pagtatama niya.
Muli nitong sinalubong ang kaniyang tingin. "I told you to watch your—"
"Weight?" Nagtaas siya ng kilay. "Pake mo kung tumaba ako?"
"Your health," pagtatama ni Cayson kasunod ng pag-iling. "Naalala mo ba ang sinabi sa'yo ng doctor noong sinamahan kitang magpatingin? She says you have to be careful with what you eat as it affects the baby. Ayaw kong hindi maging malusog ang batang isisilang mo."
Umikot ang mga mata niya saka itinuloy na ang paglalakad. "Masustansyang pagkain ang kinakain ko. I'm gaining weight because the baby inside of me is slowly growing big."
Niluwagan nito ang pinto upang paunahin siyang lumabas. "Any food you don't like to eat? Nabanggit ni Lola na nagiging pihikan ka sa pagkain dahil sa kondisyon mo."
"Buti na lang at nabanggit sa'yo ng lola mo. Kung hindi ay baka hindi mo pa ako tanungin." What the heck is wrong with me? Kanina lang ay sinabi kong mas maiging maging magkaibigan kami, tapos ay ganito na naman ang asta ko. Oh geez, I'm starting to hate these pregnancy hormones.
"Hahabaan ko ang pasensya ko sa'yo dahil tayong dalawa lang ang narito sa bansang ito., Rosenda Marie," ani Cayson, nasa tinig ang pagtitimpi. "I'm asking you again. Is there any food you don't like to eat?"
Nilampasan niya ito at lumabas muna ng pinto bago sumagot. "Yeah. I don't like raw meat." Nahinto siya nang napagtantong may mali sa kaniyang sinabi. Hinarap niyang muli si Cayson na palabas na rin sana subalit nahinto nang humarap siya. "I... I mean, raw meat like... undone steak and sushi. H-Hindi ako natutunawan—"
"I know what you mean, hindi mo kailangang magpaliwanag. Hindi kasing-dumi ng utak mo ang akin." Napa-ismid ito saka tuluyan nang lumabas at ini-sara ang pinto ng hotel room.
Napanguso siya at muling tumalikod. Malinaw naman ang sinabi niya kanina, pero bakit siya mismo ay binigyan iyon ng ibang kahulugan?
Geez, ang lala na niya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top