CHAPTER 042 - Cravings
PAG-GISING niya kinabukasan ay tila kay bigat ng pakiramdam niya.
Wala na si Cayson sa higaan at kung pagbabasehan niya ang mga nagkalat na tuwalya at ang hinubad nitong sleeping pants sa sahig ay siguradong nakaalis na ito.
Martes ang araw na iyon ay naka-schedule siyang magtungo sa Montessori upang ipasa ang resignation letter at upang ipaalam na rin sa mga ito ang kalagayan niya. Pero mukhang hindi niya kayang bumangon sa umagang iyon, tulad ng nangyayari sa nakaraang mga araw.
Simula nang umapak sa ikalawang buwan ang pagbubuntis niya ay kay hirap na ng bawat umaga sa kaniya. Ayaw niyang bumangon, kung maaari ay matulog na lang siya buong araw. Ayaw niyang kumilos, kung maaari ay nakahilata lang siya at nakatitig sa kisame o sa kawalan. Ayaw niyang mag-ayos, tama nang nakabihis siya at nakapag-suklay. Ayaw niyang kumain, lagi siyang walang gana—malibang kasama niya sa hapag si Cayson.
Oh yes, that devil. Naniniwala siyang dala ng paglilihi kaya siya umaakto ng ganoon kapag nasa paligid ito. Kung noon ay kinaiinisan niya ang presensya nito, ngayon ay tila hinang-hina siya kapag wala. His presence gave her energy. Gumagana ang pagkain niya kapag sabay silang kakain, lumiliksi ang pagkilos niya kapag naroon ito sa paligid.
Hindi niya magawang sabihin iyon kay Cayson dahil ayaw niyang isipin nito na siya ang may gusto. That man would surely never understand what pregnancy cravings meant. That man would surely never understand women's hormones.
Bahagya siyang bumangon upang sulyapan ang oras sa wallcock na nakasabit sa ibabaw ng flat screen TV. The clock said it was already nine in the morning.
Napabuntong-hininga siya saka bumalik sa pagkakahiga. Gusto niyang ituloy ang pagtulog.
And she did.
At sa muli niyang pagmulat ay alas dos na ng hapon. Bumangon siya pero nang makaramdam ng hilo ay muli siyang bumalik sa higaan.
She slept again.
Isang malakas na katok mula sa labas ng pinto ng silid ang sunod na gumising sa kaniya. Nananakit ang ulo niya at nais sana niyang ignorahin kung sino man ang nasa labas. Pero naisip niyang baka si Grany Althea iyon kaya sumagot siya.
"Yes?" aniya sa malat na tinig.
"Oh, Rome, are you okay?"
It was Althea Montemayor, indeed.
Pinilit niyang bumangon at sandaling huminto nang makaramdam ng matinding pagkahilo. Nang pakiramdam niya'y kaya na niya, ay saka lang siya tumayo. Napahawak siya sa pader upang kumuha roon ng suporta sa paglalakad, habang ang isang kamay ay sumapo sa kaniyang ulo.
"Rome, what's happening? Hindi ka raw lumabas buong araw, apo." Nasa tinig ng matanda ang labis na pag-aalala.
Nanlalambot ang mga tuhod niya at gustuhin man niyang bilisan ang paghakbang ay hindi niya magawa. "S-Sorry po, natulog ako buong... araw."
"Hindi ka pa raw kumakain, Rome. Baka mapaano ka, apo. We brought you food, please open the door."
Itinuloy niya ang paglalakad hanggang sa marating niya ang pinto. Nakailang hugot muna siya ng malalim na paghinga bago inayos ang sarili saka binuksan ang pinto. Sa harap niyon ay nakita niya si Althea na nasa mukha ang labis na pag-aalala at ang katulong sa likuran nito na may bitbit na tray ng umuusok na pagkain.
"Oh God, look at you, dear..." Pumasok ito sa loob at inalalayan siya. "You look so pale, are you feeling sick?"
Pilit siyang ngumiti. "Inaantok lang po ako at walang ganang magkiki-kilos. Pasensya na po kung pinag-alala ko kayo..."
"Ang sabi sa akin ng mga katulong ay ilang beses ka nilang kinatok pero hindi mo raw sila pinag-buksan."
Nilingon niya ang katulong na dumiretos sa bedside table kung saan nito ipinatong ang dalang tray. Humarap ito at nagsabing, "Noong umaga ay hindi po namin kayo ginising dahil nagbilin si Sir Cayson na baka tanghaliin po kayo, ang sabi'y madaling araw na po kayong natulog. Pagdating naman po ng tanghalian ay kinatok po namin kayo para dalhan ng pagkain pero hindi niyo po kami pinagbuksan kaya inisip naming natulog kayong muli. Kaninang alas tres ng hapon naman po ay muli namin kayong kinatok pero ungol lang po ang ini-sagot ninyo sa amin. Naku, Maam, kung wala pa kaming narinig na tugon mula sa inyo noong huling kinatok namin kayo ay baka nag-report na kami sa pulis."
