CHAPTER 043 - Reprimanded




"AHH, SHIT," Cayson murmured when the rain started to pour. Saktong narating niya ang gate ng mansion nang bumuhos ang malakas na ulan. Nasa Palawan pa lamang siya ay masama na ang panahon. Pero ang buong akala niya ay doon lang may bagyo, hindi niya akalaing umabot hanggang sa Maynila.

Yes, he was in Palawan with one of his women. But he didn't go there for the sole purpose of spending time with his girl, but to do business. May investor na dumating galing Hongkong at doon niya dinala sa isang magandang resort sa Palawan dahil kasama rin nitong dumating sa Pilipinas ang misis nito. The Chinese guy wanted to invest in Montemayor Travellers; pinaka-unang dayuhan na mag-i-invest sa negosyo niya.

They sealed the deal and spent the rest of the day with their partners—and he was over the mood with his. Leyla was his new girl, he met her with a common friend, at masaya siyang nakilala ito.

Oh well, ganoon naman lagi ang nararamdaman niya kapag nakakakilala ng bagong babaeng papasa sa panlasa niya. He was always delighted, pero makalipas ng isa o dalawang linggo ay mawawalan na siya ng gana at maghahanap na naman ng iba.

Isa pa, kailangan niya ang ganoon para matakasan ang stress sa pagkakatali niya sa babaeng hindi niya gusto. And the unwanted baby on the way? Shit, what had he done?

Wala sa plano niyang magkaroon ng asawa, he loved his life as it was. Walang komplikasyon dahil alam ng mga babae niya na wala sa isip niya ang lumagay sa tahimik. At lalong wala siyang planong magkaanak dahil hindi siya mahilig sa bata. Maliban pa roon ay alam niyang wala siyang magiging oras bilang ama dahil lagi siyang abala sa buhay niya.

Producing an heir didn't really bother him. Maaari siyang pumili sa mga babae niya balang araw kapag handa na siya upang dalhin ang magiging tagapagmana niya. Kung wala ay wala ring problema. He would still die happy.

Ang gusto lang niya ay mag-enjoy, maging masaya at paligayahin ang sarili. Gusto niya'y ang sarili lang niya ang iniisip.

But then, Rosenda Marie happened. He got her pregnant. And now, she's carrying his child. At kailangan niyang bigyan ng pangalan at kinabukasan ang batang iyon.

Damn it.

Kung alam lang niyang ganoon ang mangyayari ay hindi na sana siya pumayag na magkaroon ng party sa gabing iyon. Bakit kasi nagpumilit ang mga kaibigan niya? Naka-disgrasya tuloy siya.

And that woman, Rosenda Marie. She was the angriest woman he had ever met in his entire life! Laging nakasimangot, laging masama ang tingin sa kaniya.

What the hell was wrong with that woman? Ang tagal na ng nangyari sa pagitan nilang dalawa pero hindi pa rin mawala-wala ang galit sa kaniya? How could she carry the grudge in her heart for so long?

Ahhh, kay tagal ng sampung taong usapan nila. Kung maaari lang na pagkapanganak nito'y maghiwalay na sila ay gagawin niya. Of course, he would pay her, give her huge alimony. He would also give her family anything they wanted. Early retirement for her parents? Maybe promotion at school? He would make sure na wala siyang maririnig na kung anuman mula sa pamilya nito kapag naghiwalay sila.

And of course, sa kaniya dapat mapunta ang bata. Kahit wala siyang planong magkaanak at wala siyang hilig sa bata ay anak pa rin niya iyon.

Wala siyang planong matali nang matagal sa babaeng iyon. Kung mabait sana ito, nakangiti, o kahit may katiting na katangiang gusto niya sa babae, maybe... just maybe... he would try to make the marriage world—like seriously. Pero hindi eh. Wala talaga.

At wala siyang ibang pagpipilian kung hindi manatiling kasal dito sa loob ng sampung taon. How awful his ten years would be...

Pagkatapos niyang i-park ang sasakyan sa garahe ay patakbo niyang tinungo ang front door. Binuksan iyon ng isang katulong at kinuha mula sa kaniya ang maleta niya.

