CHAPTER 027 - Demontemayor


It was Monday morning and Rome was not in the mood to get up from bed. Pero pinilit pa rin niya dahil hindi tamang basta na lang niyang abandonahin ang trabaho sa Montessori. 

Ayaw niyang tadtarin siya ng katanungan ng mga magulang kung bakit hindi siya papasok— hindi siya magaling magsinungaling— kaya pinilit niyang bumangon, maligo at mag-ayos ng sarili.

Kahapon lang niya ini-kwento kina Jiggy at Connie ang nangyari sa pagitan nila ni Cayson. At simula nang maka-uwi sila hanggang sa buong gabi ay tahimik lang ang ate niya at panay ang sulyap sa kaniya.

They had already made plans— tatawagan niya si Cayson para iparating dito ang kondisyon niya. Si Connie ay nakuha na ang number nito mula kay Dudz kagabi pa. Their cousin was wondering why they needed Cayson's number, at noong una ay ayaw nitong ibigay iyon. Subalit kalaunan ay nakombinsi rin ni Connie at sinabing may surprise party na ino-organisa ang mga guro para sa pag-upo nito bilang bagong Director ng MIC. It wasn't true— dahil sa susunod na taon pa ang pagre-retiro ni Mrs. Althea Montemayor. But they would be giving Cayson a surprise, nonetheless. And that surprise would surely rock his world.

Bitbit ang mga gamit ay dumiretso siya sa hapag kung saan naroon ang mga magulang kasama si Connie na nag-aalmusal. Huminga siya nang malalim saka pilit na ngumiti bago pumasok sa komedor.

Ang mama niya na naka-suot na ng uniporme nito ay nakatayo sa tabi ng papa niya at nagsasalin ng kape sa tasa. Ang papa niya na nakabihis na rin ay may hawak na diyaryo at nagbabasa ng balita, habang si Connie naman ay tahimik na kumakain. Alam niyang naramdaman ng kapatid ang presensya niya subalit hindi ito nag-angat ng tingin upang batiin siya.

"Have a seat, Rome," sabi ng mama niya nang makita siya. Nakahanda na ang plato at kubyertos sa tapat ng pwesto niya, tulad ng nakagawian, pati ang isang tasa ng mainit na tsokolate. Lumapit siya roon at naupo, ang mga gamit ay inilapag niya sa katabing upuan.

"Ilang araw na naming napapansin ang panghihina mo, may dinaramdam ka ba, Rosenda Marie?" tanong naman ng papa niya na sandali siyang pailalim na sinulyapan.

Pilit siyang ngumiti. "Kulang lang po ako sa tulog, Pa..." sagot niya saka sinulyapan si Connie na tahimik pa rin sa pagkain.

Nang maupo na ang mama niya sa tabi ni Connie ay doon pa lang siya nag-umpisang kumuha ng pagkain sa mesa. May nakita siyang sinangag na dati ay paborito niya, subalit ngayon ay hindi na. She actually hated seeing it on the table— ewan ba niya. And then, there were sunny-side-up eggs and fried pusit. Biglang nangasim ang sikmura niya. She liked the smell but she hated the sight.

Weird, she thought.

Naiintindihan niyang dala iyon ng paglilihi niya. Pero ang alam niya, kapag naglilihi ang babae, ay sa mga amoy sila sensitibo, hindi sa itsura ng bagay o pagkain.

Inignora niya ang sinangag at ulam, sa halip ay ang toasted bread ang kinuha niya na naroon din sa mesa saka ang bote ng strawberry jam. Pagbukas niya ng bote ay kaagad niyang nalanghap ang mangasim-ngasim na amoy ng jam at doon siya nag-laway. Kinuha niya ang kutsara, scooped a mouthful amount and shove it into her waiting, drooling mouth.

And oh, strawberry jam tasted like heaven. Masarap pa sa sex na naranasan niya!

Sukat sa naisip at natigilan siya. At sa mga sandali ring iyon ay saka niya napansin ang mga magulang at si Connie na naka-mata sa kaniya, parehong natigilan nang makita ang ginawa niya. Doon siya natauhan. Bigla siyang nawala sa sarili nang maamoy ang aroma ng strawberry jam. She acted like she was in a TV commercial and had forgotten about her family!

"Are you okay?" salubong ang mga kilay na tanong sa kaniya ng ama.

Ang mama naman niya ay pinaglipat-lipat ang tingin sa kaniya at sa bote ng jam na hawak niya. "Have you lost your manners, Rosenda? Ganyan ba ang tamang pagkain ng jam? You spread it on the bread, you don't eat it like a soup."

Tinanggal niya ang kutsara sa bibig saka nilunok muna ang jam bago sumagot. "I'm sorry. Bigla lang akong... nag-laway, Ma." Sinulyapan niya si Connie at nakita ang warning look nito. Inilapag niya ang bote ng jam sa mesa saka tinakpan.

"Alam naming mahilig kang kumain, pero hindi ka naman dating ganiyan?" sabi pa ng mama niya. "Fix your manners and eat properly."

