CHAPTER 032 - The Confirmation He Needed
"CONGRATULATIONS, Mr. and Mrs. Montemayor! You are having a child."
Natahimik si Cayson nang marinig ang sinabing iyon ng doktorang tumingin sa kaniya kanina, lalo nang marinig nito kung kailan ang window of conception.
Ang gabing may nangyari sa kanila ay pasok sa window of conception, at nagkataong huling araw pa! Siguradong wala na itong pagdududahan. Na-kompirma na nitong anak ang nasa sinapupunan niya. Kung nagdududa pa rin ito'y handa siyang hamunin ito na sumailalim sa DNA test—iyon ay kung magmamatigas pa rin ito.
But surprisingly—it didn't happen. Dahil nang bumalik na sila sa sasakyan ay may sinabi ito na ikina-tigil niya.
"I'll talk to Grandma about this, and you need to talk to your parents as well."
Ang pagkabit niya ng seatbelt at nahinto nang marinig ang sinabi nito. Humarap siya at kunot-noong nagtanong.
"Gusto mong sabihin natin sa kanila ang totoong nangyari?"
"Gusto kong i-anunsyo mo sa kanilang nagdadalangtao ka. There is no need to go into details, h'wag mong ipagmalaking nagkaroon tayo ng one-night stand."
"Papaano ko ipaliliwanag sa kanila ang pagdadalantao ko nang hindi ko sinasabi ang detalye? Baliw ka ba?" Huli na para bawiin ang huling sinabi; marahas siya nitong nilingon. Ang mga kilay ay magkasulong.
"Ano'ng sabi mo?"
She swallowed hard, hindi kaagad nakasagot.
"Be careful with your words—"
"Look who's talking." Paismid siyang umayos ng upo saka itinuloy ang pagkabit ng seatbelt.
"To be honest with you, Rosenda, I am still skeptical about marrying you. Ang pagiging teacher mo at parte ng pamilya ng mga teachers na matagal nang nagtuturo sa MIC ang balakid sa mga gusto kong mangyari."
"Balakid?" Nilingon niya itong muli. "Ano'ng pinagsasabi mo?"
"I am skeptical about marrying you, hindi iyon ang gusto kong mangyari pagkatapos kong makompirma sa doktor na totoo ang sinasabi mo, pero dahil d'yan sa propesyon mo at sa pamilyang kinabibilangan mo ay mukhang hindi matatapos ang buwan na ito na hindi ako napipilitang pakasalan ka."
"Hindi ka titigilan ng pamilya ko hanggang sa hindi mo ako pinapakasalan. And I will repeat, Cayson Montemayor—hindi ko rin gustong pakasal sa'yo."
"I know that too well, Rosenda Marie Cinco. I could feel your rage upon me. Nuot hanggang buto ang disgusto mo sa akin, at kitang-kita ko rin iyon sa mga mata mo. So, how about this." Pumihit ito paharap, ang isang siko nito'y ipinatong sa manibela habang ang isa'y sa headrest ng upuan nito. "Bakit hindi ka na lang mag-resign sa trabaho mo, umalis dito sa Maynila at pumunta sa malayong lugar? Say, in Batangas or Ilocos? I'll buy you a house, you will live comfortably there. Susuportahan kita pinansyal, I will provide everything for you and for the baby. Let's just scratch marriage from the options, shall we?"
Salubong ang mga kilay na hinarap niya ito. Namamangha siya sa takbo ng imahinasyon nito. "Tinatrato mo akong nagpabuntis lang para mapikot ka."
"Bakit, hindi ba?"
"Gago ka ba?"
"Lasing ako noong gabing iyon pero tandang-tanda ko kung paano kang tumugon sa mga ginawa ko sa katawan mo. I thought you were Nympha, so I gave you everything you asked for. You were enjoying the—"
Naitakip niya ang mga palad sa magkabilang tenga saka mariing ipinikit ang mga mata. "Tama na, h'wag mo nang sabihin dahil wala akong maalala!"
"Are you sure? You were so hot back then, kaya napaisip ako noong umaga; kung hindi sa marka ng dugong iyon ay baka hindi ko paniwalang birhen ka pa—"
"Kapag hindi ka tumigil ay sasampalin kita!"
"Just admit it—pagod ka nang magtrabaho bilang teacher. Naka-kita ka ng pagkakataong guminhawa nang malaman mong nabuntis kita sa minsanang pangyayaring 'yon kaya pinipikot mo akong pakasalan ka. You know that next year, I will be taking over the directorship of MIC. I am a wealthy man, and you thought you could get advantage of the situation. Pinalalabas mo ring nag-aalala ka sa pangalan ng pamilya niyo kaya nais mong pakasalan kita. How will I know that they aren't part of this scheme? Talaga bang wala pa silang alam sa kondisyon mo? That's hard to believe, lalo kung nakatira kayo sa iisang bubong. Gusto ba ng promotion ng mga magulang o tiiyahin mo? Naisip ba nilang kung pakakasal ako sa'yo ay magiging madali iyon sa kanila? Salary raise, maybe? Kung iyon lang ang kailangan nila ay ibibigay ko, kasama ang masaganang buhay sa'yo at ng batang dinadala mo doon sa ibang lugar para hindi ka mapag-usapan. Let's just forget about marriage—"
Natigil ito sa pagsasalita nang biglang umangat ang kaniyang mga kamay ay dumapo sa mukha nito. Cayson's left chin turned red from her slap.
She gritted her teeth in anger.
"This is the first and last time that you will insult me and my whole family, Cayson Montemayor. Kung hindi mo gustong panagutan ang nangyari sa atin, fine. I'll live with it. I'll probably just move somewhere remote, to a place no one knows me to save myself and my family from humiliation. Hindi na kita pipilitin. Just don't throw insults at my family because they had nothing to do with this."
Natigilan si Cayson at hindi kaagad naka-apuhap ng sasabihin. At bago pa man siya nito mapigilan o makapagsalitang muli ay mabilis niyang tinanggal ang seatbelt sa pagkakakabit saka siya lumabas ng sasakyan.
Sa malalaking mga hakbang ay lumayo siya sa kotse, at nang marinig niya ang pagbukas ng pinto ng driver's seat, at ang paglabas ni Cayson ay binilisan niya ang paghakbang.
Hindi kalayuan ay may nakita siyang paparating na taxi, mabilis niya iyong ni-para na kaagad namang huminto.
Nang makapasok ay kaagad niyang ni-lock ang mga pinto. Si Cayson ay papalapit nang papalapit.
"Kuya, umalis na tayo, dali!"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top