CHAPTER 030 - Future Parents


NILAMON ng sigaw at rebelasyon na iyon ang buong paligid, dahilan upang matahimik ang lahat. Sandaling natigilan ang mga taong kanina pa nakatingin sa kaniya at nagbubulungan. Ang kaninang malakas na tugtog ng Jazz music sa paligid ay humina— kasunod ng pagsalita ng lalaking singer sa mikropono.

"Uhmm... Can we... get a clarification on that, Miss? Did you say... Montemayor?"

Hindi niya pinansin ang singer. Mabilis siyang naglakad patungo kay Cayson na nahinto sa paghakbang kasama ang babaeng nanlaki ang mga mata sa narinig. Ang security na kanina pa pumipigil sa kaniya ay natigilan rin.

Pagkalapit ay nahinto siya ng ilang dipa sa likuran ni Cayson bago muling nagsalita. "You heard it loud and clear, Cayson. I am pregnant with your child."

Nakita niya ang pagbitiw ni Cayson sa kamay ng babaeng kasama nito na muling napasinghap nang ulitin niya ang impormasyong isinigaw niya ilang segundo pa lang ang nagdaan. Pinaglipat-lipat nito ang tingin sa kanila ni Cayson na tila hindi makapaniwala, hanggang sa napako ang tingin nito sa kaniya at sinuri siya mula ulo hanggang paa.

At habang ginagawa iyon ng babae ay dahan-dahang humarap si Cayson— making her hold her breath in agitation. Nang magtama ang kanilang mga mata'y bigla siyang kinilabutan. Cayson's eyes sank in emptiness— as if he had no soul inside his body.

She couldn't see any emotions, he was... stagnant.

At hindi niya maintindihan kung bakit siya napa-atras, lalo nang bumaba ang mga mata nito sa flat pa niyang tiyan. Nagtagal ang pagkakatitig nito roon bago muling sinalubong ang kaniyang mga tingin.

Pakiramdam niya sa mga sandaling iyon ay silang dalawa lang ng lalaki ang nasa tuktok ng building. They were both staring at each other— her, feeling so confused and agitated, and him, looking dead in the eyes.

Kung gaano ka-tagal silang nakatitig lang sa isa't isa ay hindi na niya alam. She lost track. Hanggang sa unti-unti na lang niyang naramdaman ang pagbalik ng musika sa paligid, at ang lumalakas na usapan ng mga tao— na hanggang sa mga sandaling iyon ay nasa kanilang dalawa ni Cayson pa rin ang pansin.

"Well, I think you two should go. I'm staying here," sabi ng babaeng kasama ni Cayson. Doon siya nagbitiw ng tingin kay Cayson at sinulyapan ang babae, upang mahuli kung papaano siya nitong muling tapunan ng nakasusuyang tingin.

Gah. She couldn't stand bitchiness from rich women. Dapat ay bata pa lang, natuturuan na ang mga ito ng tamang asal.

Ang babae ay ibinalik ang tingin kay Cayson na hindi pa rin tumitinag, bago humakbang pabalik sa table kung saan naglalampungan ang mga ito kanina. Ni hindi na siya nito tinapunan pa ng tingin nang lampasan siya.

Pinigilan niya ang mga mata na umikot. Ibinalik niya ang pansin kay Cayson at doon ay muli siyang napalunok. Nanatili pa rin itong nakatitig sa kaniya— hanggang sa marinig nila ang pagtunog ng elevator at ang pagbukas niyon. May dumating na mga bagong guests na sandaling nahinto nang makitang may nakaharang sa daanan.

That's when Cayson blinked— tila natauhan. Humakbang ito palapit sa kaniya at sa pagkabigla niya ay hinila siya sa kamay at halos pakaladkad na dinala sa nakabukas na elevator. Muntikan pa nilang masagi ang pares na lumabas mula roon.

Cayson pressed the closed button and waited for the steel door to close. And when it did, she held her breath in tension.

Mula sa repleksyon ng elevator door ay nakikita niya ang seryoso at blangkong anyo ni Cayson. Nag-iigting ang mga bagang nito, ang paghinga ay malalim. Bahagya siyang lumayo rito, for safe distance.

