CHAPTER 046 - For His Name




NANG ARAW na iyon ay inabala niya ang sarili sa pagbabasa ng mga online articles and blogs tungkol sa pagbubuntis, lalo na sa paglilihi. And she had learned so much.

She had learned a lot about pregnancy hormones, and how each woman experienced unique episodes in the first trimester. Na hindi pare-pareho maglihi ang mga babae ay madalas na kakaiba ang mga nais gusto. She also found out the first trimester was the worst, and the second trimester was the most relaxing phase of pregnancy.

She had also learned that she needed to be careful with the food she takes. Because women during pregnancy could also encounter acid reflux or heartburn. Marami siyang bagong mga impormasyong nalaman tungkol sa pagbubuntis, and the more she learned, the more she understood pregnancy.

Bandang alas dies nang umakyat siya at kinatok si Cayson sa study room. Sumagot lang ito subalit hindi siya pinagbuksan, kaya nagkusa na siya.

Pagkabukas ng pinto ay nakita niya si Cayson na nakaupo sa harap ng study table at nakaharap sa pinto. May tinitipak ito sa laptop at sandali siyang tinapunan ng tingin bago nito muling ibinalik ang pansin doon.

"What do you need?" he asked without looking.

"Uhmm..." Naglakad siya palapit at naupo sa sofa na nakaharap sa study table. Naka-ilang tikhim muna siya bago muling nagsalita. "Ano ang gusto mong pananghalian?"

Inalis muli ni Cayson ang tingin sa ginagawa, sandaling nakipagtitigan sa kaniya bago nagpatuloy. "Get straight to the point—I'm not used to you asking me this ques—"

"Believe me, ayaw ko rin. Pero nang dahil sa paglilihi ko ay napipilitan akong lapitan ka at pakisamahan. I couldn't even stop nor control myself, it was as if my body has a life of its own."

"Naniniwala ka talaga sa ganiyan? I think that's just psychological, Rosenda Marie. Ilang beses kang sinabihan ng mga matatanda na baka ako ang pinaglilihian mo kaya ka umaasta ng ganiyan? May ilan na ba? Itinatak nila sa isip mo na ganoon nga ang nangyayari, therefore, part of your brain convinced you that it was the case. And then, this part of your brain controls several functions of your body, thus, these actions." Huminga ito ng malalim at sumandal sa upuan. "Just go back to your old self, okay? Mas sanay akong pakisamahan ang pagiging eskandalosa mo kaysa ganito."

"Eskandalosa?"

"Yes. Are you going to deny it? Na kahit teacher ka ay ganoon ang—"

Bigla siyang napatayo at namaywang sa harap nito. "That's because you brought out the beast in me!"

"See? Kahit walang dahilan ay sumisigaw ka. Tsk." Napailing ito, ini-sara ang laptop, saka bagot na tumayo. "But fine. Sasakyan ko itong trip mo."

"You know what? 'Di bale na rin." Tumayo siya at taas-noong muling nagsalita. "Para lang din sa kaalaman mo. Nitong pumatong sa ikalawang buwan ang pinagbubuntis ko'y nagsimula na akong makaramdam ng kakaiba sa sarili ko. My hormones are making it hard for me to deal with everything. Kaunting amoy ay naiirita ang ilong ko, ang panlasa ko'y nag-inarte na rin, ang tiyan ko ay tila laging babaliktad, at ang bawat umaga ko'y kay hirap. And these? All these were because the baby in my tummy was growing. It needs more attention, more care. At alam mo kung gaano ako nasusuka sa presensya mo pero kahit ako'y hindi na rin maintindihan ang sarili kung bakit hindi ako mapalagay kapag hindi kita nakikita. I still don't like you, but the baby in my tummy seems to crave your presence. At sa tuwing nagsasalita ka ng masakit ay nakararamdam ako ng hapdi sa sikmura, so thank you! At salamat din dahil simula nang pinanagutan mo ako ay hindi ko narinig sa bibig mo ang pangangamusta sa batang dinadala ko!"

Tumalikod na siya at humakbang patungo sa pinto. Oh, she almost broke down in front of him. Hindi siya emosyonal na tao at hindi rin iyakin, pero sa mga sandaling iyon ay parang sasabog ang kaniyang dibdib at sumasakit ang kaniyang sikmura—parang kailangan niyang ilabas ang bigat at sakit na sumasakop sa katauhan niya sa mga sandaling iyon.

Nang marating niya ang pinto ay doon unti-unting nanlabo ang kaniyang paningin. At alam niya kung ano ang ibig niyong sabihin. Kaya naman bago pa man tuluyang bumagsak ang kaniyang mga luha ay kailangan na niyang umalis doon.

She grabbed the doorknob and turned it open, pero ano'ng gulat niya nang bigla itong itinulak pasara ni Cayson. He stood at her back, his breath touching the back of her neck.

At nang magsalita ito'y lalong nagtayuan ang kaniyang mga balahibo.

"Hindi ko inakalang gusto mong magpakita ako ng emosyon sa'yo, Rome..." he whispered. "And here I thought you only want me for my name."

Mariin siyang napalunok. "Initially, yes. But... pregnancy is making it hard for me and your baby wants your presence all the time."

"My baby. Hmmm... that sounds cool." Lalo nitong inilapit ang mga labi sa mukha niya na lalo niyang ikina-pigil hininga. "Well, tama ka. Anak ko ang nasa sinapupunan mo—na kahit hindi ko pinlano at ginusto ay matatawag ko pa ring akin. So, how about you take care of yourself and deal with your own problems, huh? Pagbibigyan ko kayo ni Lola na hindi muna umalis habang ganito ang sitawasyon mo, I could live for a month or two without seeing my women, that's alright. Dito ako magta-trabaho sa home office nang sagayon ay kahit papaano, maramdaman niyo ang 'presensya' ko. 'Yan lang naman ang gusto niyo, 'di ba?"

Niyo? Namin? Namin ng dinadala ko? Oh, demonyo talaga!

"At tutal ay napagbigyan na kita, maaari bang h'wag mo akong abalahin sa tuwing nagta-trabaho ako? Whenever I'm inside this room, do not disturb me unless there's an emergency. Are we clear?"

Wala talagang puso...

Ayaw na niyang lumawig pa ang walang kwentang diskusyon na iyon. Napili niyang hindi na sagutin pa si Cayson sa mga sinabi nito at ituloy na ang paglabas. Pero nang muli niyang pihitin ang seradura at buksan ang pinto ay muli iyong pinigilan ni Cayson gamit ang isang kamay nito.

Hindi pa rin ito umaalis sa kaniyang likuran nang muling nagsalita. "Are we clear, Rosenda Marie?"

"Fine," she answered quietly.

Damn you, Cayson.

"Okay, great then." At ito na mismo ang nagbukas ng pinto para sa kaniya. "Please leave now, I have tons of work to do."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top