CHAPTER 040 - Planning The Baby's Name


MATAPOS ang maganang hapunan ay lumabas muna si Rome sa frontyard at doon ay nagpahangin. Magpapatunaw muna siya ng mga kinain bago umakyat at magpahinga.

Oh geez, natapos lang ang hapunan nila nang hindi napag-uusapan ang tungkol sa pagpapaalam nila sa buong pamilya at kay Granny Althea ng tungkol sa kondisyon niya. Nawala sa isip niyang kausapin si Cayson tungkol sa bagay na iyon, dapat ay sa Lunes din, makausap na nila ang lahat. At kapag alam na ng lahat ang kondisyon niya ay maaari na siyang mag-apply ng resignation sa Montesorri.

She couldn't wear her uniforms anymore, masikip na ang mga iyon sa bandang braso at bewang. She was gaining weight, and she would surely gain more in the next few weeks.

Kailangan nilang mag-usap ni Cayson sa gabing iyon.

Mabilis siyang bumalik sa loob at umakyat sa itaas. Banayad niyang binuksan ang pinto ng silid at pumasok. Si Cayson ay nakahiga na at may binabasa pang ilang mga dokumento.

"Akala ko ba ay pagod ka at gusto mong matulog nang maaga?" Hindi niya napigilang sabihin.

"Hindi ako makatulog nang marating ko na ang silid," anito, hindi man lang siya tinapunan ng tingin.

"We need to talk."

"About what?"

"Nakahanda na akong mag-resign sa trabaho. May mga pagkakataong napipikon ako sa kakulitan ng mga bata at naiinis ako sa ingay na dati ay hindi ko naman nararamdaman. I believe those were just due to pregnancy hormones. Ayaw kong sa mga estudyante ko ibunton ang inis ko kaya dapat nga lang siguro na magpahinga muna ako."

"Muna?" anito, ang tingin ay nasa mga papeles pa rin. "You will not go back to work after you gave birth, Rosenda Marie. I can provide for you. Besides, hindi ba mas kailangan ng magiging anak mo ang oras at attensyon mo kaysa sa trabaho?"

Anak ko? Gago, anak mo rin 'to, 'di ba?

Huminga siya nang malalim. Ayaw niyang makipagtalo.

"Fine. Pero bago ako magresign ay kailangan muna nating kausapin si Granny, at ang mga magulang ko. Gusto kong ipaalam na natin sa kanila ang kondisyon ko."

Doon nagbawi ng tingin si Cayson mula sa mga hawak na papeles at sinulyapan siya. Ang mga mata nito'y bumaba sa tiyan niya na namumukol hindi dahil sa pagdadalantao kung hindi dahil sa sobrang kabusugan.

She expected to see warmth and tenderness in his eyes as he looked at her tummy, but there was none. Wala talaga itong pakealam.

Oh well. Ano pa nga ba ang inaasahan niya sa animal na ito?

"How many months are you now?"

"Two months and two weeks."

Tumango ito, nagbawi ng tingin at inayos ang mga papeles. "We have only been married for five weeks. Tingin ko nga ay panahon na para sabihin sa kanila. But we have to tell them you are only 5 weeks pregnant."

"I know."

"Okay, let's do it on Monday."

"There's another thing."

Inilapag muna ni Cayson ang mga papeles sa ibabaw ng bedside table bago siya sinulyapan. "What is it?"

"Pwede mo ba akong samahan sa OB-GYN ko sa Lunes?"

"Why do I have to come with you? Hindi mo ba kayang mag-isa?"

"Mag-isa ko bang ginawa ang batang nasa sinapupunan ko?" There, umalma na rin siya*. Namumuro na 'tong animal na 'to, eh.*

Sa sinabi niya'y hindi kaagad nakasagot si Cayson. Nakipagtitigan ito nang matagal sa kaniya bago umismid saka umayos na ng higa. "Fine."

Then, he switched off the lamp and turned his back on her.

Nakabusangot siyang humakbang patungo sa banyo, pumasok, saka iyon pabagsak na ini-sara.

Sa loob ay tahimik niya itong pinagmumura habang gigil na gigil na nagsipilyo at naghilamos.


*

*

*


LUNES nang hapon nang imbitahan ni Cayson ang mga magulang ni Rome at si Connie sa Intercontinental Hotel, kasama rin si Althea para sa isang family dinner. Doon sila nagpasiya ni Rome na kausapin ang buong pamilya.

Everybody thought it was just a family get-together, na naroon lang sila upang magkumustahan lalo at isang linggong hindi nakita ng buong pamilya si Rome.

