CHAPTER 036 - First Day as Husband and Wife
MARAMI ang nagulat at namangha sa nangyaring kasalan nina Rome at Cayson isang linggo matapos mag-usap ang dalawang pamilya. Kabilang na roon ang ilang mga teachers at staff ng MIC, pati na rin ang ilang empleyado ng Montemayor Travellers. Kilala ng mga ito ang boss na si Cayson Montemayor, at alam ng mga itong wala itong katiting na plano na lumagay sa tahimik. Sa dami ng tsiks nito ay namangha ang lahat nang malamang si Rome ang nakatuluyan nito.
Not only because some of these people knew her from past events, but because they knew she wasn't Cayson Montemayor's cup of tea. Socialites ang mga ex-girlfriends ni Cayson, someone liberated and very, very attractive.
Not someone like Rosenda Marie Cinco na maliban sa simple lang ang ganda ay mukha pang matandang-dalaga. She was the exact opposite of the woman people had expected Cayson Montemayor to marry. Kahit ang buong pamilya ni Rome ay hindi makapaniwala!
Biglaan ang nangyari, kahit ang kasal ay mabilisan na ilang beses ni-kwenstiyon ng pamilya ni Rome. Ilang beses sinabi ng ama nito na kilalanin pa muna ang isa't isa, pero magaling magmanipula si Cayson, kaya sa bandang huli'y bumigay na rin ang ama ni Rome.
Mrs. Althea Montemayor was just as shocked as everybody else. Kilalang-kilala nito si Rome at naaalala pa nito ang nangyaring gulo sa pagitan ng dalawa sampung taon na ang nakararaan. Hindi rin ito makapaniwalang sa kasalan mauuwi ang mga ito. Makikita sa maganda nitong anyo ang labis na galak, dahil para rito ay tila isang fairytale ang nangyari. Nagparinig na rin ito kay Cayson na bigyan kaagad ito ng apo sa tuhod sa taong iyon, at nag-umpisa nang tawaging balae ang mga magulang ni Rome na hanggang sa mga sandaling iyon ay naiilang pa rin.
Mrs. Althea Montemayor was elevated in so much joy.
Oh, that poor lady. If she only knew...
Rome and Cayson were practically strangers. They just happened to be in the same area—in the same room—on the same night, and were both intoxicated. Maliban sa unang dalawang beses na nagkaharap ang mga ito na nauwi sa hindi magandang palitan ng mga salita, sa isang gabing pagkakamaling iyon, at sa mga araw na nagkausap sila tungkol sa kalagayan ni Rome, ay halos hindi nila kilala ang isa't isa.
And they never really spoke with each other in a normal manner. They never knew each other, and they both didn't like each other, either. Kung hindi sila parehong nalasing noong gabing iyon ay nunca niyang hahayaang mahawakan man lang siya nito at alam niyang hindi rin siya nito papatulan dahil alam niyang hindi rin siya nito type.
Papaano silang magsasama kung hindi nila kilala ang isa't isa?
"Are you aware that I still live with my grandmother?"
Napa-igtad si Rome nang marinig ang boses ng bagong asawa. Oh, parang gusto niyang masuka. Ang isiping asawa na niya ang damuhong si Cayson Montemayor ay nagdadala ng asim sa kaniyang sikmura at kati sa kaniyang lalamunan.
Kasalukuyan silang nasa hotel room kung saan sila magpapalipas ng gabi matapos ang isang nakapapagod na kasal.
They had a simple wedding with less than fifty people invited. Rome bought her wedding dress pre-made from a small boutique—gusto ni Althea Montemayor na ibili ng isang mamahalin at international-brand wedding gown ang dalaga subalit hindi pumayag ang mga magulang ni Rome. Mataas din kasi ang pride ng mga ito. They even tried to cover part of the expenses, pero tinanggihan ni Cayson.
Ang seremonya at reception ay inidaos sa event hall ng Manila Hotel, the area was filled with flowers and wedding decorations. The food served to guests was cooked by one of the hotel's finest chefs, at may buffet table sa mga gusto pang kumain habang nagpa-party. The drinks were unlimited, too, na labis na ikinatuwa nina Dudz at ilan pang mga kasamahan nitong staff ng Montemayor Travellers.
Kasama sa hotel booking ay ang accommodation nila sa gabing iyon—na marahil ay inaasahan ng lahat na romantic at magiging maalab. Pero alam nilang dalawang ni Cayson na hindi. Walang mangyayaring maalab na gabi sa pagitan nila. They would never, ever re-eanact the night that led them to this.
