CHAPTER 024 - Big Mistake



SA pag-ikot ni Rome ay nakaramdam siya ng matinding pagkahilo. Maliban pa roon ay makirot ang katawan niya, lalo na ang sa ibabang bahagi na tila mabibiyak.

Sinapo niya ang nananakit na ulo at pinilit na bumangon upang matigilan. Muli niyang pinakiramdaman ang sarili.

Bakit may mabigat na bagay na nakadagan sa katawan ko?

Sinubukan niyang imulat ang mga mata upang muli ring ipikit nang sinalubong siya ng matinding liwanag mula sa paligid. Muli ay ibinagsak niya ang sarili sa malambot na kutson at pilit na inalala ang mga nangyari.

Ano ang... nangyari? At... nasaan ako?

Inalis niya ang mga kamay sa pagkakasapo sa ulo at dinama ang mabigat na bagay na nakadagan sa ibabang bahagi ng katawan niya.

Buhok? No, balahibo.

Iyon ang unang pumasok sa isip niya nang makapa ang matigas at mabuhok na bagay.

Ano ito? Binti? This can't be mine... Nag-shave ako kahapon at—

Bigla siyang natigilan. Pakiramdam niya ay binuhusan siya ng nagyeyelong tubig nang mapagtantong hindi bahagi ng sariling katawan ang kaniyang nakapa kung hindi bahagi ng katawan ng ibang tao.

Sa nanginginig na mga kamay ay muli niyang dinama ang mabuhok na binting nakadagan sa mga binti niya. Kinilabutan siya nang muling mahawakan iyon. At lalo siyang kinilabutan nang maramdamang hubo't hubad din siya!

"Hmmm..." ungol ng lalaking katabi niya.

Oh God, please save me!

Mariin niyang ipinikit ang mga mata. Hindi niya alam kung sisigaw, tatakbo, o hilingin na lang sa Diyos na tamaan sana sila ng kidlat nang sagayon ay pareho silang ma-abo ng katabing lalaki.

"What the fuck am I doing here and—"

Mabilis siyang napamulat nang marinig ang tinig ng lalaki. Sa kaniyang paglingon ay pamilyar na mukha ang una niyang nakita; nakatunghay din sa kaniya, salubong ang mga kilay, at nanlalaki ang mga mata.

Malakas siyang napasinghap kasunod ng panlalamig ng katawan. Sandali silang nagtitigan nang may panggilalas, at nang tuluyang rumehistro sa mga isip nila ang namulatang eksena ay halos sabay silang napabalikwas ng bangon.

At sa hilakbot na tinig ay, "Ikaw?!"

Ang lalaki na ngayon ay nakatayo na sa gilid ng kama at hindi man lang nag-abalang takpan ang hubad na katawan ay maangas na nagsalita,

"Where the f*ck is Nympha?"

Nympha?

"And why the hell are you here?"

Hindi niya nagawang sumagot. Kinuha niya ang kumot, ini-takip sa katawan saka nagyuko ng ulo.

Bakit nga ba siya naroon?

"I—I don't remember—"

"Damn it!" Tumalikod ang lalaki at humakbang patungo sa pinto. Binuksan nito iyon at saglit na sumilip sa labas bago muling isinara at hinarap siya. "Magbihis ka. And leave this room this instant."

Sa narinig ay tila biglang umakyat at naipon lahat ng dugo sa ulo niya. Tinapunan niya ng masamang tingin ang lalaki,

"Wala kang karapatang magsalita sa akin ng ganyan na tila marumi akong babaeng pumasok sa silid mo at pinagsamantalahan ka!" Akma siyang hahakbang patungo sa banyo upang sandaling magmukmok doon at ayusin ang sarili nang mahinto siya. Muli niyang naramdaman ang matinding kirot sa ibabang bahagi ng katawan niya—ang mga tuhod ay nanlalambot, ang mga binti at balakang ay nangangalay.

What is happening with my body?

Nang may mapagtanto ay nanlaki ang kaniyang mga mata. Sandali niyang kinalimutan ang kirot na naramdaman at sinulyapan ang kamang halos matanggal na ang bedsheet sa marahil ay 'karumaldumal' na nangyari sa pagitan nilang dalawa kagabi.

Gusto niyang manlumo nang makita ang hindi nais makita sa bedsheet.

Bloodstain!

"The hell is that?" anang antipatiko. Kunot-noo itong lumapit at sinuri ang mantsya sa ibabaw ng kama. Maya-maya pa'y natigilan ito.

She sobbed when the realization hit her.

She got drunk last night and she had no idea what happened next. Ang huling naaalala niya ay ang pagpasok niya sa silid na iyon, ang paghubad niya ng sariling damit, at ang pag-higa niya sa kama. Ang mga sunod na sandali ay hindi na niya naalala pa.

