CHAPTER 038 - Still Enjoying His Freedom


"WHY are you wearing your uniform?"

Napa-igtad siya sabay hawak sa dibdib nang marinig ang boses ni Cayson sa gilid ng pinto ng banyo. Marahas niya itong nilingon at nakitang nakahalukipkip na sinusuyod siya ng tingin.

"Pwede bang sa susunod ay tumikhim ka muna bago magsalita? Papatayin mo pa ako sa gulat, eh." Itinuloy niya ang paglalakad patungo sa vanity table na bagong bili ng lola ni Cayson para sa kaniya. Naupo siya sa harap niyon saka nagsuklay ng buhok. At habang ginagawa iyon ay sinulyapan niya si Cayson. Nakabihis na ito ng pang-opisina, mukhang handa na itong umalis.

Gumising siya nang umagang iyon na wala na ito sa kama, buong akala niya'y maaga itong umalis para pumasok sa opisina kaya bumangon siya at naghanda na rin sa pagpasok sa Montessorri.

Yes, nagtabi sila kagabi subalit naglagay siya ng dalawang unan sa pagitan nila na ikina-ismid lang nito. Halos hindi rin siya nakatulog buong gabi sa pagbabantay. Ayaw niyang magising na ang isa sa kanila ay nakayakap na. Oh, that would be so gross!

Pero alam niyang hindi niya maaaring gawin iyon gabi-gabi. Kung magpupuyat siya lagi para lang magbantay ay baka mapaano ang dinadala niya. She had to look after her health, she had to take care of herself. Kaya ang hiling niya'y sana, hindi magtagal ay masanay na rin siya sa sitwasyon nilang ito.

"I am asking you, Rosenda Marie. Why are you in your uniform?"

Inalis niya ang tingin sa lalaki at hinagod naman ng tingin ang sarili. Nangingitim ang ilalim ng mga mata niya tanda ng kakulangan sa tulog. Oh, kay pangit ng tingin niya sa sarili.

"Papasok ako sa Montessori, ano pa nga ba? My pupils are waiting for me. Isang linggo rin akong hindi nakapasok dahil sa paghahanda sa kasal at sa walang kwentang honeymoon na iyon—naubos ko na ang lahat ng vacation leaves ko," aniya bago binuksan ang makeup kit. Lalagyan na lang niya ng concealer ang ilalim ng kaniyang mga mata para hindi mapansin mamaya sa school.

"Did I miss mentioning that you are no longer allowed to work?"

Ang paglagay niya ng concealer ay nahinto nang marinig ang sinabi nito. Muli niya itong tinititigan sa salamin. "What do you mean? Baldado na ba ako para hindi na magtrabaho? I could still stand and walk, Cayson Montemayor—"

"Ayaw kong mapagod ka sa buong araw na nakatayo sa loob ng classroom, o sa pakikipaghabulan mo sa mga estudyante mong makukulit. Ayaw kong mapagod pati ang batang dinadala mo."

Ang batang dinadala mo... ulit niya sa isip. Totoong hindi ito nabuo dahil sa pagmamahal, pero kay hirap ba sa 'yong tawagin siyang anak?

Oh, she couldn't say that. She just couldn't say those words...

"Hindi ako basta-basta na lang na hindi papasok, Cayson. I need to speak to them and—"

"Pupunta ako ngayong araw roon para kausapin sila. I know the owner of the Montessori, madali kitang mai-pu-pull out. Kung kailangan nila ng kapalit mo'y madali rin akong makahahanap."

"At ano ang idadahilan mo? No, allow me to work kahit isang buwan pa. Sa puntong iyon ay hindi natin alam kung mahahalata na ang tiyan ko, pero pwede na nating sabihin sa lahat ang tungkol sa kondisyon ko. That way, may maayos akong rason para hindi na pumasok kung ayaw mo talaga akong pagtrabahuin."

Sandaling natahimik si Cayson, nag-isip. Tinimbang ang lahat ng mga sinabi niya bago tuwid na tumayo saka tumango.

"Okay. One month. Pagkatapos ay magresign ka na. Wala kang ibang gagawin kung hindi alagaan ang batang nasa sinappunan mo. That's going to be your new job." Pagkatapos niyon ay naglakad na ito patungo sa pinto. Binuksan nito iyon saka lumabas.

Muli niyang sinulyapan ang sarili sa salamin.