"I am asking you a question, Rosenda Marie—"
"Just call me Rome." Ibinalik niya ang pansin sa harap ng floor to ceiling wall na gawa sa salamin. Nakabukas ang makapal na kurtina niyon at ang tanawin sa labas ay ang Manila Bay. Madilim na at nagkalat ang maraming bituin sa langit. Sa gitna ng laot ay may nakikita siyang liwanag na marahil ay mula sa mga barko at bangka, at sa dako pa roon ay maraming ilaw na marahil ay parte pa ng ibang lungsod sa Maynila.
"Fine," ani Cayson—ang suot nitong white coat ay hinubad, kasunod ang bowtie at ang puting polo. Lumapit ito sa closet malapit sa main door at naghanap ng damit na pamalit. He found a signature long sleeve cotton shirt and put it on. "Tatlong araw na honeymoon lang ang ni-book ng sekretarya ko para sa atin. We had to do it to convince people that the wedding is real. Sa loob ng tatlong araw na iyon ay mananatili tayo rito sa hotel, pero pagkatapos ay hindi ka na uuwi sa inyo. Doon ka na sa mansion titira, at kasama natin doon si Lola. This means—you have to play your act. Ayaw kong makarating sa kaniya ang totoo."
Napasimangot siya saka umismid. "Ano'ng gagawin natin dito sa hotel sa loob ng tatlong araw? Magtitigan?"
"Hindi ko na problema kung ano ang gusto mong gawin sa loob ng tatlong araw, pero aalis ako. I'll see you in three days."
Bigla siyang napatayo sa narinig. Suot-suot pa rin niya ang pre-made wedding gown na bagaman bahagyang maluwag ay bumagay naman ang tabas sa sporty niyang katawan. Nanlalaki ang mga matang sumagot siya sa sinabi ni Cayson.
"Iiwan mo akong mag-isa rito sa hotel sa loob ng tatlong araw? Aba, ayos ka rin, ah? Nasaan ang puso mo?"
"Siguradong wala sa iyo," matabang na sagot nito na ikina-singhap niya. May gana pa itong maging sarkastiko?
Inisara na ni Cayson ang maliit na maleta at ipinagulong papasok sa loob ng walk-in cabinet. Sa panlalaki ng mga mata niya'y hinubad nito ang wedding ring at itinago sa safety box na naroon din sa loob ng closet. "Hindi ako pwedeng pumasok sa opisina dahil malalaman ni Lola, hindi rin ako pwedeng magliwaliw rito sa Maynila dahil siguradong may makakikita sa akin at magtaka kung bakit hindi kita kasama. So, I'll be staying in Batangas for three days."
"Batangas?" ulit niya. Natataranta siya. Aba'y ayaw niyang tumunganga roon sa hotel ng ilang araw!
"I'll be with my favorite girlfriend."
Napasinghap siya nang malakas, at ang akmang pagsita kay Cayson ay naudlot nang muling nagsalita ang huli.
"Hindi ba at naging malinaw ako sa tatlong terms na ibinigay at pinapirmahan ko sa'yo bago ang kasal?"
"Yes, pero ura-urada? Sa gabi mismo ng kasal?"
"Why, gusto mo bang manatili ako at sa'yo ako makipaglampungan?"
Napangiwi siya; ang munting mga balahibo sa katawan ay nagtayuan. "Manigas ka."
"Exactly my point. So, bakit parang ayaw mo akong umalis para makipagkita sa mga babae ko kung alam nating pareho na hindi nating mapupunan ang pangangailangan ng isa't isa? You hate me, and I don't like you. You didn't expect me to stay here with you for the next three days?"
Hindi siya kaagad na nakasagot. Pinag-iisipan niya kung ano ang gagawin sa loob ng tatlong araw, at kung ano ang isasagot sa sinabi ni Cayson.
"Iiwan ko sa'yo ang VISA cards ko. You can use them for whatever purpose you want and need, basta h'wag lang sa masama. Sa susunod na mga araw ay ipaaasikaso ko sa sekretarya ko ang extention ng mga cards ko para sa'yo. In the meantime, use them and do whatever your wanna do in the next three days. You can go shopping, eat at every restaurant you want, visit places, whatever. Alagaan mo lang ang sarili mo nang sagayon ay hindi mapaano ang dahilan kung bakit kita pinakasalan." Tumalikod na si Cayson at naglakad patungo sa pinto kaya hindi nito nakita ang disappointment sa mukha niya.
This bastard addressed her baby 'dahilan kung bakit siya pinakasalan'. What an a**hole.
"Mahirap bang sabihin na 'anak mo' ang dinadala ko?" she countered. "Bakit kailangan mo siyang tawagin ng ganoon? Ganito ka ba talaga ka-walang puso?"
"Maybe. At isa lang 'yan sa mga ugali kong malalaman mo sa loob ng sampung taong magsasama tayo bilang mag-asawa." Binukan na nito ang pinto, pero bago lumabas ay muli siya nitong nilingon. "The cards are in my luggage, just take them all. Kung lalabas ka at may nakakita sa'yong hindi mo ako kasama, just make up some stories and cover me up."
