CHAPTER 022 - Dangerous Cupcakes
SINULYAPAN ni Rome ang oras sa relos at nang makitang mag-a-alas dies na ay inikot niya ng tingin ang paligid. She was looking for Dudz. It's been almost two hours since she last saw him.
Baron would sing for the audience every twenty minutes. May ka-reliyebo itong singer na babae na jazz ang genre, habang si Baron ay soft rock naman ang ina-awit. Kanta ni Bon Jovi, MLTR, at Air Supply.
Sa tuwing bumababa ito ng stage ay lagi siya nitong akmang lalapitan subalit bago pa man ito makarating sa table niya ay kaagad itong nahihila ng mga guests para kausapin hanggang sa maubos na lang ang oras nito. He also spoke with the devil, at iyon lang ang oras na inalis niya ang tingin dito*.* Iyon ay dahil ayaw niyang makita ang pagmumukha ni Cayson Montemayor.
Sa mga sandaling iyon ay nasa stage na muli si Baron para sa huling turn nito. Narinig niyang nagsabi ito kanina na iyon na ang huling performance nito sa gabing iyon, at pagkatapos ay magte-take over na ang DJ ng mga disco music.
Muli niyang inikot ng tingin ang paligid at hinanap si Dudz. Kanina pa niya hindi nakikita sa paligid ang pinsan. Ganoong broken-hearted ito ay baka maglasing at baka mahirapan sila mamaya sa pag-uwi.
Tumayo siya upang hanapin si Dudz subalit muli ay nakaramdam siya ng matinding hilo kasabay ng pagpitik ng ulo niya. Nai-tukod niya ang mga kamay sa mesa, yumuko, at ipinikit nang mariin ang mga mata. Hindi niya matandaan kung naka-ilang kopita siya ng champaigne sa loob ng dalawang oras na nakaupo lang siya roon. She was fine when she was sitting and staring at one direction, pero doon niya naramdaman ang matinding hilo pag-tayo niya. Umiling-iling siya saka muling nagmulat. Pilit siyang tumayo nang tuwid at binalanse ang sarili. And when she thought she could handle her steps, she started to walk.
Naglakad siya at nilampasan ang mga taong nasa daan. Malinaw niyang nakikita ang mukha ng mga iyon, subalit ang paligid ay tila umiikot na. Pakiramdam niya rin ay hindi sumasayad sa sahig ang mga paa niya, as if she was flying.
Nang marating niya ang gitna ng event hall ay bigla siyang nahinto nang muling maramdaman ang matinding pagkahilo. Ipinilig niya ang ulo at pilit na inaaninag ang daan.
Sa bandang dulo ng event hall, kung saan walang gaanong tao ay may nakita siyang bar counter. Huminga siya ng malalim bago pilit na diniretso ang paglalakad upang hindi siya mapansin ng mga tao roon na pasuray-suray. Nang marating niya ang bar counter ay humingi siya ng isang basong tubig sa bartender.
Nang makainom ng malamig na tubig ay guminhawa kaunti ang pakiramdam niya. Ayaw niyang ipahalata sa paligid na may tama siya ng alak, kaya nag-asta siyang maayos at normal. Nag-aalala siyang kapag may nakakakilala sa kaniya roon at nakitang lasing siya ay baka mapag-usapan siya at makarating pa sa buong pamilya.
"Rosenda Marie," ani Dudz sa likuran niya sabay kalabit sa braso niya.
Kaagad siyang napalingon. Gusto niyang tarayan ang pinsan pero dahil sa sama ng pakiramdam ay hindi niya magawa. Sa halip, ay pilit niya itong nginitian. Hindi niya sasabihin dito na may tama siya ng alak, mase-sermunan siya nito. "Uuwi na tayo?"
Napakamot ito sabay lingon sa kabilang dulo ng event hall kung saan may malaki at paikot na couch. Sa gitna niyon ay may glass table kung saan may nakapatong na malaking bote ng alak. It could be a whiskey or something, hindi niya alam. Basta ang alam niya ay alak iyon at mukhang maglalasing ang mga ito.
Ang mga taong naka-upo roon ay masayang nag-uusap. She could see a group of men and women, having fun while holding a glass of drink. Hindi niya gaanong maaninag ang mukha ng mga ito, pero kitang-kita niya na ang isang bultong naroon ay kay Cayson Montemayor.
"May mga bagong dating na bisita si Cayson, mga dati naming kasama sa basketball team. Pwede mo pa ba akong bigyan ng isang oras pa? Kakauwi lang kasi ng iba sa kanila galing ibang bansa, makikipagkamustahan lang ako."
Hindi niya napigilang mapasulyap sa stage at nakita si Baron na patuloy sa pagkanta. Pabor sa kaniya ang hiling ni Dudz. She wanted to catch up with Baron, one more hour would be great. Ibinalik niya ang pansin sa pinsan. "Okay."
"Thanks, Cuz. Gusto kitang yayain doon at ipakilala sa mga kaibigan ko pero baka magwala ka na naman kapag nagkaharap kayo ni Cayson." Ngumisi ito na ikina-ikot ng mga mata niya. "Stay here, but don't order any drinks. Kung gusto mo'y mag-milkshake ka."