Ang mantsya ng dugo sa ibabaw ng kama ay patunay lang na ginawa nila ng antipatikong lalaking iyon ang isang bagay na tanging mga mag-asawa lang ang maaaring gumawa.

Hindi makapaniwalang napatitig sa kaniya ang lalaki. Ibinuka nito ang bibig at tila may nais sabihin subalit nahinto nang makita ang luhang sunud-sunod na bumagsak sa kaniyang magkabilang pisngi. Doon lumambot ang anyo nito.

He opened his mouth again to say something when a knock on the door stopped him.

Mabilis itong kumilos. Dinampot nito ang pantalong nasa sahig at ini-suot bago ito lumapit sa pinto at bahagya iyong binuksan.

"Gandang umaga, pare. Kanina ko pa hinahanap si Rome pero wala siya sa alinmang silid dito sa second floor. Ang sabi sa akin ay narito lang sa floor na ito ang lahat ng guests sa party mo kagabi. Napansin mo ba kung sino ang huling kasama niya kagabi?"

Napasinghap siya at natigil sa pag-iyak nang marinig ang tinig ng pinsan. Ito ang dahilan kung bakit siya naroon sa lugar na iyon!

Nilingon muna siya ng antipatiko bago sinagot si Dudz.

"Yeah. I think I know where she is," anito habang diretsong nakatitig sa kaniya.

Sunud-sunod siyang umiling.

Hindi niya papayagang may makaalam sa nangyari sa kanila ng ulol na lalaki! She could not afford the humiliation! Kapag nakita ng pinsan niyang naroon siya sa silid at nasa ganoong ayos, sigurado siyang isusumbong siya nito sa mga magulang niya at mapipilitan siyang magpakasal sa lalaking buong buhay niyang ini-sumpa!

"I think she went home last night."

Natigilan siya nang marinig ang sinabi nito, bago muling ibinalik ang pansin kay Dudz na nasa labas ng pinto.

"Ganoon ba? Tsk, hindi man lang siya nagpaalam. Sinubukan ko siyang tawagan pero nakapatay ang cellphone. Sige pare, salamat at pasensya ka na kung na-istorbo ko rin ang tulog mo. Halos lahat ng kwarto ay kinatok ko na, iyon pala'y wala na rito si Rome. Hindi ka pa ba bababa? Naka-handa na ang almusal sa pool-side."

"Susunod na ako."

Hanggang sa marinig niyang nagpaalam si Dudz at muling isara ng lalaki ang pinto ay nanatili lang siyang tahimik na nakatayo roon at nakasunod ang tingin dito.

Ang lalaki'y humalukipkip at sumandal sa likod ng pinto.

"To tell you honestly, matindi rin ang tama ko kagabi at hindi dapat ikaw ang kasama ko sa kamang iyan. I remember the se.x but I don't remember dragging you here. Did you come into my room all by yourself? And how did you get in?"

Itinaas niya ang mukha, "Kung pinasok ko man ang silid na ito ay dahil lang sa matinding kalasingan! At kahit ako ay nagtataka kung papaanong narito ako." Hinigpitan niya ang pagkakahawak sa kumot na nakatakip sa kaniyang katawan. "H'wag mong iisipin na nangyari ito dahil gusto kita o—"

"Ayaw kong malaman ni Dudz ang nangyari; ayaw kong masira ang pagkakaibigan namin, kaya hindi ko sinabing narito ka," he said, totally ignoring what she said. "Now, let's talk. What do you want to do?"

Kinunutan siya ng noo. "What do you mean by that?"

Bago ito sumagot ay muli muna nitong sinulyapan ang mantsya ng dugo sa kama, "So you were a virgin."

Pinamulahan siya ng mukha.

"Kung boyfriend mo ako ay ikatutuwa ko iyon. Pero hindi," muli siya nitong sinuyod ng tingin na ikina-ilang niya. "Besides, I never enjoyed having sex with virgins. I was tipsy last night that I didn't notice you were inexperienced. Ang naaalala ko lang ay nagmamadali akong matapos nang sagayon ay makatulog na ako."

Oh, please do me a favor and just die!

"I also want you to know that I am not sorry for what happened. I may be tipsy last night but I always give my best, kaya siguradong nagustuhan din ng lasing mong diwa ang nangyari sa atin kagabi."

"Just where exactly did you get all this confidence?" maanghang niyang tanong. Kahit kailan ay hindi niya ikatutuwa ang maka-siping ang lalaking kaharap!

He shrugged nonchalantly, "But I am a noble person and I want to make things right. Ngayon pa lang ay magkalinawan na tayo." Diretso siya nitong tinitigan. "Sa nangyaring ito sa atin... gusto mo bang panagutan ko ang nangyari at pakasalan ka?"

"Heck, no!" Mabilis niyang sagot. Hindi niya kailangang pag-isipan pa iyon.

