CHAPTER 023 - Disaster in Room 306
NAPASINGHAP siya. That's it! Bago pa siya lumaklak ng red wine ay may tama na siya dahil sa mga cupcakes na iyon. Kaya pala ganoon na lang ang hilo niya kanina?
"Nakalalasing pala pati mga pagkain dito... Paano ako uuwi nito...?" Biglang tila nahati sa dalawa ang babaeng bartender na kausap niya. Nahihilo na naman siya, at sa pagkakataong iyon ay mas malala na.
Ipinilig niya ang ulo.
No. Hindi pwedeng mahalata ng mga tao na lasing siya! Malilintikan siya kay Dudz!
Nilingon niya ang kinaroroonan ng pinsan, pakiramdam niya'y nasa bangka sila dahil tila gumagalaw-galaw ang kinauupuan niya. Pero pilit niyang hindi pansinin iyon--kailangan niyang mahanap si Doodz at maaya itong umuwi na.
Pero papaano niyang gagawin iyon kung maliban sa dim ang ilaw sa buong event center ay malabo at dumo-doble pa ang paningin niya?
Muli siyang pumikit nang mariin, humugot ng malalim na paghinga, saka nagmulat upang suyurin ng tingin ang paligid. Her vision was still blurry, but this time, she was able to spot Dudz. Pamilyar sa kaniya ang suot nitong damit. Nakita niyang nakikipagsayawan nito sa mga kasamang socialites, at tulad niya'y mukhang lasing na rin. Papaano sila uuwi?
"'Tong tukmol na 'to, sasayaw-sayaw, pareho namang kaliwa ang mga paa..." bulong niya sabay hagikhik nang makita kung papaano igalaw ng pinsan ang matigas na katawan. Hagikhik siya nang kagikhik hanggang sa matigilan siya.
Ooooppss! Lasing na ba talaga ako?
"Another round, Ma'am?"
Nanlaki ang mga mata niya sabay ngiwi. Ibinalik niya ang tingin sa babae--o sa mga babae, dahil ang paningin niya rito ay dalawa na. "'Di ko na kaya, day!" Napahagikhik siyang muli. She couldn't control herself, kahit walang nakatatawa ay natatawa siya. "H'wag mo na akong alukin ng alak, parang awa mo na. Hindi ko nga alam kung papaano pa akong makauuwi nito."
"Naka-book naman po ang buong event center, Ma'am, kasama na roon ang mga silid para sa mga panauhin. Kung hindi po ninyo kayang umuwi, pwede po kayong mag-stay rito buong gabi. Pili na lang po kayo ng silid na o-okupahin ninyo."
Oh, great news! Nais na niyang matulog talaga. Unti-unti na niyang nararamdaman ang pag-gapang ng sobrang init sa buong katawan, ang pagkahilo at ang muling pag-dilim ng mga paningin. Ni hindi na niya maaninag ang mukha ng *dalawang *bartender na sabay pa kung magsalita. What were they, a twin?
She squinted her eyes. "Identical twin?"
"Po?"
"Kayong dalawa."
Nagtatakang lumingon-lingon ang dalawa.
"Sinong dalawa, Ma'am?"
"Wala kang kasama?"
Oh, she felt so dumb she couldn't help but laugh at herself again.
"Okay lang po kayo, Ma'am?"
"I would like to... take a room.. as long as it's free." Ngumisi siya para takpan ang kalasingan.
Oh gosh.. Malapit na malapit na at matutumba na siya sa kinauupuan dahil sa pagkahilo.
"No problem, Ma'am. Ihahatid kita sa bakanteng kwarto." Akmang aalis sa counter ang babaeng bartender subalit maagap siyang umiling— na ikina-hilo niya lalo.
"I'm fine. Ako na ang... maghahanap. Just give me the key and I'll find my way."
"Ma'am, it's part of my job to assist you--" Hindi na natuloy ng bartender ang sasabihin nito nang ang isang grupo, ang kabilang mesa katabi ng mesa nila Dudz, ay nagtawanan nang malakas dahilan upang agawin ng mga iyon ang pansin nila. Nakita nila ang dalawang lalaking sa sobrang kalasingan ay naghalikan sa ibabaw ng mesa, ang mga alak na nakapatong doon ay nahulog at bumagksak sa marmol na sahig.
Napangiwi siya at inilipat ang tingin kay Dudz na ngayon ay halos nakayakap na sa isang babae. Sa mga sandaling iyon ay halos pipikit na ang kaniyang mga mata.
"Naku, mukhang marami-raming guests ang mananatili ngayong gabi."
Ibinalik niya ang tingin sa bartender. Tumayo na siya, at pilit na binalanse ang sarili para patunayan ritong kaya niyang mag-isa. "Go help them now, I can handle my—" Napa-sinok siya, "—self."