Tumango siya saka kumuha ng tinapay. Hanggang sa matapos silang kumain ay hindi na nagsalita pa ang mga magulang niya. Bagaman nakikita niya ang pagsalubong ng mga kilay ng mga ito dahil tinapay at jam lang ang kinain niya, ay hindi na nagtanong pa ang dalawa. Samantalang si Connie naman ay nasa kaniya rin ang pansin habang kumakain, binabantayan ang mga kilos niya.

Nang umalis sa hapag ang mga magulang at magpaalam na mauuna na ay saka lang siya binulungan ni Connie.

"Binigay ko na sa iyo ang number ni Mr. Montemayor— tinawagan mo na ba siya?"

Umiling siya saka iniligpit ang mga plato sa mesa. "Iniisip ko pa kung papaano ko uumpisahan ang—"

"Hindi mo kailangang gumawa ng dialogue. Diretsuhin mo na." Kinuha ni Connie ang cellphone niya sa loob ng kaniyang bag saka inabot sa kaniya.

"Call him now."

Alanganin siyang sumunod. She looked for his number and pressed the call button.

She Connie ay nanlaki ang mga mata nang makita kung anong pangalan ang ini-register niya. "Kapag nakita nina Mama at Papa ang registered name na iyan sa cellphone mo, sermon na naman ang aabutin mo," anito na pilit pinigilan ang pagtawa.

DEMONtemayor.

Iyon ang registered name ng ama ng magiging anak niya sa cellphone niya. At bumagay naman. Iingatan na lang niyang hindi makita ng mama at papa niya...

Matagal siyang naghintay na sagutin ng lalaki ang tawag subalit patuloy lang iyon sa pag-ring. She tried again... and again. And still no answer. Nainis lang siya dahil puro voicemail ang natanggap.

"Leave a voice message," sabi pa ni Connie.

And she did. Nagpakilala siya at nagsabing tawagan siya nito ASAP.

Subalit sumapit na lang ang buong umaga at maghapon ay walang Cayson Montemayor na nagparamdaman sa kaniya.

She was pissed and stressed. Nag-aalala siyang baka hindi gustuhin ni Cayson ang balita, na baka itanggi nito ang bata at takbuhan siya.

Pero kaya ba ni Caligh Carson Montemayor na gawin iyon? Kung tutuusin ay nitanong pa nga siya kung nais niyang pakasalan siya nito matapos nitong malamang birhen siya.

'I am a noble person and I want to make things right. Ngayon pa lang ay magkalinawan na tayo. Sa nangyaring ito sa atin... gusto mo bang panagutan ko ang nangyari at pakasalan kita?'

That was what he said that day. She clearly remembered that.

Sa tingin niya ay hindi siya nito tatalikuran— lalo at anak nito ang nasa sinapupunan niya. Pero dahil sa hindi pagpansin ni Cayson sa mga tawag at voice messages niya ay nag-aalala siyang baka mali ang akala niya rito.

Pag-uwi niya nang hapong iyon ay nagkulong siya sa kwarto at muling tinawagan ang lalaki— but again, she failed to reach him.

Matapos nilang maghapunan ay mabilis siyang bumalik sa kaniyang silid. Pagpasok ay saktong tumunog ang cellphone niya. Mabilis niyang hinablot iyon sa ibabaw ng nightstand at nanlaki ang mga mata nang makitang may text message na pinadala ang magaling na lalaki.

'What do you need?'

Nag-init ang ulo niya sa nakitang mensahe.

You buried your living seeds inside of me and you have the guts to ask me what I need?!

Huminga siya nang malalim--hindi niya maaaring sabihin iyon.

She answered his text message:

'WE NEED TO TALK.'

All caps. Kailangan nitong malaman kung gaano ka-importante ang kailangan niya.

He replied: 'What happened to our ILIBING SA LIMOT ANG LAHAT agreement?'

Pumikit siya upang kalmahin ang sarili. Umuusok ang ilong niya sa galit pero alam niyang kailangan niyang maging mahinahon para maayos niyang masabi rito ang sitwasyon.

She typed her response: 'Let's meet tonight.'

Matagal siyang naghintay sa sagot nito. Tumayo na siya sa kama at palakad-lakad, kagat-kagat ang kuko sa hinlalaki at maka-ilang beses na humugot ng malalim na paghinga habang hinihintay ang sagot ng lalaki. Makalipas ang mahigit sampung minuto ay saka tumunog ang message alert ng phone niya.

Cayson said: 'Wow, you must have been horny.'

Horny?!

Mabilis siyang nag-type ng isasagot para pasubalian ang sinabi nito nang muli itong nagpadala ng isa pang mensahe.

'You've tasted me once and now you want more? So, talaga ngang ginapang mo ako nang gabing iyon?'

Ikinuyom niya ang mga palad sa sobrang pagkairita. Kung maaari lang niyang sabihin dito sa phone ang tungkol sa kalagayan niya ay ginawa na niya para tumigil na ito sa mga walang kwentang bagay na sinasabi sa mga text messages nito.