New job, huh? Gago.

Apat na taon akong nagsunog ng kilay para lang makakuha ng mataas na marka sa eskwela nang sa gayon ay hindi ma-disappoint ang mga magulang ko. Apat na taon akong nagpuyat para pag-aralan ang mga lessons ko, apat na taong gumising nang maaga para pumasok sa eskwela, tapos ay sasabihin lang niyang hindi na ako magta-trabaho dahil ang bago kong trabaho ay maging ina? Gago. I can do both, Cayson Montemayor!

Gusto niyang isigaw iyon, gusto niyang makipagtalo at ipaglaban ang gusto niyang gawin sa buhay niya.

Akala ba niya ay may kaniya-kaniya pa rin silang buhay pagkatapos ng kasal? Akala ba niya'y malaya pa rin niyang magagawa ang gusto niyang gawin sa buhay?

Pero heto ang gago, wala pang isang linggo ay minamanduhan na siya kung ano ang dapat niyang gawin!

Inis niyang itinuloy ang paglalagay ng concelear sa ilalim ng mukha saka naka-simangot na nag-apply ng makeup.

O, kay aga-aga ay sinisira na ng animal ang araw niya!

ISANG buwan ang mabilis na lumipas, at bahagyan nang nasasanay si Rome sa sistema nila ni Cayson sa araw-araw na ginawa ng Diyos.

Sa umaga ay una siyang magigising; dahan-dahan siyang kikilos patungong banyo para hindi niya ito magising. Doon pa lang sa banyo ay nagbibihis at nag-aayos na siya. Mahigit isang oras siya roon, at kapag lalabas ay wala na si Cayson sa kama. Kapag nasa hapag na siya para kumain kasabay si Mrs. Althea Montemayor ay saka susulpot ang lalaki, pawisan at pagod na pagod. Napag-alaman niyang may personal gym si Cayson sa mansion, katabi ng garahe, at doon ito madalas na dumiretso sa umaga.

Cayson would then come to her to kiss her—which was, of course, part of the act. Madalas ay naramdaman niyang sinasadya nitong idikit ang pawisang mga braso sa kaniya upang dumikit ang pawis nito sa uniporme niya. Kapag ganoon ay naiinis siya at tinatapunan ito ng masamang tingin, na sinasagot lang ni Cayson ng lihim na pag-ismid.

Sabay sila nitong aalis sa umaga, ihahatid siya nito sa Monterssori habang ito naman ay papasok sa opisina. Sa hapon ay susunduin din siya nito—out of obligation, of course. Kailangan nilang ipakita sa lahat ng taong nakakakilala sa kanila na maayos silang nagsasama bilang mag-asawa. Pero imbes na dumiretso sa mansion ay may kani-kanila silang lakad. She would go meet with Connie and Jiggy while he would go meet his women. Wala siyang pakealam doon. Kapag madilim na ay saka siya tatawagan nito upang itanong kung nasaan siya. Susunduin siya at sabay silang uuwi.

Sa weekend naman ay dumadalaw siya sa pamilya, habang ito nama'y muling makikipagkita sa mga babae. Madalas itong hanapin sa kaniya ng mga magulang niya, at doon siya muling hihibla ng kwento para pagtakpan ito.

Sa harap ni Althea Montemayor ay para silang sweet na mag-asawa, they were both playing their parts so well. Ang hindi alam ng matanda ay madalas pa rin silang magpasaring ni Cayson sa isa't isa. There were times they wouldn't talk inside their room. Lalo na sa gabi. Madalas itong nauunang umakyat at di-deretso sa office nito na nasa dulo pa ng hallway sa second floor, at kapag tulog na siya ay saka lang ito lilipat sa silid nila.

Malaki ang kama na sa hula niya'y kakasya ang limang tao, kaya kahit hindi siya maglagay ng unan sa pagitan nila at hinding-hindi sila magdidikit. Oh well, mabuti at pareho silang hindi ma-galaw.

Patuloy pa rin siya sa pag-pasok sa Montessori tulad ng kanilang napag-usapan ni Cayson, pero dahil dalawang araw na lang at magtatapos na ang isang buwang palugit nito sa kaniya ay naghanda na siya ng resignation letter. Pero bago siya mag-resign ay kailangan na muna nilang sabihin sa buong pamilya ang kondisyon niya.