Ilang sandali pa'y bumukas ang steel door sa floor kung saan naghihintay sina Connie at Jiggy. Doon ay nakita niya ang mga itong nakatayo sa harap ng elevator, sadyang hinihintay ang pag-baba nila. At nang makita nga sila ng mga ito'y sabay na pinanlakihan ng mga mata ang dalawa.

"Rome," ang tanging nai-usal ni Connie habang pinaglipat-lipat ang tingin sa kanila ni Cayson.

Hinawakan siya ng lalaki sa braso at muling hinila palabas. Napangiwi siya nang maramdaman ang higpit ng pagkakahawak nito, lalo na nang halos pakaladkad siya nitong dinala sa main elevator.

Dahil sa presensya nina Connie at Jiggy na nag-aalalang sumunod sa kanilang dalawa ay nagkaroon siya ng lakas ng loob na umalma.

"Ano ba, nasasaktan ako!"

Subalit hindi bumitiw si Cayson.

"Mr. Montemayor," ani Connie na pilit humabol. "Could you please be gentle with my sister? Siguro naman ay alam na ninyo ang kalagayan niya ngayon?"

Subalit tila walang narinig si Cayson at tuluy-tuloy lang sa pagkaladkad sa kaniya.

Pilit niyang binabawi ang kamay rito subalit mahigpit pa rin siya nitong hawak. Si Jiggy na hindi na rin nakapag-pigil ay humabol at humarang sa daraanan nila.

"Don't you dare hurt my bestfriend, Mr. Montemayor. Hindi ako mangingiming ireklamo ka sa pulis kung ganiyan mo siyang ta-tratuhin."

Doon nahinto si Cayson at sa blangkong anyo ay sumagot. "I am not going to hurt her. Now, move."

Hindi umalis si Jiggy, matapang itong nakipagtitigan kay Cayson.

Huminga siya ng malalim. "It's okay, Jigs." Saka naman niya tiningala ang lalaking may hawak-hawak sa kaniya. "Kaya kong maglakad, hindi mo kailangang kaladkarin ako."

Hindi nito pinansin ang sinabi niya at itinuloy ang paglalakad, hila-hila siya. Nilampasan nila si Jiggy na nanggagalaiti na sa inis.

Nang marating nila ang elevator ay halos pabalya siya nitong ipinasok doon, bago nito hinarap ang nakasunod na sina Connie at Jiggy.

"Please give me a private moment with her. Kailangan naming pag-usapan ang kondisyon niya." He then went in and pressed the parking lot button.

Hindi na nagawang sumagot ng dalawa dahil kaagad na sumara ang pinto ng elevator. Nang sumara ang steel door ay napaatras siya at napasandal sa pader. Kani-kanina lang ay kay tapang niyang sugurin ito sa itaas, at ipagsigawan sa harap ng lahat ang kondisyon niya. Ngayong silang dalawa na lang ng lalaki ay tila hindi siya makahinga. Para siyang tupang nanginginig sa takot dahil pinaliligiran ng mapanganib na mga lobo.

Umangat ang tingin niya sa maliit na screen sa ibabaw ng steel door na nagpapakita ng numero ng mga floors upang antabayanan ang pagdating nila sa ibaba. That was the longest elevator ride she ever had her entire life; para siyang bilanggo na naghihintay ng araw ng kalayaan habang nakatitig sa maliit na screen.

Nagtaka pa siya nang hindi man lang iyon bumukas sa ibang floor samantalang maaga pa naman para walang ibang guests na sumabay. Naisip niyang siguro ay pati ang tandahana ay nais silang hayaang mapag-isa; maybe to give Cayson time to think about the revelation and to make her realize how bad her actions were. Naturingan pa man din siyang guro pero ganoon ang naging akto niya. She shouted and yelled, and humiliated the man in front of everybody. Oh, well, he deserved it. Pero hindi niya dapat iyon ginawa. Bilang isang guro— dapat ay siya ang nagtuturo ng magandang asal at tamang gawi sa mga tao. Hindi iyong siya pa ang nagpapakita ng maling asal.

And to think that she was wearing her school uniform!

Oh, sana lang ay walang nakakakilala sa kaniya kanina roon, dahil kung hindi'y mawawalan siya ng trabaho sa ginawa niya!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top