CHAPTER 031 - Can't Be His


Pagdating sa parking area ay naunang lumabas si Cayson at mabilis siyang sumunod. She followed him up to his car and when he stopped, she did as well. Napatingin siya sa mamahalin nitong sasakyan nang buksan nito ang front seat door para sa kaniya.

"Get in."

She furrowed. "Saan mo ako dadalhin?"

"Just get the hell in."

Kunot-noo siyang sumunod at naupo sa front seat. Napa-igtad pa siya nang pabagsak nitong ini-sara ang pinto sa panig niya bago ito umikot sa driver's side. Hanggang sa makapasok ito roon at ni-maniobra ang sasakyan ay tahimik ito at blangko pa rin ang anyo.

"Put your seatbelt on," sabi nito bago pinasibad ang sasakyan na muntikan na niyang ika-subsob sa dashboard.

Ang antipatikong lalaki ay walang pakealam kung mapa-ano siya! How inconsiderate! Ngayon pa lang ay gusto na niyang humingi ng pasensya sa kaniyang magiging anak dahil sa kasamaang palad ay magkakaroon ito ng bastos na ama!

Padabog niyang ikinabit ang seatbelt saka tinapunan ito ng masamang tingin. Gusto niya itong pagsabihan, o sermonan, o sitahin sa ginawa, pero pinili niyang maging kalmado sa pagkakataong iyon dahil nais niyang makausap ito nang maayos tungkol sa kondisyon niya. Handa siyang palampasin ang katarantaduhan nito para lang makapag-usap sila nang masinsinan.

Sa loob ng mahabang sandali ay pareho silang tahimik. Pero naroong mapapahugot siya nang malalim na paghinga, o hindi man ay mapapa-tikhim.

Nang huminto ang sasakyan nila sa intersection upang hintayin ang GO signal ay muli siyang tumikhim at sinulyapan si Cayson. Hindi siya komportable sa katahimikan kaya nagpasiya siyang umpisahan na ang nais na sabihin.

"Look, I— I didn't mean to do that in front of everybody. Alam kong mali iyon— but you have been avoiding me and I needed to speak to you about my condition. Kapag hindi pa kita kakausapin ngayon, kailan pa? Kapag nahalata na ng pamilya kong—"

"I never had sex with women unprotected before."

Nagsalubong ang mga kilay niya sa sinabi nito.

You never had with other women, but you did to me, she wanted to say. "Well, I guess there's always a first time for everything, huh?"

Nilingon siya nito, ang anyo ay nanatiling seryoso. "It can't be mine."

Natigilan siya.

Tama ba ang narinig niya?

Itinatanggi nitong anak ang nasa sinapupunan niya?

Ano'ng tingin nito sa kaniya, kaladkaring babae na bibikaka kung kani-kanino?

Muli siyang humugot ng malalim na paghinga, this time, trying to control her fury "Listen, Cayson Montemayor. The child I am carrying is yours. There can't be no one else but you."

"I know I wouldn't f*ck anyone without protection, Miss Cinco, no matter how drunk I was. At alam kong may dala-dala akong condom noong gabing iyon—"

"Na hindi mo ginamit." Kaunti na lang at masasaktan na talaga niya ang lalaki. "Hindi ako kaladkaring babae, Mr. Montemayor. Kung mayroon mang makapagpapapatunay ay ikaw iyon. Nagkamali tayong pareho nang gabing iyon, I didn't want to see your face ever again, but this—" She paused and pointed her tummy. "This made me chase you. Hindi ko ito pwedeng iluwal nang walang ama. Kahihiyan ng buong pamilya ko ang nakasalalay rito."

"Are you certain that you didn't have s*x with any other men after that night?"

Ikinuyom niya ang mga palad sa pagpipigil ng galit. Kung sabihin nito ang bagay na iyon ay tila kay kaswal lang ng topiko. Hindi ba nito maramdaman ang pagkailang niya? Ang desperasyon niya? Bakit ganoon ito magsalita?

Muli ay humugot siya ng malalim na paghinga. "Are you also certain that the condom you used that night was durable enough to protect yourself from getting me pregnant?"

Umigting ang panga nito saka ibinalik ang tingin sa harapan. "I can't believe this is happening..."

"Believe me, Mr. Montemayor. Kung may alam lang akong ibang paraan ay wala sana ako sa front seat ng kotse mo ngayon. I never liked you, alam mo 'yan. At sana ay ramdam mong hanggang sa mga sandaling ito ay naiinis ako sa 'yo. Pero wala akong ibang pagpipilian."

Hindi ito kaagad na nakasagot nang biglang umilaw ang green light. Pinasibad muli nito ang sasakyan, at nang nasa maluwag na kalsada na sila ay saka lang ito muling nagsalita.

"When did you find out that you're pregnant?"

"The day before I first called you."

Tumango ito, ang anyo ay hindi pa rin maipinta.

Mahabang katahimik muli ang pumagitan sa kanilang dalawa; si Cayson ay binilisan ang pagpapatakbo ng sasakyan papasok sa skyway na patungong Sucat.