Hinihingal na rin siya, madalas na inaantok at nagiging suplada. Alam niyang dala iyon ng paglilihi at ayaw niyang ibunton sa mga estudyante niya ang pagbabago ng kaniyang mood. Tama nga marahil ang pasiya ni Cayson na tumigil na muna siya. Naririndi siya sa ingay ng mga bata na hindi naman niya dating nararamdaman.

Nagiging maiksi rin ang pasensya niya at mainitin ang ulo. Sa umaga'y hirap na hirap siyang bumangon, at ang mga damit niya'y sumisikip na. And that included her uniform. Alam niyang sa malao't madali ay kailangan na nilang sabihin sa pamilya na nagdadalantao siya. Of course, paniniwalain nila ang mga itong nabuo ang batang iyon sa 'honeymoon' nila.

Sabado ng gabi ay nakipagkita siya kina Connie at Jiggy. Nang araw na iyon ay hindi niya nagawang bumisita sa mga magulang dahil buong araw na masama ang pakiramdam niya. Hindi siya makabangon, wala siyang ganang kumain, at mabigat ang katawan niya. Tumawag siya sa kapatid at ipinaalam ang kalagayan, kaya ito na ang nag-isip ng dahilan para sabihin sa mga magulang.

Nang hapong iyon ay bumuti ang pakiramdam niya, kaya tinawagan niya ang dalawa at niyaya.

"Wala si Mrs. Althear Montemayor sa mansion?"

Tumango siya sa tanong ni Connie. "Simula pa kahapon ay wala siya, kasama ang mga amiga at may pinuntahang party. Bukas ng gabi pa ang uwi."

"At ang kabiyak mo?" si Jiggy naman, may pang-uuyam sa tinig.

""Kahapon pa wala. Nang umalis si Granny ay halos hindi rin magkandaugaga sa pag-alis ang hinayupak. Hayon, baka kasama ang isa sa mga babae niya. Baka bukas pa iyon uuwi, bago dumating si Lola."

"'When the cat is away, the mouse will play' pala ang drama ng magaling mong asawa," tuya ulit ni Jiggy.

"Well, that's his life, let him be. Nasa terms naman namin 'yon." Kinuha niya ang baso ng milkshake na ni-order niya saka sinipsip ang straw.

Si Connie ay nangalumbaba sa mesa. "Kailan niyo sasabihin sa lahat ang tungkol sa kondisyon mo?"

Ibinaba na muna niya ang baso ng milkshake bago sumagot. "Kakausapin ko si Cayson pag-uwi niya. Hindi na rin ako makahinga sa pagsa-stomach-in dahil nahahalata na ang puson ko."

Nanlaki ang mga mata ng dalawa.

"Gaga, baka mapaano pa 'yang pamangkin ko sa ginagawa mo!" Connie hissed, making her flinched.

"Paano pala kung mahuli 'yang asawa mo na may ibang babaeng dinadala sa hotel habang kasal na sa'yo?" ani Jiggy makaraan ang ilang sandali. "Ano ang sasabihin ng mga tao?"

Napabuntonghininga siya saka ibinaba ang baso sa ibabaw ng mesa.

Naisip na rin niya iyon, alam niyang darating ang araw na may makakakita kay Cayson na may kasamang ibang babae—someone who knew that he was married. Someone close or in their circle. Hindi maaaring walang tsismis na lumabas. Ano ang sasabihin nito? Ano ang sasabihin nila?

In her case, wala siyang pakealam sa gustong gawin ni Cayson sa buhay nito. Wala rin siyang pakealam kung pag-usapan ito ng tao. Ang kaso... paano kung pati siya ay madawit? Paano kung pati ang pamilya niya ay maapektuhan sa pambababae nito? Her father would surely feel bad if he learned that his daughter was being cheated on. At 'yong mama niya? Baka atakehin pa sa puso.

"We will... cross the bridge when we get there." That was her only answer. The future was uncertain, sisiguraduhin niyang gagawin ni Cayson ng solusyon ang problemang ginawa nito.

Hindi na sumagot pa ang dalawa at parehong napa-iling na lang. Ni-iba ni Jiggy ang usapan at nagkwento tungkol sa bago nitong trabaho. Pero habang nag-uusap ang dalawa ay nanatili lang siyang nakayuko sa baso niya. Nakatitig doon pero ang isip ay kung saan-saan na.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top