Hindi na nagpumilit ba ang bartender. Yumuko ito sa ilalam ng counter, may kinuha, saka iyon inabot sa kaniya. "Ito po ang susi, Ma'am. That's room 305. Tatlong palapag lang ang building na ito at naroon sa kaliwa ang elevator. Pagkarating po ninyo sa third floor ay nasa bandang dulo ang room ninyo."
She smiled at her. "Thank you for being so nice to me..." aniya. "Oh, by the way. Kasama ko ang pinsan ko. Naroon siya at umiinom pa... Kapag hinanap niya ako, pakisabihan na lang na nasa taas na ako at h'wag akong gambalain. I'll see him tomorrow morning."
Nang tumango ang bartender ay nagpaalam na siya. Hindi na niya kaya ang hilo at antok niya. Pilit siyang naglakad nang maayos palayo sa counter, pilit na inalalayan ang sarili upang hindi gumewang-gewang.
Nakapagtatakang hindi siya nasusuka. She just felt so tired and sleepy. Marahil ay iyon ang epekto ng alak na nakahalo sa mga kinain niya?
Pagdating niya sa elevator ay lalo siyang nahilo. Hindi niya na halos makita nang maayos ang mga numerong naroon. Ang tagal niyang sinuri ang mga button at nang maaninag ang numero tres ay iyon ang diniinan niya. Inisandal niya ang sarili roon at mariing ipinikit ang mga mata.
305... 305... 3...0...5...
She murmured those numbers in her mind like a prayer.
Akmang sasara na ang pinto ng elevator nang may pumigil doon na ikina-angat ng ulo niya. Inaninag niya ang mukha ng lalaking nakatayo sa labas, her vision was starting to get blurry. Subalit bago pa niya napagtanto kung sino ang naroon ay narinig na niya itong nagsalita.
"Okay ka lang, Rome?"
"Baron..."
"Nakita kitang pasuray-suray maglakad, kahit gaano mo pa pilit na itago ay halatang lasing ka na."
"I'm... I'm..." Hindi niya alam kung ano ang sasabihin. Habang lumilipas ang segundo ay sumasama ang pakiramdam niya at wala na siyang ibang gustong gawin kung hindi ang humiga.
"I was looking for you, hindi kita nakita nang bumaba ako sa stage." Baron pressed the HOLD button from outside, kaya hindi sumasara ang elevator.
"Sa bar..." pabulong niyang sagot.
Nagpakawala ito ng malalim na paghinga. "Naparami ka pa yata ng inom. Naka-booked ka ba sa taas?"
Tumango siya. "I'm staying at room... 305."
"Okay, ihahatid na kita, baka kung —" Nahinto ito nang may tumawag dito kaya inalis nito ang tingin sa kaniya. Ilang sandali pa'y muli itong humarap sa kaniya. "Give me ten seconds, magpapaalam lang ako sa mga kasama ko. Please hold the elevator."
Tango lang ang isinagot niya.
She pressed the HOLD button and started counting.
Ten seconds. Ten... Nine... Eight... Seven...
Pero bago pa man umabot sa 'six' ang bilang niya ay muli niyang naramdaman ang matinding hilo at ang pagbaliktad ng sikmura. She groaned and shook her head. Ang kamay ay inalis niya mula sa pagkaka-press ng HOLD button dahilan upang sumara na ang pinto ng elevator.
Napa-kapit siya sa pader ng elevator at pinigilan ang sariling maupo sa sahig niyon. Her knees were shaking, she felt like she was floating in the air.
Sinusumpa niya— hinding-hindi na talaga siya susubok ng pagkaing may interesanteng pangalan! Those cupcakes, those goblets of wine, and that mixed fruits bowl were killing her!
Nang tumunog ang elevator at bumukas ay dali-dali siyang lumabas. Inalalayan niya ang sarili sa pamamagitan ng paghawak sa pader ng hallway para hindi siya gumewang-gewang at malugmok sa sahig. Binaybay niya ang pasilyo habang ang isang kamay ay naka-sapo sa kaniyang ulo. Malapit na siyang mawalan ng malay, unti-unti nang nawawala ang espirito niya— kahit ang paningin niya'y nagba-black out na. She could see red and black— the red carpet and the darkness that's eating her. Ibig sabihin ay unti-unti na siyang nawawalan ng malay. Mariin niyang ipinikit ang mga mata saka umiling upang kahit papaano ay labanan ang matinding antok. Pagmulat niya'y umiikot na paligid ang kaniyang nabungaran.
She moaned in frustration.* *Nang dahil sa katakawan niya'y hindi na niya napapansing may halong alak ang mga kinakain niya, kaya ngayon ay nagmumukha siyang engot na halos gumapang na sa hallway dahil sa kalasingan!