Ngumisi ito. "That's a relief, thank you."

"Pareho nating hindi ginusto ang nangyaring ito. At pareho din nating alam na dahil lang iyon sa kalasingan. Kahit naiirita ako sa'yo ay hindi kita gustong sisihin dahil alam kong may pagkakamali rin ako. Maliban pa roon, alam din nating kung matino lang ang utak ko kagabi ay hinding-hindi ako papatol sa iyo, Cayson Montemayor!"

Mabilis siyang kumilos at hindi pinansin ang pananakit ng buong katawan. Dinampot niya isa-isa ang mga damit na nagkalat sa sahig.

Nang makuha lahat ay kinipkip niya ang mga iyon sa dibdib saka muling hinarap ang lalaking nakamasid lang sa kaniya at nakasandal pa rin sa likod ng pinto. Ang isang sulok ng labi nito'y naka-angat nang may panunuya.

"And please, do me a favor. H'wag mong sasabihin sa kahit na kanino ang nangyaring ito sa atin. Let's just forget what happened and don't show your face to me ever again."

Muli ay bale-wala itong nagkibit ng mga balikat, "Pabor sa akin iyan, Miss Cinco."

Ang akma niyang paghakbang patungo sa nakabukas na pinto ng banyo ay natigil nang marinig ang pagtawag nito.

Miss Cinco... Iyon ang tawag sa kaniya ng lahat sa school.

Muli niyang tinapunan ng masamang tingin ang lalaki.

"I have done everything I could para alagaan ang pangalan ng pamilya ko sa bayang ito at ang trabaho ko sa Montessori, Cayson Montemayor. Kaya umaasa akong ang nangyaring ito sa atin ay pareho nating ililibing sa limot."

"I don't kiss and tell, Rosenda Marie Cinco," seryoso nitong sagot bago tumalikod at muling binuksan ang pinto. "Inaasahan kong wala ka na rito pagbalik ko."

Hanggang sa makalabas ng silid si Cayson ay hindi umalis si Rome sa kinatatayuan. Nanghihina ang tuhod na naupo siya sa kama saka sinapo ang mukha.

Diyos ko... Hindi ko ku-kwestyunin ang nangyaring pagkakamaling ito dahil kasalanan ko rin. I shouldn't have joined Dudz last night. Pero bakit kailangang si Cayson Montemayor pa?

Kung pinaglalaruan siya ng tadhana ay nagtagumpay ito. Kahit kailan ay hindi niya inisip na mangyayari ang bagay na iyon sa pagitan nila ng antipatikong lalaki.

She had known him since time immemorial—kung makukulong siya sa isang silid kasama ito at isang gutom na tigre, at mayroon siyang hawak na baril na may nag-iisang bala, ay hindi siya magdadalawang isip na iputok ang baril na iyon sa kaniyang bibig. She would rather die and let the tiger devour that SOB than do the opposite.

Inihilamos niya ang mga palad sa mukha.

Hindi siya makapaniwalang ibinigay niya ang sarili sa lalaking kinasusuklaman niya.

I was drunk! I had no idea what was happening! He rped me!*

Did he, though?

Ang akala nito'y ang babaeng si Nympha ang kasama. Hindi nito alam na siya iyon. At kung sakaling alam nito, kung pagbabasehan niya ang itsura ni Cayson nang makita siya, ay imposible ring patusin siya nito. She could see in his eyes how disgusted he was, wala itong katiting na atraksyon sa kaniya kaya imposible ring gustuhin nitong siya ang makasama sa ibabaw ng kama.

Itinuloy niya ang pagpasok sa banyo saka sinulyapan ang sarili. Nanlulumong hinagod niya ng tingin ang katawan sa salamin. Sa leeg niya'y may pulang mga marka na hindi niya alam kung papaano itatago sa susunod na mga araw. He gave those marks to her, how disgusting!

Kahit sa ibabaw ng dibdib niya ay mayroon rin.

Nag-umpisang manakit ang lalamunan niya at ang mga mata'y nanlabo na sa tindi ng nararamdaman sa mga sandaling iyon. Suminghot siya at tumalikod, ayaw niyang makita ang sariling umiyak dahil sa lalaking iyon.

Pumailalim siya sa shower, binuksan ang tubig, saka itinutok ang sarili sa ilalim niyon. Hiling niya'y mahugasan ng malamig na tubig ang pandidiring naramdaman niya sa sarili. Hiling niya'y wala na siyang pandidiring maramdaman sa oras na lumabas siya sa banyo—at sa silid na iyon.

And how she wished she and Cayson would never cross paths again.

Sa loob ng ilang minuto ay nanatili siya sa ilalim na shower, at gamit ang bagong luffa sponge na naroon sa loob ng banyo ay kiniskisan niya ang balat na tila matatanggal niyon ang mga bakas na iniwan ni Cayson Montemayor.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top