CHAPTER 029 - The Announcement
HABANG lulan ng elevator ay hindi mapakali si Rome. Naiwan sa 26th floor sina Connie at Jiggy, habang siya nama'y tumuloy na sa rooftop. At habang papaakyat siya ay para ring umaakyat ang dugo niya sa kaniyang dibdib, nagdadala ng labis na kaba.
Hindi niya alam kung ano ang kahihinatnan ng pagtungo niya roon, pero isa lang ang siguardo niya. Hindi siya bababa sa building na iyon nang hindi niya nasasabi kay Cayson Montemayor ang tungkol sa kalagayan niya. At hindi siya titigil hanggang sa hindi siya nito pakasalan.
Ahhh... bwisit talaga!
She didn't want to be associated with Cayson Montemayor, but she had no other options! The only way to save her family from humiliation was marriage. Marriage to that man. Ang maisip lang iyon ay nagtatayuan na ang balahibo niya pero wala nang ibang solusyon. Ayaw niyang gawin iyon. Marrying the person she didn't even love? No way!
Pero wala nang ibang paraan. Susumpain siya ng buong pamilya niya kapag nalaman ng mga itong nagdalantao siya nang walang asawa. Mamatahin sila ng mga tao sa komunidad kapag nalaman nilang nabuntis siya ng lalaking hindi niya ka-relasyon. Matatanggal siya sa tungkulin bilang guro, at buong buhay na niyang dadalhin sa sarili ang kahihiyang iyon. Worse— her parents would disown her.
Kaya upang hindi mangyari ang lahat ng iyon ay kailangan niya—nila ni Cayson na gawin ang nararapat. Ang magpakasal kahit hindi nila gusto. At wala itong pagpipilian! Kailangan siya nitong pakasalan, by hook or by crook!
Natigil siya sa pag-iisip nang tumunog ang signal na nakarating na siya sa rooftop. Mariin niyang ipinikit ang mga mata saka humugot ng malamim na paghinga. At nang bumukas ang steel door ay inihanda niya ang sarili.
And the first thing that took her attention the moment the steel door opened was the noise. Jazz music and waves of laughter.
Nagmulat siya ng mga mata at natigilan sa nakita. Ang buong rooftop ay puno ng tao; ang iba'y nakaupo sa pabilog na mesa—kumakain at umiinom—habang ang iba'y nakatayo sa harap ng isang makeshift stage, Ang stage ay nakapwesto sa bandang sulok ng rooftop, doon sa bahagi kung saan nakikita ang paglubog ng araw.
Sandali siyang natigilan sa pagkamangha. The place was superb! At ang lahat ng naroon ay mga socialites at yaong mga mayayaman, kung ang pagbabasehan ay ang suot na damit ng mga ito.
Lumabas siya sa elevator at inikot ang tingin sa paligid. She wasn't searching, she was looking at the surroundings. Later on, she realized that the rooftop wasn't actually an open area. It was covered and surrounded by glass. Tila yaong greenhouse dahil may mga magagarang bulaklak at halaman sa paligid, at mga neon lights na kahit hindi pa madilim ay nakasindi na. Ilang minuto na lang ay sasakupin na ng dilim ang paligid, kaya marahil nakabukas ang mga iyon.
Ang pagsara ng elevator sa kaniyang likuran ang dahilan kaya natauhan siya.
Muli niyang inikot ang tingin sa paligid, sa pagkakataong iyon ay hinanap na niya kung nasaan ang taong sadya niya. At habang umiikot ang kaniyang tingin ay nag-umpisa na siya sa marahang paghakbang.
Hindi niya pinansin kung papaano siyang pinagtinginan ng mga babaeng naroon kasunod ng pagbubulungan ng mga ito. They looked like socialites in a lifestyle magazine, wearing those expensive and alluring cocktail dresses and signature high heels shoes.
Itinuloy niya ang paglalakad. Sa dami ng tao sa taas ay hindi siya sigurado kung kaagad niyang mahahanap ang lalaki. Nag-aalala siyang magkasalisihan sila, na habang naghahanap siya ay bigla naman itong umalis.
Oh well, nasa baba ang dalawang back up niya. They would surely stop him from leaving.
Itinuloy pa niya ang pag-ikot, pilit na ini-ignora ang bulungan ng mga babaeng humahagod sa kaniya ng tingin dahil sa suot niya, at sa mga lalaking nagbigay daan dahil din marahil sa kaniyang suot.
Oh, teacher's uniforms could do wonders, indeed...
Naglakad siya patungo sa likod na bahagi ng elevator, isa-isa niyang tinitigan ang mga nakaupong guests, subalit hindi niya mahanap ang taong sadya.
Hanggang sa... may malakas na tawanan ang umagaw ng pansin niya.
Mabilis siyang napalingon doon at nakita ang tatlong socialites na nakapaligid sa isang lalaking nakasuot ng leather jacket at prenteng nakaupo sa harap ng isang pabilog na mesa. It was in the corner, an area that could easily be unnoticed. One woman was standing between the man's legs while the other two were on both sides. Para itong hari na pinalilibutan ng tatlong babae; pinapaligaya.
She frowned.
Wait a minute...