Oh! Damn alcohol! Damn those cupcakes and mix fruits! Damn this party! Damn Dudz! Damn everybody!
Gusto niyang umiyak sa inis at ibagsak na lang ang sarili sa carpet. Hindi niya alam kung kaya pa niyang umabot sa 305.
305? 305 nga ba? 306? 315? No, it's 305, right? Gaaah!
She dropped herself on the floor and wept like a child. Habang lumilipas ang bawat segundo ay lalong sumasama ang pakiramdam niya. Naiiyak na niyuko niya ang carpet at dinama iyon. And oh... they felt sooo good against her palm. Suminghot siya at akmang hihiga upang damhin lalo ang lambot ng carpet nang matigilan siya.
Malambot ang carpet sa hallway pero hindi siya roon matutulog! Paano na lang kung may maka-kita sa kaniya na kakilala ng pamilya? Hindi imposible iyon dahil magkatabing lungsod lang ang Pasay at Parañaque. Muli siyang suminghot at pilit na tumayo. Kailangan niyang umabot sa silid niya, siguradong mas malambot ang kama kaysa sa carpet.
Muli ay napahawak siya sa pader upang alalayan ang sarili. Itinaas niya ang mukha at isa-isang sinuri ang numero ng bawat pintong madaanan, looking for that specific number. Kinailangan niyang ilapit nang husto ang mga mata sa mga numero upang maaninag iyon.
Hanggang sa...
Room 305.
Tumigil siya sa harap ng pintong may numerong 305. Nanlalabo ang mga matang isinuksok niya ang susi sa doorknob subalit dahil nanghihina na ang katawan niya at matindi na ang pagkahilo ay hindi niya magawang ipasok iyon nang maayos sa keyhole. Napamura siya sa sobrang inis. Masamang-masama na ang ang pakiramdam niya pero heto at ayaw pang makisama ng susi at doorknob! Maling susi ba ang dala niya? Sinipat niya ang keychain na nakasabit sa susi kung saan nakasulat ang numero ng silid.
306
She chuckled. Lasing na nga siya. At lasing din ang bartender na nagsabing sa room 305 siya. She was supposed to be in the 306, not 305 for goodness' sake!
Humakbang siya sa kasunod na pinto at doo'y isinuksok ang susing dala. It matched! Nagawa niyang buksan ang pinto ng silid at pasuray-suray siyang pumasok. Halos ihampas niya pasara ang pinto. She locked the door and almost swayed as she walked toward the bed.
Hilung-hilo na talaga siya. Sinapo niya ang ulo at hindi na nag-abalang buksan pa ang ilaw. May mga naaapakan siyang kung anong kalat sa sahig na muntikan na niyang ika-dapa. She swayed and staggered as she stepped forward. At habang naglalakad siya palapit sa kama ay pikit-mata siyang naghubad ng suot na T-shirt. Madilim ang paligid at hindi malinaw ang paningin niya. Maliban pa roon ay matindi ang hilo niya at umiikot ang mundo niya. Plus, her body started to burn. Pakiramdam niya'y nilalagnat siya, ramdam niya ang init na sumisingaw sa buo niyang katawan— and she didn't know what to do. Matindi ang epekto ng alak sa katawan niya at ulo, hindi siya mapalagay. May gusto siyang gawin, a cold shower would probably help, ang problema, hindi na niya kayang maligo pa. She needed sleep more than ever.
She unbuttoned her jeans and pulled down its zipper. Seconds later, her jeans and bra flew in the air. She's not used to sleeping naked but her burning body was making her crazy so she had to. Kung pwede lang na matulog siya sa ilalim ng tubig para maibsan ang init ng pakiramdam sanhi ng alak sa buong sistema niya ay ginawa na niya. But she's tired, dizzy, and sleepy that all she wanted to do was to sleep and forget everything else.
Hapung-hapo siyang gumapang paakyat sa kama. Umungol siya nang sa pagyuko niya ay naramdaman ang matinding pagkahilo. Mariin niyang ipinikit ang mga mata saka ibinagsak ang sarili sa malambot na kama. She moaned when her skin felt the soft fabric.
Oh... better than the carpet, indeed....
She was ready to surrender herself to sleep when the door opened, closed, and locked. She was too drunk and dizzy to get up. Inisip niyang guni-guni lang niya iyon, kaya binalewala niya.
Ilang sandali pa'y halos tumilapon siya nang biglang may bumagsak sa kama. Kasunod niyon ay may narinig siyang malakas na ungol— as if someone got hurt.* *She tried to open her eyes, but she was too weak and drunk to do so. Kahit siguro masunog ang buong lugar o may kalamidad ay hindi niya magawang kumilos o bumangon. She just couldn't.
Later on, she felt a huge hand touch her tummy. And then, her hazy mind heard a deep voice she swore she had heard before.
"I thought you said you're not coming, babe?"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top