"What do you want to do?" he asked after a while.

"Marry me," walang ka-kurap-kurap niyang sagot. Bakit pa ba siya magpapaliguy-ligoy? Hindi ba at iyon naman talaga ang nais niya kaya siya napasugod sa kuta ni Cayson?

Muli ay wala siyang sagot na nakuha mula rito. Muli itong nanahimik habang ang pansin ay nasa daan. At doon ay hindi niya napigilang suriin ito ng tingin.

Her eyes landed first on his fingers. They were grasping the steering wheel as if his life depended on it. Her eyes went up to his arms covered by his leather jacket. Malaking tao si Caligh Carson Montemayor at halatang batak sa work out; ang biceps nito ay namumukol. Sigurado siyang maraming babae ang umasang mapasailalim sa mga bisig nito.

Bigla siyang nanginig sa isip kasabay ng pag-ngiwi. Hindi niya maipaliwanag ang pagka-umay na naramdaman niya maisip lang iyon. She would never dream being in his arms. NEVER. Ang isang gabing pagkalimot na iyon kasama ang lalaking kinamumuhian niya ay sapat na para masuka siya.

Ipinilig niya ang ulo saka itinuloy ang pagsuri.

Umangat pa ang mga tingin sa mukha nito at nakita niya kung papaanong muling umigting ang mga bagang nito habang patuloy sa malalim na pag-iisip.

She smirked.

Caligh Carson Montemayor's face shadowed and she wondered what he was thinking. Muli siyang napa-ngiwi. Hindi niya alam kung ano ang nagustuhan ng mga babae sa lalaking ito samantalang maliban sa magandang mga mata, matangos na ilong at mahalay na mga labi ay wala naman talaga itong karakter. Kung tutuusin ay nauumay pa siyang makita ang pagmumukha nito.

Typical handsome, macho man. Nothing extraordinary.

Napa-iling siya saka ibinaling ang pansin sa labas ng bintana. Niyakap niya ang sarili nang maramdaman ang unti-unting paglakas ng aircon.

Wala pa rin itong sagot sa huling sinabi niya. Hindi ito pwedeng humindi. Totoong magiging impyerno ang buhay niya sa piling ng lalaking hindi niya gusto, pero wala na siyang ibang paraang naisip upang maisalba ang sarili at ang buong pamilya sa kahihiyan. Marriage was the only way— even if it meant suffering forever.

"Let's go see a doctor tomorrow."

Napalingon siya rito nang marinig ang sinabi nito. She frowned at him. "Hindi mo ba narinig ang sinabi ko kanina? Nakapag-pa-check up na ako at na-kompirma ko na. Kung kailangan mo ng result ay—"

"I just need to ensure that you really are saying the truth. At gusto kong malaman kung kailan nabuo ang bata."

Mabilis niyang tinakpan ang bibig upang pigilan ang sariling murahin ito. Tingin talaga yata ng animal ay masama siyang babae kahit ito mismo ang makapagpapatunay na hindi! Oh, the audacity!

"This is the only thing I would be requesting from you, so please just do it. Gusto kong ma-kompirma bago ako gumawa ng panibagong hakbang."

Hindi niya magawang sumagot. Ibuka lang niya ang kaniyang bibig ay siguradong mura ang lalabas na mga salita.

Nang walang narinig mula sa kaniya ay sandali siyang nilingon ng lalaki, bago muling ibinalik ang pansin sa daan

"Hindi biro ang pagpapakasal, Miss Cinco, lalo na para sa akin. I don't believe in marriage, I never intended to get married. You didn't expect me to just concede to that without confirming anything, did you? And yes, I was the first man in your life, but after that night, ano'ng malay ko kung may iba pang sumunod?"

Mariin niyang kinagat ang ibabang labi. Kaunting-kaunti na lang at mumurahin na niya ang lalaki. Kung pwede lang na saktan niya ito ay gagawin niya.

Nang wala muling nakuhang sagot mula sa kaniya ay nagpatuloy ito.

"Let's meet tomorrow after lunch, ako ang maghahanap ng doctor na titingin sa'yo."

Ibinaling niya ang tingin sa labas ng bintana upang ikubli ang nararamdaman. She was red as chilli, galit na galit siya.

"Tell me your address, ihahatid na kita."

Huminga siya nang malalim at mariing inilunok ang masasamang salitang nais nang umalpas mula sa kaniyang bibig. "Ibaba mo na lang ako sa madaanan mong 7/11 store, tatawagan ko sina Connie para i-pick up ako."

Hindi na nagpumilit pa ang magaling na lalaki. Muli niyang ibinalik ang pansin sa labas ng bintana.

Sa mga sinabi ni Cayson kanina ay para na rin nitong inapakan ang pagkatao niya. That made her hate him even more. But she thought,

Darating din ang araw na makakabawi ako sa kaniya. At kapag nangyari iyon ay sisiguraduhin kong kakainin niya ang lahat ng mga masasakit na salitang sinabi niya...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top