She squinted her eyes to confirm what she just realized— and she was right! Ten meters away from her, at the corner, there was him enjoying his women!
Humugot siya ng malalim na paghinga bago humakbang patungo sa kinaroroonan nito. Subalit bago pa man siya makalapit ay may humila na sa braso niya. Marahas siyang napalingon sa gumawa niyon at nakita ang isang matangkad at malaking lalaki na nakasuot ng itim na suit. He looked like a member of Men In Black. O baka nga? Naroon ba ito dahil may isang nagpapapanggap na alien sa lugar na 'yon?
Oh, stop this silly thought, Rome. And focus! Focus!
Binawi niya ang kamay sa lalaki, subalit nang hindi ito bumitiw ay nagsalubong ang mga kilay niya. "What do you need from me?"
"Please follow me, Ma'am. You are wearing inappropriate clothing—"
"What?" mangha niyang tugon. "I'm sorry, hindi ko alam na may dresscode kayo rito?"
Noon lang niya napag-tanto na isa sa mga securities ang lalaking iyon.
"Narito lang ako para sunduin ang asawa ko. Please let go of my arm."
"Kung gusto niyo ay bumalik na lang kayo sa susunod, Ma'am, kapag naka-suot na kayo ng..." Bumaba ang tingin ito sa suot niya bagos siya muling hinarap.m "...mas maayos na damit."
Huminga siya ng malalim saka nilingon ang kinaroroonan ni Cayson na patuloy sa pakikipaglandian sa tatlong mga babaeng katabi. He seemed to be really enjoying the moment.
Muli niyang hinarap ang security saka pilit na nginitian. "Please, I only need five minutes. Aalis din ako kagaad. Besides, hindi ba't mas matino naman ang damit ko kompara sa ilang mga babaeng guests dito na halos tinakpan lang ang dapat na takpan?"
"Pasensya na, Ma'am, may sinusunod lang po talaga kaming—"
"Kung bawal ang ganitong damit, bakit hindi ako pinigilan ng babae sa receiving desk? Ano 'yon, hindi niya alam ang patakaran?"
Hindi nakasagot ang lalaki. Doon siya nagpakawala ng buntonghininga.
"Please. Kailangan ko lang makausap iyong asawa ko." Ibinalik niya ang pansin sa kinaroroonan ni Cayson saka itinuro ang direksyon nito. May kung anong pait siyang nalalasahan sa dulo ng dila niya sa tuwing sasabihin ang salitang 'asawa', pero tiniis niya para magtagumpay siyang lumapit sa kinaroroonan ng lalaking sadya niya.
"Si Mr. Montemayor ay asawa ninyo?" tanong ng guwardiya na tila hindi makapaniwala. "Pasensya na, pero hindi po ako naniniwala."
Ipinaypay niya ang kamay sa ere saka tinalikuran ito. Mabilis siyang humakbang palapit at nakipagsiksikan sa mga taong nakakasalubong at sa mga nagsasayawan. Alam niyang nakasunod sa likod niya ang security, pero dahil sa laki ng katawan nito'y hirap itong makipagsiksikan sa mga guests. She took that chance to sped up.
Malapit na niyang marating ang pakay nang makitang tumayo si Cayson; hawak-hawak sa kamay ang babaeng halos kumandong na rito kanina. Nagpaalam ito sa dalawa pa at akma nang lilisanin ang pwesto nang makalapit siya.
Nakita niya ang matinding pagkagulat sa mukha ni Cayson nang sa pagharap nito ay makita siya. Subalit sandali lang iyon at kaagad ding nakabawi. "I didn't expect to see you here, Ms. Cinco—"
"We need to talk," aniya sa mahinanong tinig. Sinulyapan niya ang babaeng ka-hawak-kamay nito at tinanguan na sinaot lang nito ng pagkibkit ng mga balikat.
"Pinuntahan mo ako rito para ituloy ang pangungulit mo?" manghang tanong ni Cayson sa kaniya. "Well, as you can see, I have a date and we are now leaving. I will talk to you whenever I'm ready."
"Hindi ikaw ang magde-desisyon sa bagay na iyan, Cayson. If I say we talk right now, I mean it NOW." Ginamit niya ang tinig na ginagamit kapag nagagalit sa kakulitan ng mga estudyante niya. It sounded so authoritative and intimidating— probably only to her student's ears— dahil walang naging epekto iyon kay Cayson. Balewala lang itong bumuntong hininga saka tumalikod, hawak-hawak pa rin sa kamay ang babaeng kasama.
Hanggang sa hindi na niya napigilan pa ang sarili.
"Cayson Montemayor!" Malakas niyang sigaw dahilan upang matuon ang pansin ng lahat ng taong naroon sa kaniya. Sa gilid ng kaniyang mga mata ay nakita niyang papalapit na ang security na nagpapaalis sa kaniya kanina.
Great. Just great. Ngayon na nag-eskandalo na siya ay lalo siyang papaalisin doon— and worse, she could get banned.
Si Cayson na sandali lang nahinto sa pagsigaw niya'y balewalang itinuloy ang paglalakad kasama ang babae patungo sa elevator.
She clenched her teeth in frustration and shouted again:
"Cayson Montemayor! I am six weeks pregnant with your baby!"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top