Lihim siyang napa-ngiwi. Pati mga katulong ay pinag-alala niya. "A-Anong... oras na?"
"It's seven in the evening, hija. And you haven't eaten anything the whole day! Oh, baka magkasakit ka, baka kung mapaano kayo ng dinadala mo..." Inalalayan siyang muli ni Althea na maglakad at maupo sa kama. "Look at you, namaga na lang ang mga mata mo sa pagtulog. Walang problema sa akin kung gusto mong matulog at magpahinga buong araw, hija, but you have to eat something."
Napayuko siya. Ni hindi man lang niya naisip ang kalagayan ng anak.
Kasalanan ni Cayson 'to.
"Pasensya na po—"
"Oh, don't be sorry. I know how hard pregnancy is, naging ina rin ako. Pero kumain ka na muna ngayon, okay? Hindi ka maaaring matulog nang walang laman ang tiyan."
Tango lang ang ini-sagot niya. Si Granny Althea ay hindi umalis sa tabi niya hanggang sa hindi niya nauubos ang pagkaing dala ng mga ito. At kahit hanggang sa matapos siyang kumain ay nakaalalay ito at ang katulong. They assisted her as she went to the restroom, and helped her get back to bed.
Nang sa palagay ni Althea ay maayos na siya ay saka pa lang ito nagpaalam at umalis.
SA sumunod na dalawang araw ay ganoon pa rin ang nangyari sa kaniya. Sa gabi'y kay hirap sa kaniyang kumuha ng tulog, at sa umaga nama'y walang ibang gustong gawin ang kaniyang katawan kung hindi mahiga at umidlip na lang. Pero hindi tulad noong unang araw na iyon ay pinilit niyang kumain, kahit papaano, para sa dinadala niya.
Iniwan na niyang hindi naka-lock ang pinto, para kung sakaling katukin siya ng mga katulong at hindi siya sumagot ay malaya ng mga itong buksan ang pinto at masilip ang lagay niya.
Sleep was everything for her in the past two days. Her body was heavy, she was feeling lonely. At napansin iyon ni Althea kaya naman kinausap nito ang mama niya at pinapunta sa mansion. Dumating nga ito kasama si Connie sa ikatlong gabi, na ikinagulat at ikinatuwa niya.
Seeing her mother helped a lot, bigla siyang nabuhayan.
"Don't worry, h'wag ka nang tumayo kung nanghihina ka," anang mama niya nang pumasok ito sa silid kasunod si Connie. Lumapit ang mga ito sa kama at naupo sa gilid niyon.
Sumandal siya sa headboard at ningitian ang mga ito. Ang huling kita niya sa mga ito'y noong dinner party pa, and that was five days ago. Malaking bagay na sa kaniya ang pagdalaw ng mga ito.
Bagaman nakakausap niya ang kapatid via chat araw-araw ay iba pa ring nakita niya ito. And somehow, seeing her mother brought warmth to her whole being.
"Ano ang sinabi ng OB mo noong huling nagpatingin ka?" nag-aalalang tanong ng mama niya. Nasa anyo nito ang pag-aalala.
"Wala namang problema sa dinadala ko, Ma. Ako lang ang tamad magkikikilos at puro tulog lang ang gusto."
"Kailangan mong magpa-init at mag-lakad-lakad, anak. Kung hindi naman masama ang pakiramdam mo'y pilitin mong bumangon."
Tumango siya at sinulyapan si Connie na nasa anyo rin ang pag-aalala.
Nginitian niya ang kapatid. "I'm okay, don't worry," aniya rito. "I just don't feel like moving. Tamad itong anak ko."
Napabuntonghininga ito. "Alam ba ni Cayson na wala kang ginawa kung hindi mahiga at magmukmok lang dito sa silid ninyo?"
Bago pa niya nasagot ang tanong nito'y muling nagsalita ang mama nila. "Why? Wala ba si Mr. Montemayor dito?" Pinaglipat-lipat nito ang tingin sa kanila ni Connie.
"N-Nasa business trip, Ma. Bukas ng umaga pa po ang balik." She wasn't even sure if Cayson would be back tomorrow. Sinabi lang niya iyon para wala nang maraming tanong ang mama niya. Si Althea Montemayor ay ganoon din ang alam—turned out na hindi pala nagpapaalam ang lalaking iyon kahit sa lola nito.
"Ilang araw na siyang wala?" tanong pa ng mama nila.
"Tatlong araw na po."
"At tatlong araw ka na ring ganito?"
Hindi niya masabi sa ina na nooong bago pa umalis si Cayson ay ganoon na ang pakiramdam niya. Her pregnancy hormones had gotten worse in the second month. Na lalong lumala nang umalis si Cayson at hindi niya nakita ng ilang araw. Ang kawalan ng presensya nito sa paligid niya ay tila lalong nagpahina sa kaniya.