Pero para sa kaniya, ang ganoon ka-halagang bagay ay kailangan nilang pag-usapan nang personal.

She typed her response: 'I don't want you. I just need to talk to you in person. And it needs to be NOW.'

In seconds, Cayson replied: *** 'No can do. I'm busy.'***

That's it. She dialed his number and called him. Matagal din muna ang hinintay niya bago nito sagutin ang tawag. At namangha siya sa unang narinig.

Jazz music playing in the air. Malinaw niyang naririnig sa kabilang linya ang kalanting ng mga kubyertos at ang banayad na ingay mula sa mga taong nag-uusap.

"I'm having dinner with my date," bungad ng lalaki sa kabilang linya. "Which means I can't be disturbed."

*Busy having dinner with your date?! *Oh, hindi niya alam kung bakit lalong kumulo ang dugo niya sa lalaki. "I told you, we need to talk. This is important—"

"Really, now, Miss Cinco? If you want us to talk, wait for me to set a schedule. Stop texting and calling me, malala ka pa sa lola ko." Iyon lang at tinapos na ni Cayson ang tawag.

Nanlalaki ang mga matang tinitigan niya ang cellphone na tila ba isa iyong nakakahilakbot na bagay. Nakailang hugot siya ng malalim na paghinga bago ito muling tawagan subalit nakapatay na ang cellphone nito. Galit niyang ibinato ang cellphone sa ibabaw ng kama at impit na tumili.

That evil man didn't even give her a chance to speak and listen to whatever she needed to say! Set a schedule his damn ass.

Galit siyang humakbang pabalik sa kama at hinablot ang cellphone. She dialed Dudz's number and waited for her call to connect. Ilang sandali pa'y sinagot iyon ni Dudz at bago pa man nito mabanggit ang pangalan niya'y mabilis na siyang nagsalita.

"Dudz, anong oras dumarating ang boss mo sa opisina?"

"What?" tanong ni Dudz sa inaantok na tinig.

"Si Cayson Montemayor— anong oras siya pumapasok sa opisina niya sa Montemayor Travellers?"

"Ano na naman ito, Rosenda?" Nasa tinig ni Dudz ang pinaghalong antok at pagka-irita. "Papatulog na ako, akala ko naman ay importante ang—"

"Mas importante pa ito sa tulog mo, Dudz, kaya sagutin mo ang tanong ko," inis niyang sabi. Pumipintig na ang mga ugat sa ulo niya sa sobrang inis at hindi siya matatahimik hanggang sa hindi niya nakakausap ang walang'yang lalaking iyon.

"Bakit ba bigla kang nagka-interes kay Cayson? Kagabi ay hiningi naman ni Connie ang—wait, tungkol pa rin ba ito sa surprise party para sa kaniya?"

"Yes," pagsisinungaling niya.

Narinig niya ang pag-hikab ng pinsan sa kabilang linya bago sumagot. "No specific time, dumarating siya sa kahit na anong oras niya gusto. Remember— he's the boss. Minsan nga ay hindi siya pumapasok, tumatawag lang o nagvi-video call sa mga meetings. Madalas ay nasa resort siya kasama ang bagong girlfriend o nasa Hongkong para i-date ang chick niyang Chinese celebrity."

'I'm having dinner with my date. If you want us to talk, wait for me to set a schedule.'

She smirked after remembering what Cayson said on the phone.

Enjoying the jet-setting life, huh, Cayson? Let's see kung hanggang kailan mo gagawin 'yan.

"Alam mo ba kung nasaan siya ngayon?" tanong niya sa pinsan.

"Malamang na nasa bahay ng lola niya, si Mrs. Althea Montemayor. Kailangan ba ang mga katanungan na ito sa surprise party, Rosen—

"He is not there," putol niya sa sagot ni Dudz. "Tumawag ako at wala siya sa mansion. Alam mo ba kung saan siya ngayon?"

Hindi siya maaaring magtungo sa mansion ng mga ito dahil baka magkita sila ni Mrs. Althea Montemayor at magtaka sa pagpunta niya. At hindi siya magaling sa mga kasinungalingan— madali siyang ma-basa at mabuking kapag nagsisinungaling. Bago malaman ng ginang ang tungkol sa kaniya ay kailangan muna iyong malaman ng apo nito.

"Well, he's probably at one of the finest bars in the city. Where exactly, I don't know. Pero malamang na kasama ang bagong girlfriend niya. Kung hindi man, ay baka nasa Bali para mag-surf o nasa Singapore para sa two-night date. Ganoon naman iyon eh."

"Sa tingin mo, kailan siya babalik sa opisina?"

"No idea." Muling humikab si Dudz. "Can you end this call now? Antok na antok na ako."

Bumuntong hininga siya. Mukhang mahihirapan siyang maka-usap nang personal si Cayson. Anyhow, hindi siya titigil. Tatawagan na lang niya itong muli bukas.

"Okay. Thank you, Dudz." Tinapos na niya ang tawag saka humiga sa kama. Napatitig siya sa kisame at huminga ng malalim.

I'll give you time, Cayson... After all, I need you to save me and my family from humiliation.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top