"Mabuti naman at maayos ang pakikisama ni Rome sa inyo, Mrs. Montemayor," wari ni Merry, ang ina ni Rome, kay Althea Montemayor. "May mga pagkakataon po kasing tila may sariling mundo ang batang 'yan."

Althea giggled. "Oh, I love your daughter, Merry. She's a breath of fresh air."

"Mabuti naman po kung ganoon." Napasulyap si Merry sa anak na kanina pa titig na titig sa pagkaing nakahain sa plato nito. Rome ordered a filet minon steak, and she was staring at the meat with a frown on her face. Sa tabi nito ay si Cayson na nakikipag-usap naman sa ama ni Rome na si Ronwaldo tungkol sa problema nito sa accounting team ng Montemayor Travellers. "Rome, are you okay?"

Si Rome ay nanatiling tahimik at titig na titig pa rin sa pagkain. Tila hindi nito narinig ang pagtawag ng ina.

Habang hindi nakatingin ang anak ay masusing sinuyod ng tingin ni Merry ang bunso. Ramdam nito, bilang ina, na may kakaiba rito. Kakaiba na hindi pa nito matukoy at hindi kayang bigyan ng pangalan.

Ilang sandali pa'y siniko nito ang panganay, si Connie, na kanina pa tahimik sa pagkain, at manaka-nakang ngingiti kay Althea Montemayor kapag kinakausap ng matanda.

Nilingon ni Connie ang ina na napanguso upang ituro si Rome na kanina pa tulala. Kinunutan din ng noo ang dalaga. Nagtataka sa inaasal ng kapatid.

Pero nang makita ng dalawa ang biglang pag-angat ng kamay ni Rome upang hilahin ang manggas ng suot na poloshirt na Cayson ay lalo ang mga itong kinunutan ng noo.

Cayson turned to Rome, and with a fake smile on his lips, he asked, "Yes, sweetheart?"

Rome continued to stare at the meat. Nalipat din ang tingin ni Cayson doon.

"Gusto kong... kainin," Rome said after the long silence.

Ang atensyon ng lahat ay natuon na rito.

"Eat, then," si Cayson na bagaman nag-tataka sa inaakto ni Rome ay nanatiling huwad na nakangiti.

Doon pa lang inalis ni Rome ang tingin sa steak at tiningala si Cayson.

"Pwede bang ikaw ang humiwa?"

Katahimikan ang sunod na sumakop sa pagitan nilang anim. Althea thought Rome was just trying to be sweet, asking for attention from her husband. Ronwaldo and Merry thought their daughter was being childish, and Connie was dumbfounded. Kung mayroon man sa lahat ng naroon ang labis na naguguluhan sa inaakto ni Rome ay si Connie iyon.

Nang hindi tuminag si Cayson sa hiling ay muling tinitigan nang diretso ni Rome sa mga mata ang asawa. Her eyes were pleading, her face was sad. Si Cayson ay kinunutan na rin ng noo sa pagtataka.

Ilang sandali pa ay tila binuhusan ng malalim na tubig si Rome. Napa-igtad ito at bumitiw mula sa pagkakahawak sa damit ni Cayson ay naguguluhang hinarap ang lahat.

Nang makita nito ang itsura ng mga magulang at ni Connie ay napangiwi ito.

"S-Sorry, my hormones are overpowering my sanity sometimes."

"What?" sabay na tanong nina Connie at Merry.

"Yeah," Rome answered. "Minsan ay parang may sariling buhay ang katawan ko, ang utak ko. Siguro ay dala lang ng paglilihi..."

Sabay na napasinghap sina Mrs. Althea Montemayor at si Merry nang marinig ang sinabi ni Rome. Si Ronwaldo nama'y malapad na ngumiti, habang si Connie ay napailing at muling niyuko ang pagkain.

"Are you... pregnant, Rome?" tanong ni Althea sa garalgal na tinig.

Bago pa masagot ni Rome ang katanungan nito'y bigla na lamang umakbay si Cayson, at sa masayang tinig ay, "Yes. We are having a child."

Hindi magkandaugaga ang tatlong matatanda sa pagbati sa dalawa, si Merry ay tumayo at humalik pa sa pisngi ng anak. Sumunod din sa Althe, habang si Ronwaldo nama'y naluluhang pinisil sa balikat si Cayson.

Doon pa lang ay nag-usap na ang tatlong matatanda kung ano ang dapat ipangalan sa magiging unang apo.

The three oldies had agreed that if Rome gave birth to a baby girl, they should name her Cayla.

Whilst if it's a boy, they should name him after his father. Caligh Carson Montemayor Jr.

Like hell!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top