And she didn't want to believe it, but it could be possible...
"Pinaglilihian mo yata ang asawa mo," nakangiting komento ng mama niya—na halos kompirmasyon lang din sa hinala niya.
"Sa paanong paraan, Ma?" si Connie, tila ayaw pang maniwala.
"Well, noong pinabubuntis ko itong si Rome ay ganoong-ganoon din ako. Lagi akong nanghihina, walang ganang kumain, walang ganang kumilos, walang interes sa ibang bagay maliban sa pagtulog, at laging malungkot. Nagkataong nagkaroon ng isang linggong conference ang papa niyo noon sa Davao na hindi niya pwedeng hindi puntahan. Hindi ko alam na nagdadalantao ako noon kay Rome, pero ramdam kong may kakaiba sa akin. At iba ang pakiramdam ko noong umalis siya. Malungkot ako, walang gana sa lahat ng bagay, galit sa lahat ng taong makita ko. Ang papa niyo lang ang laman ng isip ko sa buong araw, pakiramdam ko'y dala-dala niya ang buong pagkatao ko roon sa pinuntahan niya." Lumapad ang ngiti ng mama niya habang sinasariwa ang nakaraan. Para itong teenager na pinadalhan ng love letter ng crush nito.
Nagkatinginan sila ni Connie sa nakikiting ekspresyon sa mukha ng ina. Tingin nila'y wala na ito sa kasalukuyan at nagpaanod na sa alaala ng nakaraan.
Ilang sandali pa'y naramdaman na lang niya ang pag-gagap ng mama nila sa kaniyang kamay, kasunod ng banayad nitong pagpisil niyon. "The moment I saw you when I entered the room, anak, I already knew. Ganitong-ganito rin ako noon, at alam kong naglilihi ka lang sa asawa mo."
Hindi niya pinasubalian iyon. Her mother was right, she wouldn't even deny it.
"Pero anak, alam mo bang muntikan nang hindi matuloy ang pagbubuntis ko sa iyo noon dahil sa nangyari sa akin? I almost had a miscarriage, we almost lost you dahil hindi ako nag-ingat."
"Really, Ma?" ani Connie. "Aba'y, kaya siguro pasaway 'yang bunso niyo kasi hindi yata na-develop nang maayos ang utak noong pinagbubuntis ninyo."
Inismiran niya ang kapatid na halatang pinapatawa lang siya. Pero ang mama lang nila ang natawa roon. "Iyan nga rin ang sabi ng papa ninyo sa tuwing may ginagawang kalokohan o pinapasok na gulo itong si Rosenda Marie, eh. Aniya'y baka kinulang ng development dahil sa muntikang pagkakalaglag noong pinagbubuntis ko pa."
Doon na siya natawa, subalit sandali lang dahil naramdaman niya ang paghigpit ng pagkakahawak nito sa kaniyang mga kamay. Ang pag-aalala ay muli ring bumalik sa anyo nito. "You have to be careful and take care of yourself, Rosenda Marie. Kung gusto mong alagaan ang batang nasa sinapupunan mo ay matuto ka munang alagaan ang iyong sarili. And speak to Cayson about this. Ganitong pinaglilihian mo siya, mas mainam na bawasan na muna niya ang pag-alis at pag-iwan sa'yo. He needs to look after you, he needs to take care of you and your baby. Responsibilidad din niya bilang asawa mo at ama ng dinadala mo na siguraduhing nasa maayos kayong kalagayan."
Tango lang ang ini-sagot niya.
Ayaw niya sa presensya ni Cayson pero mukhang iyon ang kailangan ng anak niya. For the sake of her baby, she needed to ask him to stop his escapade with his women and stay with her until these pregnancy hormones disappeared. Kaya lang ay... kaya ba niyang hilingin 'yon kay Cayson?
At kaya ba nitong ibigay iyon sa kaniya?
"May dala kaming mga prutas," ani Connie na pumukaw sa kaniya. "Ipinahiwa ko sa isang kasambahay at pinakiusapang dalhin dito."
Napanguso siya. "Nakapag-toothbrush na ako, eh.."
"Mag-toothbrush ka na lang ulit." Sumampa ito sa kamay, tumabi sa kaniya at pumailalim din sa kumot. "Tabihan kita hanggang sa maubos mo."
"Busog na ako, eh."
"Kuuu, tama nang palusot 'yan! Basta kumain ka para malusog iyang pamangkin ko paglabas niya. At nang sagayon ay ma-develop nang maayos ang utak niya nang hindi matulad sa'yo."
Pabiro niyang siniko si Connie na natawa lang. Ang ina nila ay nakangiti lang silang pinagmasdan habang nagkukulitan sa ibabaw ng kama.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top