*You have no idea, Dudz... *"Stop treating me like a fourteen year kid, kaya ko nang uminom ng alak kung gugustuhin ko." Oh no, bakit ko ba sinabi 'yon? Baka hindi ako hiwalayan ng tingin nito mamaya. At kapag nangyari iyon ay baka hindi kami magkaroon ng pagkakataon ni Baron na mag-usap.
*Oh, wait. Come to think of it... *Hindi kilala ni Dudz si Baron. At kung sakali mang lapitan siya ng dating kasintahan ay hindi mag-iisip ng mali ang pinsan niya— unless magiging overprotective ito?
"Walang problema sa akin kung gusto mong uminom ng alak, Rosenda, sa totoo lang. Ang inaalala ko ay baka pareho tayong pagalitan nina Tita at Tito kapag nalaman nilang hinayaan kitang uminom. Baka sa susunod ay hindi na sila pumayag na isama kita sa mga lakad ko," sabi ni Dudz saka ginulo ang buhok niya.
Tinabig niya ang kamay nito dahil nakaramdam siyang muli ng pagkahilo nang umalug-alog ang ulo niya. Dudz chuckled and left her.
Sinundan niya ng tingin ang pinsan na lumapit sa mga kasama. Nakita niya kung paano itong salubungin ng isa sa mga socialites na babae at bigyan ng basong may laman na sigurado siyang alak.
H'wag sanang malasing si Dudz... bulong niya sa sarili. Kung hindi ay dalawa kaming bagsak na uuwi mamaya at may sermon bukas.
Ibinalik niya ang tingin sa stage at nakitang patuloy sa pag-kanta si Baron. Pumihit siya paharap sa bar counter at nangalumbaba roon.
Hindi siya sigurado kung gaano siya katagal na nakatunganga lang doon at nakaupo sa bar counter. Sa muli niyang pag-ikot ng tingin ay nakita na lamang niyang unti-unti nang pumupunta sa gitna ang mga bisita para magsayaw. The DJ had played a disco music, which meant Baron and his band had finished their service. Inikot niya ang tingin nang mag-dim ang ilaw sa hall kasunod ng mga neon lights na umilaw at sumabay sa tugtog. Everybody was partying, and she was just waiting for Baron to come to her. Sana ay nakita nito kung nasaan siya...
Bahagya nang nawala ang hilo niya, but she's starting to feel tired and sleepy. Gusto na niyang magpahinga at matulog, pero gusto muna niyang makausap si Baron bago siya balikan ni Dudz.
"Do you want to try this, Ma'am?"
Nag-angat siya ng tingin nang magsalita ang babaeng bartender na nasa likod ng counter. May inilapag ito sa harap niya na isang glass pitcher at sa loob niyon ay may halo-halong scooped fruits na nakababad sa makulay na likido.
"What's that?"
"We call it the Melon Sangria, Ma'am. One of our specialties." Kumuha ito ng isang mason jar, nilagyan iyon saka inabot sa kaniya. "Please have some."
Mahilig siya sa mga makukulay na bagay lalo na sa mga prutas, kaya tinanggap niya ang jar at tinikman ang Melon Sangria.
She cringed a little.
Katulad ng kinain niyang cupcake kanina, the mixed fruit juice had a sweet, sour, and minty strong taste. Muli siyang sumimsim at gamit ang toothpick ay kinuha ang scooped fruits na nasa loob ng jar. Isa-isa niyang tinikman ang mga prutas na naroon, from the watermelon, cantaloupe, and honeydew melon. She drank the whole jar and ate the mixed fruits with gusto. Hindi siya makapaniwalang mabilis niyang naubos iyon.
Ang dalawang bartender na nasa counter ay namamanghang napatitig sa kaniya nang ibinaba niya ang mason jar na hawak at binalingan ang glass pitcher. Kinuha niya iyon at ininom nang diretso ang laman na parang tubig lang. Lalong namangha ang mga ito nang itinaob niya iyon sa counter saka siya dumighay ng malakas na ikinatawa niya.
Suddenly, she felt so light and happy.
"Ang hardcore niyo naman, Ma'am," manghang sambit ng babaeng bartender. "Akalain niyo't naubos ninyo ang isang bowl ng soaked fruits in vodka?"
Kinunutan siya ng noo, sandaling natigilan. "Vod...ka?"
Tumango ang bartender. "Iyon po ang alcohol na nakahalo sa kinain ninyong mga prutas."
"Alcohol?" Nanlaki ang mga mata niya. Hindi makapaniwalang naubos niya ang isang bowl na may lamang mga prutas na nakababad sa alak! Ni hindi niya nalasahan ang alak na naroon!
"We also made some boozy brownies and cupcakes, Ma'am. Would you like to try them?"
Boozy brownies and cupcakes? May bigla siyang naalala.
"How about the Pineapple Malibu cupcakes? I remember eating them earlier..."
"Oh, those cupcakes were made with Malibu rum, Ma'am. Nagustuhan niyo po ba?"
TO BE CONTINUED...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top