"Kumain na po kayo, Sir? Ipaghahanda ko po kayo ng hapunan."

"No, gabi na rin at gusto kong magpahinga. Idiretso mo na sa laundry ang laman ng maleta, they are all dirty."

"Yes, sir."

Dumiretso siya sa itaas habang ang katulong naman ay sa maid's quarter malapit sa kusina at laundry area dumiretso. Pagdating na pagdating niya sa landing ay bumukas ang pinto ng silid ng lola niya. Nahinto siya nang makita itong lumabas.

His granny was already wearing her sleeping gown covered by her silk robe. Seryoso ang anyo nito.

"Let's go to the study room, we need to talk."

***

"WHAT IS IT, Gran? Gabi na pero gising pa kayo—"

"Hinintay ko talaga ang pag-uwi mo," sagot nito sa seryosong tono. Nasa loob na sila ng study area at kasalukuyan itong nakaharap sa bintana, nakatalikod sa kaniya.

"How did you know that I'm coming home tonight?"

"Your secretary told me." Humarap ito. "Sanay na ako sa madalas mong pag-alis nang hindi nagpapaalam. Saka ko lang malalaman kung saan ka nanggaling kapag nakauuwi ka na. Hinayaan kitang magpakasaya sa buhay, Cayson. Hinayaan kitang gawin ang gusto mo, puntahan ang lugar na gusto mong puntahan, at magliwaliw sa kahit anong paraan mo gustuhin. I was worried about you all the time, but I knew you could take care of yourself. Pero sana ay alalahanin mong hindi na lang ako ang naghihintay sa pag-uwi mo. Sana alalahanin mong hindi na katulad ng dati ang lahat. Sana maalala mong may asawa ka rito."

Huminga siya ng malalim. "I was on a business trip, Gran—"

"H'wag kang maging defensive, apo. Hindi ang rason ng pag-alis mo ang kinu-kwentiyon ko kung hindi ang state of mind mo. Rumehistro na ba sa isip mong may asawa kang nagdadalangtao rito? Bakit kailangang sa Palawan ka pa pumunta para sa business meeting na ito? Did you ever call her during the three-day time?"

He opened his mouth to answer his grandma, but no words came out, so he closed it again and looked away.

Damn it.

"Konsensya mo na ang bahala sa iyo kung patuloy ka pa rin sa pambababae mo, pero sana ay isipin mo si Rome, Cayson. You need to end this craziness with women—bakit hindi ka ma-kontento sa iisang babae lang?"

"Gran, I didn't go to Palawan with another woman," he answered finally. And he wasn't going to tell his grandma the truth. "At tinatawagan ko naman siya. I was checking up on her." And of course, those were another set of lies.

Doon siya hinarap ng abuela. "So, alam mong sa nakalipas na tatlong araw ay masama ang pakiramdam ni Rome? Alam mo rin na wala siyang ganang kumain at nanghihina?"

Kinunutan siya ng noo, at nang makita ng lola niya ang pagkalito sa kaniyang anyo ay muli itong nagpakawala ng mahabang buntong-hininga.

"Please, apo. Please take care of your wife. Please take care of this marriage—hindi habang buhay ay ganito ka na lang. You are an excellent businessman but a stupid man. Gusto kong isipin na walang pag-ibig sa inyong dalawa dahil dito sa ginagawa mo, pero alam kong hindi ka magpapakasal kung wala ka ring damdamin sa kaniya."

Oh, Gran. You don't have any ideas...

"If you want your wife to feel better, focus on her. Mag-leave ka muna sa opisina and spend time with her. Kailangan ka niya ngayong nasa stage siya ng pagbubuntis na maselan. She needs your time and support. Be there for her, nourish her. Love her. Stop this out-of-town trips for a while, buntis ang asawa mo at siya atupagin mo." Lumambot ang anyo ng kaniyang abuela, at nang muling nagsalita'y banayad na ang tinig. "Please go to her and see how she's doing. Kahit hindi niya sabihin ay alam kong nasasabik siyang makita ka."

He almost smirked.

I doubt that, Gran. Wala sa terms namin 'yan.

"Okay, Gran. I'll go see my wife now."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top