Hindi na siya nakasagot pa nang buksan ni Cayson ang pinto saka walang paa-paalam, o ibang salita, na iniwan siya.
Nanlulumo siyang naupong muli sa couch paharap sa glass window, saka tulalang napatitig sa labas. Tila TV screen ang nasa kaniyang harapan na nagpapalabas ng pelikula, dahil nakikita niya mula roon ang mga kaganapan sa nakalipas na mga araw.
Oh geeze... This year was the worst for her. Bakit ba ibinigay ng Diyos ang ganitong kapalaran sa kaniya?
Unang gabi pa lang at kay sama na ng experience niya kasama ang lalaking iyon. Paano sila magsasama sa loob ng sampung taon?
Yes. They were only going to live together and be married for ten years. Iyon lang raw ang kayang itagal ni Cayson na matali sa kasal. And she agreed to that.
Cayson prepared the terms and conditions between them, na pabor sa kaniya dahil wala rin siyang pakealam dito.
Three. Those were the number of terms he had on the document.
First was... They must act lovey-dovey in front of people who didn't know the truth, but they had to live separate lives when they were alone. For an instance, when they are in their room at the mansion, or in this hotel. Hanggang sa walang mga matang nakatingin sa kanila ay dapat, wala silang pakealamanan sa buhay ng isa't isa.
The second term was, Cayson would still live his life as is, and so was she. Nothing would ever change, except her last name and them seeing each other every day. Pwede silang pumunta sa kahit saang lugar nilang gustuhin nang hindi nangengealam ang isa't isa, pwede silang makipagkita sa mga taong gusto nila, just as long as they keep it a secret— tulad nitong ginawa ni Cayson sa gabing iyon. At maaari nilang gawin kung ano ang nakakapagpaligaya sa kanila nang walang kwestiyon mula sa isa't isa.
Three, they need to file for annulment on the tenth year of marriage. Sapat na ang sampung taon para isalba nila ang isa't isa. They would share custody for their child—probably do a co-parenting program. Sisiguraduhin nilang hindi sila magkukulang sa anak nila.
Pinirmahan niya ang dokumentong iyon. Pabor sa kaniya. At nasunod ang gusto niyang annulment. Kahit siya ay ayaw ring manatiling kasal kay Cayson Montemayor sa mahabang panahon. Pabor sa kaniya ang nakalagay na mga terms and conditions na ginawa nito.
Mahaba ang sampung taon, pero aabalahin na lang niya ang sarili sa magiging anak para hindi niya mapansin ang mga araw na kasa-kasama sa buhay niya ang demonyong Cayson Montemayor na 'yon.
Humugot siya nang malalim na paghinga. Kailangan na nga yata niyang masanay sa ganoon. At kailangan niyang umpisahang masanay sa gabing iyon mismo.
At habang nakatitig siya sa kawalan ay biglang may pumasok sa isip niya. May isang tao siyang hindi naimbitahan sa araw na iyon...
Mabilis siyang tumayo, itinaas ang laylayan ng suot gown, at sa malalaking mga hakbang ay tinungo ang closet kung saan naroon din ang kaniyang maleta. Sa ibabaw niyon ay ang handbag niya, at mula roon ay hinanap niya ang cellphone.
She found it right away and dialed Jiggy's number.
"Yo, kumusta ang araw ng bitay mo?" bungad nito. Base sa background nito at nasa matao itong lugar.
"Where are you?"
"Heto, ikot-ikot sa Greenbelt, baka may matisod na Christian Louboutin wallet. Bagong sweldo ako, day, kaya i-so-spoil ko ang sarili ko. Waddup?"
"Can I meet you?"
"Now?"
"Yes."
"Why?"
"Iniwan ako ng animal."
Sandaling nag-pause si Jiggy sa kabilang linya bago humagalpak ng tawa. "What do you expect from that SOB?"
"What am I supposed to do here in the hotel?"
"Why? Were you expecting that he'd stay with you?"
"Of course not! But I definitely didn't expect that he would leave me right away!" Huminga siya nang malalim, sunud-sunod, habang si Jiggy naman sa kabilang linya ay patuloy sa paghagikhik. "Dala mo ba ang kotse mo?"
"Yep. How may I help you on your wedding night, Mrs. Montemayor?"
Nainis siya sa pang-uuyam ni Jiggy, pero hindi niya iyon binigyang-pinansin. "Come here and pick me up—nasa akin ang visa cards niya—gusto mo ng Christian Louboutin wallet, 'di ba?"
Muli itong napahagikhik. "I'll be there in a jiffy, Madamme!"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top